Sunday, July 22, 2012

No Time Boundary: Chapter 4





Chapter 4~




"Saan ako? Bakit puro puti ang paligid? Nasa langit na ba ako?"sabi ko matapos imulat ang mga mata."paan na iyan di na ako mamakabalik sa nakaraan?"


Ngumuynguy ako. Hanggang sa madistorbo ako nang may pumalatak sa tabi ko. Hinagilap ko siya. Ayon nakita ko na siya. Ang lalaking nakaupo sa sofa na ka puro puting kasuotan.



"Mama ikaw ba si San Pedro?"tanong ko.



Umasim ang mukha niya.



"Wala ka sa langit at di ako si San Pedro."meddyo naiirita ang tuno niya.





"E asan ako?"napakamot ko ang noo. Iyon sa pag angat ko nakita ko ang dextrose sa kamay ko.





"Uwaaah! Nasa ospital ako. Anong ginagaw ko dito?"nagpanic ako.





"Nagpapagammot. Mabuti di kita nabangga. Nahimatay ka lang dahil sa gutom. Kaya ito dinalhan kita ng pagkain. Ito kainin mo."



Nilapag niya sa side table ang food tray. Rasyon iyan ng hospital. Di sa kanya galing iyan. 



Nalaala ko na,nasa kalsada ako sa panahong iyon. Hindi ko pala na pansin na nasa gitna na ako ayon tuloy nakasalungat ko ang sasakyan niya. Inakyatan ako ng takot at sumabay pa ang gutom ko. Kaya nahimatay ako. Akala ko patay na ako! 





Napakibit balikat ang lalaki. Teka lang,pamilyar siya. Parang nakita ko na siya minsan eh. Talagang nakita ko siya. Iyon yong lalaking manyak na humalik sa akin sa bar. Kaasar. Bakit sa dinami daming tao sa mundo siya pa ang na encounter ko ulit. Malas naman oh. Kailangan ko ng maraming pagiingat baka gagawin niya ulit ung ginawa niya sa akin. Naku! babangasan ko siya.





Bumangon ako. Nabigla siya. Mas naging malala pa,binunot ko yong karayom sa kamay ko. Nagpapanic na lumabas. Hinarangan niya ako. Tinutulak pabalik sa higaan.





"Miss! Ano ba yang ginagawa mo? Are you crazy?"usal niya.



"Ikaw!!"tinuro ko siya.



"Bakit miss?"nalito siya.



"Ikaw yong walang hiyang humalik sa akin sa bar!"bulyaw ko.



"Ako? Hinalikan ka. Wala yata akong naalala."tinuro niya ang sarili na tila nagsisinungaling."Aside ba doon miss,wala na bang may nangyaring mas malala sa atin? Kung ano pa iyon mis. Sorry ko di ko sinasadya. Lasing lang ako sa pagkakataong iyon."





"Sinungaling! Sa isang tungga lang ng tequila lasing ka na. Imposible. Niloloko mo lang ako eh."bwelta ko."Grabe ang lakas pala ng tama mo.Dont worry,wala ng ibag nagyari sa atin. As if naman akong papatol sa iyo."





Napatikom kami ng bibig. Umupo ako sa kama. Pumitas ng grapes at kinain.





"Saan ka ba galing miss?"Bakit pang colonial ang sout mo?"Nagsimula siya sa pagtatanong sa akin.



Huminga ako ng malalim.



"Una sa lahat. Wag kang tumawa dahil mahirap itong paniwalaan."first remark ko.



"Sure,I'll try."tango niya.



Ngumiwi ako.



"Galing ako sa 1800,sa nakaraan. Sa 19th century. Kaya naparito ako kasi pumasok ako sa time machine. Sa salamin ng aklatan namin."seryoso kong lahad.



Ginambala ako sa pagtawa niya.



"Imposible,di naman totoo ang time machine ha. May kaunti ka na sa utak mo miss."He mocked.



"Iyan sinubukan niya nga. Pero tinawanan niya ako. Sige tumawa ka lang diyan. Kapag mabulunan

ka. Hindi kita tutulungan. Mamatay ka."I snob him.



Tumigil siya sa kakatawa.



"Ang hirap kasi paniwalaan eh. Modern na ngayon. Civilize na ang mga tao. Ang mga ganyan sa mga fictional story nalang nangyayari." puna niya.





"Totoo naman ang lahat ng sinasabi ko ha!"irap ko."Ipapakita ko pasayo ang salamin. Papatunayan ko na totoo iyon."



"Sige patunayan mo sa akin. Saan ba iyong salamin?"



Yumuko ako.



"Nasa mansiyon ko sa Hulesburg. KAso di ako pinapapasok ng mga mga supladong gwardiya doon."



"Hayss..dini-decieve mo lang ako miss eh. Wag mo nga akong damayin sa kahibangan mo."



"Sinasabi ko lang ang too. Kung ayaw mong maniwala. Sige,aalis na lang ako."pahayag ko saby tayo.



"Sa ganyang sitwasyon. Bawal pa miss."nagsalubong ang kilay niya."humiga ka muna diyan. Pasalamat ka nga dahil may tumulong sayo. Kung wala baka namatay ka na sa gutom."



Hinarang niya ako ulit.



"Susundin kita kapag maniwala ka sa akin.."I pause."Okay,magpapasalamat ako sa yo sa pagligtas sa akin,ginoong ano?"



"Paul Dunham."sagot niya.



May kaapelyido siya. SI leandro Denham. my dearest ex-boyfriend. magkamag-anak sila.Hmm..ngayon ko lang napuna parang medyo kamukha sila ng kaunti.Pero mas gwapo si Leandro ko.



Kinibot ko ang labi sabay kunot noo.



"Ikaw,binibining ano?"ginaya niya ang tanong ko.



"Maniwala ka muna sa akin bago ko sasabihin ang pangalan ko."



"O sige na maniniwala na ako. Ano pangalan mo?"



Halatang pinipilit niya lang ang sarili.



"Are you familiar with the duchess of Hulesburg on 1800?"marte kong pahayag.



"Not so?"he grimace.

"Ok,hanapin mo na lang sa history book o di kaya sa encyclopedia ang pangalan ko."Kumibit balikat ako na kumisap mata.



"Ano ba miss sabihin mo kaya ng direstso. Marami ka pang nalalmang kaartehan."Reklamo niya.

"E kasi pinipilit mo lang maniwala eh."



"Di pa ba sincere ang mukha ko para maniwala ka na naniniwala ako sayo. Hindi pa ba halata? Hindi na nga ako tumatawa eh. Oo miss,naniniwala talaga ako na galing ka sa 19th century na pumasok sa salamin at napadpad dito."mahabang litanya niya.



"Wala akong naiintindihan."biro ko.



Naningkit ang mga mata niya.



"Biro lang po. Well,I am Annelise Murray. 16 years of existing and only daughter of Hulesburg's Duke."



He gasp.



"Ikaw sixteen pa lamang. Good God. Napakabata mo pa pala."



Umasim ang mukha ko.



"Hey ang sixteen ay di na bata. Lady na ako. L.A.D.Y."



"Fine,lady ka na."bumaling siya sa ibang direksiyon.



Tumahimik ako.



"Ikaw ba ilang taon ka na?"ako naman ang tumanong.



"20 years old."bumaling siya sa akin.



Ngumisi lang ako.



"What's funny?"na irita siya.



"Wala lang."rason ko saka pitas ulit ng grapes.



"Talaga bang sincere ka sa sinasabi mo?" tanong ko ulit. Hindi ako sigurado eh.



"Ilang ulit ko pa ba sabihin sayo na niniwala na ako. Okay,the truth is.. im pretending. Ayokong makipagbaliwan sayo. Raket mo lang yan para makapera."



Tumayo ako.



"Mukha ba akong krimenal? Ah! ganito pala ang mga tao sa modern. Makasarili at sinungaling."naiiyak ako.



"Pwede ba tumigil ka sa pagda drama? Wag mo nga akong gawing baliw."He hissed.



"Ikaw naman nagsabi ng baliw eh. Sinasabi ko lang kung ano ako. Na influence pala ang utak niyo ng technology kaya minsan wala na kayong pakialam sa iba."yumuko ako."Eto umiiyak ako ngayon sa harapan mo kasi wala ni sinoman ang nakakaintindi sa akin. Siguro kung hindi ako natumba sa harap ng sasakyan mo di mo pa ako dadalhin dito. Salamat na lang sa tulong mo. Mautang na loob na ako sayo.Aalis na ako."dinampot ko ang apple at orange saka humakbang palayo sa kanya.



"Teka miss Anne."pinigilan niya ako.





Huminto ako sandali.



"Sorry sa sinabi ko."anas niya.





Liningon ko siya.



"Apologize decline!"sabi ko saka talikod sa kanya.





"Exaggerated ka miss."hinawakan niya ang siko ko.





"Ano ba! LET ME GO!"I shrieked."Tutal di mo naman ako tutulungan kaya wag mo na akong pigilan. Aalis na ako at babalik sa Hulesburg. Pipilitin kong makapasok sa bahay. Babalik ako sa nakaraan na di hihingi ng tulong."





""Hindi kita pakakawalanmiss. I realize na dapat akong maniwala sayo tutal kaawa-awa ka. Need mo nang umuwi sa past. Sige,I volunteer to help you."





Ngumiwi ako.



"Hindi ka sincere sa sinasabi mo! Good bye!"winaksi ko ang siko saka dali daling lumabas.



"Annelise!"



Sinundan niya ako saka hinatak ako.



"Kainis ka!"winaksi ko ulit ang kamay ko.



"If ever you change your mind. Here's my address. Knock my door. I'll open it anytime to help you."



May binigay siyang papel. Maasim ang mukha ko nang hinablot iyon.



"Good bye ulit!" paalam ko sa kanya. Tumakbo ako palabas ng hospital. Ngayon ko lang napuna na pinalitan nila ang damit ko. Naka green silk bestida ako ngayon. 





Maglakad-lakad muna ako sa boulevard. Pagiisipan ko kung pupuntahan ko siya. Masyado kasing aggressive eh. MAdaling uminit ang dugo ko sa kanya.




3 comments:

  1. ~angel is luv~

    ayiii! ang ganda!

    ReplyDelete
  2. hahaha.. ang kulit nilang dalawa.. i like them already.. at same surname pa talaga sila ni leandro huh..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^