Saturday, March 30, 2013

Can't Sleep: Chapter 8


Chapter 8


Pagulong-gulong ako sa kama. Kahit anong posisyon di ako dinadalaw ng antok. Ang sama pa rin ng pakiramdam ko parang makakalagnat ako. 
tiktak.tiktak. 
ginagambala ako ng huni ng orasan. Glow in the dark ang wall clock kaya makikita kung anong oras na. Alas onse ng gabi na pala.
Dug-dug.dug-dug.
Huni ng puso ko. May tao akong iniisip na gustong maalala kung sino siya at ano ang mukha niya. Ang hirap i-figure out.

Tumitig ako sa pumilipad na kurtina sa bintana. Fullmoon ngayon kaya maliwanag ang gabi. Na-stuck ang mga mata ko. May nakatayong anino ng lalaki sa likod ng kurtina. 

I quiver. Mabilis na bumangon. Nasipagtayuan mga balahibo ko. Hindi siya multo. Isa siyang mysterious phantom na may maskara. Lumabas siya sa kurtina.

"P-Phantom."namangha ako sa salitang binitawan ako.

"kamusta ka na?"halos matunaw ako sa rythym ng boses niya. Malamig pero nakakahalina. 

"Kinakabahan. Natatakot. Namamangha."usal ko. 

umupo siya sa tabi ko. "Wag kang mag alala. Andito ako,po-protektahan kita."

"Sino ka ba talaga?"tanong ko na kinagulat niya.

"Pilit kong binubura ang recent memories mo pero matapang ka. Isa ka ngang noxious. Anak ng dating may dugong bampira."anas niya. "Pero di pa ang panahon para malaman mo ang lahat."

"Nalilito ako. Bakit ka nandito palagi?"

"Nagbago ka nga. Marami ka ng tanong ngayon."

"Kailangan kong malaman ang lahat."

"Di pa maaari dahil mapapahamak ka."

"Sino si Alexander James?"bulalas ko. Tumayo siya. Naing golden ang mga mata. 

"Kalimutan mo na siya."sabi niya sa mataas na boses.

"Sagutin mo ko! Sino ka ba? Anong kailangan mo sa akin? Sino si Alexander James?"

Yumuko siya. "Isa lang ang maisasagot ko. Nandito ako dahil mahal kita."

"Mahal mo ko?"tinuro ko ang sarili. "Di nga kita kilala eh."

Lumapit siya sa akin. Inangat ang baba ko. "di na mahalaga iyon." hinalikan niya ko sa labi. Pumikit ako. Kaso pagmulat ko wala na siya.

the end of the night
we should say goodbye 
but we carry on
when everyone's gone..

tumunog ang cellphone ko. Bumangon ako at ngayon ko lang napansin na nakatulog ako. 

"Bakit?"sabat ko sa paos na boses.

"Tulungan mo ko! Si Mama at Papa."umiiyak si Richelle sa kabilang linya. May nangyari bang masama.

"Anong nangyari?"nakasampok na kilay kung tanong.

"Isa ng malamig na bangkay. Natagpuan ko silang nakahimlay sa sahig ng kwarto nila at lumulutang sa sariling dugo."lahad niya. "may sulat na binilin. Kung di daw ako titigil sa kakasalita-"

naputol. Nalaglag ang cellphone niya pero di namatay. Narinig kong tumitili siya.

"Richelle!"sigaw ko. Binaba ko kaagad ang cellphone at tumakbo pababa sout ang pajama ko.
Pagdating ko sa bahay nila. May lalaking sumalungat sa gate. Masakit kung tumitig. 

"Sino ka?"tanong niya.

"Isa kang bampira! Anong ginawa mo?"nagpanic ako dahil pumula mata niya eh. Kaso dumikit ang paa ko sa kalsada.

Nakakatakot siyang tumawa. "Maging noxious girl."lumapit siya sa akin.

"Alex?"nagsulputan lahat ng recent memories ko tungkol sa mga bampira. 

"Tagumpay. Oras na para isusunod sa kaibigan mo."sabi niya.

"Pinatay mo siya.."lumuha ako. "Ang sama mo! Sana ako na lang! Kasalanan ko lahat ng to eh. Kakainis ka."

tumawa siya. Nanlalamig ako. 

"Tama kasalanan mo ang lahat ng to. E kung di ka sana stalker sa kapatid ko. Di sana umabot sa ganito."

"Napamahal lang ako sa kanya."

"Yang pagmamahal na yan! Likas na dilekado kaya hanggat maaga pa,ihinto mo yan o baka gusto mo ako ang magpapahinto niyan."tumutig siya sa dibdib ko.

"Inaamin ko,di ko sinasadyang mapamahal sa kanya."yumuko ako."sana hayaan mo akong ibigin siya."

"Nilalason mo ang utak ng kapatid ko. Traidor ang mga noxious. Sige,kung itutuloy mo pa yan. Mawawala ang mama mo."banta niya. Niyanig ako.

"Huwag maawa ka."pakiusap ko.

"Isang inosenteng tao na walang kaalaman sa amin. Pagpatuloy mo lang. Magkakaroon talaga kayo ng happy ending."dagdag niya.

"Paano ko ba iiwasan ito? Lulubayan niyo ba ako kapag ni-refuse ko siya?"inangatan ko siya ng mukha kaya nalantad sa akin ang golden eyes niya.

"Depende."he shrugged. "mas mabuti kong umalis kayo sa lugar na to."

"Hindi. Dito kami pinanganak at dito rin kami mamamatay. Hindi kami aalis dito."

kumibot ang isang sulok ng labi niya.

"Paninindigan mong mamamatay ka nga dito. At ngayon mismo."lumapit siya sa akin at sinakal ako. "Isang matamis na dugo ang aking matitikman." he brush off my hair in my neck. Hindi ako makakilos. Halos mabali pa ang leeg. 

"Shade!"may sumulpot na lalaki sa likuran niya.

"A bad luck."anas ni Alex sabay bitaw sa akin.

"Subukan mong saktan ang mahal ko,mapapatay kita."sabi nito na lumapit sa amin. Madilim kaya di ko malinawan ang mukha nila.

"Sinubukan ko na nga. Oh ano na? Magpatayan na!"as in nakakairita si Alex. Kontrabida nga.

"Bakit ba ang hilig mong makialam?"

"Ang gusto ko lang ay mawala na ang noxious na to."

"Napanutunayan kong hindi siya Noxious. Nagkakamali ka sa hinala mo. Walang isa sa pamilya niya ang sangkot sa pagiging bampira."

Malamang siya yong lalaking nakita kong kausap si Mama at nakasabay kong pumasok sa school. Binabantayan niya ko. Mahal niya nga ako. Ito ang exotic love life. Too risky.

"Itakas niyo siya Emma at Noel."sabi ni Phantom sabay appear ng dalawang bampira. Kinuha nila ang magkabilang braso ko. Binuhat ako at tinakbo sa malayo kaya di ko alam kung nagaway nga sila. 

"Saan na tayo?"tanong ko ng binaba nila ako sa may sofa.

"Nasa mansiyon ni Phantom."

"Bakit?"

"Dahil napatunayan ni Phantom na di ka isang noxious,di na kami kokontra."sabi nong Noel.

"At may balak pa yatang gawin kang prinsesa."dagdag ni Emma.

"Ano?"reaksiyon ko."Hindi maaari!"

"It's too late. Kung hindi ka sana matapang,wala ka dito ngayon. Yan ang kinahahantongan ng mga stalker."

"Hindi ko sinasadya."

"May ganoon pala sa love."inirapan niya ako."tumitibok yan ng di sinasadya. Mas okay sana kung sinabi mong unexpected. Kaloka."
diin niya ang hintuturo sa dibdib ko. Makirot iyon. Tila tinusok ng patalim.

"Mabuti pa,take a rest and accept your fortune."sabi ni Noel.

Tinutop ko ang aking mukha. Humikbi ng tahimik.

"At saka wag kang lalabas hanggat di pa dumadating si Prince Phantom kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo."bilin ni Emma na kinataaas ng balahibo ko. 

"Good luck to our future Pandeminuim princess."


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^