Saturday, March 30, 2013

Can't Sleep: Chapter 10 [The End]


Chapter 10




Limang taon  ang nakakalipas. Di ko sinabi ang totoo kay Tita. Sinabi kong namatay si Mama. Pinatuloy niya ako sa tahanan niya at pinag-aral ulit. Ngayon,graduate na ko at isang journalism. Nagtatrabaho sa publishing company.



Maraming bagong kaibigan. Kinalimutan ang nakaraan. Ginawang normal ang buhay. Sinikap mapalago ang sarili at handang humarap sa kinabukasan.



Maaga ang out ko ngayon. Timing birthday ni Tita. Bibilhan ko muna siya ng paborito niyang Spaghetti at Pizza pie bago umuwi sa bahay. Matapos non,dumeritso ako sa LRT. Maraming taong papauwi kaya medyo masikip. Abala sila at walang pakialam kung sinuman mabangga nila.

Hindi ko nga sinita yong isang malaking lalaking bumangga sa akin. Malamang mapahamak pa ko.



Nagraragasa ang mga tao kaya di ako makakatitig ng malinaw sa dinadaanan ko. Kaso bigla kong napuna ang matangkad na lalaki. Hindi kalayuan sa akin. Nakaitim na jacket at matamang tinitigan ako. Nasindak ako. Bumalik ang alaala ko sa nakaraan.



"Shade.."kinapos ako ng hininga. Yumuko at mabilis na tumakbo papasok ng train. Bakit ganito ang kaba ng dibdib ko? Tila aatakehin ako sa puso. 23 anyos pa lamang ako,please wag kang maghijack arrest. Hallucination ang lahat ng yon.



"Happy birthday Tita!"bati ko nang makarating sa bahay. Sinalubong niya kong nakangiti.



"Aba! thank you anak. Di mo talaga kinalilimutan birthday ko."sabi niya.



"Oo naman.mahal kita eh."



"Ayy.ang sweet. Pa dawn zulueta hug nga."



She hug me tightly like her long lost daughter. yep, Tita Margaux loves me like her own daughter. she had two lovely daughter,Meghan and Ysabelle but both of them already settle down. Today,andito ang dalawang pinsan ko. dala ang mga anak nila

Masaya kaming pinagdiwang ang kaarawan ni tita. hanggang sa matapos at nasipaguwian ang lahat.



Nasa kwarto na ako. kakatapos lang mag-half bath. pumapalit na ng damit pangtulog. bukas maaga pa akong aalis dahil may bago akong aapplyan. matagal na ko sa publishing company eh kaso di pa rin umi-increase ang sahod ko kaya subukan kong pasukin ang maging field reporter. may urgent hiring sa bagong radio station sa Marikina kaya samantalahin ko iyon bago pa ako maunahan ng iba.



Bumuntong hininga ako bago lumapit sa bintana. madilim ang gabi. Marahil new moon. Malamig pa ang simoy ng hangin. Sisiraduhin ko nga muna tong baintana. Teka,napuna kong may lalaking nakatayo sa gilid ng poste. parang nakatitig siya sa akin. kinabahan ulit ako gaya ng nararamdaman ko kanina sa LRT. Di ko maipaliwanag ang lahat. may pumasok na lang sa isipan ko na may mangyayaring masama ulit. ayoko. tapos na yon. wala na yon. matagal ko ng binura ang lahat ng iyon. Pati si mama kinalimutan ko na nga. sino ba to? bakit ba siya nagpapakita? Ako na nga lumayo eh para bigyan sila ng katahimikan. Ngayon,sinusundan ako. Napatiim bagang ako, dali-daling sinira ang bintana.



"Alis na po ako Tita."lisensya ko sabay halik sa pisngi ni tita bago umalis. kasalukuyang kumakain siya ng agahan. di na ko kumain. bumaon na lang ako ng sandwich para wag mahuli sa ina-applyan ko. Ma-traffic dito sa Manila eh.



"Mag iingat ka nak."bilin niya.



"Opo."sagot ko saka sinara ang gate. Pinara ko ang papalapit na taxi. Err! kinalabutan ako. Nandoon sa gilid ng pader ang lalaking nakita ko sa LRT kahapon. Nakatitig siya sa akin. Isang masakit na titig. Nakita ko na mukha niya. Kaya nahirapan akong kumurap. siya? Niri-resbakan niya ba ako? halos ma-iyak ako pero bumosena ang taxi kaya napalundag ako.





"Ano di ka pa ba sasakay?"sita ng driver.



Yumuko ako. "Syensya na."anas ko at dali-daling pumasok.



“You’re hire.”wala ako sa sarili nang pinahayag iyon ng Human resource manager.   “Po?”err. mistula akong bingi.



Tinaas niya ang kilay. “Congrats,youre hire.”sabi niya ulit na tumayo.



Nagulat ako. Tumayo. Late reaction ang ngiti. “Thank you po.”I shake his hand.



“Bukas na bukas mismo pwede ka ng magsimula sa trabaho mo.”sabi niya.



Tumango ako. “Opo.Thank you po ulit.”yumukod ako at marahang lumabas.



Err! Pwede ba Regine,tigilan mo na ang pagiisip sa nakaraan. Past is past. Isipin mong importante si future. At ngayon tila di ka pa masaya na natanggap ka sa trabaho. Ano ba? Swerte ka ngayon kahit na may nilalang ulit na mag te-threat ng buhay mo. Ahh! Malamang nagkataon lang yong lalaking tumitig sa akin ganina. Baka napadaan lang yon o napatambay dahil walang magawa sa buhay. Pwede,burahin mo na yan sa isipan mo!

“Regine!”may tumawag sa akin. Lumingon ako. Si Karen pala. Ang bago kong kaibigan.

Tinaasan ko siya ng kilay. ‘Bakit di ka pumasok ngayon?”tanong niya kaagad.

“Eh kasi mag re-resign na ko.”

“Huwaaat?”

“Oo tanggap na ko sa bagong inapplayan ko.”lahad ko. “Eh bakit naparito ka?”

“May binili lang ako sa palengke. Di ko alam na Makita kita.”inform niya. “Wow! May new work aga-agad?”

“Nagulat nga ako eh. Sa 50 kaming nag apply ako kaagad ang kinuha.”

“Malamang swerte ka sa araw na to.”ngumit siya. “Oh,siya mauuna na ko. Kailangan na ni Mama ang pinambili ko eh.”

“Okay take care.”bilin ko.

“Kaw rin.”sabi niya na tinalikuran ako.

Alas singko ng hapon na ko ng makauwi ng bahay. Natagpuan ko si Tita Marguax na nagbibinyag ng orchids.

“Mabuti andito ka na.”sabi niya.

“Bakit po?”

Ngumiti siya. “May manliligaw ka.”kumislap ng violet ang mga mata niya. Nanginig ako.

“Hindi!”umatras ako. “Andito siya.”

“Oo halika. Kausapin mo siya.”hinatak niya ang kamay ko.

“Tita! Huwag!”sigaw ko. “Gumising ka!”

“Ano bang pinagsasabi mo anak. Gising ako noh?”

“Nasa ilalin ka ng hypnotismo niya!”I exclaim.

“Natitimang ka anak, Halika,alam kong magugustuhan mo siya kaagad.”kinakaladkad ako ni mama. Nanginginig ako sa takot. Gusto kong sumigaw.

Pagbukas ng pinto. Nanghina ang kalamnan ko.Tumulo ang mga luha ko pero walang pakialam si Tita.

“Regine.”sabi ng malamig na boses na kilalang-kilala ko at hindi ko malilimutan. Ang boses na may halong death threat.  “Titigan mo ako Regine.”

Papalapit siya sa akin.

“A-Ano pa ba kailangan mo?”nauutal kong sambit.

“Marami. Lahat ng iyon ay kailangan mong pagbayaran.”inangat niya ang panga ko. Sumukip ang dibdib ko. Halos mapapatid ang hininga. Kumikirot lahat ng parte ng katawan ko. Tila ako’y sasabog.

“Ssshh.. I’m modest.Wag kang matakot. Di naman kita sa sasaktan eh.”anas niya.

Tuloy-tuloy lang ang agos ng luha ko.

“Malaki na nga ang pinagbago mo. Mas matured at Maganda ka na ngayon at kamukhang-kamukha mo na siya.”sabi niya na hinaplos ang pisngi ko. Linapit niya pa ang mukha sa akin.

“Marguax maaari mo na kaming iwan.”utos niya kay Tita. Tumango naman siya at parang asong ulol na tinalikuran kami.

“Marahil handa ka ng pagbayaran ang ginawa mo sa kapatid ko. Hindi madadala sa taka sang lahat kapag nanira ka. May nilalang na sisingil niyan sayo sa ayaw’t gusto mo. Kahit saan ka man magpunta susundan ka pa rin niya.”

“Maawa ka.”hagulhol ko. Binitawan niya ang pisngi ko.

“Maawa? Naawa ka ba sa ginawa mo sa amin? Nilason mo ang utak ng kapatid ko. Ginawa mo siyang sinungaling para pagtakpan na di ka isang Noxious! Ngayon,pinarusahan siya at pinatay! Dahil sayo ang lahat ng iyon! Kaya dapat ka ring mamatay!”

“Hindi ko alam na dyan mauuwi ang lahat. Inaamin ko naka-commit ako ng kasalanan. Umiibig ako sa katulad niyo. Pumasok ako sa delikadong sitwasyon. At di ko maiintindihan kung bakit inaassume niyo na isa akong noxious. Ni minsan wala akong kaalam-alam sa ganyan.”

“hinahayaan kang maging inosente ng ina mo pero alam ng lahat na matutuklusan mo ang kapangyarihang gawin kaming tao ulit na pilit naming di sinasang-ayonan. Kaya andito ako para patayin ka.”

Bumuntong hininga ako at yumuko,"Akala ko tapos na at wala na pero ito pa lamang yata ang simula."

“Hindi. Ito na ang katapusan mo!”he grab my neck.

“Shade!”pigil ko. “Mahal kita. Ikaw ang totoo kong minahal. Hindi si Phantom. Ginamit ko lang siya para protektahan ang sarili ko sayo pero sa bawat pag te-threat mo sa buhay ko,nahuhulog ako sayo.”

Tumigil siya at nilaglag ang magkabilang kamay. Naging golden ulit ang mga mata niya.

“Isang patibung.”

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa bibig. “Hindi. Sige na patayin mo na ko. Ito lang naman ang hinihintay kong pagkakataon para sabihin ito sayo. Tumakas ako kay Phantom pero hindi ko pa rin matakasan ang pagmamahal ko sayo.”sabi ko sa isip.

“Nagsisinungaling ka.”lumayo sa akin. Nabasa niya kaagad ang nasa isip ko. “Magaling ka noxious.”

“Pinapahayag ko lang kung ano ang totoo.”bulong ko.

“Tumigil ka.”sigaw niya sabay kuha ng leeg ko. “Mawala ka na bago ako maging katulad ni Phantom. Nagpapakamatay sa isang babae.”kinagat niya ko sa leeg. Doon,di ko na alam ang susunod na pangyayari. Napatay rin ako sa huli ng bampirang totoo kung minahal. At ang storyang ito ay wala ng saysay.



The End~



 ♥♥♥

Msdarkwanderer~~~ Second Vampire Story is done. Very well said. So,show me your violent reaction? Cliff-hanger ba? Walang silbi ba ang katapusan? Nakakainis ba? Gusto pa ng dugtong [blee,ayoko. Pinatay ko nga si Regine eh para wala ng dugtong.tinatamad ako e.] Sabihin niyo na ang binubugso ng damadamin niyo.  Greet ko pala si Hershey! May reader,haha! Thanks sa support.   Radio lang?

Sa mga readers ko,silent man o loud! Lab na lab ko kayo so let’s do rubadabango!  Hahaha! Thank you sa pagtatyaga. Binasa niyo talaga. Hehehe..Thank you ulit ha. Anong gusto niyo? Burger? Ehh. Di ko afford haha! Saka malayo kayo. Saka di ako kumakain ng burger,remember vampire ako. Patties ang kinakain ko. Ung hilaw dapat. Sa gusto talaga ng dugtong,gumawa na lang kayo ng fan fiction..heheh..sa kakasaya ng dugo ko. Ay,wala pala akong dugo. Hanggang dyan lang.


Promote kop ala iba kong story. Sana mabasa niyo:

Before I die,cupcake

No time boundary

Loveless tale

Dusk Eternity

The Brother gods

So What’s Next?

Di muna vampire story ha. Fairytale naman. Pero soon pa. Hahaha! Basta read my other on-going series too para friends na tayo at araw-araw my free blood kayo sa akin.puno na kasi blood bank ko eh.haha! Di joke lang.

2 comments:

  1. ╭━━━╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮
    ╰╮╭╮┃╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃
    ╱┃┃┃┣━━┳━╮╭━━╮╭━┳━━┳━━┳━╯┣┳━╮╭━━╮
    ╱┃┃┃┃╭╮┃╭╮┫┃━┫┃╭┫┃━┫╭╮┃╭╮┣┫╭╮┫╭╮┃
    ╭╯╰╯┃╰╯┃┃┃┃┃━┫┃┃┃┃━┫╭╮┃╰╯┃┃┃┃┃╰╯┃
    ╰━━━┻━━┻╯╰┻━━╯╰╯╰━━┻╯╰┻━━┻┻╯╰┻━╮┃
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭━╯┃
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╰━━╯
    ╱╭╮╭╮╱╱╱╱╱╭╮╭━╮╱╭╮╱╱╱╱╱╱╭╮╭━╮
    ╭╯╰┫┃╱╱╱╱╱┃┃┃┃╰╮┃┃╱╱╱╱╱╱┃┃╰╮╰╮
    ╰╮╭┫╰━┳┳━━┫┃┃╭╮╰╯┣┳━━┳━━┫┃╭╋╮╰╮
    ╱┃┃┃╭╮┣┫━━╋╯┃┃╰╮┃┣┫╭━┫┃━╋╯╰╯┃┃┃
    ╱┃╰┫┃┃┃┣━━┣╮┃┃╱┃┃┃┃╰━┫┃━╋╮╭╮┃┃┃
    ╱╰━┻╯╰┻┻━━┻╯╰╯╱╰━┻┻━━┻━━┻╯╰╋╯╭╯
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╯╭╯
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╰━╯

    ReplyDelete
  2. wow! ngayon ko lang nabasa to.. di ko kasi napansin na mei UDs na pala.. well about the ending.. sayang! parang mas gusto ko si phantom! hahaha.. buhayin mo sya ulit ate at ibigay na lang sakin.. hahah! well, all in all, i like the story ate ko!..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^