Sunday, February 3, 2013

Can't Sleep: Chapter 4


Sleeping Act #4
Chapter 4


"Kailangan siyang mawala."sabi ng babae sa malamig na boses. Halos pabulong iyon pero nararamdaman ko ang dala nilang hangin. Nasa gilid sila. Matangkad na lalaki ang kasama niya. Nakasout ng itim na t-shirt. Madilim ang palagid kaya di makita mukha nila.
Hindi ako makagalaw. Nasa loob ako ng bangungot ko. Ang hirap huminga. Ang hirap tumakas sa dalawang nilalang na may pangil.

"Huwag!"pigil ng lalaki sabay hawak sa braso ng babae."Hayaan mong ako ang tatapos sa buhay niya."

"oh sige..Sayo na yan."winaksi ng babae ang kamay niya at umatras. Lumapit siya sa akin. Nakapaskil ang pangil niya. Handa na kong patayin. Hindi ako makasigaw. Hindi ako makakahingi ng saklolo. Malamang tandaha ko ng matapos ang buhay ko ngayon.

Pero teka,sino ang mga ito? Bakit nila ako gustong patayin? No! Panaginip lang to! Di totoo. Hindi ko pwedeng hayaang malunod ang sarili ko dito. Tumakas ka regine. Gumising ka..subalit..

"Ano pa bang ginagawa mo? Patayin mo na!"sita ng babae sa medyo galit na boses.

"Ang babaing to..parang.."

"Ano ba? Ako na lang ang papatay!"lumapit ang babae at tinangka akong kagatin pero tinulak siya ng lalaki.

"Binabalaan kitang huwag mo siyang sasaktan! Ako ang makakalaban mo!"sabi ng lalaki na kinagulat ko.

"Huwaat? Gusto mo talagang alamin ng babaing yan ang lahat ng tungkol sa atin. Alam mo namang bawal iyon at kung sinumang magtapang-tapangan na makialam sa buhay natin ay pinapatay!"

"Wala na akong pakialam doon! Kakaiba ang babaing to. Pinatibok ng patay kung puso."

"Kabaliwan! Tayong mga undead na ay di pwedeng umibig sa mga tao! Matinding kaparusahan ang aabutin mo dyan! Kaya maaga pa,itigil mo yang nararamdaman mo!"

"Wala kang karapatang manipulahin ako. Mabuti pa umalis ka na,wag munang magpakita sa akin at kahitkailan wag ka na muling makialam sa buhay ko!"taboy niya.

"Hindi ka na si Phantom na kilala ko. Nilason ng babaing yan ang utak mo! Kapag malaman ito ni-"

"Utang na loob umalis ka na!"sigaw niya.

"Bahala ka!"tumalikod ito at sa isang kislot ay naglaho. Bumaling ulit ang lalaki sa akin.

"Ito lang ang tanging matatanggap mong kaparusahan sa akin."yumukod siya. Lumapit sa leeg ko. Bumilis ang tibok ng puso. Hanggang sa maramdaman ang kunting kirot na tila kagad ng ahas sa leeg ko. Sa pangyayari iyon,naimulat ko mga mata ko at nagkaroon ng liwanag. Umaga na pala. Ang terrible ng nightmare ko. Buti di ako nalugmok sa bangungot ko. Ito pa rin ako buhay pero nakita kong may dalawang maliit na butas sa gilid ng leeg ko. Buma-violet siya. Nasa harap na ko ng salamin. Bumibihis ng uniforme. Pupuntang school at aalamin... i trails off..bigla akong sinuklaban ng takot. Paano kung si manikang babae at si Xander ang nasa panaginip ko. No! Hindi totoo iyon. Dala lang iyon ng twiligt saga na pinanood ko. Walang bampira sa modern era. Aswang lang ang meron. Kung meron nga.

"Hoy! regine,ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa tulala dyan?"natauhan ako ng dumagundong sa tenga ko ang matinis na boses ni Richelle.

"W-wala"nataranta kong tugon.

"Ano ba yang nasa leeg mo? Sino bang kumagat nyan?"nakita niya ang serpent bite ko.

Tinakpan ko ng kamay iyon. "W-wala. Bat ang dami mong tanong?"makirot ang kagat ng insekto. Nahilo ako kasi parang naubusan ako ng dugo. Hindi naman ako nagpupuyat eh.

"At ang putla mo pa? Nagpuyat ka ba sa panood ng movies?"

"Richelle naiirita na ko! Pwede ba tumigil ka na sa kakatanong!"bulyaw ko. Kakaayos lang nga namin noong isang araw. Ngayon aaway na naman. Naku,ayoko nito. Tss..naiirita kasi ako sa araw na to. Di ko alam kung bakit.

"Concern lang tao."lumungkot siya.

"Sorry."dinampi ko sa kamay niya ang palad ko.

"Tama ang sinabi mo noong isang araw,talagang di muna tayo maguusap."kinuha niya ang kamay. Tumayo at iniwan ako.

"Badtrip naman oh!"hinampas ko ang mesa. Kaya nagsititigan mga schoolmates ko. Nasa library ako,lumilikha ng ingay. Hinablot ko ang bag ko at lumabas.

bwesit,bwesit na ang araw ko simulang napanaginipan ko iyon at nagkaroon ng serpent bite sa leeg. Gusto kung sumabog. Nasa puso ko na ang takot. Siguro dapat ko ng itigil ang gawain ko. Pero ayoko,mahal ko na siya at gusto kung alamin ang buhay niya.

Tyempong pagliko ko,nakita kong nakaupo si Alexander sa gilid ng building. May hawak siyang apple. As usual itim ang sout at himala di kasama si manika. Imbis na kiligin ako sa kaba. Kinabahan ako sa takot. May something sa kanya na tinatakotan ko. Malamang may kinalaman ang damit niya. Iyon ang damit ng lalaking kumagat sa akin sa nightmare ko. At hindi ko matatanggap na siya iyon. Umatras ako. Tinalikuran siya.

Lumipas ang mga araw at gabi. Palagi siyang nasa panaginip ko. Hina-haunt ako pero kinakausap ako. Minsan kinakagat ako. Hanggang ngayon clueless ako kung sino siya. Pero di ako tumigil sa kakastalk kay xander. Winala ko na ang takot ko. Malaya na nga akong nakikibuntot sa kanya dahil wala na si manika. Kaya marami na akong picture niya. Pero si phantom sa panaginip ko. Andyan palagi para takutin ako. Sino kaya siya.

Hapon ng byernes. Naglalakad ako sa hallway magisa. Wala na bestfriend ko eh. Humanap na ng ibang friends. Ang sama diba? Weird daw kasi ako. Kinakabahan sa madidilim na parte ng alley pero pinapatatag ang sarili.

Sa hindi ko namalayang pagkakataon,biglang sumulpot si Manika. Nakatitig ng malalim ang nakakasolasok niyang golden eyes. Papasalubong siya. Malay natin,bigla niya kong sakalin. Kaya ito nagsipagkarerahan ang heartbeat ko. Nanginig ang tuhod ko. Kumuryente ang katawan ko.

kumibot ang gilid ng labi niya. Pasimple siyang humakbang. Deri-deritso na para bang walang nakikita.

"Take nothing but pictures but don't leave a sign.."bulong niya ng mapalapit sa gilid ko. Umakyat sa spinal colon ko ang lamig.  "Hope you'll enjoy sleeping every night and don't dare to say i can't sleep. i won't spare you."

nanginig ang boung katawan ko. Pumilipit ang dila ko. Delerium! Delerium na to! Ngumisi siya at mabilis nawala.

Matapos siyang mawala. Bumagsak ang pwet ko sa sahig. Naiiyak sa takot. Pasalamat pa rin ako dahil di niya ko sinaktan. Di ko na alam ang gagawin ko. Hanggang sa..may humakbang na lalaki sa harap ko.

"you want an apple?"sabi niya na kinaalog ng utak ko. Si Alexander James to eh. Memorise ko na boses niya. Always yang naka-play sa utak ko. Nasa repeat mode nga yan eh. Ano tong ginagawa niya?

Inangat ko ang ulo ko. "I'm sorry.."sabi ko sa paos na boses.

"Wala kang kasalanan."sabi niya na umupo para titigan ako. Niyanig ako sa golden eyes niya. Pareho sila ni Manika.

"I'm stalking on you eversince.."tinigil ng malamig niyang hintuturo ang bibig ko.

"Yeah I knew,hinayaan lang kita. Pero hindi pala tama iyon dahil nilalagay mo sa piligro ang buhay mo."sabi niya.

"Hindi ko naiintindihan..di ko alam.."

"Naalala mo ba si phantom? Iyong sinabi niya?"kinuha niya ang daliri sa bibig ko. Tumango ako.

"Handa siyang protektahan ako kung sakalimang mameligro ang buhay ko.. Pero di siya totoo panaginip lang iyon."

"Isa ka ngang Noxious. Delikado sa amin."











3 comments:

  1. what the!!! na-break kami ng espren ko dito!!! NOOOO!!! break talaga? =______=

    at ito namang si alex, f na f pala na ini-stalk ko siya kaya hindi ako pinigilan!!! ayan tuloy, nalagay sa panganib ang life ko... pero carry lang, ngayon dapat niya akong ipagtanggol! euhahaha!!! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. uU ngA atEy, nAg breAk kAu ni atEy richeLLe,,, hWaheHe,,,

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^