Wednesday, May 8, 2013

Another Summer Sunset : Chapter 2

 Chapter 2 
(Allison POV)



“Ang tagal nating hindi nagkita Allison. You’ve changed a lot!” His face was really bright. Sobrang saya niya na makita ako. “Kamusta na?”



Pero hindi tulad niya, halatang pilit ang ngiti ko. “Okay lang.” At pagkatapos, “Ah sige. Iwan ko na muna kayo dito ha. Aayusin ko lang ang mga gamit ko sa loob. Tara Gelica!”



“Ha… oh sige…”



Umalis na kami agad at kahit pa parang narinig ko ang boses ni Harrem na tinawag ang pangalan ko, hindi ko ito pinansin.



Pagdating namin ni Gelica sa loob ng kwarto namin, “Oy halatang umiiwas~!”



“Hindi kaya.” Inirapan ko lang siya at sinimulan ko nang ayusin ang mga gamit ko.



“Ang pogi-pogi na ni Harrem noh? Na-starstruck nga kaming lahat nung dumating siya. Ang saya-saya, two weeks natin siyang makakasama dito!”



Hindi ko na pinansin si Gelica dahil napakawalang kwenta ng kinukwento niya. At busy ako sa pag-aayos ng gamit!



“Umamin ka nga Allison... talaga bang hindi mo na crush si Harrem?”



“Sheesh! Tumahimik ka nga Gelica! Baka may makarinig sayo!”



Tumawa lang siya ng pang-asar. “Tayong dalawa pa lang naman!”



“Eh paano kung pumasok bigla sina Shamae at Lucia?”



Si Shamae ay pamangkin nina Tita Mich, samantalang si Lucia naman ang anak nina Tito Dan at Tita Paula. Kasing edad lang namin ni Gelica ang dalawang yun at tuwing bakasyon, yung dalawang yun ang palagi naming kasama sa kwarto. For sure naman, ganun pa rin hanggang ngayon.



“Eh diba kayong dalawa naman talaga ni Harrem ang original na magka-close. Kung hindi pa nga siguro nag-artista noon si Harrem at nag-stop umattend dito sa mga bakasyon natin, hindi pa siguro tayo magiging close!”



May halong drama ba yung sinabi niya? “Close kami… NOON! Iba na ngayon Gelica. Ang dami nang nagbago. And besides, wag mo nang subukang i-compare ang closeness namin ni Harrem sa closeness natin ngayon.”



“Psh~ so hindi mo na talaga siya crush?” Wow ha! Ang dami kong sinabi, yun pa rin ang tanong niya sa bandang huli!



“Hindi na nga!!! Baka ikaw!”



“Oo naman! Crush ko talaga si Harrem. Nag-signup pa nga ako sa fansblub niya eh!” Hala! Ang baliw lang talaga ni Gelica. “At nagpa-autograph pa nga ako sa kanya kanina!” At sobrang lala! Pinakita niya saakin yung panyong pinirmahan ni Harrem. “Kaso, you know naman na ang one and only sweetheart ko ay walang iba kundi si Renz! Ahihihi!”



Natawa na lang tuloy ako kay Gelica. Si Renz ay pinsan ni Shamae na kasing edad lang din namin. Bunsong anak siya nina Tito Erik at Tita Mich. Si Renz din ang nag-iisang love interest daw ni Gelica.



Pero kahit love interest niya si Renz, interesado pa rin siya kay Harrem. O mas mabuting sabihin na interesado siya saamin ni Harrem. Ewan ko ba. Sinabi na kasing wala na akong pakelam sa kumag na yun.



Wag na lang sanang ipilit na maging close pa kami ng lalaking yun.
















Gabi na. And this is our first dinner together ngayong bakasyon. At may tatlong pahabang lamesa para saaming lahat. Syempre, sama-sama sa iisang table yung mga parents namin.



Magkatabi kami ni Gelica habang hinihintay matapos yung inihaw nina Kuya Ricky na kuya ni Renz at si Ate Pamela na pamangkin naman ni Tita Paula. Silang dalawa yung pinakamatanda bukod sa mga parents namin. At sila din ang inaasar na couple dito.



“Tignan mo si Kuya Ricky oh! Pumaparaan kay Ate Pamela.” Syempre, nangunguna sa pagka-chismosa si Gelica. “Kailangan talaga na kasama niyang pinapaypayan si Ate Pamela! Ayiiieh~ ang sweet!”



“Eh syempre mainit kaya dun! Try mo kaya?”



May kanya-kanyang topic naman ang lahat kaya sobrang ingay, daig pa fiesta!



Okay na nga sana ang lahat eh, kung hindi lang tumabi pa saakin si kumag na Harrem. “Baby A~” Sabi niya nang nakangiti. “Barbecue?” At in-offer nga niya saakin yung barbecue na nasa plato.



“Hindi na.”



“Favorite mo ‘to diba?”



“Dati.”



Napatingin naman saamin si Gelica. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya pero may kutob akong hindi ko magugustuhan yun.



“Ay~ sandali lang Allison ha!”



“Saan ka pupunta?” Hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso. Yung tipong bumaon na yung kuko sa laman niya.



“Aray naman Allison!!!” Pinitik-pitik naman niya yung kamay ko hanggang sa mabitawan ko na siya. “Sisilipin ko lang yung pinapaihaw ko kina Kuya Ricky!”



“Sasama ako.”



“Wag na~!” Hay naku lang talaga! Sinasabi ko na nga ba! Yang ngiting alien niya na yan, pinaka kinaiinisan ko! “At tsaka anjan na si Harrem. You two keep each other’s company!” Sabi niya with matching kindat pa! Hindi ko alam kung para saakin o kay Harrem ba yun.



“Thanks Gelica!”



“No problemo~” Confirm! Para kay Harrem yung kindat na yun. Tsk!



Sinadya niyang iwan kaming dalawa ni Harrem dito. Kung hindi ba naman saksakan ng epal diba?



Ngayong naiwan na kaming dalawa, sinimulan na nga akong kausapin ni Harrem. “Ang tahimik mo na ha. Dati ang daldal mo.”



Tinignan ko lang siya without showing any kind of emotion. Minabuti kong wag umimik kesa kung ano pang masabi ko.



“How long has it been anyway? Four years?”



I-four years mo yang mukha mo!



“Nakapag-entrance exam ka na ba for college? Saan ka na mag-aaral at anong course mo?”



Hindi ulit ako umimik. Naalibadbaran talaga ako kaya minabuti ko nang ayusin ang pwesto ko at nang hindi na ako nakaharap pa sa kanya.



Noong kaharap na niya ang likod ko…



“Alright… ini-snob mo talaga ako Baby A.” Obvious ba? “Hey!” Sabay tusok niya sa bewang ko kaya napatayo ako. Lakas nga kasi ng kiliti ko dun. “Ngayon na nga lang tayo nagkita tapos gaganyanin mo lang ako.”



That moment, hindi na ako nakapagpigil pa.



Since busy naman ang lahat sa kanya-kanya nilang gawain, wala na sigurong makakapansin dito sa gagawin ko.



“You’re right. Ngayon na lang tayo ulit nagkita at nakapag-usap. Kaya please lang, wag kang umasta jan na akala mo close pa tayo.”



“What are you talking about?” Napakunot bigla ang noo niya. “Galit ka nga saakin? Nakalimutan mo na ba pinagsamahan natin? We are best friends.”



“Diba ikaw naman ang unang lumimot?” At bago ako tuluyang umalis dito, “And we are no longer best friends… simula nung hindi ka na nagparamdam.” Saka ako lumipat ng ibang pwesto.



Mabuti na lang talaga, walang ibang nakapansin sa pagtatalo naming dalawa. Ay mali pala! Mabuti na lang at walang ibang nakapansin sa pang-aaway ko sa kanya.















“You did what?” Ikinwento ko na kay Gelica yung nangyari saamin kanina ni Harrem. “Tsk, tsk, tsk Allison! Kaya pala kanina nung naghahapunan, bigla na lang siyang nawala sa mood.”



“Ako rin naman ha! He’s acting like he didn’t ignored me those past few years! Nakakainis kaya! Feeling close pa rin.”



“Pero hindi mo ba naisip na baka hindi naman niya sinasadya yun.”



“Anong hindi sinasadya? Hindi sinasadya na wag nang tumawag saakin? Na balitaan ako ng mga nangyayari sa kanya! Ni simpleng reply sa mga texts at email ko, wala!” Naalala ko na naman yung panahon na yun! Naiinis tuloy ako lalo. “He’s the one to blame kung bakit nasira ang friendship naming.”



Napailing na lang tuloy si Gelica. Maso-sopla ko lang din siya kapag sinubukan pa niyang ipagtanggol si Harrem eh alam naman naming pareho na ako ang tama.



At hindi na rin talaga siya nakasagot dahil dumating na yung mga kasama namin ditto sa kwarto. Sina Shamae at Lucia.



“Ang aga niyo matulog na dalawa.” Ang sabi ni Shamae.



“Oo nga.” Sabi naman ni Lucia. “Bakit hindi kayo sumama sa laro kanina?Ang saya pa naman ng unang game natin dito.” Dagdag pa niya.



“Ah si Allison kasi eh… pagod kasi siya kaya sinamahan ko.” Buti na lang talaga close kami nitong si Gelica. Galing magpalusot eh.



“Pero wala ka namang sakit Allison?” Lumapit saakin si Shamae at kinapa ang noo ko.



“May dalang gamot sina Tito Dan. Sabihin mo lang kung kailangan mo ha.” Ang offer naman ni Lucia.



Ang bait talaga ng mga kasama namin dito. Friendly sila at noon pa man, sila na talaga ang nagri-reach out para maging ka-close ang lahat.



Nakakahiya nga pero aminado naman ako. Ako lang talaga ang my problema sa pakikitungo sa iba. Sabihin na nating matagal ako bago magtiwala. Kaya kapag binasag mo ang tiwalang yun, mahihirapan ka nang ibalik… at yun ay kung maibalik mo pa!



“Pahinga lang kailangan ko.” Sinakyan ko na lang ang palusot ni Gelica na kunwari pagod ako. “Bukas, okay na ito.”



“Mabuti naman! Mas masaya ang games kapag kumpleto tayo.”



Pagkatapos, minabuti ko nang matulog… kunwari!



Pero ilang sandali pa nga lang akong nagkukunwariang natutulog, narinig ko na ang chismisan nung tatlo.



“Ang cute-cute na talaga ni Harrem noh?” Ang kinikilig na sabi ni Shamae.



“Ayiiieh~ crush niya!” At nangunguna naman sa lakas ng boses si Gelica.



“Kung makapagsalita ‘to! Ikaw rin naman ha!”



“Hindi lang ako! Pati si Lucia.”



“Oy anong pati ako?” In-denial siya nung una pero, “Fine! Lahat na tayo may crush sa kanya!” At nagtawanan sila.



Hindi ko man type kung sino ang topic nila, wini-wish ko na sana ganyan din ako sa kanila. Yung makaka-usap ko sila at masasabihan ng secret. Minsan kasi, nahihiya akong makipag-usap sa kanila. Ewan ko ba kung bakit.



“Pero diba sina Allison at Harrem ang pinaka-close noon?”



“Oo nga. Pansin lang namin na hindi masyadong pinapansin ni Allison si Harrem. Parang umiiwas. Nag-away ba yung dalawa?”



At kunwari si Gelica, wala na lang alam. “Ewan ko rin ba sa dalawang yun.”



“Pero sana magbati na yung dalawa kung talagang nag-away sila. Pangit naman na mag-aaway pa, tuwing bakasyon na nga lang tayo nagkakasama-sama.”



“Oo nga! At tsaka nakakamiss yung noon eh. Silang dalawa kaya yung pinakamaingay at magulo kaya mas masaya.”



Biruin mo yun. Ibang tao pa ang nakakamiss sa pagsasama namin ni Harrem noon?



Pero bakit ganun? Ako lang ba yung sobrang naapektuhan nung hindi na nagpakita si Harrem nung mga nakaraang bakasyon. Sa kanila, okay lang na nawala siya at ngayon na lang din nagbalik.



Ako lang ba yung nagalit at sobrang nagtampo?



End of Chapter 2










5 comments:

  1. Oo. Oo! Tampuhin much! Bigyan ng HOPIA!!!!

    ReplyDelete
  2. Wag na kasi magalit, Ate pat-pat! :) Malay mo Mahal ka ni Harrem. :)))

    ReplyDelete
  3. kiNikig aQ kEi haRreM,,, mAy dhiLaN nMan cgUro xAh kuNg bKit siA nwALa ng gaNung ktGaL,,,

    ReplyDelete
  4. Emerged! Ngayon ko lang nabasa to.. Haha.. Napag iiwanan na nman.. Somehow, pareho kami ni allie ng attitude dito.. Haha.. Kunti lang..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^