Saturday, March 30, 2013

Can't Sleep: Chapter 9


Chapter 9

Shade. Nickname ni Alexander James Lanaya sa mundo ng dilim. Ang kakambal ni Phantom. Isang dauntless and reckless. Maamo ang mukha pero delekadong kumilos. Lalo na magdesisyon.

Ang pinagtataka ko ngayon,paano nila nalaman at pagbantaan na isa akong noxious at ngayon pinatunayan ni Phatom na di kami ganoon ng ancestor ko. Nalilito ako. Mas komplikado maging bampira. Kaya ayaw kong maging katulad nila.

Sabi nga ni Emma,it's too late. I chose this destiny so I must accept it wether I like it or not. Maging isang bampira. Maging prinsesa nila. Kalokohan.


*screech*
huni ng pintuan. May papasok. Hindi ako nakakahinga ng maluwag. What if si Alex to. Patay ako.

"Regine?"si Phantom pala. Bumilis ang tibok ng puso ko.

"Sana mapatawad mo ko."sabi ko ng matanaw siya.


In one blink nasa harap ko na siya. "Wala kang kasalanan."anas niya na hinipo ang pisngi ko.


Umiling ako. "Kasalanan ko kaya nagaaway ako. I'm a stalker freak. "


"Ssh..hindi. Malamang tadhana mo to."inangat niya ang mukha ko.


"Paano niyo nasasabi na noxious ako?"tanong ko.


"Dahil sa mga mata mo. Inakala ni Shade na purple ang mata mo. Malamang dala iyon ng liwanag. Alam kung di ka noxious. I tested it. Pinatunayan ko sa mata ng ina mo. You have an amber eyes like mine when i'm a human."


"Nalilito ako sa inyo? Mahilig ba kayo mag-category ng lahi niyo?"


"Nahahati kami sa tatlo. Ang Pandemenuim,Vangourd at evanescences."


"Ang noxious?"


"I don't consider them to be one of us. They're trash vampires. No,a former vampires."


"What if noxious ako?"lumayo ako sa kanya.


"Hindi. Hindi ka isang noxious. You're a human and I want you to be my Pandemenium princess."


Yumuko ako. Tumulo ang malamig na luha. "If you really love me,could you give up your plan? Could you give me a freedom?"


He squinted. Angered came rushing to his nerves. He definately protest it. I know it right. Somehow,gagawin ko ang lahat. Mabago ko dapat ang isip niya. i don't want to be like him. I hate dark. I hate isolation. I hate mesirable life. I hate vampires.


"Pero ito lang ang paraan para tigilan ka ni Alex. Gagawin kitang bampira. Magsasama tayo. Diba mahal mo naman ako?"hinawakan niya magkabilang balikat ko.


"Oo mahal kita pero ayoko. Please kung mahal mo ako,bibigyan mo ko ng kalayaan. Lalayo ako sa lugar na ito at di na gugulo sa inyo kahit kailan."


"Ayokong mapahamak ka."bulong niya.


"I could protect myself."umatras ako at hinablot ang stake sa mesa. Kanina ko pa iyon tinitigan. Magpapa-buffy the vampire slayer ako. Inangat ko at tinutok sa kanya ang matulis na dulo.


Umiling siya. Naging balisa.


"Nakikiusap ako. Bigyan mo ko ng kalayaan."


Yumuko siya. "Tutol man ako pero dahil sa pagmamahal ko sayo. Oo maaari ka ng umalis."


Dala ng gulat at saya. Kahit dilekado man, niyakap ko siya.


"Maraming salamat."bulong ko sa tenga niya.

Hinalikan niya ang leeg ko. Alam kong may pagnanasa siya sa dugo ko pero pinipigilan niyang wag akong kagatin.


Alas singko ng umaga ako nang makarating sa bahay. Gising na si mama dahil maingay ang kettle sa kusina. Umakyat ako sa itaas. Niligpit ang mga damit.

"Anak saan ka pupunta?"tanong ni Mama.


"Aalis na ho tayo dito Ma."tugon ko habang pinapatuloy ang pagtutupi ng damit.

"Bakit?"gulat niyang saad.


"Hindi na tayo ligtas dito. Hina-hunt tayo ng isang bampira. Gusto niya kong patayin."


"Hindi. Kabilin-bilinan sa akin ni Gabriel James na manatili tayo dito."pumula ang mga mata niya. Nagulat ako. Isa siyang bampira. Sino si Gabriel James?

"Ma,isa kang-"


"Oo anak. Kailangan mong pakasalan si Gabriel James. Iyon ang ikakatahimik natin."


"Ayoko ma! Ayokong maging tulad niyo! Hindi ko mahal si Phantom!"binuhat ko ang maleta at bumaba.


"Niloko mo ang Prinsipe."sumunod siya sa akin at huminto sa harap ko.

"Minahal ko siya dati. Ayoko na sa kanya ngayon. Ayoko na rin sayo mama. I hate vampires! Please,pabayaan mo ko!"


Bumagsak ang balikat niya at hinayaan niya akong umalis. Tumungo kaagad ako sa bus station. Pupunta ako sa manila. Titira kay Tita Margaux at maghahanap ng trabaho.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^