Monday, October 1, 2012

Witchcraft and Wizardry: Chapter 4


WITCHCRAFT AND WIZARDRY
THE TREASURES OF 4 KINGDOM

CHAPTER FOUR:



A/N: dedicated ko 'tong chapter na 'to kay MS.DARKWANDERER .. Labyah Sunbae-nim ..


___



     DAHAN dahan kong dinilat mga mata ko. Sa una halos wala akong makita. Pero unti unti din syang lumiwanag makalipas ang ilang segundo. Puting kisame ang bumulaga sakin tapos nun nakarinig ako ng salita sa gilid ko.







     "Jay? Kamusta na? May masakit ba sayo?"nilingon ko yung lalaking nag-salita. Si Jeremy pala yun. Kaming dalawa lang ang tao sa kwarto. Umupo ako galing sa pag-kakahiga.








     "Jeremy? A-asan ako?"tanong ko sa kaniya. Wala kasing tumatakbo sa utak ko ngayon kundi pag-kalito.








     Hindi sumasagot ni Jeremy sakin. Tiningnan ko yung ekspresyon ng mukha nya parang may tinatago sya sakin at natatakot syang sabihin yun.








     "Ano bang mukha yan? Muntungek lang! Sumagot ka kaya no?"pero iniiwas nya lang mukha nya sakin. Napailing na lang ako sa kaniya at inilibot ko ang paningin ko sa paligid.









     ENT Awards for Doctor Brian Park? Basa ko sa isip ko. Napalingon ulit ako sa paligid. Totoo nga, nasa clinic ako ni Doctor Park. Pero bakit? Tiningnan ko si Jeremy, ganun parin. Para syang balisa na hindi maintindihan. Kala mo nakapatay sya ng isang batalyon na tao dahil sa kilos nya.









     "Ano bang problema mo?"inis kong tanong sa kaniya. Nakakainis naman kasi talaga! Ikaw ba pag-nag-tatanong ka tapos hindi ka sinasagot at yung balisang kilos lang makikita mo di ka ba mauurat?









     Mapapaisip ka syempre, baka mamaya may nangyari na palang masama tapos yung tinatanong mo ayaw pa sabihin sayo. Asar!








     "Hoy!"tawag ko sa kaniya sakto naman pasok ni Doctor Park. Mabilis kong inayos yung sarili ko. My gosh! Kailangan maganda ako, nandito kaya ako sa clinic nya-----teka-----bakit nga ba ako nan dito?









     "Doctor Park! Kamusta po? Nakita na po ba sya?"nine-nerbyos na tanong ni Jeremy ng salubungin nya si Doctor Park.









     Nakita? Sino? May nawawala? "Ano bang nang-yayari?"naguguluhan kong tanong sa kanilang dalawa.








     Bago sumagot si Doctor Park ay lumapit muna sya sakin. Hinawakan nya ang braso ko para may tingnan. Dun ko lang nalaman na may sugat pala ako.







     "Okay ka lang ba? Wala ka bang nararamdamang kakaiba?"alalang tanong ni Doctor Park. Sweet naman! Concern sya sakin.







     Nararamdaman? May nararamdaman ako Doctor Park, in-love ako sayo. "Wala naman. Okay lang ako."naka-ngiti kong sagot. Tumango sya sakin pero hindi sya nag-aksaya ng panahon na ngitian din ako. Kainis!








      Nilingon nya si Jeremy, "Hindi pa. Kagabi pa sila nag-hahanap pero hanggang ngayon hindi parin nila makita si Kei."









     Nagulat ako sa sinabi ni Doctor Park. Sino nawawala? Si Kei? Panong-----









     Naalala ko na! Ngayon ang second day ng camping namin kaya dapat wala ako dito. Pero-----sabi ko sa isip ko nung maalala ko yung nang-yari.









     "Alam na po ba 'to ng mga magulang ni Kei?"alala parin ang tono ng boses ni Jeremy.









     "Oo, tumutulong sila ngayon sa pag-hahanap kay Kei kasama ang mga magulang mo Jay. Maging sina Laurence at Jin nandun din."sabi ni Doctor Park.








     "Panong nawawala si Kei---"singit ko sa usapan nang biglang kumirot ang sugat ko sa braso. "Ahh!"napasigaw na lang ako.








     Mabilis na lumapit sakin si Doctor Park at Jeremy. "Mukhang hindi ka okay. Ano ba talagang nang-yari nung gabing mawala ka?"








     "Hindi ko maalala kung pano ako nasugatan. Dahil mabilis akong nawalan ng malay nung gabi na yun. Pero narinig ko na tinawag ako ni Kei nun. Teka---dahil ba sakin kaya nawawal si Kei ngayon?"tiningnan ko si Doctor Park para alamin dito ang sagot.







     "Nung gabing nalaman namin na nawawala ka. Si Kei ang unang umalis para hanapin ka, sinisisi nya ang sarili nya nun. Jay, ano ba talagang nang-yari?"sabi ni Doctor Park.







     Nang marinig ko yun nakaramdam ako ng guilty. Kung tutuusin ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Kung hindi na lang sana ako umalis nun sa campsite hindi sana natataranta at nag-aalala ang lahat. Nagui-guilty ako dahil sarili ni Kei ang sinisi nya. Tapos sya pa ang namamala ngayon.







     "Ang totoo, nag-away kami nung gabi bago ako mawala. Sa sobrang inis ko nilayasan ko sya. Nag-lakad lakad ako para mag-pahangin. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa hindi ko na namalayan na napalayo na pala ako sa campsite. Hindi ko na alam pabalik."nahihiya kong kwento.








     "Dahil lang sa walang kwentang away nyo ni Kei pinag-alala mo ang lahat!"sigaw sakin ni Jeremy.









     "Bakit ka ba sumisigaw? Hindi ko naman ginusto yun eh! Hindi ko naman alam na ganito mang-yayari! Inaamin ko naman na kaalanan ko eh! Kaya bakit ba naninigaw ka?!"napasigaw na rin ako kay Jeremy. 









     "Hindi kita sinisisi! Ang point ko lang hindi na sana nang-yari ang ganito kung nag-isip ka lang na wag ng lumayo dahil alam mo namang nasa gubat tayo!"








     "Oo na! Hindi na ko nag-isip! Tanga na ko! Masaya ka na?!"napaiyak na lang ako sa mga sinabi ni Jeremy. Sobrang nai-stress na rin kasi ako sa nang-yayari.








     "Tama na. Hindi ito ang tamang panahon para mag-sisihan tayo. Jay, sabihin mo kung ano nang-yari baka makakuha tayo ng clue kung nasaan ba si Kei ngayon."pigil ni Doctor Park sa bangayan namin ni Jeremy. Padabog namang naupo si Jeremy sa sofa.








     Pinunasan ko ang luha ko saka pinag-patuloy ulit ang kwento ko. "Hindi ko na alam kung nasaan ako nun. Sigaw ako ng sigaw. Tinatawag ko pangalan nyo baka sakaling marinig nyo ko pero wala."habang nag-sasalita ako ay humihikbi ako. "Tapos napahinto ako nung may nakita akong bato na nag-go-glow. Kulay blue sya."









     "Nag-go-glow na bato at kulay blue sya?"biglang naging interested si Doctor Park sa batong sinabi ko.








     Tumango ako, "Oo kulay blue sya. Kinuha ko yung bato tapos nun may bigla na lang sumulpot sa harapan kong isang babae na hindi ko maintindihan yung itsura."








     "Anong ibig mong sabihin?"kunot nuong tanong ni Doctor Park.









     "Nakasuot sya na parang pang gothic. May malaki syang parang ribbon sa ulo. Tapos yung mata nya puro itim lang. Nakakatakot sya."describe ko dun sa babaeng nakita ko sa gubat. Tiningnan ko si Doctor Park. Mukhang hindi na sya nagulat sa sinabi ko.









     "Tapos anong nang-yari?"








     "Natumba ako nun. Pero ang bilis nyang nakalapit sakin nun. Parang kidlat sa bilis. Sinimulan nyang higupin yung lakas ko. Hanggang sa unti unti akong nang-hihina at nawawalan ng malay. Dun ko narinig yung boses ni Kei."huminto ako saglit para alalahanin yung eksena na yun. "Tapos may biglang kumislap na parang kuryente na kulay pink.









     "Kumislap na kuryente?"sabay pang napatanong sina Jeremy at Doctor Park. Napalingon tuloy si Doctor Park kay Jeremy, ilang naman na iniwas ni Jeremy ang tingin nya dito. 







     Bumalik ulit yung atensyon sakin ni Doctor Park. "Alam mo ba kung ano yun?"si Doctor Park na ang nag-patuloy ng tanong.









     "Hindi ko alam. Nung mga oras kasi na yun malabo na yung paningin ko. Tatlong beses ko syang naaninag. Maya maya may lumapit sakin, pero hindi ko na alam kung si Kei ba yun. Pero hinatak sya nung babae. Hanggang sa may bumuhat sakin. Dun na ko nawalan ng malay."hanggang dun na lang talaga ang naalala ko. Hindi ko nga alam na nasugatan pala ako.









     "Si Jeremy ang bumuhat sayo nun ng makita ka naming walang malay."sabi ni Doctor Park. Bigla tuloy ako nakaramdam ng hiya kay Jeremy. Pasimple ko syang tiningnan, naka-simangot parin sya. "Wala na si Kei nung oras na makita ka namin. Pero ang sabi mo narinig mo na tinawag ka nya?"









     "Oo. Sigurado akong sya yun. Kilala ko ang boses ni Kei."giit ko. Si Kei talaga yung narinig ko. At sure ako dun. Napaisip si Doctor Park saglit. "Wala naman sigurong nang-yaring masama sa kaniya Doctor Park, diba?"nakaramdam ako nang pag-aalala kay Kei.









     Bumuntong hininga si Doctor Park, "Hindi ko alam Jay. Sabi mo kasi nakakita ka ng babaeng humigop sa lakas mo. Sigurado akong isa yung Lamia."parang pinang-hihinaan na ng loob si Doctor Park.









     "Lamia?"tanong ko, napalingon naman si Jeremy.








     "Isa silang Class A na creature. Ang lakas at kaluluwa ng tao ang pag-kain nila. Nakatira sila sa madilim na parte ng kagubatan dahil takot sila sa liwanag. Para maka-pag-biktima sila ng mga tao hini-Hypnotize nila ang mga ito sa pamamagitan ng pag-bulong sa hangin. At kung sino man ang unang makarinig kusa yung lalapit sa Lamia at yun ang magiging biktima nya. Masyado silang obsesses sa mga biktima nila at hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang lakas at kaluluwa ng taong yun."kinilabutan naman ako bigla sa kwento ni Doctor Park.








     Ayaw kong maniwala dahil para sakin may dalawang klase lang ng nilalang sa mundo. Yun ay ang mga tao at mga hayop. Pero nang marinig ko ang kwento ni Doctor Park at na-experience ko mismo ang Lamia na sinasabi nya hindi ko maiwasang kilabutan.








     Napa-aray ulit ako nang bigla nanamang kumirot yung sugat ko. "Jay!"alalang tawag sakin ni Jeremy. Lumapit sya sakin para tingnan ang sugat ko. Nataranta sya ng makita nya na nag-dudugo pala. "Doctor Park! Nag-du-dugo yung sugat nya! Gumawa kayo nga paraan para mapahinto yung dugo! Baka kung mapano si Jay!"








     Naiilang akong tumingin sa kaniya. Hindi kasi sya yung usual Jeremy na kilala ko. Kasi kahit alam nyang may sugat ako nun wapakels sya kahit kita na laman. Pero ngayon konting dugo lang sa sugat ko kala mo ikamamatay ko na. O.A!







     Takang namang napatingin sa kaniya si Doctor Park bago binuksan nito ang cabinet ng mga gamot nya. Inilabas din nya yung isang peraso ng beaker at may mga pinag-halo syang talong kulay ng liquid.








     Kinuha nya yung tripod nya at sinindihan, tapos nun pinainit nya dun yung beaker. Nang-laki yung mata ko nung makita kong nag-iiba-iba yung kulay ng liquid. Nagiging blue ito, violet tapos clear.









     I hate to say it pero---para syang MAGIC!














     PAG-KATAPOS nyang pakuluin yung liquid na nag-iiba-iba ng kulay ay sinalin nya yun sa baso bago inabot sakin. Kumunot ang nuo ko.









     "A-anong gagawin ko dito?"nauutal kong tanong.









     "Inumin mo yan. Gamot yan sa lasong nasa sugat mo."sabi ni Doctor Park.









     "Lason?"bigla naman akong kinabahan sa narinig kong yun. Ibig sabihin may lason sa loob ng katawan ko at gaya nga ng sinabi ni Jeremy, pwede akong mapahamak dahil dun?









     "May lasong ang katawan ng Lamia. Kahit sino man ang mapadikit sa kaniya o kahit sino man ang mahawakan nya o masugatan siguradong malalason at mamamatay. Hanggat hindi ka nakakainom ng pangontra dun hindi gagaling ang sugat mo. Dudugo lang 'to habang ang lason ay kumakalat na sa buo mong katawa."paliwanag ni Doctor Park sabay tingin sa peklat na nasa braso ni Jeremy. Yun yung sugat na nakita ko nung nag-punta kami nun sa beach. Nang mapansin ni Jeremy ay tinakpan nya yun ng kamay nya.









    Napatingin din tuloy ako dun. "Ano bang tinitingin tingin mo pa? Inumin mo na yan!"inis nyang utos sakin. Nginusuan ko sya saka ininom yung gamot na binigay ni Doctor Park.









     Hindi ko akalain na ganun sya kasarap. Para syang Yogart na Strawberry flavor. Mabilis ko syang naubos at pag-tapos nun bigla na lang nawala yung kirot at pag-dudugo ng sugat ko. Para talagang-----Magic.









     Lumapit sakin si Doctor Park para punasan yung sugat ko. "Sabi mo may nakita kang bato. Pwede ko bang makita yun?"









     Tumango ako at kinapa ang leeg ko pero nataranta na lang ako ng hindi ko na sya makapa. "Nasan na yun? Alam ko ginawa kong pendant yun eh!"hinalughog ko yung higaan ko pero wala akong makita. "Baka nahulog sya nung mahimatay ako nun sa gubat."halos hindi maipinta ang mukha ko.









     "Kung tama man ang hinala ko. Mahalaga ang bato na yun at kailangan nating bumalik sa campsite para hanapin yun."sabay kaming napatingin ni Jeremy kay Doctor Park.








     "Anong ibig mong sabihin?"kunot nuo kong tanong.









     "Kung yun nga ang Stone of Destiny kailangang makuha natin yun bago pa mahuli ang lahat."seryosong sabi ni Doctor Park.









     "Pwede bang si Kei na lang ang hanapin natin kesa ang walang kwentang bato na yan?"sabi naman ni Jeremy.









     "Mahalaga si Kei pero mas mahalaga ang batong yun."









     "Kung mahala ikaw na lang ang humanap. Alam mo naman ang lagay ni Jay ngayon. Tsaka pano kung balikan sya ulit ng Lamya. Sabi mo nga diba obsesses sila sa mga taong nabibiktima nila at hindi sila titigil hanggat hindi nila nakukuha ang lakas at kaluluwa ng biktima nila? Malalagay nanaman sa alanganin si Jay! Do-doble pa ngayon ang problema!"pati si Doctor Park ay nabalingan na rin ng init ng ulo ni Jeremy.









     "Teka nga, Jeremy huminahon ka nga!"kung kanina si Doctor Park ang umaawat sa bangayan namin ni Jeremy ngayon ako naman ang umaawat sa debate nila. "Doctor Park, ano bang ibig mong sabihin dun sa Stone of Destiny? At tsaka pano mo naman nasabi na mahala yun? Eh karaniwang bato lang naman yun. Nag-go-glow nga lang."










     "Dahil yun ang nag-sisilbing gabay at kapangyarihan ng itaas na dimensyon ng mundong ito."napanganga na lang ako sa sinabi ni Doctor Park. Ano daw? Itaas na dimensyon ng mundong ito? Gets mo??









     "Tsi! Kalokohan!"singhal ni Jeremy, napapailing pa sya. Halatang ayaw nitong maniwala sa sinasabi ni Doctor Park. Mas lalo naman ako. Bigla tuloy ako na-turn off kay Doctor Park. Kung malakas ang epekto ng Wizard's Tale kanila Jeremy at Laurence mas malala pala yung kay Doctor Park.









     "Doctor Park, hindi 'to oras para mag-imagine tayo ng kung ano ano. Seryosong usapan 'to. Nawawala si Kei-----"









      "Ikaw ang itinakda maging Satori para iligtas ang Tir Na Nog Jaydee. Ang Stone of Destiny na mismo ang nag-sabi nun. Ikaw ang Warrior ng Tir Na Nog!"natigilan ako  ng marinig ko ang susunod na sinabi ni Doctor Park.








     "Doctor Park, imposible yun. Dahil hindi naman nag-sasalita yung bato nang mapulot ko yun. Wala naman syang sinabi na 'Jay ikaw ang napili ko para iligtas ang mundo kung saan ako nang-galing' kaya Doctor Park tama si Jeremy. Si Kei na lang ang atupagin natin dahil marami nang nag-aalala lalo na ang mga magulang nya."di ko na maiwasang mamilosopo dahil hindi ko nagugustuhan ang mga sinasabi ni Doctor Park.

     






     Parang gusto kong kalikutin ang loob ng tenga ko kung tama ba yung narinig ko. Lalong kumunot nuo ko, kasi lalong hindi ko naiintindihan si Doctor Park. 








     "Jay, maniwala ka. Totoo lahat ng sinasabi ko."pakiusap niya sakin.








     "Sino ka ba? Bakit masyado kang maraming alam sa ganyang bagay? Galing ka ba sa ibang dimensyon tulad ng sinasabi mong Stone of Destiny na yan?"unti unti na ring nawawalan ng pag-galang si Jeremy kay Doctor Park. Palabo na kasi ng palabo ang mga nang-yayari.








     Napabuntong hininga si Doctor Park, nag-isip muna sya bago sya ulit nag-salita. "Oo, tama ka Jeremy. Galing din ako sa ibang dimensyon. Pero hindi sa dimensyon kung saan galing ang Stone of Destiny. Nabibilang ako sa Second Dimension. Kingdom of Ablach ang tawag sa lugar ko. Kaya ako nandito dahil dito sa mismong mundo nyo lang din makikita ang kaharian na kinabibilangan ko."








       Lalong kumulubot ang nuo ko. Hindi ako makasakay sa sinasabi ni Doctor Park. Kingdom of Ablach?? Second Dimension?? Kung may First may second pa pala? At ang kaharian daw ng second dimension na yun ay nan dito lang din sa Earth? Di nga? Bakit wala naman yata akong makita?








     "Gusto mo bang maniwala kami sa mga ganya?"nagulat ako sa sinabi ni Jeremy. Kasi naman sya 'tong mahilig sa mga ganyang Fantasy Stories pero sya pa 'tong hindi naniniwala ngayon.








     "Oo, dahil kailangang maniwala ni Jay sa mga sinasabi ko. Naiintindihan ko kung bakit ganyan ang reaction nyo. Lalo ka na Jay dahil alam ko na hindi ka fanatic ng mga ganitong klase ng kwento."buti alam mo Doctor Park. "Pero sa ayaw o sa gusto mo kailangan mong tanggapin ang katotohanan."








      Unti unti akong napapa-isip sa simpleng pangu-ngunsensya ni Doctor Park sakin. Parang kalahati ng utak ko gusto nang maniwal at yung kalahati naman hindi. "Pano kung hindi ako maniwala? May mang-yayari ba?"ang tanong na 'to ang sign kung ang isang tao ay nag-dadalawa na sa isip nya.








     "Wag mo sabihing paniniwalaan mo sya Jay?"mabilis na singit sakin ni Jeremy bago pa man sumagot si Doctor Park.








     "Hindi naman sa ganun. Curious lang ako kung may mang-yayari ba kung hindi ako maniwala sa mga sinabi nya."palusot ko na lang.








     Napa-iling na lang si Jeremy. "Gulo ang mang-yayari kapag-hindi mo nagawa ang task na itinadhana sayo Jay. Gulo hindi lang sa mundo namin. Kundi maging sa mundo ninyong mga Vulgus."








     "Vulgus?"another new term. Hindi ko na tuloy maiwasang humanga sa mga kakaibang words na sinasabi ni Doctor Park.








     "Yun ang tawag namin sa inyong mga tao na may mga kapangyarihan din sila pero hindi nils ito alam at walang kakayahang gamitin ito. Hindi rin nila nakikita ang mga mahiwagang bagay sa paligid sa kanila. Ang mga Vulgus ang mga nilala na walang kaalam alam sa totoong nang-yayari sa mundo. Sila ang mga nilalang na may pulang dugo."paliwanag niya. Tumango na lang ako, pero deep inside nadadala ako sa mga kwento nya. Si Jeremy naman inis lang na nananahimik sa tabi.








     "Nasabi mo kanina na mag-kaka-gulo pag hindi ko nagawa yung sinasabi mong dapat kong gawin. Anong klaseng gulo ba yun?"sunod kong tanong at expected ko nang may maririnig ulit akong bagong words.








     "Ang Dark Prince na si Lycus. Plano nyang sakupin ang mundo ng mga Vulgus at ipailalim ang mga ito sa Black Magic para pag-sama-samahin dahil ambinsyon nyang tuluyang sakupin ang First Dimension. Pero dahil pinalilibutan ng kapangyarihan ni Goddess Danann ang Tir Na Nog hindi ito mapasok pasok ni Lycus. Desperado na syang makuha ang Tir Na Nog, pero wala syang magawa. Kinakailangan nya ng malakas na kapang-yarihan para mabasag ang ginawang harang ni Goddess Danann."tama nga ko. Bago nanaman! Nose bleed na ko! Daming pauso ni Doctor Park! I.Q! Ang taas! 








     "Marami syang ginawang plano, isa na nga dun ay gawing Praecantrix at Magus ang mga Vulgus gamit ang kapang-yarihan ng Stone of Destiny. Kailangan din nya ang batong yun dahil yun ang mag-bibigay sa kaniya ng walang hanggang lakas at kapangyarihan. Isa pa, malaking banta sa kaniya kung mauna mang makakita ang itinaktang Satori dahil siguradong mapapakawalan nito ang apat na Druids na matagal na nyang ikinulong sa Fravaer o mundo ng kawalan."








     "Anong Praecantrix at Magus?"tanong ko. 







  

     "Praecantrix ang tawag sa mga witch at magus naman ang sa wizard."








     "Eh yung Druids?"namamangha na talaga ako sa mga words ni Doctor Park. Kakaiba sa pandinig.








     "Sila ang keepers ng Tir Na Nog. Hindi sila kayang patayin ni Lycus hanggat wala sa kamay nya ang Stone of Destiny dahil nasa batong yun ang buhay ng apat na druids. Para hindi sila maka-abala sa plano ni Lycus ay kinulong nya ang apat sa Fravaer. Hanggang ngayon ay nan dun sila Jay. At kinakailangan mo silang pakawalan."








     Para akong nahilo sa mga explanations ni Doctor Park. Sa totoo lang wala akong naintindihan sa lahat. Walang pumasok sa isip ko.








     "Sa tingin mo ba sa haba ng sinabi mo maniniwala parin kami? Mas lalo kaming hindi maniniwala sayo. Kung totoo ang sinasabi mo na isa kang wizard pakitaan mo kami ng magic."tama nga naman si Jeremy. Para maniwala kami kailangan nya kaming pakitaan ng magic.








     "Isa akong Praecantrix Jeremy, cauldron lang meron ako hindi wand. Ang kaya ko lang ay mag-sabi ng mga chants sa maliliit na problema at gumawa ng mga potions o pang-lunas hindi ang mga spells. At higit sa lahat, hindi ko kayang gawing dagat ang lupa. Hindi ako isang Magus."hindi ko naiintindihan si Doctor Park sa sinasabi nyang yun. Napalingon ako ng matawa si Jeremy.








     "Tama na nga Doctor Park. Hindi ko alam kung bakit nag-kakaganyan ka. Mali yata ako ng inakala sayo."naiiling pa sya tapos tiningnan nya ko. "Mabuti pa Jay umuwi ka na. Dun ka na lang sa bahay nyo mag-pahinga. Babalik ako sa campsite para tulungan sila sa pag-hahanap kay Kei."tutulungan na sana akong tumayo ni Jeremy nang bigla uling mag-salita si Doctor Park.








     "Jay, kailangan mo pa bang maka-kita pa ng magic bago ka maniwala na ikaw ang itinakdang Satori?"napaisip ako bago sumagot.







     "Sa totoo lang hindi ako naniniwala sa sinabi mo Doctor Park. Pero kung makakakita ako mismo sa harapan ko ng magic. Paniniwalaan ko ang lahat. Papayag na kong maging Satori at gagawin ko lahat matulungan lang ang apat na Druids na mailigtas ang Tir Na Nog at syempre ang mga tao na rin sa mundo namin.  At isa pa, tulungan nyo rin kaming hanapin si Kei since nasabi mo na rin na wizard ka o kung ano ka man."malakas ang loob kong makipag-deal dahil alam ko naman na hindi talaga totoo ang lahat ng yun. Naawa lang ako kay Doctor Park. Mukhang sobrang na-stressed siguro sya sa mga nakaraang araw tapos nadag-dagan pa na nawawala si Kei. Hay~kawawang Doctor Park.







     "Sige, sisiguraduhin kong makikita makikita natin si Kei. Pero pag-bigyan mo rin ako sa hiling ko na hanapin natin muli ang Stone of Destiny dahil ito lang ang sasagot sa lahat ng katanungan mo."nakipag-deal din sakin si Doctor Park.







     Hindi ko alam isasagot ko. Pero tama sya, marami pa kong katanungan sa isip ko ngayon. At isa pa nag-uumpisa na rin akong mag-alangan at mag-dalawang isip. Ewan ko ba kung bakit.







     Kalahati ng utak ko sinasabi na maniwala. Pero yung kalahati naman sinasabi wag. Sobrang nalilito na ko, pakiramdam ko kasi totoo lahat ng sinasabi ni Doctor Park dahil makikita mo ang sincerity sa mga mata nya.







     Ewan! Para kasi sakin sa isang Fantasy stories lang pwedeng mang-yari ang mga bagay na sinasabi ni Doctor Park. Sa Wizard's Tale o kahit sa ano mang kwentong pawang kathang isip lang nang-yayari ang mga ganun.








      Kalokohan yun! Stress siguro talaga si Doctor Park kaya kung ano ano na ang nasasabi nya. Hay naku! Hindi ako basta basta naniniwala sa mga ganyan!







     Pero pano nga kaya kung totoo lahat ng sinabi nya? Pano ko pakakawalan yung mga Druids? Anong gagawin ko?


 



      


     





. . . to be continued



ps: pwede po ba malaman yung name nyong 2 anonymous na nag-babasa at nag-co-comment sa kwento ko .. salamat po ..





11 comments:

  1. LuMiLipad n nMn utAk q,, hWoHohO,,, aq diN gAlinG aq sa seCond diMension,,,, aNg saYa-sAya mgbSa ng faNtasy,,,,

    At si jEreMy LikE nia tLgA yaNg c jAy,, wOhoHo,,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. no po name mu .? tnx po sa pag basa ..

      Delete
    2. niCoLe pO aTe,,, mTgaL n aq nGbbsA ng sToriEs niO dtO,,,

      Delete
    3. sakamat sau .. ikaw nga ung pinaka-vocal na nag-cocomment sakin ee .. haha .. luv u nics ..

      Delete
    4. Grabe !!! pangalawang fantasy na tong nababasa ko pati ang wizard tale andito din haha :D naiimagine ko lahat ng nangyayari ... nakakaexcite yung mga susunod na mga mangyayari ...

      Delete
  2. Waaaaaaaah! nai-imagine ko siya! Wohoo! ang galing mo sis! Your better than me.. sana di na sumakit ang ulo.. halo-halo ang iniisip ko eh..
    Ang aastig ng term sa witch at wizard! Nice..pati ung tawag sa mga tao! Vulgas! Kahit makaka nosebleed siya..naalala ko tuloy ang story ni Piers Anthony at David Eddings.. Go! Keep it up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat sunbae-nim .. mas magaling parin kau sakin kc mas marami na kaung nagawang mga magical stories .. ako bago lang .. sinusubukan ko pa lang kung kaya ko nga ba .. hehe .. romance, action, drama lang kasi talaga genre ko .. hehe ..

      Delete
  3. i love this chapter!!!

    ♡ ❤ update na po!! ♡ ❤

    ReplyDelete
  4. nagnonosebleed na ako.. hahaha!!.. fantasy na fantasy talaga ate..

    ReplyDelete
  5. waaaaaaaa !!!! naiimagine ko yung mga nangyayari .... ^_^ ganda-ganda !!! bravo !!!! pangalawa na tong fantasy na nababasa ko ... una ang wizard tale pangalawa to hehe :p

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^