Chapter 7
Paggising ko,nakahiga ako sa malambot na kama. Nasa bahay ako. Bou pa rin ang katawan. May hangin pa rin sa ilong at hindi anemic. Bakit iyon ang iniisip ko? Sino naman ang kukuha ng dugo sa akin? Adik lang ako sa araw na to. Anong araw ba ngayon? Titig sa calendar. October 30. Malapit na pala ang Halloween party.
"Good Morning ma!"bati ko pagkababa galing sa kwarto sout ang damit papuntang school. Wala siya sa kusina. Nasa labas may kausap na lalaki. May naalala ako pero di ako sigurado. Tumitig siya sa akin nang mapansin ako. Golden eyes. Naghiyawan sa takot ang inner self ko. Kinibot niya ang labi. Umatras ako. Tumakbo pabalik ng kusina. Sino iyon? Bakit ganoon ang nararamdaman ko?
Kinuha ko ang tocino. Bigla akong nawalan ng gana. Nakikinita ko ang mga dugo. Napakaraming dugo. Dumadanak sa sahig. Umatras ako. Bam! Lumundag ako sa gulat.
"Anong problema anak?"si Mama pala. Lumaki ang mga mata ko nang makita ang umaagos na dugo mula sa leeg niya. May lalaki pa na lumabas mula sa likod niya.
"Ahhh!"tili ko.
"Anak!"gising ni Mama. Kumisap ako. Nawala ang napakaraming dugo at ang lalaki sa likod ni Mama. "Ano bang nangyayari sayo."
"W-wala."rason ko. Yumuko. Kinuha ang bag. At nagpaalam kay mama.
"Mag-iingat ka,nak."bilin niya na tila nagaalala sa akin.
"Opo."anas ko. Umuulan ngayon. Mabuti may dala ako ng payong. Lalakarin ko na lang. Tutal 100 meters lang ang layo ng bahay namin patungo sa university. Nakatira kami sa Bagiuo. Kabilang sa mga di gaanong mayaman o mahirap sa society. Nasa average lang. Kuntento nang makain ng tatlong beses sa isang araw.
Malamig ang panahon. Dinadagdagan ang pangangatal ko sa hallucination ko kanina. Iyong lalaking may golden eyes,sino siya?
Makalipas ang ilang sandali,nasa campus na ako. Bumabaha ang mga estudyante papasok sa loob. Hanggang sa mapuna ko ang lalaking nakaitim na jacket. Kinabahan ako sa titig niya. Malalim at tila kilala niya ako. Kaagad akong pumasok sa loob bago pa masakal ng lalaking iyon.
"Regine!"sigaw ni Richelle nang pumasok ako sa classroom. May kasama siya nang lumapit sa akin. Maputing babae,red lips at blonde medium-length hair. "Saan ka ba nagsosout?"
"Huh? Nasa bahay lang ako ha."tugon ko. Buti ngayon,bati na naman kami.
"Aha! si Emma Sterling pala."pakilala niya sa manikang babae. Tila nakita ko na to at narinig na ang pangalan niya pero di ko alam kung saan.
"Ang bagong classmate natin at ang bago kung friend."
"Hi!"bati niya sa malamig na boses. Pumitik ang kaba sa puso ko. Nakikinitang may mangyayaring masama. Di ako sigurado.
"Hi."anas ko.
"By the way emma. This is Regine Decour my bestfriend."
Bigla akong nahilo. Umatras ng kaunti.
"Reg?"tanong ni Espren na pinatong ang kamay sa balikat ko. "Are you okay?"
nag-koliedoscope ang paligid. "Don't dare to remember it. I gonna kill you..."Emma hissed.
May nakikita akong madilim. Nararamdaman kong masikip. Nahihirapan akong huminga. Sumisikip ang dibdib ko. Maya-maya may mapupulang mga mata. Marami sila. Pinalilibutan ako. Tinatawaanan ako. Mga demonyo. Tumuli ako hanggang sa lumuwa ang baga ko pero walang boses na lumalabas.
May isang matangkad na lalaki ang lumabas. May maskara. Behind those mask,nakatitig sa akin ang golden eyes niyang nakakasugat sa puso ko. Balot siya ng itim kaya di ko siya nakikilala.
Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Ano tong nakikita ko.
"Regine? Gumising ka."nagaalalang boses ni Richelle ang nagpabalik sa akin. Ang lamig ng hinihigaan ko. Maraming mata ang nakatitig sa amin.
"A-Anong? P-Paano?"tanong ko sa pagmulat ko.
"Bigla ka kasing nahimatay eh."inform niya nang bumangon ako.
"Nahimatay?"I asked her with astonishing gaze.
"Ang putla mo ngayon. May anemia ka ba?"tanong niya na sumunod sa pagtayo.
Umiling ako. Nagsipagalisan mga kaklase ko.
"Wala? Adik ka ba? hyss..sa sobrang pagiisip naman ba sa detective game mo?"nagtaka ako sa kanya.
"Detective game? Hindi ko alam iyon."
"Eh kasi-"
"Regine,gusto mo dalhin ka namin sa clinic? Baka mamaya atakehin ka naman."intercept ni Emma sa kaswal na boses.
"Ah,wag na. Okay na ako."tanggi ko. Di ako nagsisinungaling. Talaga di na ko nahihilo eh.
"Sigurado ka? .."binulungan niya ako. "alam kong may naalala ka... Kung anuman iyon..kalimutan mo na."
Tumango naman ako. May something naman na nabura sa gilid ng utak ko.
"Gusto ko ng apple."ani ko.
Emma forehead knotted.
"Apple?"Richelle stepped infront of Emma kaya napaatras ito sa likod.
"Oo. Nagugutom ako."
"E bakit apple?"
"Di ko alam."
"Dahil ba kay-"
"Sige Reg. Bibigyan kita. Tara sumama ka sa akin."sadad ulit ni Emma na kinuha ang kamay ko. Ang lamig niya.
"Oy teka sama ako."habol ni Richelle.
"Diba may assignment tayo ngayon? At diba di ka pa nakakagawa? Gawin mo muna yan. Sayang ang twenty points. Ako na bahala kay espren mo. "sabi ni Emma.
Kinagat ni Richelle ang kuku. "Tama pala. Sige,alagaan mo ang espren ko."umupo ito sa arm chair at kinuha ang yellow paper.
"Makakaasa ka,Rich."sabi niya.
"Saan ba tayo?"tanong ko.
"Sa isang tahimik na lugar na makakalimutan mo ang lahat."anas niya sabay ngiti sa akin.
"Oo kailangan ko palang kalimutan ang lahat."sabi ko na tila hini-hypnotize.
"Yan ang gusto ko sayo."bumaling siya sa daan. Naglakad na kami ngunit tahimik lang hanggang makarating sa field. May apple ba dito?
"Apple,diba ito ang hinahanap mo."alok niya sa red apple na kinuha sa bag niya. Pwede namang ibigay iyon kanina sa room ha. Bakit dito pa?
"Oo. Salamat."kinuha ko iyon,pero may sumulpot na pangalan mula sa utak ko."Alexander James Lanaya."
"Huwag mong banggitin ang pangalan na iyan kung ayaw mong mapahamak ka."sabi niya."Diba sabi ko,kalimutan mo na iyon. Magagalit siya sa akin. Please gawin mo na."
"Sino ba yon? kilala mo?"pinisil ko ang apple.
"Err. Noxious ka nga. Ang hirap sirain ang memorya."anas niya sa sarili.
"Noxious? ano yon."
"Wala,never mind."pumikit siya. "Kainin mo na yan. Siguradong matatanggal lahat ng pasanin dyan sa dibdib mo."
Ngumiti ako. "Salamat ha."
"No problem. Errm,kung di dahil sa kasunduan namin ni Phatom. Di ko to gagawin eh. "sabi niya sa sarili.
"Phantom?"tanong ko ulit.
"Kumain ka na dyan."kinuha niya ang appale sa kamay ko at hinampas sa bibig ko. Sakit non ha. Makatanggal ng ngipin. Kaya ito,kinagat ko.
"Masarap ba?"
Ngumiti ako sabay tango.
"Enjoy and forget everything."
nagdistort ang tanawin. May namumulang likido na umaagos mula sa bibig niya. Nakalabas ang pangil. Pula ang mga mata. May hawak na apol pero puno ng dugo na pumapatak sa carabao grass. Tumayo ako. Di tao kasama ko. Isang bampira.
"Bakit?"tanong niya kaagad.
"Layuan mo ko,bampira ka!"bulalas ko.
"Sh*t. Ano pinagsasabi mo? Lalong lumala pa."tumayo siya. "Kung ano yang puma-flood sa utak mo. Tanggalin mo yan. "lumapit sya sa akin. "di gumagana will ko eh. Si Phantom lang magaling dito. Ang hirap."bulong niya. "kung di lang ako kontrolado ni Prince,kanina ka pang walang malay dyan. Err! Pinarurusahan ako dahil sayo."bigla niya akong tinalikuran.
Iniwan niya akong punong-puno ng question mark ang utak ko. Kaya ito binitawan ko ang apple.
"Teka."habol ko pero malayo na siya. Sinapo ko ang noo. Yumuko at nilisan ang field.
"Reg! Nandito ka na rin sa wakas."salubong ni Richelle nang bumalik ako sa classroom. "Saan na si Emma?"
"Bigla akong iniwanan eh."sabi ko na umupo sa tabi niya.
"Ah."nangalumbaba siya.
Matapos ang klase ko sa lahat ng subject ngayong araw. Eto ako,naglalakad sa kalye. Papauwi sa bahay. Ginawang tungkod ang payong. Tumila na ang ulan. Ang sama ng feelings ko. Kinakabahan. Natatakot. Umaasim ang sikmura. Umiikot ang paningin. May naalalang kakaiba saka makakalimutan din. May memory ako sa nakaraan na pilit akong pinaalala ngunit lumilipad ang isip ko.
>>> CHAPTER 8 HERE
Can't Sleep | Prologue | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8
Chapter 9 | Chapter 10
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8
Chapter 9 | Chapter 10
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^