Chapter 2 : Confused
Princess Haley's POV:
Unti-unti kong minulat ang mata ko. Ramdam ko parin ang sakit ng katawan ko sa byahe. Napatayo ako ng maalala kong nasa mundo na ako ng mga walang kapangyarihang tao.
Nasa isa akong gubat. Napakadilim dito at sobrang nakakatakot ngunit tinago ko ang takot ko dahil sanay naman ako pag nangangaso.
Nag-simula na akong mag-lakad kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta.
"Hey! Kelan pa naging monarchy ang bansa natin?"
"Piling maganda."
"Mas maganda pa ako sa kanya noh!" napatingin ako sa mga nagsasalita. Alam kong ako ang pinag-uusapan nila dahil nararamdaman ko iyon. Isa akong Luskade at kami ang pinaka-malakas na kaharian.
Tumigil ako sa harapan ng tatlong babaeng pinag-uusapan ako. Napatingin rin sila sa akin at inirapan ako. 'Flame.' I whisper. May lumabas na apoy sa gild nila at bigla naman silang napatakbo ng makita ito.
"Kyaaaahhh!!!" takbo parin sila ng takbo ngunit patuloy parin sa paghabol ang apoy sa kanila.
"Kyaaaahhh!!!" takbo parin sila ng takbo ngunit patuloy parin sa paghabol ang apoy sa kanila.
Nang mawala na sila sa paningin ko, tinignan ko ang damit ko. "Ano bang pinagsasabi nila? Wala namang problema sa damit ko ah?" pagtataka ko.
Naglakad-lakad pa ako ng mapansin kong nakatingin sa akin lahat ng taong madadaanan ko at tumatawa pa.
"Ate..." bigla akong napatingin sa batang babaeng nag-salita. Mga nasa labing limang taong gulang lang siya sa itsura nya. Matanda ako ng walong taon sa kanya.
"Ano iyon?" tanong ko.
"Pinagtitinginan ka na ng mga tao dahil sa suot mo. Hindi ka ba nahihiya dahil pinag-uusapan ka na nila?" pagtanong nya sa akin.
Nagtaka naman ako sa sinabi nya ngunit naalala kong nasa mundo nga pala ako ng mga tao.
Tumingin ulit ako sa kanya. Mayroon siyang nakalagay sa mukha na parang salamin.
"E-eh? A-ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko sa kanya. Matagal siyang nag-isip at tila nagdadalawang-isip pa siya.
"Bakit ko sasabihin?" sarkastiko nyang pagkakatanong saakin. Nagulat naman ako dahil ito ang kauna-unahang may sumagot sa akin ng pabalya.
Naguumapaw ang galit ko dahil ayoko sa lahat ng mga ganito. Tila gusto kong gamitin ang kapangyarihan ko sa kaniya.
"Oooooppsss... Huwag kang magkakamaling gamitin ang kapangyarihan mo sa akin.. Nandito tayo sa publiko at baka malaman nila ang tungkol sa iyo!" sigaw nya sa akin. Napatigil ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman?
"Sino ka?" muli kong tanong sa kanya.
"Psh. Hindi importante ang pangalan ko, ang importante ay ang damit mo. Halika!" hinila nya naman ako bigla. Hindi naman ako makaangal kaya hinayaan ko na siya.

Siya yung bata↑

***
Napatigil kami sa paglalakad dahil may ginawa siyang.....mahika?
"Tara na!" masayang wika nya at hinila ulit ako.
"Saglit.." napatingin naman siya sa akin. "Ano ang ginawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Spell?" nagtatakang wika nya. "Alam kong spell ang ginawa mo ngunit para saan ito." nagugulumihanan kong tanong.
"Fine, Fine! The spell I chanted is to keep people from staring at you. Understood?" naka-pameywang nya pang sagot.
Tumango lang ako at sinundan na siya papasok sa loob ng malaking bahay. "Bata.." muli kong tawag sa kanya.
"Tch. Mall to, Princess Haley Evangelie Luskade. Alam kong itatanong mo sa akin kung ano ang tawag dito." naiirita nyang tanong. Namamangha ako sa kakayahan niya.
"Done!" natapos rin kami sa pagsho-shoping-- yan daw ang tawag sa ginawa namin.
Ang raming hawak na lalagyanan ng babae at tila hindi pa siya nahihirapan. Iba narin pala ang suot kong damit. Salamat sa tulong ni....
Napayuko ako. Asan na nga pala ang aso kong si Hana?
"Salamat ah." sabi ko kay di-ko-alam-ang-pangalan-nya.
"It's ok. Wag kanang magbabayad, marami na akong pera." sabi nya. Napangiti naman ako sa sinabi nya. Napatigil ako sa paglalakad.
"Sino ka ba talaga?" muli kong natanong sa kanya. Ngumiti lang siya na dahilan ng pagtaas ng balahibo ko.
"Ako? Ako nga pala si Hannah Jewel . Isa akong taong may kakayahang magpalit ng anyo ngunit ang totoo ay isa talaga akong Taong Pusa. Pinagsilbihan ko rin si Prinsesa Haley Evangelie Luskade bilang aso. Ako rin mismo ang lumikha sa iyo..... Sa inyo. Ako ang may alam sa mga nangyari, nangyayari at mangyayari." binigay naman nya ang mga pinamili nya sa akin. "Sa iyo yan. Sa muling pagkikita natin, mahal na Prinsesa." at tila nawala siya na parang bula sa harapan ko.
Nagtaka ako sa mga sinabi nya ngunit narinig ko pa ang tinig nya sa isipan ko, 'Marahil ay pagod ka na, Ituturo ko sa iyo ang magiging bahay mo dito sa mundong ito at mapapalitan narin ang pangalan mo bilang Evangelie Brenee(Pronounce as Breney) upang walang makakakilala sa iyo.' rinig kong sabi nya.
Kahit naguguluhan ako, ginawa ko ang utos nya sa akin.
Author's POV:
Sa kaharian ng Luskade, nagkakagulo na ang mga iba't-ibang hari mula sa kanya-kanya nilang kaharian.
Maraming nababalisa dahil sa pagkawala ng prinsesa at marami ring nainis dahil hindi magsisimula ang Royalty Battles hangga't wala ang Prinsesa.
Samantalang ang hari't reyna ay nababahala sa mga nangyayari. Naiiyak na ang Reyna dahil sa pagkawal ng kaniyang anak ngunit pinakita nya sa marami na matatag siya ngunit kung sa loob-looban niyaý parang dinudurog ang puso niya. Si Prinsesa Haley ay paborito ng lahat ng kaharian dahil siya ay mabait at ginagalang ng marami.
Kasalukuyang nag-pupulong ang laht ng Hari at mga opisyales upang mahanap ang prinsesa dahil kailangan siya upang magsimula ang labanan.
"Nakakataas na Hari, ano na ang gagawin natin?" tanong ni Hari ng Bethelenia.
"Hindi ko pa alam, ngunit mayroon akong naisip na dahilan sa pagkawala niya." seryosong tugon ng hari.
"Ano ang ibig mong sabihin kamahalan? Nakipagtanan ba siya? Yun ba ang ibig mong sabihin?" wika ng isa sa mga hari.
Nais tumawa ng kamahalan sa narinig nya ngunit ito'y kanyang pinigilan.
"Hindi... Hindi iyon ang dahilan." sabi nya at bumuntong-hininga ito. "Marahil ay tumakas siya dahil ayaw niya ang Royalty Battles. Alam naman ninyo ang nangyari noon sa aking anak na si Liam diba?" napayuko nalamang ang mga ito ng maalala nila ang nakaraan.
"Kung gayon kamahalan, isa lamang ang puwedeng puntahan ng prinsesa, sapagkat hindi siya pwedeng pumunta sa aming kaharian dahil alam niyang pipilitin lamang namin siyang pumunta sa Royalty Battles o di kaya'y amin siyang isumbong sa iyo." wika naman ng isa.
Tumango ang ilan sa mga ito.
Napayuko rin ang Hari. "Ang Earth." bulong niya. Napatayo siya at agad na pinatawag niya ang isa sa kawal.
"Ipadala mo sa mundo ng mga mortal ang anak ni Haring Judias na si Pinsepe Knight." wika ng hari. Nandoon din si Haring Judias sa pulong na iyon at dahil alam niyang pinakamataas na hari si Haring Lucas, hindi na siya umangal.
_________________________________________________________________
Author's Note: Tsurii po sa late UD.. Nagkaroon po kasi ako ng writer's block ng mahigit 2 days kaya di ko masulat ng maayos ang UD ko.. Oo nga pala... Heheehe... Naalala ko, nakasali pala ako dito. Hayaan nyo na! Minsan lang ako nagkaganitong chance eh XD.
>>> CHAPTER 3 HERE
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^