:First
Heiress of Lux:
“Malaking pagbabago ang
magaganap kapag ikinasal ka kay Alisia Aersseys.”
Ang sabi ni Oracle Brae Zaffiro kausap ang matalik niyang kaibigan at 17th
generation Lux heir na si Prince Hollace Auserwalt. “Nung nagpunta ako sa templo ng Byangoma,
it showed me more than what I expected. Kasama sa premonitions ko na kapag kayo ang
nagkatuluyan, maaring maputol ang kapangyarihan ng Lux. Magkakaroon ulit ng
malaking digmaan.”
“I don’t mean to say
that Prince Hollace, kaibigan ko rin si Alisia.”
Napayuko na lang ito at napabuntung-hininga. “But you know the premonition shouldn’t be
taken for granted. The entire clan and the Otherworld will face something big
if you continue…”
“Stop it Brae. I don’t
want to hear anything about this. Itutuloy ko ang kasal namin ni Alisia. I
trust the Power of Lux so just trust me too.” Ito ang
paninindigan ni Prince Hollace. “Mangako ka saakin. Wala kang pagsasabihan ng tungkol
dito.”
“Pero Prince Hollace…”
“Mangako ka Brae.
Nakiki-usap ako. Mahal na mahal ko si Alisia, wala na akong ibang babaeng
mamahalin. Kapag hindi natuloy ang kasal namin, baka hindi ko kayanin.”
Walang nang iba pang nasabi si Brae. At dahil matalik silang magkaibigan, wala siyang nagawa kundi
pumayag. “Sige.
Nangangako ako.”
Pagkasabi
niya nito, sakto naman ang paglabas ni Elle, ang noon ay kasintahan pa lamang
ni Brae. “Greetings
to you, Your Highness.”
“Thank you, Elle.”
Matapos ang maikling pagbati, umalis na rin agad ang Lux Prince.
“May problema ba Brae?
Nag-away ba kayo ng prinsipe?”
“Just a little
misunderstanding. Wag mo na lang intindihin yun Elle.” Bilang
pangako nga ni Brae kay Prince Hollace, wala siyang pinagsabihan tungkol sa
nalalaman niyang pangitain.
Natuloy
ang kasal ni Prince Hollace kay Alisia. At kasabay nun, itinalaga sila bilang
bagong leaders ng Auserwalt, ang bagong Hari at Reyna ng Otherworld.
= = = = =
Five
years passed.
Kasalukuyang
nagpupulong ang Ministry of Lux sa great hall ng Auserwalt Palace. Ito ay
binubuo ng ilang leaders at great elders ng Five Lux Families, kabilang na si
King Hollace. They are talking about an issue concerning the present queen.
“Hindi kayang magkaanak
ng reyna…” Ang malungkot na sinabi ng Tribe Master ng
Aersseys at ama mismo ni Queen Alisia na si Master
Wendel. “Mahirap man itong pagdesisyunan ngunit kailangan na
nating gawaan ng paraan ang problemang ito.”
“Nararapat siguro na
maghanap na ng bagong mapapangasawa ang Hari. It’s time for us to choose another
woman who could give birth for the next heir.” King
Roland replied who came from Glaciever Kingdom.
“I agree with that.” Ang
sabi naman ni Chief Leader Clive na nagmula
sa Terrashaw Kinfolk. “Hindi pwedeng mabali ang ilang taon ng pagpapasa ng
kapangyarihan dahil lang hindi magkaanak si Queen Alisia.”
Sa
gitna ng mainit na usaping ito, hindi na nakapagpigil noon si King Hollace. “Magsitigil
kayo!!!” Galit ang isinalubong niya sa gitna ng pagpupulong. “Hindi na kayo
nagbigay respeto sa Reyna niyo!!! I won’t leave my wife and marry someone again!!!
Hindi ako magtatalaga ng ibang babae na magdadala ng magiging anak ko.”
“Pero King Hollace, hindi kayang magkaanak ng Reyna. Isasantabi mo na lamang ba ang buong angkan at ang mundong ito!!!” Ang
sagot ni Master Diazo. “Hindi mo
habang buhay na mapanghahawakan ang Lux!!! If you don’t have a child, you won’t
be able to pass the Power of Lux.” Isa siyang Class S Wizard at
tumatayong leader ng Flemwall Circle.
“Kung noon pa lang
nalaman na namin agad na hindi kayang magdalang-tao ni Queen Alisia, tinutulan
na sana namin ang pag-iisang dibdib ninyo.”
Nagtitimpi
na lamang si King Hollace noon. Kahit pa galit na galit siya sa buong
ministeryo, nandoon pa rin ang pag-galang niya sa kanila.
Naputol
lamang ang katahimikan nang pumasok sa loob ng silid na yun si Queen Alisia.
Maluha-luha ang mga mata nito ngunit taas-noo pa rin niyang sinalubong ang
lahat.
“Anak… Queen Alisia, hindi
ka maaring makisali sa pagpupulong naming mga Ministry of Lux at ng Hari.”
“Father, I’m here to
agree with whatever decision you choose for this clan.”
Ang matapang niyang isinagot saka niya hinarap ang kanyang asawa. “King Hollace, I
agree with them. Ilang taon na tayong nagsasama pero hindi kita mabigyan ng
anak. It’s better that you find another woman…”
“NO!!!” Lumapit
si King Hollace at niyakap ang pinakamamahal niyang asawa. “Hindi ako maghahanap ng ibang babae
Alisia. Ikaw lang ang mahal ko.”
“Don’t be too selfish
King Hollace. Hindi kita kayang bigyan ng anak. Nakakasalalay sayo at sa magiging anak mo ang lahat ng iyong
nasasakupan. I beg you, just follow them.”
Sa
gitna ng kaguluhan, iisang paraan na lamang ang naisip ni King Hollace. “No Alisia. I’m
only following my heart.” He held her wife’s hand and faced the
ministry. “Magtutungo
ako sa Mausoleum of Beatus. Ilalapit ko sa legendary White Light Creature na
bigyan kami ng anak ni Alisia bago pa man matapos ang taong ito.”
Tinuloy
ni King Hollace ang sinabi niya. He went to the mausoleum and wished for a
miracle to happen. And he spent most of his time praying and believing that the
White Light Creature will hear his plead.
= = = = =
“He’s at the Mausoleum
of Beatus again. Noong nakaraang gabi lang siya umuwi pero kinabukasan din, nagbalik
siya agad sa lugar na iyon.” Ang sabi ni Queen Alisia.
“Kausapin mo
naman siya Brae, baka sakaling makinig siya sayo.”
“Kung ikaw nga na
pinakamamahal niya hindi niya pinakinggan, ako pa kaya?”
“But Brae, why didn’t
you tell me about your premonitions? Hindi na sana tayo nahaharap pa sa
ganitong klaseng gulo kung ipinaalam mo saakin agad.”
“I made a promised with your
husband. That I won’t tell it to anyone until your wedding is done.”
“So yun lang ba lahat
yun? I’m afraid that there might be other things that you’re not telling me…”
“That’s… that's just it,
Queen Alisia.” Napabuntong-hininga na lang si Brae. “Magtiwala na
lang tayo kay King Hollace. Pakikinggan naman siguro siya ng White Light
Creature.”
Sa
gitna ng kanilang pag-uusap, dumating naman ang mortal na taga-silbi ni Queen
Alisia. “Your
highness, nariyan na po ang asawa ni Oracle Zaffiro na si Elle.”
“Sige, papasukin mo siya
Allina.”
Noong
nakaraang taon lang naikasal sina Brae at Elle. Pero hindi tulad ng mag-asawang
Hari at Reyna, mabibiyayaan na agad ng supling sina Brae at Elle. “Pinatawag niyo
daw po ako mahal na Reyna?”
“Yes…” Queen
Alisia’s face lightened up upon seeing Elle’s belly. “Ibinalita saakin ng asawa mo ang tungkol
sa pagbubuntis mo.”
“Ito na po ang
ika-limang buwan ng pagbubuntis ko Queen Alisia.”
Ang nakangiting sinabi ni Elle.
Nagagalak
naman ang Reyna at hinawakan pa ang tyan ni Elle. “Narinig kong lalaki daw ang magiging anak
niyo. May naisip na ba kayong ipapangalan sa kanya?” Halata sa mukha
niya ang konting inggit at pananabik na rin sa isang sanggol.
“Meron po. Naisip namin
na pangalanan siyang Brylle. Ang pinag-samang pangalan namin ni Brae.”
“Brylle Zaffiro…” Napangiti
ang Reyna. “It’s
a good choice, Elle. Napakagandang pakinggan ng pangalan ng magiging anak niyo.
Masaya ako para sa inyong dalawa ni Brae.”
“Thank you, Your
Highness.”
Matapos
ang kanilang maikling usapan, nagpasya na ring umalis ang mag-asawang Zaffiro.
Pero hindi pa man sila nakakalabas ng palasyo, nagkagulo na agad.
“Saklolo!!! Tulungan
niyo po ako!!!” That was Allina’s voice. “Saklolo!!!
Hinimatay po ang Reyna!!!” At nang marinig nila ang paghingi ng
tulong nito, agad silang dinumog ng mga tauhan.
At
mabuti na nga lang din at hindi pa nakakaalis sina Brae at Elle kaya nakalapit
sila agad para tumulong na rin. They all have same question in mind. What
happened to the Queen?
= = = = =
Nagtipon
ang lahat sa labas ng palasyo nang malaman nilang may dinaramdam ang reyna.
Everyone is worried, for the Queen is very much loved by her people.
Si
Master Diazo naman ang tumingin sa kanya. Inaalam niya kung ano ang maaring karamdaman
ni Queen Alisia. Matapos ang ilang oras ng pag-susuri, lumabas na siya sa
kwarto ng reyna. “Nasaan na ang Hari?”
“Paparating na daw po
siya.” Hindi rin naman mapakali si Brae na itanong sa kanyang
Master kung anong problema kay Queen Alisia. “Kamusta na po ang reyna?”
“Maayos na ang kalagayan
niya.”
“Ah… Master, what’s
wrong with the Queen? Is she sick? ”
“King Hollace should
know it first. Malalaman niyong lahat kapag nakarating na ang Hari.” Nag-aalala
na ang lahat pero wala silang magawa kundi ang hintayin ang pagdating ni King
Hollace.
Hindi
rin naman nagtagal at dumating na ang Hari. Nagkulong sila sa loob ng kwarto
kung nasaan ang reyna at doon sinabi ni Master Diazo ang kinalabasan ng kanyang
pagsusuri.
Medyo
nakahinga na ang lahat nang sabay na lumabas ang Hari at Reyna kasama ang
leader ng Flemwall. There’s a certain glow on their faces when they stood in
front of everyone.
“Queen Alisia…” Hindi
naman nakapagpigil at lumapit agad si Allina sa kanyang pinagsisilbihang Reyna.
“Kamusta na
po kayo my Queen?”
“Mabuti nang pakiramdam
ko Allina, maraming salamat sa pag-alalay mo saakin kanina.”
“Tungkulin ko pong
paglingkuran kayo.”
Pinutol
naman ni Master Diazo ang usapan nila. “Makinig ang lahat! May mahalagang ibabalita ang ating
mahal na Hari at Reyna.”
Everyone
stood silent waiting for the King’s announcement. They know something big is
going on.
“People of Lux and
creatures of Otherworld, the White Light Creature granted our wish...”
Then King Hollace held his wife’s hand. “My wife, your Queen Alisia, is bearing the next heir!!!”
A
loud scream of happiness filled the whole kingdom. It was one of the greatest miracles
ever witnessed by the people of that world.
= = = = =
Nine
months later…
“A baby girl?”
“Maaring hindi na ulit magkaanak ang
reyna. Sayang at hindi pa naging lalaki ang anak niya.”
“It’s the first time in history na babae
ang unang anak ng First Family, at babae rin ang sunod na tagapagmana.”
“Whatever is happening right now, that
child is a gift from the White Light Creature. Isa siyang living miracle.”
Ito
ang usap-usapan ng lahat matapos ipanganak ni Queen Alisia ang kanyang anak.
Ang kauna-unahang babaeng tagapagmana ng White Light Clan.
Samantala…
“Master Brae, Master
Brae, Master Brrrr~rae~ey!!!”
“Vander?”
“Nakahanda na po ang
lahat para sa paglipat natin sa mortal world. I’m so~ very very very excited!!!”
“Sige Vander, maari mo
nang tawagin sina Elle.”
“Yes Master!!!” Sinunod
naman ni Vander ang utos ni Brae at pakanta-kanta pa, “Pupunta kami sa mortal world, pupunta kami
sa mortal world, pupunta kami sa mortal world~” At tinawag na niya
si Elle. “Madame
Elle, aalis na daw po tayo.”
Tinanguan
lang ni Elle si Vander at saka noua binuhat ang kanyang anak na limang buwang
gulang pa lamang, si Brylle.
“Hello, hello, hello
Master baby Brylle!!! Kung dati ako po ang Elemental Guardian ng ama mo, ngayon
ikaw naman ang pagsisilbihan ko!!! Ibig sabihin ako na ang Elemental Guardian mo
dahil hindi na ako guardian ng ama mo. Do you get what I mean Master baby Brylle?
Ikaw na ngayon ang pinaka-Master ko!!!”
Ang
paglipat ng pamilya Zaffiro sa mundo ng mga mortal ay may kinalaman sa pangitain na nakita ni Brae limang taon na ang nakakalipas. Nang matuloy ang kasal nina Hollace at Alisia at
nagkaanak sila ng sanggol na babae, lahat ng ito ay pinaghandaan na ni Oracle Brae.
He
knows more than what every one thinks. At nakasalalay sa plano niyang ito ang
katapusan ng lahat.
ano p kya ung mga nalalaman ng daddy ni brae!! ang kyut ng appearance ni vander jan ee...
ReplyDeleteat yun pla ung parents ni yana oh!! c king hollace, muka ngang msungit! ayiii slmat po s upd8 n 2 ate khit d2 lng yan s guidebook mu... ang dmi questions s utak q n nssgot... pero ndadagdagn din!!! naeexcte aq s twist mu!!
ang ganda ni queen alisia! ang saya! ang daming nangyayari..
ReplyDeleteUwaaaah !! Ano kaya nangyari sa parents ni brylle ???>___< sana ok pa sila *0* ", ,"
ReplyDeleteAstig nung Mausoleum of Beatus! ^o^
ReplyDeleteaNo kaYa uNg pLan ni bRae,, at tSaKa n cLA na paRents ni bRyLLe,,, aNg gLing kYa pLa sPeciaL si YaNa,,, buKod s 1st girL xaH n tGapaGmaNa,,, miRacLe diN xaH dHil hndi nMn pLa maGkaaNak anG qUeen,,,
ReplyDeleteAt infairNess s kiNg at qUeen,,, rOyaLty tLga,,,
ang gling! mag bestfriend pla cna hollace at brae! ung parents nina yana & brylle! i luv it!
ReplyDeleteat lumabas din c allina! ung servant ni queen n ninakaw lng si yana. tsk tsk! anu nga kya dhilan bkit nia kinidnap si yana noh??
so brylle's father already know the ending! i wonder what his plans are. curiosity attacks!
ReplyDeletevery beautiful!
ReplyDeleteme likey this special chapter!!
≧◡≦