Bakit nga ba nawala ang Prinsesa? Kinuha siya ni Allina mula kina King Hollace at Queen Alisia at nagpanggap na nanay ni Yana! Ito ang mga entries na mababasa niyo dun sa notebook na kasama sa mga pamana ni Allina na akala ni Yana noon ay walang nakasulat.
:Diary
of a Traitor:
ENTRY #1
Ilang daang
taon na rin ang lumipas nang matalo ang mga ninuno namin sa isang digmaang
nakapagpabago sa Otherworld. Ipinatapon sila sa pinakamadilim na parte ng
mundong ito, ang “Atreria”. At ngayon, kahit lumipas na ang daang taon na iyon,
nagpatuloy ang mga sumunod pang henerasyon na makulong sa lugar na ito.
Ngunit, biglang
may kumalat na balita na muling bumubuo ang leader namin ng pag-aaklas laban sa
angkan na tumalo saamin noon. Susubukan ulit ng mga Hollowick na labanan ang
buong White Light Clan.
Ganun pa man… wala sa plano ko na madamay
sa gulong gusto nilang simulan. Ang gusto ko na lang, ang makatakas sa lugar na
ito at takasan ang buhay na kinamulatan ko.
ENTRY #2
Kinailangan ako
ng mga Hollowick. Isang pangitain daw ang lumabas na nakaguhit sa aking palad
na maging tulay upang magtagumpay ang kanilang masasamang plano. Ako ay
magiging instrumento upang tuluyang pabagsakin ang White Light Clan.
Sinubukan kong tumanggi ngunit wala rin
akong nagawa. Binigyan nila ako ng isang tatak ng sumpa, na sa oras na suwayin
ko ang utos nila, maari ko itong ikamatay agad. Bukod doon, tinanggal nila ang
kapangyarihan ko at ginawang isang ganap na mortal.
Lahat ng ito, nakaplano na upang walang
maghinala saakin.
ENTRY #3
May isang
traydor mula sa White Light Clan. Kasama siya sa mga madidilim na balak ng mga
Hollowick. Hindi ko siya kilala, at wala silang balak na ipakilala siya saakin.
Ang traydor na iyon ang nagpatakas saakin…
at alam kong kahit hindi ko siya kasama, palihim siyang magmamasid sa mga
gagawin ko kaya kailangan ko ng doble ingat ngayon.
ENTRY #4
Ipinadala nila ako sa isang kakaibang
lugar. Ang mga nilalang ay hindi gumagamit ng kapangyarihan. Lahat ay simple at
ordinaryo. Ito na siguro ang tinatawag nilang Mortal World.
Hindi naging
maganda ang mga unang araw ko sa mundong ito. Mas mahirap palang maging mortal.
Walang makain, walang matuluyan, walang kapangyarihan!!! Kahit pa ang mga
nalalaman kong spells, hindi gumagana.
Ngunit may
nakilala akong isang lalaki na nagngangalang Samuel Rohan. Kinupkop niya ako,
binigyan ng pagkain at binihisan.
Panandalian
kong nakalimutan ang totoong dahilan kung bakit ako pinatakas mula sa Atreria.
Masaya sa piling ni Samuel. Hindi niya ako sinasaktan, at umamin siyang
nahuhulog ang loob niya saakin. Bukod doon, naiisip ko na isa na talaga akong
totoong mortal, simple at ordinaryo lang ang buhay.
ENTRY #5
Isang gabi,
isang estranghero hindi ko maaninag ang mukha ang nagpakita saakin. Dinala niya
ako sa isang lugar na hindi ko alam at doon ay pinahirapan niya ako at ipinaalala ang misyon ko.
Nagbanta siya na kapag kinalimutan ko ang plano, mamatay ako… at papatayin rin
niya si Samuel.
Noong akala
kong magtatagal pa ang sobrang pagpapahirap niya saakin, isang grupo ang dumating
at iniligtas ako. Hindi sila mga mortal dahil nakakagamit sila ng kakaibang
kapangyarihan. Natalo nila ang estrangherong nagpahirap saakin at nawala ito ng parang bula.
Nang tanungin
naman ako ng mga tumulong saakin, sinabi ko sa kanila na wala akong alam sa mga
nangyayari. Isa sa kanila ang nagsabing kailangang burahin ang alaala ko ngunit sa
takot, nagmakaawa akong kupkupin na lang nila ako.
Bukod doon,
hindi na ako pwedeng bumalik sa bahay ni Samuel. Masakit man na iwanan ko siya,
ayoko namang madamay ang minamahal ko sa gulong ito.
ENTRY #6
Isinama ako ng
grupong iyon pabalik sa Otherworld. At hindi sa Atreria ang tungo namin kundi
sa isang lugar na tinatawag nilang Clouds of Wilberwind. Mga Aersseys ang
tumulong saakin at doon ihaharap nila ako sa Tribe master nilang si Wendel.
Sila ay may dugong Lux, pamilyang kabilang sa White Light Clan.
Mababait sila. Tinanggap ako agad ng
kanilang leader. Bukod doon, nakilala ko ang anak ng leader nila na ubod
ng ganda at sobrang bait. Si Miss Alisia Aersseys.
ENTRY #7
Hindi ako
nakaramdam ng lungkot o sakit sa piling ng Aersseys Tribe. Tinuring akong
kaibigan ni Miss Alisia.
Ngunit kung minsan, nakakaramdam ako ng
lumbay sa tuwing naiisip ko ang lalaking iniwan ko sa mundo ng mga mortal.
Dinadalangin ko na sana, nasa mabuting kalagayan si Samuel.
Lumipas din ang
panahon na hindi naman ako ginugulo ng mga taga-Hollowick. Maging ang traydor
na umatake saakin noon, hindi na nagpaparamdam. Pero hindi ako nanging kampante. Alam kong pwedeng nasa paligid lang sila at nagmamasid.
Samantala, naikasal naman si Miss Alisia
sa pinakamamahal niyang lalaki… ngunit hindi basta-bastang lalaki. Si Prince
Hollace, ang kasalukuyang tagapagmana ng Lux. Itinanghal sila bilang bagong
Hari at Reyna ng White Light at ng buong Otherworld.
ENTRY #8
Nang maging Reyna si Miss Alisia, naisip kong siya ang maaring punteryahin ng mga
Hollowick. Siya ang magdadala ng susunod na tagapagmana ng Lux. Kung kaya naman
mas lalo akong nag-ingat. Ipinatong ko sa balikat ko na ako ang dapat na mas
magtanggol sa Reyna.
Nagkaroon pa muna ng problema sa
pagbubuntis si Queen Alisia, ngunit nang lumapit sila sa dakilang White Light
Creature, nabiyayaan rin sila ng anak. Limang taon muna ang hinintay ng lahat
bago nagkaroon ng panibagong tagapagmana ang Lux.
Naipanganak ng Reyna ang isang malusog at
magandang batang babae. Saakin niya lang unang sinabi na ‘Yana’ ang gusto
niyang ipangalan sa kanyang sanggol.
At ngayon nanjan na ang sanggol, siya
naman ang ipagtatanggol ko kahit pa buhay ko ang maging kapalit nito.
ENTRY #8
Ilang oras pa lang ang nakakalipas nang
maipanganak ang bagong Prinsesa, naramdaman ko ang pananakit ng tatak ng sumpa.
Isang boses rin ang naririnig ko sa aking utak, ipinag-uutos na patayin ko ang
sanggol. Nagbabalik ulit sila.
Ngunit pinigilan ko ang aking sarili at
nagpakatatag. Hinding-hindi ko susundin ang gusto ng mga Hollowick. Lalong
hinding-hindi ko sasaktan ang anak ng Reyna na si Prinsesa Yana.
ENTRY #9
Patuloy ang
pagsasaya ng buong palasyo.
Ipinagkatiwala naman saakin ni Queen Alisia ang pagbabantay kay Yana. Hindi ko
pinahahalata sa kanya na may iniinda akong lason mula sa tatak ng sumpa.
Sa paglalim ng gabi, isang himala na
nagawa kong lampasan ang sakit mula sa lason. Naisip kong marahil ay dahil nasa
tabi ako ngayon ng Prinsesa at suot niya ang Lux Amulet. Tinutulungan nila ako
pareho na hindi mamatay.
Pero nagkamali ako nang inakala kong
walang ibang mangyayari ngayon. Muling nagpakita ang traydor ng White Light
Clan. Kung makikita ko lang sana ang totoo niyang anyo, mas mapapadali ang
lahat.
May gamit siyang kutsilyo na may kulay
itim na likido sa patalim nito. Alam kong lason ito na mas madaling papatay sa
sanggol. Nang subukan niyang saksakin ang Prinsesa, binuhat ko siya at iniiwas
sa atake nito.
Sinubukan pa sana niyang gamitan ako ng
kakaibang kapangyarihan ngunit bago mangyari iyon, nabalot kami ng liwanag na
nagmumula sa Lux Amulet at sa muling pagdilat ko… wala na kami ng Prinsesa sa
loob ng palasyo. Ang lugar na aming napuntahan, ang Mortal World.
Balak ko sanang
bumalik sa Otherworld para ibalik ang Prinsesa kina Queen Alisia ngunit isang
boses din ang narinig ko.
Nagsasabi na kapag bumalik ako sa
Otherworld, matutupad ang pangitain na ako ang magiging tulay sa pagbasak ng
White Light Clan. Kailangan kong iligtas at alagaan ang Prinsesa, ilayo siya sa
gulo at huwag na munang bumalik sa Otherworld. Sa pamamagitan nito, hindi
magagawa ng mga Hollowick ang plano nila.
ENTRY #10
Gamit ang
kapangyarihan ng Lux Amulet, isang tao lamang ang naisip kong lapitan, si
Samuel. Naging emosyonal ang muli naming pagkikita. Sinabi ko sa kanya ang
buong katotohanan tungkol sa pagkatao ko, sa mundong pinanggalingan ko at sa
sanggol na dala ko. Naniniwala naman siya at nangakong itatago itong sekreto at
tutulong siyang protektahan kami.
Nagpakalayu-layo kami at nagtago sa
kapangyarihan ng Lux. Hindi rin nagtagal, pinakasalan niya ako at tinuring
naming anak ang Prinsesa. Dinala niya ang pangalang Alyanna Rohan at ituturing
namin siyang sarili naming anak habang nasa puder namin siya.
ENTRY #11
Lumipas ang ilang taon at nagawa naming
magtago para saaming kaligtasan. Ang laki ng tulong ng Lux Amulet dahil bukod
sa proteksyon upang hindi kami matunton ng mga Hollowick, pinipigilan nito ang
tatak ng lason na hanggang ngayon ay nasa aking katawan pa rin.
Napalaki rin namin ng maayos si Prinsesa
Yana. Lagi kong sinasabi sa kanya bago siya matulog na mapapasakanya ang
kwintas sa pagtungtong niya ng tamang edad. Kapag nangyari iyon, maari na akong
mamatay ngunit mamatay ako na masaya.
Hanggad ko na maayos na makakabalik ang Prinsesa sa tunay
niyang tahanan, at tunay niyang mga magulang.
Hindi nagawa pang isulat ni Allina ang
pinakamahalaga at huling pangyayari sa buhay niya. Ngunit, ito ang kwentong
nagsimula sa pagbabago ng buhay ni Yana.
Isang gabi sa bahay ng mga Rohan, nakaramdam ng
kakaiba si Allina. Muli niyang narinig ang boses na tumutulong sa kanya noon at
nagmumula iyon sa suot niyang Lux Amulet.
Sinasabing hindi na niya maabutan pa ang
pagdadalaga ang Prinsesa. Mamatay siya at ang kanyang asawa sa gabing iyon. Ang
sakripisyong gagawin nila ang magiging daan upang makabalik ang
Prinsesa sa tunay niyang tahanan. Ito ang daan upang tuluyan nang matalo ang kasamaan ng mga Hollowick.
Nang malaman ito ni Allina, sinabi niya ito kay
Samuel at pumayag naman ito. Sobrang mahal ni Samuel si Allina at ang turing
niya kay Yana ay tunay nang anak. At kahit puno na ng takot ang mag-asawa sa
nalalabi nilang mga oras, sinunod nila ang utos ng boses na naririnig nila.
Sa kwarto ng Prinsesa, gumuhit sila ng isang
special protection circle sa sahig at sakop nito ang buong kwarto. Nang
patulugin na nila ang Prinsesa, itinabi nila sa kanyang pagtulog ang Lux
Amulet.
Sumunod ay sumulat na ng huling testamento ang
mag-asawa na maglilipat sa nag-iisa nilang anak na si Yana ang lahat ng kanilang
ari-arian. Kabilang nito ang Lux Amulet at mga gamit ni Allina.
Nang dumating na ang oras na kanilang
kinatatakutan, sinugod ng mga nilalang ang buong bahay. Namatay sina Allina at
Samuel, at inakala ng mga ito na wala sa loob ng bahay na yun ang Prinsesa.
Dito nailigtas si Yana… at magpapatuloy ang
buhay niya hanggang sa dumating ang takdang panahon na makakabalik siya sa
kanyang palasyo.
Sa huling pahina ng iniwang notebook ni Allina,
heto ang nakasulat:
Mahal na Reyna, kung mababasa niyo po ito.
Patawarin niyo ako sa paglayo ko sa inyong anak. Ginawa ko ito para iligtas si
Yana at bilang pagtanaw ng utang na loob sa inyong angkan. Binago niyo ang
aking buhay, kayo po ay lubos kong minamahal.
Hindi ko hahayaang magtagumpay ang mga
masasamang plano ng iba laban sa tagapagmana ng Lux. Dinadalangin ko ang araw
na haharap sa inyong muli ang Prinsesa upang ihingi ako ng tawad at upang
ipaalam sa inyo na ako ay nananatiling inyong matapat na tagasunod.
Sumasainyo,
Allina
Hollowick
now i know..
ReplyDeletehindi naman pala masama si Allina, i thought before na talagang sinadya niyang ilayo si yana sa mga magulang nito, may dahilan naman pala.
^______^
khit hollowick si allina, kakampi p rin xah! nakktouch ung ginwa nia at ni samuel ksi pumyag clang mmtay pra lng iligtas si yana. pra n tlga clang mga magulang...
ReplyDeletepeo cno nga keia ung traydor n mula sa lux! i have a feeling kun cno peo hindi q ssbihin dhil ayoko p mambintang... hahhhahahha!!
ang galing ni allina.
ReplyDeletenakakatouch ang story niya.. ♡ ❤ ♡ ❤ ♡ ❤
akala ko kinuha niya si Alyanna dahil gusto niya magka-anak! haha! anglayo ng prediction ko, pero, I salute her!!!!! she is a really really good person
ReplyDeleteat saka saka.....Samuel and Allina remind me of Minato And Kushina of Naruto kasi sinacrifice nila sarili nila para sa anak nila.
DeletesuPer niCe ni aLLina,, paTi si saMueL,,, khiT hiNdi cLa rEaL pAreNts ni yAna, nAgsAcriFice cLa prA iLiGtas xAh,,
ReplyDeleted quEstiOn is cNo unG tRaydOr s LUx,,, hiNdi kYa c pRincE rOueL,,, LA Lng kXe aNg sUNgit niA ee,,,
na touch ako! ang bait nman ni samuel! saan makakahanap ng ganyang lalaki?? hahaha.. sino ung traidor??? hmmn,very mysterious..
ReplyDeleteĐaļäwá lâñģ náiïşip kőñg ťŕaýđör sà Łūx, sì přiņcė rőuěĺ oř sį ğemīnůş.. Sìła kâsï ůnğ mğą nãkáķapäņghînała.. Ü
ReplyDeletedi ko akalain na isang hollowick pala si Alina...pero ang bait niya dahil iniligtas niya
ReplyDeletesi Princess Alyanna kahit wala silang connection...excited na ako sa chapter 51...:)))
OK......SANA MABILIS LANG MAG UPDATE...SA WATTPAD NADIN...JEJEJEJE ....NICE STORY.....
ReplyDeletenakakatouch si allina. they treat yana as their own dahil sobrang utang na loob din siya kay queen alisia. tapos si samuel pumayag din magsacrifice for the love of his family. angs weet, naiiyak talaga ako dito.
ReplyDelete~angel is luv~
ReplyDeleteang bait ni allina. naiyak ako promise, natouch ako sa ginawa niya. hollowick siya, tinraydor niya angs arili niyang angkan para sa white light clan. which is a good thing kasi masama yung sarili niyang angkan. tapos niligtas pa niya si yana. akala ko nangkidnap lang talaga siya.
allina here is the martyr. she deserves the an award for this. utang na loob ng buong lux ang pagkakaligtas ni yana because of her.
ReplyDeleteAng bait pala ni allina nuh...siguro,ang ama ni brylle zaffiro na si brae zaffiro ang traydor...may kutob talaga ako dun...
ReplyDeletesiguro ang tinutukoy ni Allina na traydor ay walang ibba kundi si Oracle Geminus... jasi nung sinabihan sya ng hari at reyna na dapat ang mga Headmaster lang ang maka alam na si Yana ang prinsesa pero wala namang sinabi o sinulat dun si Oracle Geminus na hindi ipagsabi ang tungkol dun... kaya batid ko na si Oracle Geminus nga ang taksil...
ReplyDelete