Author's Note: Lagi pong involve ang mga story ko sa The Cold and Heartless Gangster Queen, except sa Royalty Battles at Chef Queen. Sana po, magustuhan niyo rin itong ILYC.
I realized that this is not just a simple admiration to him but.... LOVE.
------------------------x
Booooggggshhh!
"Sorry.." pag-hingi ko ng paumanhin. Nagmamadali ako ngayon dahil late na ako.
"Miss, Saglit! Notebook mo!" hindi ko na lang siya pinansin at tumakbo paulit. Sa wakas! Nakarating din ako! And thank you rin dahil wala pa si Maam. Terror teacher ko kaya si Misis Benundias.
"Bakit ka nalate, Euniie?" tanong sa akin ni Carol, ang Auditor ng buong school. Ako naman ang President.
"Napuyat ako kakaisip para sa upcoming JS prom natin.
Finally, alam ko na ang mga schedule. Heto oh." binigay ko sa
kanya ang usb ko na naglalaman ng schedule para sa JS prom. Agad naman niya
iyon sinulpak sa laptop niya.
"Wow! Ang galing mo talaga, Miss Kim Euniie." sabi niya matapos makita ang schedule.
"Thanks." sabi ko.
Break time na, at mag-isa lang ako sa table. Wala naman akong ka-close dito eh. Takot sila kasi isa akong black belter sa taekwondo at takot din sila dahil ako ang president.
"Miss, notebook mo. Nahulog mo kanina. Mukhang nagmamadali ka kasi kaya hindi ko naibigay." napatingin ako sa nag-salita. Si Raphael Perez lang pala, isang player at siya rin ang V. President ng student council.
(Raphael)
Kinuha ko ito sa kanya.
"S-Salamat." sabi
ko at muling binalik ang paningin sa librong binabasa ko. May test mamaya kaya
naga-aral ako.
"Ang serious mo pala, pag nag-aaral." umupo siya sa
tabi ko at nginitian ako. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang tumibok
ang puso ko pag ngiti niya.
Dali-dali akong tumayo at nag-bow. Isa akong kalahating koreana
kaya nakaugalian ko na rin ang mag bow sa isang tao pag-aalis.
"A-ah. S-sorry. Mauuna muna ako. May gagawin pa kasi ako eh.
You know, president ako eh." sabi
ko at mukhang naintindihan naman niya iyon.
Dali-dali akong pumunta sa student council room. Napasandal ako sa
pader at sinapo ko ang dibdib ko. What was that?
(Next Day)
"Miss Kim, pinapatawag po kayo ng principal." isang
estudyante ang pumunta sa classroom namin para sabihin iyon.
"Sige." sabi
ko at dali-daling kinuha ang gamit ko. Ano kaya ang kailangan ng principal?
(Office)
"Sir, pinapatawag niyo 'ho raw ako??" tanong ko kay
Mr. Viray, ang principal namin.
"Ikaw pala, Euniie." sabi
niya, "Upo ka."
Umupo muna ako ng sinabi niya iyon. "Ano po 'yon, Sir?" pag-tanong ko ulit. Ngumiti siya
sa akin at, "Congratulation,
Ms. Kim. Tumawag ang Mathematician Academy kanina at ang sabi nila, pwede ka ng
mag-aral duon. Ikaw daw ang may pinaka-mataas na grade na nakuha ng ni-check
nila ang mga result sa National Mathematical Test."
"T-talaga po ba, sir?" paninigurado ko. Hindi ako makapaniwala na makakapasok na ako sa National Mathematician Academy, ang school na dati ko pa gustong pasukin, kaso lang, ayaw ng papa ko. Mas gusto niyo daw na mag-aral ako tungkol sa mga business kahit ayaw ko naman ._. Kaya nga, laking pasasalamat ko ng magkaroon ng National Mathematician Test sa school namin. Kung hindi dahil sa test na yan, hindi ako makakapasok sa NMA.
"Totoo iyon, Ms. Kim." sabi niya. Automatic naman akong nagtatalon. "Salamat po, Mr. Viray. Thank you po talaga!" sabi ko.
"No need to thank me, Euniie. Ikaw rin ang nag-sikap niyan kaya, you deserve it." sabi niya. In-extend niya ang kamay niya. "Again, congratulation." sabi niya. Nakipag-shake hand ako at tumango.
(Next Day)
"Talaga?! Ang galing naman ng baby sister ko!" sabi ni ate Nylan. Ka-chat ko siya ngayon gamit ang yahoo messenger at ibinalita ko sa kanya yung tungkol sa pagkatanggap ko sa NMA. Math wizard kaming dalawa ng ate ko, kaya pabor siya sa gusto ko.
Nasa New York ang ate ko kasama ang asawa niyang si Geoffrey. Naiinggit nga ako kasi, buti pa siya, nakakapunta sa ibang bansa. Hindi kasi ako sumasama sa mga ganyan 'pag niyaya ako kasi hectic ang schedule ko eh.
"Thank you, ate." sabi ko.
"O siya, siya. Mag sa-sign out muna ako. Aalis kami ngayon ni Geoffrey eh." sabi niya at nag-sign out na agad.
Humiga ako sa kama ko ngayon at nagmuni-muni. Saturday ngayon kaya walang pasok. Pumikit ako ng limang minuto pero nagulat na lang ako ng naalala ko ang pag-ngiti sa akin ni Raphael. Again, bumilis na naman ang tibok ng puso ko.
Ano bang mayroon at lagi nalang bumibilis ang tibok ng puso ko 'pag naaalala ko ang mukha niya?
Am I inlove??
Hindi ko alam. Hindi ako sigurado.
Tumayo ako at nagpalit ng damit. Tinanggal ko ang eye contact ko at kinuha ang 350-400 grado kong salamin.
Naisip ko saglit na mag mall kaya lumabas muna ako.
(Mall)
Agad akong pumunta sa National Book Store para tignan ko kung mayroon na bang Diary ng Panget o kaya yung She's Dating the Gangster. Aside from educational book, I love reading stories too.
Habang tumitingin ako, napansin kong parang may nakatingin sa bawat galaw ko kaya lumingon ako upang harapin kung sino ito.
Wala. Wala akong nakita kaya bumalik na naman ako sa paghahanap. Ayun!! Yung Diary ng Panget, na-publish na!! Yehey!! Kaso out of stock daw yung She's Dating the Gangster.. :( Hayyy....
Nasa taas ang DNP kaya 'di ko ito maabot. Tumingkayad na ako pero hindi pa rin. Triny ko pa ng isang beses ng may biglang kumuha ng libro at ibininigay sa akin. Automatiko naman akong napalingon.
"R-Raphael?" gulat kong tanong. Ngumiti na naman siya sa akin at ginulo ang buhok ko na parang bata.
"Sa susunod, magpa assist ka para makuha mo ah?" sabi niya sa akin.
Ewan ko ba, pero, napatango na lang ako.
"Haha.. Nakakatawa ka pala, Euniie." tawa ng tawa si Raphael ng kinuwento ko sa kanya ang chilhood days ko. Nagkayayaan kasi kami este siya lang pala, na kumain muna sa Jollibee. Pinilit niya pa nga akong sumama at binalaan na ibabalik daw niya yung libro sa taas kapag hindi ako sumama. Kwinento niya yung experience niya dati nung bata siya and i-kwento ko din daw dapat yung childhood days ko.
Wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Ewan ko ba kung bakit siya tumatawa.
"You know, I really like you." nabilaukan ako noon habang umiinom ng ice tea, nang sinabi niya iyon.
"H-huh?"
Ngumiti siya at tinap ang ulo ko. Nagmukha tuloy akong aso. "Wala." I don't really get this guy...
Hinatid ako ni Raphael sa condo ko. Oo, tumitira lang ako ng mag-isa. Patay na ang mama ko, samantalang nasa ibang bansa si Daddy dahil sa business.
"Salamat ah? Naabala pa ata kita ngayon." sabi ko. Actually, siya na naman ang namilit para ihatid ako. Sinabi ko ng huwag na because I can manage, kaso, ang kulit niya. Kesyo daw baka mapahamak ako, kesyo ganyan. Kaya, in the end, pumayag na lang ako.
"Wala, iyon. Kita na lang tayo sa National Mathematician Academy, ah?" nanlaki ang mata ko. Kasama rin pala siya? Bakit hindi sa akin ininform ni Principal?
"A-ah, sige. Salamat na lang uli." sabi ko at ngumiti ng pilit.
"You're always welcome. Malakas ka sa akin eh." hindi ko narinig ang last part na sinabi niya. Pero yae na, baka hindi naman iyon importante.
Umalis na siya at umakyat na rin ako sa kuwarto ko. Hindi ko alam, pero kusa na lang akong napangiti. Nakatulog na pala ako ng hindi ko namamalayan.
(Monday: NMA)
Nakatayo na ako sa harapan ng gate ng NMA. Ngayon na ako makakapasok dito sa NMA. Sobrang excited ko kaya naman ang aga ng gising ko.
"Ikaw po ba si Kim Euniie??" biglang may nagtanong sa akin, kaya napatingin ako sa kinaroroonan ng boses.
Isang babaeng maganda, makinis ang balat, mukhang mayaman, mabait at mas bata ata sa akin ng dalawang taon ang bumungad sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nginitian niya rin ako at nag-salita, "This way, po."
Sinundan ko lang siya kung saan magpunta at may tinuro siyang room.
"Eto po ang classroom niyo, Ms. Kim. Ibibigay na lang po ng professor niyo ang
sunod-sunod na schedule niyo." sabi niya at akmang aalis, pero hinawakan ko ang braso niya.
"Saglit lang, ano nga pala ang pangalan mo?" binitawan ko na ang braso niya.
Ngumiti ulit siya, "Ako po si Rica Mae Cruz. Ako po ang president dito sa NMA." sabi niya at nag-bow. Half korean ata ito. At tatay niya siguro ang Pilipino.
"Sige po, aalis na ako. Bye po!" pag-alis niya, bigla kong naalala ang kapatid kong bunso. Half sister ko siya. Nasa France naman siya, sumunod siya sa lola kong nandoon.
Hayy... Miss ko na talaga sila.
Napatalon ako sa gulat ng may biglang humawak sa likod ko. Si Raphael pala. Nakakagulat talaga itong lalakeng ito.
"Hello Euniie!!!" ngumiti siya sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ba laging bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nandiyan siya??
"A-ah. Hello." nahihiya kong wika. This is the first time na may lumapit sa akin kaya nahihiya pa rin ako. Sanay kasi ako na mag-isa lang at hindi nakikihalubilo sa ibang tao.
"Dito ka rin ba?" tanong niya.
"Oo eh."
"Tara, pasok na tayo." wala na rin akong magawa kaya pumasok na lang ako. May isang matandang babae ang nakaupo habang may hinahawak na test paper ata habang yung mga estudyante, nag-uusap-usap. Siguro nag test sila bago kami dumating.
"Excuse me po." sabi ko dun sa babae na mukhang yung professor. Maganda pa rin siya kahit matanda at mabait.
"Kayo bang dalawa, ang nakapasa sa National Mathematician Test?" nakangiting tanong nung professor.
"O-opo." sabi ko at ngumiti rin.
"Ok. I'm Mrs. Julie Anne Panlilio. You two, may sit there." tinuro sa amin ni Maam Julie yung dalawang vacant chair.
Umupo na kaming dalawa ni Rapahael doon. Buti na lang nasa bandang unahan yung upuan at nasa gitna kaming dalawa ni Raphael. May katabi akong babae na mukhang nerd pero kung aayusan mo siya, maganda siya.
(Isipin niyo na lang na may nerdy glass at serious si Han Ga In [Siya po si Megan, ang gangster queen])
Mukha siyang serious type na tao. Napaka-mysterious din niya. Para siyang......Gangster??
"Quit staring." nanlamig ako dahil sa malamig niyang boses.
"A-ah. S-sorry. I'm Kim Euniie." nanginginig kong sabi. Inabot ko ang kamay ko sa kanya. Tinignan muna niya iyon at hinawakan.
"Angelie Megan Tan." sabi niya ng di ngumingiti.
"Aah. Sige." sabi ko at ngumiti.
*poke* *poke* *poke*
Tumingin ako sa kumalabit sa akin. Si Raphael na naman.
"Ano 'yon?" tanong ko.
"D'you know her?" nagtataka niyang tanong at parang pinagpapawisan siya ng tinuro niya si Megan.
"She's Angelie Megan." ngumiti naman siya ng alanganin. Parang.....kinakabahan siya?
Napansin ko na lang na nasa harapan na namin si Maam Julie. Nag-salita siya at tinawag kami upang magpakilala sa lahat.
Tumayo ako at nag-bow.
"A-anyeong... I'm Kim Euniee. 21 years old. I hope we'll be friends." sabi ko at nag-bow ulit.
Sunod na tumayo si Raphael. Parang kinakabahan pa rin siya, lalo na nung tumingin siya kay Megan. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ata ako ng.... Selos??
Nah... Hindi. Wala ito.
....Wala nga ba?
"I'm Raphael Vince Perez. 22 years old. I'm a varsity player and the old Vice President of Mary Claire's University. Thank you." ngumiti ulit siya ng alanganin at pumunta na sa upuan niya. Bakit kaya?
Lunch break na. Mag-isa na naman ako. Wala talagang may gusto sa akin. Buti pa si Raphael, may mga kaibigan na dito.
Kinuha ko yung burger ko at kinain, sabay inom sa ice tea. Hindi ako kumakain ng mga hindi masustansya like chips. May gulay ang burger na ito, kaya eto na muna ang kinain ko. Isusubo ko na ulit yung burger kaso may umupo sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Megan na nakaupo at parang pagod na pagod. Galit ang mukha niya at parang handa siyang pumatay kaya natakot ako.
"M-Megan.." napatingin siya sa akin at parang inayos niya ang salamin niya.
"Ano iyon?" malamig niyang tanong.
"Ah. Wala." muli kong kinain ang burger ko. Siya naman ay may tinawagan sa cellphone niya.
Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ng kausap niya sa telepono. Nakaloud speaker iyon pero hindi masyadong malakas dahil na rin sa sobrang ingay ng mga estudyante.
"He's here." sabi niya.
[WHAT?! Meg, pupunta kami dyan. Just wait!] boses babae iyon tapos parang naga-alala siyang masyado kay Megan?
"No. Huwag na kayong mag---"
[Basta! Pupunta kami diyan ni Terrence!] then the call ends there. Tumingin sa akin si Megan at ngumisi.
"Alam kong narinig mo 'yon. Kim Grace Euniie Park." nanlaki ang mata ko. Bakit alam niya ang buong pangalan ko?
"P-paanong?--"
"I just....know.." sabi niya.
"Meg!" isang babae at isang lalake ang lumapit sa upuan namin. Nakatingin lang sila kay Megan.
"Sinabi ko na kasing huwag niyo na akong alalahanin. Tsk..." tumingin siya sa akin at nag-salita, "Hindi totoong Tan ang apelyido ko. Ako si Angelie Megan Reid. Salamat na lang dahil pinaupo mo ako dito." sabi niya at umalis kasama ang dalawa niyang kasama.
Reid. Isa siyang Reid? Ibig sabihin, siya ang may-ari sa school na ito?
(Next Day)
Nakita ko si Raphael na naglalakad sa isang di pamilyar na lugar sa akin. Hindi ko na sana siya papansinin kaso napansin ko na parang naka gangster suit siya?
May kung anong puwersa sa akin ang nag-sasabing sundan siya, kaya sinundan ko na lang siya.
Natatakot na ako kasi parang napansin kong underground ata ang pinuntahan niya. Pumasok siya sa isang pinto na may dalawang malalaking bouncer. May inislide siyang card tapos nakapasok na siya. Susundan ko pa sana siya kaso hinarangan na ako nung dalawang bouncer kaya umalis na lang ako.
(Next Day: Raphael's PoV)
Napansin kong may sumusunod sa akin kahapon kaya inutusan ko yung dalawang bouncer sa Underground Battle Dome na huwag papasukin ang sinumang sunod na papasok doon.
Isa akong half gangster, at si Megan ay ex ko. Niloko ko siya dahil sa pera. Oo, niloko ko siya dahil pera lang ang habol ko sa kaniya. Hindi ko gustong mangyari iyon dahil inutusan lang ako ng tatay ko.
Mahirap lang kami at may sakit ang mama ko kaya nagawa ko 'yon kahit labag man sa aking kalooban.
Papasok na sana ako sa room ng makita ko na nakakunot ang noo ni Euniie. May mga pasa kasi ako sa mukha ko kaya siguro nakakunot ang noo niya. Napangiti ako.
Si Euniie, matagal ko na siyang mahal. Corny, pero totoo iyon. Mula nung 2nd year highschool ako hanggang ngayon na 1st year college na, mahal ko pa siya.
Ngayon nga lang ako nagka chance na lapitan siya.
Hindi ko napansin na nasa harapan ko na si Euniie at nag-salita, "Anong nangyari sa mukha mo?" tanong niya.
Umiling lang ako tsaka ngumiti, "Wala ito." sabi ko at pumasok sa room.
Sana man lang, mahal niya rin ako.
(Euniie's PoV)
Nagtataka pa rin ako sa nangyari sa mukha niya. Anong nangyari doon? May kinalaman ba yon sa nangyari kahapon?
Maaaring oo, maaaring hindi. Pumasok na lang ako sa room kesa problemahin pa 'yon.
Naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin ng ate ko kagabi.
*** (*** means flashback or end of flashback)
"Ate, may kaibigan kasi ako na lalake. Hindi ko alam pero, pag nakikita ko lang siyang ngumiti, lumalakas ang tibok ng puso ko. May sakit ba ako sa puso?" nagtataka kong tanong.
Napangiti si ate base sa webcam. Bakit ba ito ngumingiti?
"Alam mo ba ang ibig sabihin nuon?"
"Huh?"
"You're inlove!! Ayiiiiiiieeeeeeeeeee!!!!" bwinisit niya pa ako.
***
Hindi ko alam kung totoo yun o hindi. Pero, inlove? No.. I considered it as admiration. Oo, I admire him. I don't know kung saan pero I just admire him.
Umupo na ako sa tabi ni Raphael. Napansin kong wala si Megan ngayon. Ewan ko pero, parang itinatago ni Megan ang identity niya sa lahat ng tao. Baki kaya??
"Ok, class, may project kayo na group by group. Kaya naman ninyo kung dalawa lang kayo. 30 students kayong lahat so, 15 groups lahat ang mayroon. Tatawagin ko lahat ang magiging kagrupo niyo." napatingin na lang ako kay maam Julie.
Nag-simula na siyang mag-tawag hanggang sa tinawag na ni Maam Julie ang kapartner ko.
"Ms. Kim Grace Euniie Park and...." tumingin muna siya sa akin at ngumiti, "Mr. Raphael Vince Perez." ah. si Raphael lang pala. Tumingin sa akin si Raphael a ngumiti. "Partner pala tayo, Euniie." napatango lang ako pero piling ko, namumula na ako at naramdaman ko ring, bumibilis na ang tibok ng puso ko. Hayyss.. Crush lang talaga ito. Hindi ako inlove.
"Ok, ang project niyo ay pupunta kayo sa iba't-ibang lugar at may i-interview-hin kayo na limang tao tungkol sa kanilang pamumuhay. Mag-susulat kayo ng essay tungkol sa mga pamumuhay na ininterview niyo sa kanila at ipapasa niyo sa akin by the end of this month. Sasabihin ko na lang sa inyo, bukas kung saan kayo pupunta." I forgot to tell you na may iba ring subject dito bukod sa math. Kaya, marami ang nag-aaral dito.
(Next Day)
Sinabi na ni Maam Julie kung saan ang location namin ni Raphael at
buti na lang sa Tagaytay kami pinapapunta.
“Euniee..”
napatingin ako kay Raphael. Nasa loob kami ng bus ngayon galling
sa Mall. Namili kami ng kakailanganin naming gamit para sa pagpunta naming
doon. Sa susunod na linggo na kami makakapunta sa Tagaytay. Ang bilis nga eh.
“Ano
iyon?” sabi ko habang nagbabasa ng Diary ng Panget kahit umaandar ang
bus. Ganito ako kaadik mag-basa.
“Alam
mo bang mahal kita?” napatingin ako sa kanya. Ano daw?
“Ha-Ha-Ha...Palabiro ka pala, Raphael.” Sabi ko at ngumiti ng
alanganin pero napaka seryoso niya pa rin.
Lumapit siya sa akin, kaya napa atras ako...."R-Raphael..." tanging nasambit ko. Palapit siya ng palapit. Napapikit na lang ako hanggang sa namalayan kong idinampi niya na ang labi niya sa labi ko....
O____O
MY FIRST KISS!!!
END OF PART 1
Author's Note : Puputulin ko po muna siya kasi trip ko lang :P Hindi na ata ito matatawag na One-Shot eh. Hehehe. :P
Download Link ~>http://www.mediafire.com/view/?mzc0426834ccc1z
Download Link ~>http://www.mediafire.com/view/?mzc0426834ccc1z
Bitin ^_^ Pero ang cute HIHI :>>
ReplyDelete