Saturday, March 30, 2013

Cant Sleep: Chapter 6 [continuation of the story]


A/N: ito po ung dugtong ng can't sleep na nasa finish section na.. pardon me. Sana wag akong kidlatan ni Zeus sa pagiging psychotic ko.. 
Chapter 6

Mahigpit ang pagkahawak niya sa beywang ko. Bumubuhol ang hininga ko gaya ng pagbuhol-buhol ng hakbang ni Alexander James. Di ko alam kung saan na kami. Ang magagawa ko lang ay umiyak. Nagmamakaawa sa kanila. Malamang nag aalala na si Mama sa paghahanap sa akin. Kailangan makatakas ako dito.


Sa bilis ng takbo nila. Animo'y sumasakay ako sa bullet train. Nahihilo ako. Gustong sumuka. Hindi ako sanay sa ganito. Feeling ko,lilipad ako sa malayo kung sakali mang mabitawan niya ko.

"Anong ibig sabihin nito?"isang boses na nagpatigil sa amin.

"Phantom!"gulat na usal ni Emma.


"Kailangang matapos na ang kahibangan mo."asik ni Alex.


"Masyado kang pakialamero. At kayong dalawa,mga traidor!"singhal ni Phantom. Galit ang boses.

"Patawarin-"kinakabahang anas ni Manika.

"Tumahimik ka!"utos ni Phantom.

"Phantom,hindi tama ang umibig sa isang tao lalo na't dating bampira ang ninuno niya."sabi ng nilalang na bumuhat sa akin. May katigasan ang salita niya. Mariin niya naman akong binaba.


"Tao man o noxious kapag tumibok muli ang puso ko,di mo na kayang pigilan iyon!"papalapit sa amin ang boses nito.

"Matagal na siyang wala. Kalimutan mo na siya. Hindi siya ang babaing minahal mo."tinanggal nito ang sako sa ulo ko. Inirapan ako ni Phantom. Pumupula ang mga mata niya at tila nagaalala sa kin.


"Alam kong siya yan! Muling nagbabalik para ituloy ang naputol naming pagmamahalan."bumaling ito sa katabi ko. Kinuyom naman ni Alex ang kamao.


"Isa siyang lason para sa ating Pandemenium Vampires! Wala na si Rose ang totoong mahal mong hindi isang lason! Itigil mo yang ka-abnormalan mo!"

Naningas ang mga mata nito. Tumiim bagang. Kinuyom ang kamao.


"kung balak mong humadlang muli pwes di kita hahayaan. Nakalimutan mong ikaw ang dahilan kaya nawalay kami ni Rose."


"Alam kong nagkamali ako at di ko sinasadyang gawin iyon. Hindi ko mahal si Rose. Inakit niya ako para tulungan siyang lumayo sayo."

Ni isa sa pinaguusapan nila wala akong maintindihan. Sumusikip ang dibdib ko. Sino ang Rose na yan na pinagaawayan nila?


"Ikaw ang may sala. Nagpanggap ka na ako."


"Ni minsan di ko nagawa sa iyo yon. Ngayon ko lang sinubukan para ilayo ka sa kapahamakan."

Tumapon ng nakakaasar na tawa si Phantom.


"Gusto ko si Regine. Wala ka nang magagawa pa!"tumutig si Phantom sa akin. Lumukso ang puso ko.

"Marahil ito ang oras para tumigil na yan!"hinatak ako ni Alex. Hinila ang leeg ko. Nilabas ang pangil. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Bumaha lalo ang luha ko.

"Wag! wala kang karapatang gawin iyan!"pigil kaagad ni Phantom. Sinipa niya si Alex. Tumalsik ito at subsub ang likod sa lupa. Hinuli ni Phantom ang kamay ko. Niyakap ang beywang ko at binuhat.

"dito ka muna."anas niya na pinaupo ako sa ugat ng puno. Nakatitig si Manika sa akin. Yumuko ako.


"Gusto mo pala ng away ha!"sabi ni Alex na tumayo at hinatak ang kwelyo ng damit ni Phantom. Bago pa man makakilos ng nakakasakit si alex. Hinatak kaagad ni phantom ang kamay nito. Tinapon niya ito na tila basura sa daan.Kaya pala prinsipe siya dahil napakalakas niyang bampira.

"kita mo ang ginawa mo..almost 100 years yang di nagrambulan. Dumating ka eh,bini-bwesit mo naman sila. Tama si Alex,dapat kang mawala."hinatak niya ko patayo.

"Emma,wag kang makialam. Dinadagdagan mo sala natin eh. Mabuti pa umalis na tayo."sansala ni Noel. Tinitigan nya ito ng masakit biniya

Binitawan niya ako kaya bumagsak ang pwet ko sa ugat. Ang sakit ng impact. Nabalian ata ako. Maswerte ka dahil bampira ka. Tao lang ako. Walang kakayahan. Bago pa man lumayas ang makapanindig balahibong si Manika. Binigyan niya muna ako ng nakakasakal na titig. Delikado ang ganitong bampira. Mangangat kung walang pumipigil. Utang ko na ang buhay ko kay Phantom. Subalit hindi ko gustong pumasok sa nakakatakot na pangyayaring ito. Bakit ba kasi nasa huli ang pagsisisi. Kasalanan ko kaya humantong ang lahat dito. Sinusumpa kong wag maging stalker kailanman.


Bumaling ako sa kambal. Patuloy silang nagaaway. Parehong malakas. Parehong maliksi.
Hanggang sa siniko ni Phantom ang balikat ni Alexander. Napaluhod ito. Sinipa ulit ni Phantom. Tumalsik at sumubsob sa lupa ang mukha.

"Sa susunod na makialam ka siguradohing di ko alam."hulingbilin nito.

Niyakap ko ang sarili. Papalipat siya sa akin. Nangangatal ako. Tila galit ako sa kanya. Di ko alam. Naiinis ako. Gusto ko siyang suntukin sa mukha. Alam kong di ko magagawa iyon. Mas malakas ito kaysa Lion at Mas maliksi kaysa Cheeta.

"Are you alright?"tanong niya sa akin na hinawakan ang braso ko. Dumagdag ang lamig.

"Gusto ko ng umuwi."nangiiyak kong pahayag.

"Makakauwi ka pero sa isang kondisyon."kinabahan ako lalo sa sinabi niya. Inangat ko ang mukha."Kalimutan mo ang nangyari."

Pabulong iyon. Nakairap siya sa akin. Bigla ko na lang naisip ang nanay ko at ang huling araw ko sa school. May something na memory ang nawala sa akin. Nahilo ako at tumulog ulit.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^