Tuesday, January 22, 2013

He's The One - Chapter Ten

Chapter Ten: Chance

 “ Ganito talaga ako,inaalam ko lahat ng bagay tungkol sa babaing gusto ko rather mahal ko.”

Napatulala naman si Kcee sa sinabi ni Xavier. Actually hindi lang basta tulala ramdam din niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya.

“ WHAT?” tanging nasambit na lang niya.

 “ I know ,masyado akong naging prangka sa nararamdaman ko pero the hell with that at alam ko rin na masyado pang magulo ang isip mo----------

“ Alam mo naman palang magulo ang isip ko ngayon tapos sasabay ka pa? Sira ulo ka din eh  noh? Saka pwede ba wag ng paligoy ligoy kung may sasabihin ka ,may itatanong, itanong mo na! Sayang oras dre.!dere-deretsong sabi ni Kcee.

Nakahinga naman ng maluwag si Xavier sa sinabi ni Kcee dahil nakuha nito ang ibig niton sabihin.

“ So? Kris Camille Hernandez pwede ang manligaw??”

“ Anla! Sinuswerte ka naman! I don’t even know you too well tapos ligaw na?Magpakilala ka muna??” mataray na sabi nito.

“You what,nawawala yung kaba ko dahil sayo, hindi talaga ako nagkamali na mahalin ka,even rumors says you’re a brat ,-------------

“Excuse me ---------- a Gorgeous Brat.

“ Fine a gorgeous brat ka iba ka! Salamat sa chance.”

“ Oi! Di pa ako pumapayag na manligaw ka,bago yon,kumain muna tayo tapos samahan mo kong magshopping syempre ikaw magbabayad”

“ Sure!! “

“ Turak! Joke lang! Mamumulubi ka sa akin. “ binatukan pa si Xavier.

“ Seryoso ako.Okay lang kahit mamulubi ako kahit Malabo naman na mangyari yon kung kapalit ba noon ay pagmamahal mo.”mayabang na sabi nito.

“ Unang una!! Ang yabang mo. Pangalawa pag mahirap kana ayoko na sayo!! “patuloy lang sa pagtataray si Kcee. Ginulo naman ni Xavier ang buhok nito.” Spoiled brat!!Pero seryoso nga ako,akong bahala sa shopping mo today. “

Bahala ka nga !Pero hindi ibig sabihin non pumapayag na ako! Talunin mo muna ako sa race bago ako pumayag manligaw ka!!

“ Sige ba! Pero Kcee di mo ba naiisip na napakadelikado ng pagkakarera??”

“ Aish”

“ Oi! Wag kang magalit nagtatanong lang ako,and don’t worry hindi ko hihilinging magbago ka,I love you that way noh!

Napangiti naman si Kcee sa narinig,sa totoo lang hindi niya maintindihan kung bakit niya pinayagan  si Xavier.

Naging magaan ang loob niya dito ng makalaban niya ito sa isang karera. Saka hindi naman siguro masama na subukan niya ulit magmahal hindi ba?

Gusto niyang maging Masaya.

 Gusto niyang bigyan ng chance ang puso niya na muling umibig. Ang panalangin niya ay sana sa tamang tao na.

Sa THE ONE.

//

Masyadong nag –enjoy si Kcee at Xavier sa getting to know stage nilakaya di nila napansin ang dalawan taong nakikinig sa pag-uusap nila.

Ang isa ay sising sisi sa nagawa niya noon at mas naiintidihan na ang napakalaking pagkakamali niya.

At ang isa ay si Lhei na hindi maintindihan kung bakit ganoon nalang ang pakiramdam niya. Bakit masakit sa puso niya, hindi niya dapat maramdaman yon ,pareho niyang bestfriend si Kcee at Xavier kaya dapat ay maging Masaya siya.

Dahil patuloy sa pag-iisip si Lhei hindi inaasahang tao ang nakasalubng niya ay dali dali siyang tumalikod at patakbong umalis.

 “ Please,please one is enough! Di ko na kakayanin Lord. Isa lang muna sa isang araw!! “ usal niya ng panalangin habang tumatakbo na dahil ramdam niyang nakasunod parin ito sa kanya. 

At sa kasamaang palad ay naabutan siya nito. Pilit siyang pumiksi  sa pagkakhawak nito.

“ Ano ba!! “sigaw niya.

 “ Lhei,please let’s talk.”pakiusap nito.

“Wala tayong  dapat pag-usapan,Keith”malamig na sabi ni Lhei.

 “Makinig ka muna sa akin.Please.!” pakiusap nito.

“ Pwede ba! Tigilan mo na ako! Ayoko kitang kausap kaya please lang!Tantanan mo ko!! “

  “Lhei naman eh! Please just this one pakinggan mo naman ako!! “ pakiusap ulit nito.

“ Hindi mo ba naiintindihan na ayaw niyang makipag-usap sayo.” Napatingin si Lhei at Keith sa nagsalita.

“ Pwede ba Pre,wag kang makialam dito”inis na sabi ni keith.

 “ May pakialam ako”

Sino ka ba ha??Ano ka ba ni Lhei?”

“Ako?Ako lang naman naman ang boyfriend ni Lheilani.”

O__________________O

Nanlaki ang mata ni Lhei sa sinabi nito.


“Kaya pwede lang wag mo ng guguluhin ang girlfriend ko.“ pagkasabi noon   ay hinila nito ang tulalang si Lhei.


//

“Pasensya ka na kung sinabi kong boyfriend mo ako nakita ko kasing ginugulo ka niya .“

“ Ah eh ,wala yun.Thank you nga pala SHUN. Hindi ko na nga alam yung gagawin ko eh“


“ EX mo??”

“ Yeah,ex bestfriend” naiilang nasabi nito. Napansin naman iyon ni Shun. “ Okay lang kung ayaw mong magkwento.Mauna na ako,hindi ka na siguro guguluhin non.”


“ Ah eh siguro. Salamat uli Shun. Ah eh sana lang wag na itong makarating kay Kcee. “ paghingi nito ng pabor.


“ Walang problema” nakangiting sabi Shun.Ngiting nagpabilis ng tibok ni Lhei.

 Ngayon naiintindihan niya na kung bakit hindi madali para kay Kcee na kalimutan si Shun.

Ngiti palang!

And He’s not that bad after all,hindi lang talaga panahon ni Kcee at Shun NOON.

Pero malay natin kung ngayon pala ang panahon nila.


Tapos ano? Para sayo si XAVIER??Usal ng isip ni Lhei.

3 comments:

  1. Shun was good before. Then comes Xavier who seemed better for Kcee .. Pero wala sa good or better ang deserve ni Kcee. Dapat ung best !! So best man wins her heart dapat.

    Haha, ang bongga ng comment ako. First time eh ..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaaah...Thank you po sa comment natuwa naman daw ako..

      Tama I agree sino kaya yung best?wahahaha... abangqan.hihih

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^