Friday, September 21, 2012

Wizard's Tale : The First Heiress of Lux

:First Heiress of Lux:



“Malaking pagbabago ang magaganap kapag ikinasal ka kay Alisia Aersseys.” Ang sabi ni Oracle Brae Zaffiro kausap ang matalik niyang kaibigan at 17th generation Lux heir na si Prince Hollace Auserwalt. “Nung nagpunta ako sa templo ng Byangoma, it showed me more than what I expected. Kasama sa premonitions ko na kapag kayo ang nagkatuluyan, maaring maputol ang kapangyarihan ng Lux. Magkakaroon ulit ng malaking digmaan.”


“It doesn’t make sense Brae. Anong meron sa pagmamahalan namin ni Alisia? Wala naman kaming ginawang masama. You’re talking as if our relationship is cursed.”



“I don’t mean to say that Prince Hollace, kaibigan ko rin si Alisia.” Napayuko na lang ito at napabuntung-hininga. “But you know the premonition shouldn’t be taken for granted. The entire clan and the Otherworld will face something big if you continue…”



“Stop it Brae. I don’t want to hear anything about this. Itutuloy ko ang kasal namin ni Alisia. I trust the Power of Lux so just trust me too.” Ito ang paninindigan ni Prince Hollace. “Mangako ka saakin. Wala kang pagsasabihan ng tungkol dito.”



“Pero Prince Hollace…”



“Mangako ka Brae. Nakiki-usap ako. Mahal na mahal ko si Alisia, wala na akong ibang babaeng mamahalin. Kapag hindi natuloy ang kasal namin, baka hindi ko kayanin.”



Walang nang iba pang nasabi si Brae. At dahil matalik silang magkaibigan, wala siyang nagawa kundi pumayag. “Sige. Nangangako ako.”



Pagkasabi niya nito, sakto naman ang paglabas ni Elle, ang noon ay kasintahan pa lamang ni Brae. “Greetings to you, Your Highness.”



“Thank you, Elle.” Matapos ang maikling pagbati, umalis na rin agad ang Lux Prince.



“May problema ba Brae? Nag-away ba kayo ng prinsipe?”



“Just a little misunderstanding. Wag mo na lang intindihin yun Elle.” Bilang pangako nga ni Brae kay Prince Hollace, wala siyang pinagsabihan tungkol sa nalalaman niyang pangitain.



Natuloy ang kasal ni Prince Hollace kay Alisia. At kasabay nun, itinalaga sila bilang bagong leaders ng Auserwalt, ang bagong Hari at Reyna ng Otherworld.



= = = = =



Five years passed.



Kasalukuyang nagpupulong ang Ministry of Lux sa great hall ng Auserwalt Palace. Ito ay binubuo ng ilang leaders at great elders ng Five Lux Families, kabilang na si King Hollace. They are talking about an issue concerning the present queen.



“Hindi kayang magkaanak ng reyna…” Ang malungkot na sinabi ng Tribe Master ng Aersseys at ama mismo ni Queen Alisia na si Master Wendel. “Mahirap man itong pagdesisyunan ngunit kailangan na nating gawaan ng paraan ang problemang ito.”



“Nararapat siguro na maghanap na ng bagong mapapangasawa ang Hari. It’s time for us to choose another woman who could give birth for the next heir.” King Roland replied who came from Glaciever Kingdom.



“I agree with that.” Ang sabi naman ni Chief Leader Clive na nagmula sa Terrashaw Kinfolk. “Hindi pwedeng mabali ang ilang taon ng pagpapasa ng kapangyarihan dahil lang hindi magkaanak si Queen Alisia.”



Sa gitna ng mainit na usaping ito, hindi na nakapagpigil noon si King Hollace. “Magsitigil kayo!!!” Galit ang isinalubong niya sa gitna ng pagpupulong. “Hindi na kayo nagbigay respeto sa Reyna niyo!!! I won’t leave my wife and marry someone again!!! Hindi ako magtatalaga ng ibang babae na magdadala ng magiging anak ko.”



“Pero King Hollace, hindi kayang magkaanak ng Reyna. Isasantabi mo na lamang ba ang buong angkan at ang mundong ito!!!” Ang sagot ni Master Diazo. “Hindi mo habang buhay na mapanghahawakan ang Lux!!! If you don’t have a child, you won’t be able to pass the Power of Lux.” Isa siyang Class S Wizard at tumatayong leader ng Flemwall Circle.



“Kung noon pa lang nalaman na namin agad na hindi kayang magdalang-tao ni Queen Alisia, tinutulan na sana namin ang pag-iisang dibdib ninyo.”



Nagtitimpi na lamang si King Hollace noon. Kahit pa galit na galit siya sa buong ministeryo, nandoon pa rin ang pag-galang niya sa kanila.



Naputol lamang ang katahimikan nang pumasok sa loob ng silid na yun si Queen Alisia. Maluha-luha ang mga mata nito ngunit taas-noo pa rin niyang sinalubong ang lahat.



“Anak… Queen Alisia, hindi ka maaring makisali sa pagpupulong naming mga Ministry of Lux at ng Hari.”



“Father, I’m here to agree with whatever decision you choose for this clan.” Ang matapang niyang isinagot saka niya hinarap ang kanyang asawa. “King Hollace, I agree with them. Ilang taon na tayong nagsasama pero hindi kita mabigyan ng anak. It’s better that you find another woman…”



“NO!!!” Lumapit si King Hollace at niyakap ang pinakamamahal niyang asawa. “Hindi ako maghahanap ng ibang babae Alisia. Ikaw lang ang mahal ko.”



“Don’t be too selfish King Hollace. Hindi kita kayang bigyan ng anak. Nakakasalalay sayo at sa magiging anak mo ang lahat ng iyong nasasakupan. I beg you, just follow them.”



Sa gitna ng kaguluhan, iisang paraan na lamang ang naisip ni King Hollace. “No Alisia. I’m only following my heart.” He held her wife’s hand and faced the ministry. “Magtutungo ako sa Mausoleum of Beatus. Ilalapit ko sa legendary White Light Creature na bigyan kami ng anak ni Alisia bago pa man matapos ang taong ito.”



Tinuloy ni King Hollace ang sinabi niya. He went to the mausoleum and wished for a miracle to happen. And he spent most of his time praying and believing that the White Light Creature will hear his plead.



= = = = =


“He’s at the Mausoleum of Beatus again. Noong nakaraang gabi lang siya umuwi pero kinabukasan din, nagbalik siya agad sa lugar na iyon.” Ang sabi ni Queen Alisia. “Kausapin mo naman siya Brae, baka sakaling makinig siya sayo.”



“Kung ikaw nga na pinakamamahal niya hindi niya pinakinggan, ako pa kaya?”



“But Brae, why didn’t you tell me about your premonitions? Hindi na sana tayo nahaharap pa sa ganitong klaseng gulo kung ipinaalam mo saakin agad.”



“I made a promised with your husband. That I won’t tell it to anyone until your wedding is done.”



“So yun lang ba lahat yun? I’m afraid that there might be other things that you’re not telling me…”



“That’s… that's just it, Queen Alisia.” Napabuntong-hininga na lang si Brae. “Magtiwala na lang tayo kay King Hollace. Pakikinggan naman siguro siya ng White Light Creature.”



Sa gitna ng kanilang pag-uusap, dumating naman ang mortal na taga-silbi ni Queen Alisia. “Your highness, nariyan na po ang asawa ni Oracle Zaffiro na si Elle.”



“Sige, papasukin mo siya Allina.”



Noong nakaraang taon lang naikasal sina Brae at Elle. Pero hindi tulad ng mag-asawang Hari at Reyna, mabibiyayaan na agad ng supling sina Brae at Elle. “Pinatawag niyo daw po ako mahal na Reyna?”



“Yes…” Queen Alisia’s face lightened up upon seeing Elle’s belly. “Ibinalita saakin ng asawa mo ang tungkol sa pagbubuntis mo.”



“Ito na po ang ika-limang buwan ng pagbubuntis ko Queen Alisia.” Ang nakangiting sinabi ni Elle.



Nagagalak naman ang Reyna at hinawakan pa ang tyan ni Elle. “Narinig kong lalaki daw ang magiging anak niyo. May naisip na ba kayong ipapangalan sa kanya?” Halata sa mukha niya ang konting inggit at pananabik na rin sa isang sanggol.



“Meron po. Naisip namin na pangalanan siyang Brylle. Ang pinag-samang pangalan namin ni Brae.”



“Brylle Zaffiro…” Napangiti ang Reyna. “It’s a good choice, Elle. Napakagandang pakinggan ng pangalan ng magiging anak niyo. Masaya ako para sa inyong dalawa ni Brae.”



“Thank you, Your Highness.”



Matapos ang kanilang maikling usapan, nagpasya na ring umalis ang mag-asawang Zaffiro. Pero hindi pa man sila nakakalabas ng palasyo, nagkagulo na agad.



“Saklolo!!! Tulungan niyo po ako!!!” That was Allina’s voice. “Saklolo!!! Hinimatay po ang Reyna!!!” At nang marinig nila ang paghingi ng tulong nito, agad silang dinumog ng mga tauhan.



At mabuti na nga lang din at hindi pa nakakaalis sina Brae at Elle kaya nakalapit sila agad para tumulong na rin. They all have same question in mind. What happened to the Queen?



= = = = =



Nagtipon ang lahat sa labas ng palasyo nang malaman nilang may dinaramdam ang reyna. Everyone is worried, for the Queen is very much loved by her people.



Si Master Diazo naman ang tumingin sa kanya. Inaalam niya kung ano ang maaring karamdaman ni Queen Alisia. Matapos ang ilang oras ng pag-susuri, lumabas na siya sa kwarto ng reyna. “Nasaan na ang Hari?”



“Paparating na daw po siya.” Hindi rin naman mapakali si Brae na itanong sa kanyang Master kung anong problema kay Queen Alisia. “Kamusta na po ang reyna?”



“Maayos na ang kalagayan niya.”



“Ah… Master, what’s wrong with the Queen? Is she sick?



“King Hollace should know it first. Malalaman niyong lahat kapag nakarating na ang Hari.” Nag-aalala na ang lahat pero wala silang magawa kundi ang hintayin ang pagdating ni King Hollace.



Hindi rin naman nagtagal at dumating na ang Hari. Nagkulong sila sa loob ng kwarto kung nasaan ang reyna at doon sinabi ni Master Diazo ang kinalabasan ng kanyang pagsusuri.



Medyo nakahinga na ang lahat nang sabay na lumabas ang Hari at Reyna kasama ang leader ng Flemwall. There’s a certain glow on their faces when they stood in front of everyone.



“Queen Alisia…” Hindi naman nakapagpigil at lumapit agad si Allina sa kanyang pinagsisilbihang Reyna. “Kamusta na po kayo my Queen?”



“Mabuti nang pakiramdam ko Allina, maraming salamat sa pag-alalay mo saakin kanina.”



“Tungkulin ko pong paglingkuran kayo.”



Pinutol naman ni Master Diazo ang usapan nila. “Makinig ang lahat! May mahalagang ibabalita ang ating mahal na Hari at Reyna.”



Everyone stood silent waiting for the King’s announcement. They know something big is going on.



“People of Lux and creatures of Otherworld, the White Light Creature granted our wish...” Then King Hollace held his wife’s hand. “My wife, your Queen Alisia, is bearing the next heir!!!”



A loud scream of happiness filled the whole kingdom. It was one of the greatest miracles ever witnessed by the people of that world.



= = = = =



Nine months later…



“A baby girl?”



“Maaring hindi na ulit magkaanak ang reyna. Sayang at hindi pa naging lalaki ang anak niya.”



“It’s the first time in history na babae ang unang anak ng First Family, at babae rin ang sunod na tagapagmana.”



“Whatever is happening right now, that child is a gift from the White Light Creature. Isa siyang living miracle.”



Ito ang usap-usapan ng lahat matapos ipanganak ni Queen Alisia ang kanyang anak. Ang kauna-unahang babaeng tagapagmana ng White Light Clan.



Samantala…



“Master Brae, Master Brae, Master Brrrr~rae~ey!!!”



“Vander?”



“Nakahanda na po ang lahat para sa paglipat natin sa mortal world. I’m so~ very very very excited!!!”



“Sige Vander, maari mo nang tawagin sina Elle.”



“Yes Master!!!” Sinunod naman ni Vander ang utos ni Brae at pakanta-kanta pa, “Pupunta kami sa mortal world, pupunta kami sa mortal world, pupunta kami sa mortal world~” At tinawag na niya si Elle. “Madame Elle, aalis na daw po tayo.”



Tinanguan lang ni Elle si Vander at saka noua binuhat ang kanyang anak na limang buwang gulang pa lamang, si Brylle.



“Hello, hello, hello Master baby Brylle!!! Kung dati ako po ang Elemental Guardian ng ama mo, ngayon ikaw naman ang pagsisilbihan ko!!! Ibig sabihin ako na ang Elemental Guardian mo dahil hindi na ako guardian ng ama mo. Do you get what I mean Master baby Brylle? Ikaw na ngayon ang pinaka-Master ko!!!”



Ang paglipat ng pamilya Zaffiro sa mundo ng mga mortal ay may kinalaman sa pangitain na nakita ni Brae limang taon na ang nakakalipas. Nang matuloy ang kasal nina Hollace at Alisia at nagkaanak sila ng sanggol na babae, lahat ng ito ay pinaghandaan na ni Oracle Brae.



He knows more than what every one thinks. At nakasalalay sa plano niyang ito ang katapusan ng lahat.



8 comments:

  1. ano p kya ung mga nalalaman ng daddy ni brae!! ang kyut ng appearance ni vander jan ee...

    at yun pla ung parents ni yana oh!! c king hollace, muka ngang msungit! ayiii slmat po s upd8 n 2 ate khit d2 lng yan s guidebook mu... ang dmi questions s utak q n nssgot... pero ndadagdagn din!!! naeexcte aq s twist mu!!

    ReplyDelete
  2. ang ganda ni queen alisia! ang saya! ang daming nangyayari..

    ReplyDelete
  3. Uwaaaah !! Ano kaya nangyari sa parents ni brylle ???>___< sana ok pa sila *0* ", ,"

    ReplyDelete
  4. Astig nung Mausoleum of Beatus! ^o^

    ReplyDelete
  5. aNo kaYa uNg pLan ni bRae,, at tSaKa n cLA na paRents ni bRyLLe,,, aNg gLing kYa pLa sPeciaL si YaNa,,, buKod s 1st girL xaH n tGapaGmaNa,,, miRacLe diN xaH dHil hndi nMn pLa maGkaaNak anG qUeen,,,

    At infairNess s kiNg at qUeen,,, rOyaLty tLga,,,

    ReplyDelete
  6. ang gling! mag bestfriend pla cna hollace at brae! ung parents nina yana & brylle! i luv it!

    at lumabas din c allina! ung servant ni queen n ninakaw lng si yana. tsk tsk! anu nga kya dhilan bkit nia kinidnap si yana noh??

    ReplyDelete
  7. so brylle's father already know the ending! i wonder what his plans are. curiosity attacks!

    ReplyDelete
  8. very beautiful!
    me likey this special chapter!!

    ≧◡≦

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^