Friday, February 1, 2013

Can't Sleep: Chapter 1



Chapter One


Dito nagsimula ang lahat... Nasa pila kami ng cashier ni Richelle. Marami kaming nakapila. As if may audition lang ang pinoy x-factor. Ang init at maingay pa. Maraming nagrereklamo sa slow service ng dalawang cashier. Hmf,di na ko nasanay. Ganito talaga sa universidad kapag exam period. Final examination na. Kaunting tiis na lang makakagradwyet na ako bilang journalism.

"Regine tignan mo siya!"bulong ni richelle sa tenga ko. Humaba ang nguso niya na tinuturo kung sino ang tinitignan niya para makita ko. "So weird."

yap,yong guy na nakasout ng black t-shirt. exotic ang mukha niya kasi anak-araw siya. Ang puti niya. Blonde din ang buhok na gaya ng hair style ni Alex pettyfer. Nakasandal siya sa gilid habang nakayuko. Sino hinintay niya? Ako ba?

"oy!"tulak ni Richelle kaya halos umigtad ako. Sinalpukan ko siya ng kilay.

"Makatitig ka wagas. Bakit? Naakit ka ba dyan?"sabi niya sa matinis na tono.

"For what? Hindi ko kilala ang freak na yan. Isa pa,di ako interesado sa kanya."

"Wee?"

Kumibit balikat ako. Bumakante sa harap ko.

"Wag mo nga akong asarin. Badtrip na nga ako sa pila dito eh."asik ko.

"adik di kita inaasar eh. Umusad ka na nga baka mabulyawan pa tayo sa likuran eh."sabi niya na tinulak ang likod ko para humakbang.

matapos mawala ang atensiyon namin sa isa't isa bumaling ulit ako sa lalaking nakasandal sa gilid kanina kaso naglaho siya na parang bula. Hyss,sayang. Di ko na obserbahan ng maigi ang mukha at ayos niya. Kinalimutan ko ng sandali. Hanggang matapos ang session namin sa cashier.

"ang sabi mo kanina di ka interesado,ngayon interesado ka na. Kumain ka naman siguro ng chocolate kaya umandar yang kamanyakan mo."asar niya.

"Adik ka. May something mysterious sa lalaking iyon na gusto kong alamin."

"Huh? Ginagaya mo ba si Bella Swan ng twilight saga?"she lean on me closer. Naglalakad kami sa hallway papunta sa next class nitong hapon.

"Yey! vampire don't exist. Isa pa fiction lang yun. Paano maging vampire ang lalaking iyon eh parang gangster o di kaya troublemaker ang mukha niya eh."

"Eh,malay mo lulung iyon sa droga?"

"di makakapasok mga adik dito. Every semester nag da-drug test ang university kaya."

"okay i'm wrong. Your right so do want you want. But remember always take care."

"oh yes! Mother Richelle."

"Dont call me mother. Eww!"linayasan niya ko na kumikinding.

"Bitch! Yun ba gusto mo?"

"Im not a dog. I'm a kitten."sagot niya. Ngumisi lang ako. Si espren talaga.


Fast forward,matapos ang session ng clase sa major ko. Ako ang mag isang uuwi dahil may date ang espren ko sa newly found jowa siya. Kaiingit nga eh,nbsb ako. Walng jowa. Walang ding manliligaw. Di ko alam kung bakit. Nagpapaganda naman ako. Bumibihis naman ng sunod sa uso. Kaso..baka ayaw nila dahil four eyes ako. May salamin ako maninoy. Malabo na mata ko since birth. Over naman sila,para yun lang ayaw nila agad sa akin. Mabuti na nga itong walang boypren,di sakit sa ulo.

Bitbit ko na exam permit ko. Portfolio ko. Limang libro at shoulder bag. Lakas naman ng simoy ng hangin. Ah,makapal ang ulap. Uulan. Wala akong
payong kaya kailangan makauwi na ako kaagad.

tahimik akong naglalakad papalabas ng building nang sinambulat ako ni anak-araw. Waah! Hirap paniwalaan na kasabay ko siyang maglakad.  bumaling ako sa kanya pero di siya bumaling sa akin. Dire-diretso lang siya. Taas noo pa. Ang tangkad niya. Mestiso amerikano ba siya? Iba beauty niya sa pinoy lads eh. Ilang taon na kaya siya? Hyss..

sarap obserbahan ang mukha niya kahit nakaside view. Ang tangos ng ilong eh. Sarap pisilin. Wonderstruck na ko. Pagkatapos nilo,love lust na. Wag lang sana,ayaw kong maging obsesses.

Bam! Nahulog lahat ng dala ko. Natapilok ako sa maliit na hagdan pababa. Naku! Kakahiya. Na out of balance ako. Babagsak na ang pwet sa hagdan. Matinding aray aabotin ko nito.

Pero bigla niyang hinawakan ang beywang ko para pigilan ang paghulog ko. Ang bilis niya. Kaagad niya kong nasalo. As if si The flash lang. Your my man. My hero.

Naghiyawan ang inner self ko pero mistulang bato na sa braso ni anak-araw. Ang lamig niya kaya nahawa ako. Suddenly,its magic. Nagkasalubong mata namin eh. May panganib siyang titig pero may halong kalungkutan. Peircing golden eyes. Lumaki ang mga mata ko sabay buka ng bibig. Bakit kakaiba ang mata niya? Ah,malamang ganyan mata ng mga anak-araw. Di ko kasi nakikita ng malapitan mga mata nila eh.

"Sa susunod,tumingin ka sa dinadaanan mo kesa mangabala ka ng iba."bulong niya sa malamig na boses ng matapos akong tulungan sa pagtayo ng matuwid.

"sorry.."sagot ko pero tumalikod siya. err! Walang manners and right conduct to. Sana matapilok ka.kaso wala namang nangyayari. Ito umuwi akong namumula sa bahay.

"Whats the matter hija?"tanong ni mama nang mapansin ang mukha ko.

"inlove ho."tinatamad kong sagot habang binagsak ang sarili sa sofa.

Una nagulat siya. Pangalawa,ngumiti na parang clown. Pangatlo,lumapit siya sa akin para magtanong.

"Kanino? Wow! Dalaga na ang anak ko. Sana makakaboyfriend ka na!"ay si mama,hmf. Sana nga makaboyfriend na ko.
"Kay anak-araw ma pero di ko siya kilala."tumayo ako at tumungo sa kwarto. walang gana magkipagusap ngayon. masakit ang ulo ko.



3 comments:

  1. woW mAgkSamA p riN tLga aNg mAg-esPREn haNggAng dtO,,, hwAHehE,,,

    ReplyDelete
  2. ang gulat ko naman, pati pala si espren ko, nandito din! hahahaha!!!

    ReplyDelete
  3. oy teka?? ate rich is here too!! naks,baka sumikat ka ng bonggang bonga ate rich not as an online writer,sa dami ba nman ng roles mo.. haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^