Monday, June 25, 2012

Dusk Eternity : Chapter 16

Embrace the Silhouette

OLIVIA'S POV






Sa isang malawak na parang si Olive. Puno ng colorful roses. Malakas ang simoy ng hangin kaya natatangay ang petals.naglalakad siya sa gitna. Hinihipo bawat madaanan. Maaliwalas ang lugar ngunit walang sumisikat na araw para pasuin siya.




"Ethan?"takang tanong niya nang mapansin ang isang lakaking nakatalikod ra kanya. Sa mold ng katawan ay kaparehas talaga ni Ethan. Nakakasigurado siyang si Ethan iyon. Huminto siya.





"Ethan?"ulit niya. Pero di sumagot ito. Kinisap niya ang mga mata. Hanggang nahuli niyang nakaharap na ito sa kanya. Naka flash ang pangil. Mapupula ang mga mata. Umatra siya. Demonyo pala ang inaakala niyang si Ethan.





"Layuan mo ako!"tumakbo siya. Nanatili ito sa pwesto habang ngumingiti ng mala demonyo. Bumalik siya sa direksyon na pinanggalingan niya pero may biglang lumitaw na hayop. Dambuhala.pointed fangs.naglalaway pa. Halimaw na ito. Kinapos siya ng hangin. Nakulong siya ng dalawang demon. Niyakap niya ang sarili. Tumindi ang ihip ng hangin. She shut her eyes. Dumadasal na sanay ililigtas siya.





Narinig niya ang mapangnib na ungol ng hayop. Iyong tinitawag nilang lobo.
Blangko ang isip niya. Di alam ang gagawin. Nararamdaman niya na lang na umiinit ang katawan niya. Pero ang dalawang demonyo ay paatake na sa kanya. Tila iikot na ang ulo niya sa takot at kaba.


Aaaaaahhh! Tumili siya. Isang tili na may halong pwersang nagpapatumilapon sa enemies niya. Sa lakas ng pwersang iyon ay natunaw ang mga bulaklak. Naiwan ang puro puti sa paligid. Bumagsak siya na gulong gulo ang isipan.

"OLIVE."sumunod ang boses ni Anastasha. Narinig niya iyon matapos magkaroon ng malay. Unti unti niyang minulat ang mga mata.


Nasa madilim na silid siya pero may kaunting sinag ng araw na tumatagos sa maliit na butas ng silid.As she move para bumangon ay natigilan siya ng mapansin na bumibilis ang kilos niya.in one second,nakatayo na siya. Nagulat din siya sa sout. Naka black evening dress.Pati ang recent memories niya ay tila lumabo. Di na niya maalala kung paano siya napunta dito.

She lifted her head. Una niyang nasipatan si Anastasha. Happy much ito sa nangyayari ngayon. Bakit kaya? Ano ba ang nangyari na di niya alam? May something strange ba?

She grimaced.

Ginala niya ang paningin.Nakita niya ang ibang kasama ni Tasha. Pero wala si Ethan. Only three boys and new 2 faces na girl ang nakita niya.Dalawang babaing kasing edad niya. Hayag sa ekspresiyon nito na masayang masaya ng makita siya.


"A-anong nangyari?"she asked hesitantly.


Lumapit si Anastasha sa kanya.


"Your majesty...."


Yumukod ito. Nagulat siya. Bakit ganoon si Tasha? Bakit may pa majesty pa itong nalalaman. Bakit? Queen ba siya. Hibang yata 'to? 



Hinawakan niya ang balikat nito para alalayan na patayuin. Pero may biglang voltage na dumaloy sa ugat niya sanhi sa pagalala niya ng kaunting memories sa recent incident. Iyon ang moment na sinaksak siya ni...ni Czarinah Zaragosa.Dali-daling hinatak ng dalawang babae si Tasha palayo sa kanya.



"A-ano to?"she hissed. "Anong nangyayari sa akin?"bumalik siya sa pagkakaupo sa kama.



"Olive,reyna ka na namin ngayon."sarkastikong tugon ni Tasha kahit nanghihina."Panahon na para iligtas kami sa sumpa ng buwan."



Nalito si Olivia.


"Di ko naiintindihan."sabi niya.


"Isa ka nang bampira."siwalat nito sa malumanay na boses.


Napairap siya dito. 


"B-bampira?"pumanting ang salitang iyon sa tenga niya nang ilang beses. Klarong-klaro iyon. Di siya nabibingi. Pero nagaalinlangan siyang paniwalaan iyon. Nalilito kaya siya sa nangyayari. Paano ba siya naging bampira? 



Ito na marahil ang eksaktong panahon na sinasabi ni Ethaniel. Oo,tinatanggap na niya ang pagiging ganito.Na isa siyang kalahating bampira na may malakas na kapangyarihan at nasa kamay niya ang kaligtasan ng lahat. Pati ang kakaibang nangyayari noon ay na iintindihan na niya. Bampira si Ethan. Taong lobo si Knight. Ang dalawang mahalagang persona sa buhay niya. Ang magkaparehong pinoprotektahan siya. Pati ang mga kontrabida sa pagiging ganito,si Oreon Imperial sa mga bampira at si Mareo Morio sa mga taong lobo. Misyon niya ngayon ay pigilan ang dalawang iyan sa pagsira sa kanya at pagsira sa mga imortal.



Yumuko siya na sinapo ang noo.



"Argh!Nalilito ako."usal niya."Ang alam ko nahimatay ako noon pagkatapos iligtas si Diane."



Si Diane naalala niya.Saan na kaya iyon? Kamusta na kaya ang lagay nito? 



"Tasha,si Diane?"



Bumukas bigla ang pintuan.



Niluwa si Ethan.May kasama itong dalawang babae. Ang isa matangkad na nakadamit manghuhula. Ang isa katamtaman ang taas na kasing edad yata ni Anastasha.Kaso sa pananamit nito ay parang pyscho girl.




"Gising ka na."yinakap siya kaagad ni Ethaniel.



Naramdaman niya ang kasiyahan sa puso ni Ethan. Mahigpit ang pagkayapos nito sa kanya. Her heart skipped a beat. Nanatili pa ring mahal niya ang binatang ito magpakailan man. Tuwang-tuwa nga siya sa muling pagkikita nila.



"Ethan,kailangan ko ng paliwanag mo."bumitaw siya matapos nang ilang sandali.



"Ito na ang tamang panahon olive."naka-ngiti ito."Isa ka nang buong bampira."



"Active na din ang vampire emblem at kahit sino'y di na iyan maagaw."sabi ng babaeng nakadamit manghuhula.



"P-paano ako naging bampira?Ang akala ko nahimatay ako noon at niligtas mo ako kasama natin si kuya Knight."She pause. Naalala niya si Knight."Si kuya knight.Naalala ko na hinahabol tayo ng mga taong lobo."



"oo olive. iyon ang sanhi sna muntikan ka nang mamatay."



"Si kuya Knight. Saan ba siya? Ligtas ba siya?"



Nagpalitan ng tingin si Ethan at Anastasha.



"Ang totoo,ibinuwis ni knight ang kanyang buhay para sayo,olive."sabi ni Ethan sa utak nito. Kaagad niya iyong nabasa.



"HINDI!" she sobbed.



"iyon ang kapalaran sa pagiging boung bampira mo Olive. May mga nilalang na magsasakripisyo para protektahan ka. Sana maunawaan mo."Sabad ng babaeng manghuhula.



"Lady Yvette.."anas ni Ethan.



Kung ganoon Lady Yvette pala ang pangalan ng manghuhulang ito.



"Tama si Lady Yvette,Olive.Sana matanggap mo kung ano ka talaga."umepal si Selene.


Inirapan niya ito.

"Selene.."hinila ni Anastasha ito para ilayo sa kanila.

"It's time to embrace the silhouette. Limang araw na lang lalabas na ang eclipse."nakataas noong wika ni Lady Yvette.

Tama. Limang araw na lang sasapit na ang pagkakataon na kailangan siya ng lahat. Ang kaarawan niyang puno ng peligro. Sana sa panahong iyon ay magagawa niyang iligtas ang lahat. Sana di mabigo ang tadhana sa pagtakda sa kanya. Sana...

"Pero marami pa ang pwedeng mangyari hangga't nariyan pa ang dalawa nating kaaway. Kailangan masira sila bago ka pa nila maunahan Olive. Sa lalong madaling panahon kailangan mo ng matutunan sa paggamit ng kapangyarihan mo."tumitig si Yvette kay Ethan."Ethan as her protector responsibilidad mong tulungang pukawin ang kapangyarihan ng vampire emblem sa ugat ni Olivia. Umaasa kami sayo."

Tumango ito.

"Makakaasa ka Lady Yvette."senserong sagot ni Ethaniel.



Ngumiti ang babae.




Matapos ang usapan kanina naisipan niyang titigan ang sarili sa salamin. Binalot siya ng pagmamangha ng makita ang refleka. Ibang iba na ang anyo niya.Lalo siyang pumutla na tila porcelain na babasagin. Umiba din ang kulay ng mga mata niya. Kulay grey na ito ngayon. She close her eyes. Humugot ng malalim na hininga. Inalala ang lahat. hindi na siya tao. huminto na sa 17 ang edad niya.Hindi na siya magkakaanak. Makakapagasawa. Mamuhay ng normal. Makakain ng masasarap na pagkain. Magiging ganito na siya habambuhay. MAgiging reyna ng mga bampira. Titira sa kadiliman. MAmumuhay sa magulong mundo. As she open her eyes it turn to red as blood. Kasabay ng pagkaroon niya ng pangil.



(I do not own this photo)


3 comments:

  1. vamp n tlga siya!!!!!!!!!!

    anubyan, naiisip q n rin ung last movie ng twilight saga dhil d2!

    ReplyDelete
  2. yes!.. mei chapter 16 nah!.. grabeh ang tagal kung hinintay to!.. im excited what will happen next.. update lang po ate..

    --DemiDoLL

    ReplyDelete
  3. ~>angel is luv<~

    grabe po! sa wakas may update na!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^