Saturday, November 24, 2012

Deam Come True : Chapter Three

CHAPTER THREE
Tulala
(Phoebe’s POV)

~ ~ ~
“Nurse, anong nangyari sa kanya?” Tanong ni Logan sa may Nurse na kasalukuyang tumitingin sa paa ko.

“Sir, nagtwist po yung ankle niya kaya nagka-sprain siya. Gagaling din naman po yan within One week. Wag lang po masyadong tumakbo at tumalon-talon.” Paalala nung Nurse habang nakatingin ng masama sakin.

“Salamat. Pwede ka nang umalis.” Taboy ni Logan. Sumimangot yung Nurse at umalis na.

Umupo siya sa tabi ko habang naka-higa ako sa Clinic Bed.

“Masakit pa ba?” Tanong niya.

Umiling ako saka ngumiti. “Di naman masyadong masakit, medyo nahilot na rin kasi nung Nurse.” Sagot ko.

Tumayo siya at lumipat ng pwesto. Umupo siya sa tabi ng paa ko. Itinaas niya yung na-sprain kong paa at medyo inikot-ikot iyon.

“Ui! Wag na! Ayos lang!” Pigil ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa paa ko habang iniikot niya yun. Nakangiti siya. Tssk. Bakit ba ganito? Parang di ako nakakaramdam ng pagkailang kapag siya yung kasama ko? At teka, parang familiar yung mga ganitong scenario. Parang nangyari na ‘to dati nung bata ako. Kung gaano kainit yung palad na humahawak sa paa ko kapag napipilayan ako, ganun na ganun din ngayon.

.

.

“Ate Phoebe!!”

“Ay pusanggala naman, Yannie! Aatakihin ako sa puso nito eh!” Tili ko.

“HAHAHA!! Masyadong malalim yang iniisip mo, Ate! Kanina pa kaya ako nagkukwento sayo dito ‘no?! Akala ko nga natatawa ka sa katangahan ko dahil nakangiti ka, ayun pala kinikilig ka na dyan! Ay nako, ikaw nga ang magkwento!” Nagtatampong tono ni Yannie.

Dumapa ulit ako sa kama ko. “Wag mo kong istorbohin dito, Yannie.”

“Hindi pwede! Kapag di ka nakinig sa kwento ko o kaya di ka nagkwento isusumbong kita kay Tito France na kinikilg ka na lang bigla. Ikaw din..” Then she smirked.

Bumangon ako at nag-Indian sit. “Fine! You win, now. But I’ll not tell some stories about myself. Just go on, tell me your crazy-stupidity-blah-blah-stuffs. As if namang makikinig ako.” Masungit kong sabi.

“Di ka pala makikinig eh. Edi ako na lang makikinig sa kwento mo. Please, ate?” At nagpuppy-dog eyes siya.

Tinapat ko yung palad ko sa mukha niya.

“Stop it, Yannie. Just tell me some crazy-story of yours.” Masungit ko pa ring sabi.

Umiling siya. “Na-ah! Ikaw na lang ang magkwento! Baka mamaya tulugan mo pa ko!” Nagpupumilit niyang sabi.

“No. Tsk! Yannie, matutulog na ko! Maaga pa pasok ko bukas!” Naiirita kong sabi.

Humiga ako at itinakip sa mukha ko ang unan. Ayoko ngang ikwento sa kanya yung nangyari kanina. Aasarin niya lang ako e. Papagalitan pa ko nila Daddy at Lola pati na rin nila Tita.

~ ~ ~

“Phoebe, tulungan na kita. Alam mo naman, may sprain ka pa rin kaya dapat alagaan yan.” Alok ni Logan. Nasa may Gate 1 na ko ng CJU. Sinalubong niya ata ako e. Di ba obvious?

“Naku, Logan wag na. Baka ma-issue pa tayo.” Tanggi ko.

Ngumiti siya. “Eh ano naman? May magseselos ba? Wala naman diba?” Pa-inosente niyang tanong.

Kinuha niya yung dalawang paper bag na dala ko saka ako inalalayang maglakad.

“Meron. Marami.” Bulong ko.

Lumingon siya sakin. “Sino naman sa tingin mo?” Tanong niya.

“Sila. Yung mga fans mo.” Sagot ko.

Tumawa siya. “Wag mo na silang intindihin. Ganun naman talaga kapag artista. Pero wala naman akong pakielam sa kanila.” Pagbabaliwala niya.

“Ay may ganun? Hala, akina yan. Aakyat na lang ako mag-isa sa Building namin, alam mo naman kasi mga tao ngayon, onting kislot mo issue agad sa kanila.” Tapos inagaw ko sa kanya yung dalawang paper bag. “Tulad ng mga yan.” Tapos tinuro ko yung mga pasimpleng tumitingin at nagbubulungan.

Tumingin din siya sa mga taong tinuro ko. Hinila niya ko sa leeg gamit ng braso niya papunta sa mga babaeng pasimple.

“Hi Girls!” Bati niya.

“Hi~ Logan!” Bati rin nung mga babae.

“Eto nga pala si Phoebe, Girl Friend ko.” Pakilala ni Logan.

“Huw—“ Aangal dapat ako pero tinakpan ni Logan yung bibig ko.

“Babe, hindi mo ba sila babatiin?” Nakangiting sabi ni Logan habang nakatingin sakin. Alam ko nilalakihan niya yung mata niya pero di niya pinapahalata sa mga babae.

Ngumiti ako. “Hi Girls!” Plastik na bati ko.

Kumaway pa sila. “Ow, Hi Phoebe!” Tss. PLASTIK!

“Sige, Girls. Mauna na kami ng Girl Friend ko.” Sabi ni Logan saka na ako hinila paalis.

Habang palayo kami, kinukurot ko yung tagiliran niya.

“Ano bang gulo yung ginawa mo, Logan?!” Naiirita kong bulong.

“Hindi yun gulo ‘no. Tsaka tigilan mo nga yang pag-kurot mo sa tagiliran ko.” Bulong niya rin sakin.

“Aba! Eh kung tinatanggal mo kasi yang braso mo sa leeg ko ‘no?” Sarkastiko kong sabi.

“Ayoko. Ihahatid kita hanggang sa room mo eh.” Tanggi niya.

“Edi mamumula na yang tagiliran mo maya-maya lang.” Sagot ko.

“Ayos lang. Tagiliran lang yan eh.” Medyo nakangiti niyang sabi.

“Aba! Hiyang-hiya naman ako sa Tagiliran mo kapag namula yan ‘no!” Sagot ko sa kanya.

“Edi mahiya ka! Ako ba mahihiya?” Natatawa niyang sabi.











1 comment:

  1. huwaw! lakas ng trip ni logan my dear ha.. girlfriend niya daw ako?hahaha! sige pagpatuloy mo lang para kilig to the bones.. sa susunod di na sa tagiliran kita susundutin kundi sa pisngi na,.,,ang cute-cute mo eh..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^