Friday, September 21, 2012

Dusk Eternity : Chapter 17.2

Misery part 2

"Ethaniel POV"


Pagbalik ni Ethan sa mansion si Olive naman ang nasalubong niya. Naka-Midnight blue dress ito. Hindi nito tinali ang buhok. Stunning sobra.Kaysarap yakapin kaso wala sa mood si Olive. Upset ang itsura nito.

"Kamusta si Diane?"sabi nito."Salamat,nagising na siya."

"O-okay naman siya. Nagkaunting pahinga sa noewin haven."mariin niyang siniwalat.



Bumuntong hininga si Olive.



"Oras na pala para ipakilala ka sa boung noewin tribe."sabi niya.


Yumuko ito.


"Halika na."aakma na siyang talikuran ito pero..


"Teka!"


Liningon niya ito.



"Salamat sa pagligtas sa akin."mahinay nitong sambit.



Nilapitan niya ito.


"Para sa iyo olive gagawin ko ang lahat. alam mo bang masayang masaya akong makita at makasama ka muli."sabi niya.



Tumitig si Olive sa kanya. Nagulat yata sa ipinahayag niya dito.


"Sana mapatawad mo ako sa pagiging makasarili ko. Napakabobo ko para itaboy ka. Ang tanga ko sa oras na iyon."bumuntong hininga ulit ito."Alam kung masakit ang rebelasyon mo pero wala akong magagawa dahil iyon ang totoo kaya dapat tanggapin ko na kung ano ako."




"Olive."anas niya."nauunawaan kita kahit sinuman,iyon ang magiging reaksiyon pero sa ngayon,kalimutan na natin iyon."





"Dahil sayo,nabigyan ako ng another chance para ma realize ang kasalanan ko at makahingi ng tawad sayo.Salamat ethan sa lahat-lahat."niyakap siya bigla nito.





Nagulat siya doon kasi di man lang umalma ang system niya.Wala nang kuryenteng bumabalakid sa kanya para hawakan ito. What is the meaning of this? Activated na ba ang infinity link sa kanilang dalawa? Did Olive love him too?



"Mahal kita Ethan."bulong nito sa tenga niya.Iton nga ang iniisip niya. Mahal din siya ni Olive."Ikaw ang karapat-dapat na mahalin ko dhil ikaw ang buhay ko."


Nakatulala siyang kumalas sa pagkayakap dito.




"Totoo ba ito?"usal niya sa horrorstruck na mood.




"Oo."ngumiti si Olive.



"Mahal din kita,Olive. Mas higit pa sa kahit anong ginto." hahalikan niya sana kaso may tumikhim.




"Sorry for the interruption."Si Anastasha iyon. "Kailangan na ng fate si Queen Olive."

Tama,kailangan na. Magdadapit hapon na eh.

Hinawakan niya si Olive sa kamay.Free na siya para hawakan ito saan parte man ng katawan nito kasi isa na sila ng buhay. Gumana na ang infinity link eh. Ang ma fe feel ni Olive ay ma fe feel niya rin.


"Let's go!"sabi nito na humakbang palabas ng masion.



Nasa town hall sila ng noewin tribe village.Kumpleto na ang lahat. Hinihintay na lang ang paglabas ni Olive mula sa malaking pulang kurtina. Katabi niya  sa left side si Anastasha at Raven na abala sa paguusap sa isa't isa. Sumulpot bigla si John Seabert sa right side niya.Ngumiti ito sa kanya pero di nilapas ang ngipin. Kakausapin niya sana kaso tinawag ito ni Rosecris Imperial. Sumunod na tumabi sa kanya ay si Sharlotte Lascell,ngumingiti ito sa kanya.

"Excited na akong makita siya."sabi nito sa isip.

Kumibot lang ang labi niya.

"Shar!"tawag ni Anastasha kaya nawala ito sa right side niya para lumipat sa pwesto ni Anastasha. Di na siya nakinig sa kwentuhan ng tatlo. Kakasawa eh.







Maya-maya'y lumabas na si Olive kasama ang fate. Parehong seryoso pero biglang nagsalita ang pinakamatanda sa fate. He proclaim about kay Olive. Puro pagpupuri ang nasa bibig nito. Until pinasuot kay Olive ang tiara na yari yata sa gold. 




Naghiyawan ang lahat.




Pagkatapos nagbigay pugay ang apat na pamilya. ang Imperial ay gumawa ng fire works.Ang seabert ay nagpasabog ng snow. Ang Zafferino ay naghulog ng rose petals. at ang lascell ay nagpatubo ng namumukadkad na bulaklak. Naamaze si Olive. Masaya ito sa napanood.








.....




Olive Pov




Natapos na ang okasyon,napagdesisyonan niyang tumungo sa sa Noewin Haven para kamustahin si Diane. Isa pa,nasasabik na siyang makita at mayakap ito. Syempre kasama niya si Ethan.


Nagtagpuan niyang nakaupo sa gilid ng bintana si Diane Nakatitig ito sa buwan. Wala sa sariling ngumingiti.


"Diane."tawag niya sa mahinay na boses. Automatic itong bumaling sa kanya pero na horror struck siya nang makita ang mukha nio. Bampira na si Diane katulad niya. Nabigo siya sa pagligtas dito. Nakagat ni Oreon si Diane. Lumungkot siya tuloy dahil nadamay ito sa away ngaun.



"Olive!"tumayo ito para lapitan at yakapin siya."Akala ko di na tayo magkikita.Salamat,ligtas ka. Na miss talaga kita sobra."



"Ako rin naman eh."mahinay niyang salita."Next time di na tayo maghihiwalay. Aalagaan kit diabe. Kasi kasalanan ko kaya nangyari sa iyo ito."



"No olive.Hindi mo kasalanan iyon."sabi nito na humiwalay sa pagkayakap sa kanya.



"Sorry talaga,Diane.Nadamay ka pa sa away naming mga imortal."


"Malamng ito ang kapalaran ko Olibe.Maging bampira gaya mo."



Tumitig ito kay Ethaniel.





"Hi ethan!"enthusiastic na bati nito.



Tumitig sa ibang direksiyon si Ethan. Mukhang walang ganang makipag usap dito. Bakit kaya? Anong nangyari? 


Pero ang mahalaga ngayon ay mapapanatag na ang loob niya dahil di nawala si Diane. Kahit bampira na ito ngayon,di pa rin magbabago ang turing niya dito. Mahal niya ang kaibigan niya eh.




~End of chapter 17.2~



 A/N: Sorry,,sapat na siguro to para sa ud ko nangyon. Masakit na ang likod ko eh. Promise,regular ko nang i u ud to kasi eight chapters nalang mag e end na ito. Please bear with me.. 


2 comments:

  1. ai ang sweet nila!.. umamin na rin sa wakas..

    ReplyDelete
  2. ang sweet! kakilig lang! sna more kilig moments p s next chpter!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^