Sunday, July 22, 2012

No Time Boundary:Chapter 2





Chapter 2~





"Aray!"sigaw ko. Napahipo ko ang balakang ko. Namamaga na yata. Huhu! Teka,anong lugar to? Nasaan na ako? Bakit ang dilim? Hala,na trap ako sa wildboar trap. E bakit naman may trap dito.Di naman gubat dito. Alam ko nasa bahay lang ako. Nasa hardin namin. Bakit kayamay ganito sa hardin? 


Ginala ko ang paningin. Dahan-dahan na tumayo. Napuna ko,di ito basta-bastang butas lang. Parang silid. Nilibot ko pa ang paningin. Mabuti full moon ngayon. Medyo maliwanag ang paligid. Medyo kong nakikita ang laman ng silid na ito. 





Mga libro? Nasa library ako. Nasa underground library ako ni mama. Mabuti na lang di sa lugar ni Thanatos. Hahanap muna ako ng torch light. Naglakad-lakad ko. Ouch! nauntog ako sa book shelves. Ang sakit. Bwesit! Bakit kasi ang taas nito. Sinipa ko iyon! Ouch! ang tigas eh. Nadagdagan tuloy ang sakit ng katawan ko. Paa ko naman.





Pinatuloy ko lang ang paglalakad, Ouch! nabangga ulit ako. Kaso mas malala to! Nahulugan ako ng makapal na libro! Aray! Mas masakit to! Arrggh! Nakakaasar! Badtrip! 



Sa katapusan,may nakita akong torch light. Kaso paano ko masindihan ito. Wala akong ideya. Eto,tinapon ko. Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Hahanapin ko ang daan palabas. Lumiko ako. Bakit walang pintuan dito. Nasa labyrinth ba ako? No way! 





Until may umagaw sa atensiyon ko. Napansin ko yong reflection ng liwanag sa isang silid na walang pintuan kaya lantad na lantad sa akin ang nasa loob niyon. Maliwanag doon. Sarado naman huh? Saan galing yong liwanag. Wierd. Dahan-dahan akong lumapit doon. 



"Anong lugar to?"usal ko.





Pumasok ako sa loob. Wala namang tao. Nakaka-horrify. 



"May tao ba dito?"usal ko ulit."Yuhoo... hay nako Annelise, natural wala. Mag isa ka lang dito. Bruha ka talaga."



Ang liwanag dito. Ah kaya pala! Sa salaman na nasa harap ko eh. Umiilaw siya kahit walang source of light. Eh,baka glow in the dark lang. Pambira! paano nagkaroon ng salimin sa library? Ito yata nag pinaka-kakaibang library na nakatirik sa bahay namin. 





Bumaling ako sa ibang direksiyon. Napansin ko ang makapal na libro na nakadisplay diyan sa tabi.



"Book of Wizards?"binasa ko.





Wizrad,iyon yong mga tao na may supernatural power. Magaling sa magic,witchcraft, at gumawa ng potion. Boung curiosity kong nilapitan ang libro. Hinawakan ko. Dusty. Inalis ko muna ang alikabok. Bubuksan ko na. Kaso biglang gumaslaw ang liwanag ng salamin.





"Paano.."bumaling ako sa salamin. Naging warmhole iyon. Nakakatakot. Pero di naman ako natakot. Ako pa matapang to! Hawakan ko kaya. Nakakaakit siya eh. Inangat ko ang kamay ko. Nilalapit sa surface ng salamin. Lumilibing ang kamay ko. Aba! pwedeng pumasok dito. Tuluyan nga akong pumasok.





Pinikit ko ang mga mata. Tila nahihilo ako. Kakaiba ang nararamdaman ko. Kakaiba ang hangin dito. Saan kaya ako dinala ng salamin na ito? Inaanod niya ako.





"ZOOOOOOOOMMMMMM!"halos mabingi ako sa ingay na iyon. Mawawasak ang eardrum ko. 



As I open my eyes,nasilaw ako sa liwanag. Diretso iyon sa akin. Parang ilaw sa parola. Masakit sa mata. 

"PEEEP! PEEEP!"ang ingay talaga. Di ko naiintindihan. Hindi na masydong madilim ang paligid. Bawat poste may ilaw. I saw the tower clock. ~ang big ben ng london~ mag sta-strike to twelve in the midnight na. Tumigil ako bigla. Ngayon ko lang na realize na nasa ibang lugar ako. Wala ako sa bahay namin. Magulo dito. Maingay. Maraming sasakyan. Abala silang lahat. Nasa Hulesburg ako. Ano ang ginagawa ko dito sa London? Paano ako napunta dito? Napunta sa gitna ng kalsada. Oo,kalsada nga. 





"Hoy miss,umalis ka diyan!"bulyaw ng matanda na lumabas sa malaki niyang sasakyan. Di ko alam kong anong sasakyan iyon. Galit na galit siya. "Alis!"





Sa i-nasal niya,napatindig balahibo ako kaya lumundag ako at umalis sa dindaanan niya. Tyempo,walang dumadaan na sasakyan. Tumakbo ako sa left side. Lumakad ako papunta sa north habang yakap ang sarili. Nanginginig ako! Di ko maunawaan ang nangyayari ngayon. Hanggang sa may natanaw akong restaurant. Patay-sindi ang ilaw.



"Disco Night Bar!"binasa ko ang pangalan ng resto na iyon."Disco Night Bar,ano yan?"





Kumunot ang noo ko. Bakit masyadong high tech ngayong 1800. Kakaiba ang mga tao dito. Lalo na yong mga babae. May freedom sila. Kaso di sila mahinhin. Ang iksi ng damit nila. Halos luluwa ang dibdib nila at lalabas ang pwet nila. Ang mga lalaki naman nakakatakot ang ayos nila. Humihithit sila ng tabako. Mukhang invaders sila. Mukhang barbarians. Owgawd! Ini-invade nila kami. Kailangan kong tumago. Huhulihin nila ako para saktan at pagkikitaan. Eto,tatakbo ako papasok sa restaurant. Inangat ko muna ang gown ko. Binilisan ko ang takbo kahit medyo mahinhin ako.







Binulagta ako ng kakaibang music ng restaurant. Ang rhythm ng music parang inaakit ka para sumayaw. Pero di ko gusto. Masakit sa tenga. Ang gaslaw dito ng ilaw dito. Papasok na nga ako. Uwaah..naghihiyawan ang mga tao. MAy giyera ba? Hindi,naghihiyawan pala sila dahil sa kasiyahan. Sumasayaw silang lahat. Nagkalat din ang naghahalikan dito. Ang lalandi. Umiinom sila ng alcoholic drink. Nagkamali ako sa napasukan ko. MAs delikado dito. KAramihan mukhang invaders. Humigpit ang pagyakap ko sa sarili ko. Ginala ko ang paningin ko. Hahagilap ako ng pwedeng maupuan.





Ayon may nakita ako,isang mataa na stool sa gilid ng mataas na desk kung sann may taong nakatayo at humahanda sa mga inumin. Animo'y bar. BAR nga eh. Hindi na lang. Marahan akong umupo. Pinatong ang kamay sa baba habang nakapatong ang siko sa desk.





"Ano po ang order niyo maam?"tanong ng bartender.





Nagulat ako syempre. Nakalimutan ko. Bar pala ang pinasukan ko. Dapat may bibilhin kaso may problema. Wala akong dalang pera. Naiwan ko sa kwarto ko. Paano na iyan? Itataboy nila ako dito.



"Wala akong pera e. Pwedeng makiupo muna dito kahit sandali lang?"iyon ang sagot ko saka nag pout.





Tumango-tango ang lalaki. Mabuti mabait siya. Di siya mukhang invaders.





"Okay po wala pong kaso iyan."ngumit siya saka bumaling sa kabilang direksiyon habang aabala sa kaka shake ng bote.





I sighed.





"One tequila please?"may sumulpot na lalaki sa tabi ko kaya automatic akong tumingin sa kanya.



"Alam mo miss ang hirap maging lalako.Ginawa ko na ang lahat para sa kanya. Minahal ko siya ng totoo.Pero at the end,she leave me. Iniwan niya akong mag isa sa ere. Pinagpalit niya ako sa bestfriend ko."saad niya. 



Napakislot ako. Naalala ko si Leandro. Ang salawahang iyon. Sinungaling na nakakainis.



Inirapan ko siya. Seryoso ang mukha ko. Kahit madilim mapapansin mo pa rin ang kagwapuhan niya. Sigurado ako na disente siya di gaya ng ibang lalaki na tila barbarians ang porma. Napansin ko,naka-unbotton ang itaas ng polo niya. Nakita ko slight ang muscle ng dibdib niya. Kumislot ako nang hinarang niya ang paningin sa akin. Nahalata niya siguro na inoobeserbahan ko siya. Pero di iyon pagnanasa ha.





"S-sorry."yumuko ako. Nagsmirk yata siya.



"Di bale miss,gusto mo sayaw tayo."alok niya. Binigay ng bartender yong inorder niya saka inimun. Di man lang kumain ng asin. Sama ng lasa non kahit di ko pa natikman. Sabi lang sa akin ni Papa. Ampangit ng lasa non.



"Halika!"bumaba siya sa stool para hilain ako.



"H-hindi ako marunong."tanggi ko sabay kuha ng kamay ko.



"Di totoo iyan. Halika,sayaw tayo."pinipilit niya talaga ako.



"Ayoko,sorry."tanggi ko ulit.



"Sige na miss,minsan lang 'to!"He attempt to het my hands. Nilayo ko immediately.





Wee..sorry siya.



"PLEASE? Im noy good in dancing. Puro waltz lang alam ko."palusot ko.



"E di magwalts na lang tayo."di umipek ang palusot ko.





"Ayoko nga e.Layuan mo ako."bumaba ako sa stool. Nairita na ako sa kanya.



"Aba suplada. Inaalok ka nga ng sayaw. Ayaw ni pa. Anong gusto miss ha?"tumaas ang boses niya sa last sentence.



"Ang layuan mo ako!"bwelta ko. Tinalikuran ko siya.



"Miss!"hinawakan niya ang kamay ko kaya napa bounce ako sa kanya. Kaso pagbaling ko.Deretsong nagkahalikan kami. Namilog ang mga mata ko. Bastos to hga! Napakamarahas ng halik niya. Nahihirap ako sa paghinga. Di pwede to! Si Leandro lang dapat ang humalik sa akin. I try to push him. Ang hirap, Napakalakas niya. Until nagka-tyempo ako. Tinulok ko siya at sinampal.

*PAK* 



Ang lakas non. Namula yata nag palad ko.



"Bastos ka!"asik ko."Sana malasin ka,bwesit!"





Dali-dali ko siyang tinalikuran. Tumakbo ako palabas ng exit. Napnsin ko pang pinagtitinginan ako ng mga tao. Naiinis ako sa kanila! Argh! subra.I ignore them all. Pinatuloy ko lang ang paglalakad.

1 comment:

  1. nasa 2012 na sya!.. bar pa talaga ung unang pinuntahan nya ha.. at mei alam sya sa high tech!.. haha.. sino ung guy??naka chansing kagad ah.. haha.. well,sensyaness anne.. ibang mundo na yan eh..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^