Sunday, May 12, 2013

Another Summer Sunset : Chapter 3

 Chapter 3 
(Allison POV)



“Kami na ang magka-partner ni Baby A!”



“Anak ng Pasig naman kayo. Hindi ba kayo nagsasawa na magkapartner? Lagi kayong natatalo.” Ang sabi ni Tita Dan.



“Hindi po ako nagsasawa! Diba noh Baby A?”



“May choice ba ako?”



“Hoy Dan! Pabayaan mo na nga lang ang mga bata kung gusto nilang magka-grupo.” Sita naman ni Tita Reema sa kaibigan niya.



“May choice pa ba ako?”



“Oh sige na mga bata! Game na! Harrem, galingan niyo ha!”



“Opo Mommy!”



“Ikaw din Baby A.”



“Yes Tita Reema!”



Pero kasisimula pa lang ng sack race, natumba na kami agad ni Harrem.



“Hwaaah! Harrem sabi naman sayo matatalo tayo eh! Ang lampa-lampa ko!”



“Okay lang yan Baby A! Mahahabol pa natin sila, tayo ka na dali!”



Sa tuwing kaming dalawa ni Harrem ang magkasama, para silang nanonood ng gag show at tawa ng tawa. At kung hindi kami natatalo noon, suki naman kami ng disgrasya.



“Hala! Nabukulan na si Baby A!” Ang sigaw ni Kuya Ricky.



“Si Harrem puro gasgas na!” Ang sabi naman ni Ate Pamela.



“Tsk! Sabi naman sayo Harrem, magpalit muna tayo ng kapartner eh! Lugi tayo!”



“Okay lang yan~ masaya naman diba?”



Yan naman ang laging linya niya. Kahit talunan basta magkasama daw kami, masaya na!



Tama naman din siya. Tawa lang kami ng tawa pagkatapos nun.
















Halos tulog pa ang lahat nang magising ako. Paglabas ko, yung mga parents lang naming yung gising na. This is our 2nd day here on camp.



“Oh Baby A! Aga nagising ha!” Bati saakin ni Tito Erik.



“Good morning po.”



“Sina Gelica, tulog pa ba?” Tanong naman saakin ni Tita Paula.



“Opo. Ang tagal po kasi nilang nagkwentuhan nina Shamae at Lucia kagabi. Magdamagan po yata.”



Bukod pala saakin, ang mga batang sina Pen-pen at Owen ay gising na din. Magpinsan yang dalawang yan at sila lang din ang magka-edad dito kaya sila ang pinaka-close.



“Ate Baby A, mag-gatas po kayo!” Sabi ni Pen-pen.



“Mas masarap itong milo! Gusto mo Ate?” Offer naman ni Owen.



Nginitian ko naman sila. Pero biglang may nagsalita.



“Mas gusto ng Ate Baby A niyo ng juice sa umaga.” Si Harrem yun at lumapit siya saakin na may hawak na apple juice na naka-box pa.



“Actually, mas gusto ko ang kape.” At patago kong inirapan si Harrem para hindi makita nung mga bata. “Teka lang ha, pupunta lang ako sa kusina.” At umalis na ako agad.



Pagdating ko naman sa kusina, nagluluto na sina Mama, Tita Anna, Tita Mich at Tita Reema ng agahan namin. Tumutulong din sa kanila si Ate Pamela.



“Need help Mommy A?”



“Nope Baby A. Breakfast will be ready soon.”



“Good morning Baby A!”



“Good morning din Tita’s!” At saka nila ako bineso lahat.



Tapos dumirecho na ako sa may gilid para magtimpla na ng kape ko. Kaso may nakasunod pa palang epal sa likod ko.



“Did you sleep well last night?” Si Harrem, galing niyang mambwiset ha!



At gustung-gusto ko na siyang barahin agad kaso nakatingin na saamin si Mommy at yung mommy niya na si Tita Reema. Titig na titig sila saamin, natutuwa na makitang magkasama kami ulit.



“Kelan ka pa nahilig sa kape?”



“Noon pa.”



“Ayaw mo na talaga ng juice?”



“Hindi naman.”



“So nakatulog ka naman ba ng maayos kagabi?”



“Medyo.”



“Sayang hindi kayo nakasali ni Gelica sa 1st game natin kagabi.”



“Ah.”



“Sali ka na mamaya.”



“Depende.”



“Masaya naman yun!”



“Alam ko.”



“So sasali ka na?”



“Siguro.”



Ang ganda ng usapan noh? Tanong lang siya ng tanong, sagot lang din ako ng sagot.



Pero ang kulit niya talaga eh. Manhid ba siya? Obvious naman na hindi ko rin siya feel na kausap diba?



Tamang-tama, tapos na ako magtimpla ng kape. Bitbit ang cup, umalis na ako sa kusina.



Tamang-tama ulit, nakabuntot pa rin saakin si Harrem hanggang dito sa labas. Bi-bingo na saakin ‘to!



“Galit ka talaga saakin noh?”



“Ay hindi…”



“Okay. Ano ba talagang kasalanan ko?” Umirap lang ako sa kanya.



Hanggang makarating kami malapit dun sa pool, ayun at nakabuntot pa rin siya saakin. At ngayon hindi pa siya nakuntento, kinalabit-kalabit na ako, sinundot-sundot pa sa bewang ko. Lahat na ginawa niya para magpapansin lang.



“ANO BA!!!”



Pero hindi siya tumigil. Inuubos niya talaga pasensya ko eh. At dahil pikon na pikon na pikon na ako…



“AAAHHHHH!!!”



Ibinuhos ko lang naman sa kanya yung kape ko.



“Ang init! Ang init!!!” At napahubad siya agad sa suot niyang shirt. “You. Are. So. Mean!”



“Buti nga sayo.”



“Buti hindi nalapnos balat ko!” OA niya ha. “At minanchahan mo pa ‘tong damit ko! Labhan mo ‘to!”



“Asa ka.”



“Ang lagkit-lagkit ko na!”



“Ginusto mo yan eh.” At ngumiti lang ako ng pang-asar! Mwahahaha!!!



Pero nagulat na lang ako nang bigla na niya akong hawakan ng mahigpit sa braso. “Ano ba!!! Bitawan mo ako!!!”



“Sumusobra ka na Allison.”



“Kung ayaw mong pati itong tasa ay basagin ko sa bungo mo, ibaba mo ako!!!”



“Ah ganun?” Bigla niyang hinablot yung tasa at binato yun sa may damuhan! Buti nga hindi nabasag eh.



Pero yung sunod niyang ginawa ay ikinataranta ko na. Bigla ba naman niya akong binuhat na parang sako! At papunta kami sa pool! Ano plano niyang gawin?



“WAAAH!!! IBABA MO AKO!!!” Sinasabunutan ko na siya pero wala lang sa kanya.



“Wag kang malikot Baby A! Baka mahulog ka!”



“IBABA MO NA AKO SABI!!!”



Tumigil na siya sa paglalakad. At nasa harap na kami ng swimming pool.



“A… anong pinaplano mo…?”



“Gusto mong ibaba na kita!”



Oh no!!! Kilala ko ‘tong kumag na ‘to!!!



“Hoy Harrem!!! ISA!!!”



“Dalawa… tatlo… apat…”



“Hindi na ako natatawa sayo!”



“Sinong may sabing nakakatawa ‘to?”



“Ibaba mo na kasi ako!!!”



*splaaaaaaaaaaaash~*



Argh!!! Peste naman talaga!!!



Itinapon niya ako sa pool at saka siya sumunod na tumalon.



“Woohoo!!!”



Ito na. Puputok na talaga ako! “HUMANDA KA SAAKIN!!!”



Lumangoy ako palapit sa kanya dahil lulunurin ko na talaga siya.



Pero tuwang-tuwa pa siya, “Bring it on Baby A!”



Killer mode na talaga ako. At buti na lang mabilis ako lumangoy, nahabol ko siya agad! Pero sasapukin ko pa lang sana siya…



“Anak ng Pasig naman kayong dalawa! Bakit nauna na kayong naligo jan?” Nahuli kami ni Tito Dan pero nagawa lang siyang biruin ni Harrem.



“Tito Dan, hanggang ngayon pala, yang 'Anak ng Pasig' pa rin pala ang expression niyo?”



“Aba, pinapakelaman mo pa ang expression ko ha! Lagot kayo!!! Isusumbong ko kayo!” At tinawag na nga niya yung iba, kasama si Mommy  A at Tita Reema.



“Hindi pa nga kumakain, nauna na kayo jan!” Ang sabi ni Mommy.



“Naku, ayan na yang dalawang yan! Nagsimula na sila!” Ang dagdag naman ni Tita Reema.



Nagkatinginan na lang kami ni Harrem. May gana pa nga siyang ngumiti at umakbay saakin.



Sinikmuraan ko nga siya kaya napabitaw siya saakin. Nalubog siya sa tubig at sana tuluyan na siyang malunod.



End of Chapter 3


6 comments:

  1. Allison is a bully.... I LIKE IT! HAHAHA! Mali... I love it! BULLY!!!!! RAKENROLL!!!!

    ReplyDelete
  2. nakakakilig sila promise!

    ReplyDelete
  3. Hihi. Ang kulit lang! More pa author. <3

    ReplyDelete
  4. XD HAHAHAHAHAHAHAHAHA Epic! 'Sana tuluyan na siyang malunod' Omy! My Ate pat-pat is so Bad! :D

    ReplyDelete
  5. nkktaWa ang pAgkasadiSta ni baBy a,,, kwAwa nMaN c haRrem,,, peRo pAgp2Loy mU LnG anG pAgsuyO kEi aLLisOn,,, 4 suRe, bibigAy diN yAn,,,

    ReplyDelete
  6. Ang cute nung story :)

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^