Wednesday, January 30, 2013

He's The One - Chapter Twelve

Chapter 12: The Preperation 


 "Nakausap na pala ako ni Dyanne regarding sa gusto niyang isuot natin dalawa" napatingin naman si Kcee kay Shun.Nasa bahay sila ngayon ni Shun at inaayos ang mga huling preparasyon parasa Debut ni Dyanne. Dalawang linggo nalang kasi at kaarawan na nito.


"Oo,okay lang naman sa akin,sayo ba??"


"No problem with me." ngumiti pa si Shun sa kanya.


"Kumusta pala yung sa food,naibigay mo na ba yung complete list ??" tanong pa ni Kcee.

" Napapansin ko sayo laging sa food ka concern.Kaya ka tumataba eh. " pagbibiro ni Shun. "Oi! Kapal mo di ako mataba no!"inirapan naman siya ni Kcee. "So anu nga kumusta na ??"

" Okay narin yun,pati yung sa flowers.Bali yung sa venue naman iche-check ulit ni Kuya Sam para hindi na magka aberya. "sagot naman niya. "Eh yung mga invitations naipadala na ba??"

"Yes!!Ako pa??" pag yayabang ni Kcee.

" Oo,Ikaw na! Ikaw na mataba!! "

"Shun!!!" Sinugod ni Kcee si Shun at pinagpapalo  ito.Pinipigilan naman siya nito Shun na tatawa tawa pa! " Hey!  Kcee tama na! " pero patuloy parin si Kcee ,kaya nga lang ay na out of balance si Shun,kaya naman natumba silang dalawa.


Magkalapit na magkalapit ang mukha nila ,nakahawak ang isang kamay ni Shun sa bewang ni Kcee at ang isa naman ay nakaalay sa kanilang dalawa. Ang bilis ng tibok ng puso ni Kcee,hindi siya makagalaw  and when she finally had her guts to push him away before she  put herself into more trouble.


Without breaking the eye contact with her,his slowly descended on hers.Nagwala ang puso niya at sa kalituhan ay hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi nito at inuntog ang noo niya sa noo nito.Sabay silang napasinghap ng malakas. Napalayo tuloy ng wala sa oras si Shun sa kanya.


"Are you crazy??" malakas na tanong ni Shun habang hawak ang nasaktang noo."Why did you do that for??"


"Eh hindi nga kasi ako mataba!" sagot naman nito.


"Ay di mo ba alam yung salitang joke??Nako! Gutom lang yan Bratty I mean Kcee ,magluluto muna ako ." medyo  natigilan naman si Kcee sa sinabi ni Shun,na ikinatuwa ni Shun, sinadya niya kasing tawagin itong Bratty upang tingnan kung may epekto parin ito kay Kcee at mukhang tagumpay naman siya.

"M-mabuti pa nga magluto ka na!! Teka! Marunong kang magluto??!! " gulat na sigaw nito.

" Oo naman,tingin mo sa akin??" pagmamayabang nito. "O edi ikaw na marunong magluto"bulong naman ni Kcee.

"Pwede naman kitang turuan ,or kahit wag na pala lagi nalang kitang ipagluluto" nakangiting sabi nito na ikinablis ng tibok g puso ni Kcee.

"Ewan ko sayo!!Shooo! magluto ka na don! Gutom na ako. "pagtataboy ni Kcee.


//

"Anong kailangan mo??" tanong ni Lara sa babaing pumasok sa Shop nila ng walang pahintulot .


"Kailangan natin mag-usap" seryosong sabi nito.


"Anong pag-uusapan natin? Sa pagkaka-alam ko wala naman " mataray na sabi ni Lara.


"Wag kang magpanggap na inosente Lara Mei Marquez"


"Kailangan man hindi ako nagpanggap na inosente Marie Chairo San Diego ,sa ating dalawa ika iyon."


 "Pwede ba,Lara napupuno na ako sayo ha,Eto nalang layuan mo si Kenard kung ayaw mong masira ang buhay mo. "


"Tinatakot mo na ba ako sa lagay na iyan? Kasi hindi ako natatakot .At bakit akong pinagsasabihan mo at hindi yung asawa mo?? "matapang na sabi nito .

"Wag kang magtapang tapangan Lara,ano kayang mararamdaman ng Papa mo kung malalaman niyang isa sa mga anak niya ay isang Kabit at ang  yung isa naman  ay kung kani-kaninong bahay nakikitulog,bahay ng lalako to be exact. WHORES. "

Hindi nagustuhan ni Lara ang sinabi nito kaya naman sinampal niya ito ng ubod ng lakas. Gaganti sana ito kaso naunahan siya ni Lara at naitulak niya ito

" Chai! "sigaw ng kadarating na si Kenard at tinulungang tumayo ang asawa. " Anong nangyari dito "tanong nito kay Lara.

" Si Lara------------------------
              

"Ikaw ba kausap? Di ba ako?? Manahimik ka diyan "pagtataray ni Lara " At Ikaw naman pagsabihan mo yang asawa mo, makapagsalita Akala mo sinong santa at Miss hindi namin kasalanan ng kapatid ko na maging maganda  kung inggit ka madami akong kilalang pwedeng mag-ayos  ng paggmumukha mo ,pero sa totoo lang sa case mo mahal ang magagastos mo diyan ,pero don't worry sasabihan ko nalang silang bigyan ka ng discount" mahabang sabi ni Lara.


"Ang yabang mo" sabi ni Chai.


 "Mayabang AKO KASI MAY IPAGMAMAYABANG AKO." Lara.


"Tara na ,Chai " aya ni Kenard.Hinila niya ito .


"Hindi pa tayo tapos " huling sabi nito .Ngumiti si Lara " Anytime ,Dear. "


Pagka-alis nito napahinga ng malalim si  Lara.

" Grabe pang telenovela ang scene kanina wah."

"Wala dito si Lhei ,Keith"


" Alam ko"


"Alam mo naman pala eh,so anong ginagawa mo rito?? "

" Makapagsalita  to parang di tayo magkaibigan ha" sabi nito tapos kinurot pa yung pisngi ni Lara. " Hey!! FYI ! Hindi tayo close. Kaya Shooooo.Layas! " pagtataboy ni Lara.

"Makataboy naman ito,sige ka baka mabaliw ka riyan.Alam kong kailangan mo ng kausap " seryosong sabi nito. Napatingin naman dito si Lara.



//

 "Whoaa! "


" Tito! Ikaw pala!Pasensya na po kung makalat. " nasa bahay kasi ni Xavier si Lhei.Inaasikaso kasi nito yung para sa event ng company nila Xavier . Kayat't sobrang kalat doon.

" Siguradong pag nakita iyan ni Lee mag hihysterical yon ,may pagka OC pa naman yun." sabi nito habang nakangiti.

" Subukan niyang magalit babatukan ko siya! Minamadali  niya ako sa event na ito kaya magdusa siya!! " sagot naman nito na ikinatawa ng tatay ni Xavier.  " Ibang klase ka talaga!"


And speaking of the Devil. Nanlalaki ang mata ni Xavier ng makita ang kalat sa bahay niya. " LHEILANI-------------
                                                                                                                   

"Sige! Mareklamo ka hindi ko itutuloy ang pag-aayos ng event nito. " pananakot ni  Lhei


" Subukan mo naman isusumbong kita kay Kcee!! " sagot naman nito.

 " Edi isumbong mo pake ko?! Feeling mo naman takot ako kay Kcee. Ayaw mo non,pag hindi na ko maghahandle nito kay Kcee ito mapunta tapos may quality time na kayo. " tila napaisip naman si Xavier sa sinabi ni Lhei.

 " Nice Idea "anito. Nainis naman si Lhei kaya binato niya ito ng nadampot na unan. Binato naman ito pabalik ni Xavier.

 " STOP THAT LOVERS!!" saway sa kanila ng Papa ni Xavier.

" Dad where not LOVERS" -reklamo ni Xavier.

 " Then  don't act like one. " seryosong sabi nito.

" Saka Dad! Imposibleng magkagusto ako sa makulit na ito. " Tila nawala naman sa mood si Lhei sa sinabi ni Xavier na napansin ng Papa ni Lhei pero hindi nagkomento at inaya nalang si Lhei at Xavier kumain sa labas.







 Next Chapter : Xavier and Kcee's Moment naman

1 comment:

  1. NMiss q tLGa cLaNg dLwA,,, KcVier namAn ang kSunod,,, ahiiiIiee

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^