Sleeping Act #3
Chapter 3
Malas kahapon di ko siya na stalk. Nabalitaan kong umuwi na siya. Nalaman ko rin pangalan niya. Nakakatuwa. Masasambit ko na pangalan niya bago matulog sa gabi. Bagay na bagay sa kanya.
He is Alexander James Lanaya. Nickname,Alex or james. pero gusto niya Alex itawag sa kanya. Pero gusto ko naman,alex ang itawag sa kanya. He taking up Civil Engineering. 19 years old bachelor guy.He's on third year college. introvert siya. Walang friend. May sariling mundo palagi.
ito na nga,nagsisimula na ko. Hinanap ko sa facebook kung may account siya kaso naubos lang oras ko sa net cafe,di siya maghilig sa social networking site. What the heck, anti-social siya. But why?
Lumalakas curiousity ko. Gusto kong alam kung sino talaga siya. Kung saan angkan siya nanggaling,Kung sino yong manikang babae,at bakit anti-socila siya.
Umagang-umaga akong pumunta sa school. 6 a.m. unang estudyante ako kaya namangha si mamang guard at natawa sa akin. Tumago ako sa gilid ng gate. Aabangan ang pagdating ni Xander. Lumipas ang tatlong oras,grabe kapagod pala maghintay. Ngayon alam ko ng 8 a.m klase niya. Di na ko maghihintay ng three hours dito.
Lulan sila ng itim na sasakyan. Navarra ang pangalan. Unang bumaba si manika girl. Ang tipi ng sout niyang uniforme ng unibesirdad. May ribbon siyang itim sa leeg. Si Xander ang sumunod. May babaeng bumaba at hinalikan sa pisngi si Xander. Nasaktan ako. Wag ganyan,baka ate niya iyon. Pero bata pa eh,kasing edad namin ni Xander dahil bata pa ang mukha. Nakasuot siya ng midnight blue dress.Kinuha ko ang cellphone ko. Kinunan ko sila ng litrato. Tinitigan ko yong picture nila kaya huli ko ng namalayan na nasa harap ako ng gate at papalapit sila sa pwesto ko.
Binalutan ako ng kaba. Nanigas tuhod ko sa lupa. Nakita ko silang sumeryoso ang mukha. Naglalakad na parang walang alam sa nangyayari sa mundo. Tinitigan ko ulit mata nila,kulay itim na. Ano yong nakita ko noon? Hallucination lang ba iyon. Nilampasan nila akong di man lang sinita. Dumampi sa balat ko ang hangin na dala nila. Napakalamig. Galing ba sila sa snowland?
Matapos kidlatan ang utak ko. Sinundan ko sila. Pero pa simple lang. Kunwari palakad-lakad lang.Nilabas ko ulit cellphone ko. Kinunan sila ng litrato kahit anong hahakbangin nila.
Huminto ako ng nasa classroom na sila.Huminto si manika. Lumingon. Naku,baka nalaman niyang kanina pa akong sunod ng sunod sa kanya. Kaya ito tumago sa gilid. Hmm..pinahahalata ko naman na guilty ako eh. Paano ba ko makakaalis dito? Malamang binabantayan niya paglabas ko.
"Regine!"umakyat ang balahibo ko ng may malamig na kamay na humampas sa balikat ko.
"Aaah!"Tili ko.
"What the heck!"tugon niya na lumayo sa akin. Hinampas ko kasi siya ng kamay ko.
Binuhusan ako ng hiya nang matauhan. Di si manika ang sumambutan sa akin. Kundi si Noel Greene na sea green ang mga mata. Half-russian eh. Pinsan ni Richelle. Medyo crush ko noon. Thrid year college. Ah,tama. Nasa engineering building ako kaya nandito siya.
"So sorry. Kaw kasi ginugulat mo eh."apologize ko.
"Wala yun. Parang naligaw ka ata. Diba sa journalism building ka."slight siyang ngumiti.
"A eh,parang ganoon. Sige alis na ko ha!"sabi ko saka talikod sa kanya.
"Wait!"habol niya pero di ko pinansin. Tuloy-tuloy akong lumayas sa building nila.
Makalipas ang ilang oras,ilang araw,ilang linggo at ilang buwan. Tuloy-tuloy pa rin ako nagstu-stalk kay Alexander. Yay! Kaya tuloy-tuloy rin ang takot ko kay manika. May natuklasan ako. Pumupula,umiitim o di kaya gomu-golden ang mga mata niya. Grabe,ang hilig niya sa contact lens.
"Kamusta na ang detective game mo?"sita ni Richelle ng minsang tumambay kami sa starbucks coffee para magkape at magpalibre sa wifi.
"Still in progress."sabi ko saka higop ng kape.
"Wee,kinareer talaga ha."umismid siya saka pinindot ang ipad.
"Proffesion ko na ngayon maging stalker."
"Wrong,proffesion mo maging paparazzi dahil malapit iyon sa kurso mo."
"E ikaw di ka rin ba journalism?"
"Pero di ako stalker."yumuko siya. "Oy,nasa status ni Jess na uuwi siya this march."
Pumaskil ang tuwa sa mukha namin. Si Jessica Stine,uuwi sa graduation day. Ang isa pa naming bestfriend na nagmigrate sa canada. Malamang kasing puti na iyon ng kalapati.
"Balita ko model na siya sa canada."
"Wow ha! kainggit naman siya."anas ko.
"Hmm..ibabalita ko kaya sa kanya na paparazzi ka ngayon."
"Adik ka ha!"inagaw ko ang ipad sa kanya.
"Oiy ibalik mo yan."
"No."tinago ko sa bag. "pagusapan muna natin ang detective game ko."
Nangalumbaba siya. "Go!"
"Alam mo ba,mahilig siya magfootball. Tumambay sa library. Maglaro ng chess. At kumain ng apple. Napansin ko kasing may dala siyang apple palagi eh pero iniwan niya naman kung saan siya makupo."
"Then.."
"Then natatakot parin ako sa manikang babaing kasa-kasama niya palagi. Tila kasi nakikilala niya ako at alam niyang bumubuntot ako kay Xander."
yah,alam ni Richelle na Xander ang tinawag ko alexander james lanaya. Ibinahagi ko kasi agad kung may bago akong impormasyong nalalaman.
"Sino ba yon?"
"Di ko sya kilala."
"Malay mo girlfriend pala non."
"Hindi. Parang magkapatig nga sila."
"Ang mas mabuti pa. Tigilan mo na kahibangan mo. Wala ka namang mapapala eh."
"Wala kang pakialam. Gusto ko si Alexander. Gagawin ko lahat mapalapit siya sa akin."
"Okay good luck!"sinipsip nito ang kape.
"Bakit ang bitter mo ha. Kung ikaw nga makapagboyfriend hinahayaan lang kita sa kahit sinong magustuhan mo. Wag mo kong pakialam dahil di ikaw ang nakaramdam ng damdamin ko ngayon."singhal ko. Sumikip pa ang dibdib ko.
She tap my back.
"I'm sorry. Di ko sinasadyang ma offend ka."sabi niya.
Bumaling ako sa ibang direksyon.
"Please wag ka ng magtampo."
Tumayo ako. Kinuha ang ipad para ibalik sa kanya.
"Mabuti pa,walang pansinan muna ngayon. sige bye."bilin ko bago umalis.
Hay badtrip nawalan ako ng kaibigan. Ang bitter kasi eh. Sirado na ang bahay. Nakapatay na rin ang ilaw ng kwarto ni Mama. Sleeping beauty siya pero akoo insomiac beauty na. i can't sleep. Si Xander kasi ang laman ng isipan ko eh kaya ito tinamaan ang paa ko sa anumang bagay dyan sa doormat.
Napagitla ako. Yumukod para pulutin. A box. Para kanino to. Aha! Tignan ko nga. Kinuha ko ang mystery box at mabilis na umakyat sa kwarto.
"Take nothing but pictures without signs."
sabi ng sulat. May kadugtong pa. "Your dark prince will surely haunt you. So don't leave anything..beware."
kinabahan ako doon ha. Ano to,death note. Yay! Tinapon ko ang sulat at kinuha ang camera. Kung sinumang sender nito,salamat ha. Sana kung magbigay ka ulit. Wag kang gagawa ng deathnote. Nagbibigay ka nga pero may dala pang death threat.
stalker ang peg ko kay anak-araw! lels~ at saan galing yung box na may death threat? hambalusin ko nagbigay nun eh! >___<
ReplyDeleteMAs ngIgiNg excitiNg na,,,
ReplyDelete