Saturday, June 23, 2012

Fiction and Fact: Beast - Finale


LAST CHAPTER

IT'S WAR


        May mga bagay na malinaw at may mga bagay ding hindi. Iyan ang laman ng isi ko ngayon. Lumingon ako kay YoSeob na punong puno parin ng pag-kalito.


       "Ano ba ang pinag-lalaban nyo? Ano ba ang dapat kong ipag-laban? Gusto kong malaman ang dapat kong gawin."gusto kong malinawan sa lahat.


       "Hindi ko alam kung ano ang pinag-lalaban namin. Pero isa lang ang alam kong ipinag-lalaban ni Ambrose kaya nagawa niyang isugal maging ang buhay naming mga kasamahan niya. iyon ay ang iligtas sa ang mga tao sa hindi makatarungang pag-kamatay sa kamay ng mga bampira."natawa si YoSeob bago muling nag-patuloy. "Ang babaw pero mahalaga sa kaniya iyon.Iyon din ang dapat mong gawin."wika ni YoSeob.


       Nang sabihin niya iyon ay lumilinaw sa akin ang lahat. Unti unti kong nakikita ang malaking responsibilidad na nakapatong sa ulo ko. Ang mga taong nag-buwis ng buhay para sa akin. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong suklian ang tiwalang ibinigay nila sa akin. Kailangan kong panagutan ang destiny na nakalaan na para sa akin. Kailangan kong patunayan na hindi sila nag-kamali sa akin.


      "May dapat ba akong gawin?"agad kong tanong kay YoSeob. Napatingin din sa akin si DongWoon.


      "Kailangan mong mag-palakas KikWang."sa unang pag-kakataon ay tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.


      "Paano?"kunot nuo ko uling tanong.


      "Kailangan mong puntahan si pumunta ng Under World. Kailangan mong kausapin si EunJung. Siya na ang mag-sasabi sayo ng mga dapat mong gawin."saad ni YoSeob.


      Wala akong ideya kung sino si EunJung at kung anong klase siyang nilalang. Pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Ang magawa ng maayos ang resposibilidad na iniwan sa akin.


      
IT'S WAR

MBLAQ


      Inilapag ni G.O ang hawak na whine glass na may lamang sariwang dugo sa lamesa malapitsa bintana na kinatatayuan niya. Humarap ito sa nakaupong si Thunder sa royal style na upuan. Crimson ang kulay ng mga mata nito, maputlang maputla ang kulay ng balat nito. Matangkad na para bang isang model ang figure niya. Sa una ay kalmante pa ang mukha nito, marahan siyang lumapit sa babaeng naka-tali sa tabi ng inuupuan ni Thunder. Lumuhod sya sa harap nito at gracefully niyang hinimas ang takot na takot na mukha ng babae.


     "Alam mo ba kung ano ang pinakamasarap na dugong natikman ko?"he smile crookedly. "Iyong dugo ng mga taong may AIDS."dinilaan pa nito ang mga labing namumula. "Masarap kasi ang halo nila. May flavor."tumawa siya na nakakaloko saka tumayo, tiningnan ang kanina pang natatakam na si Thunder tapos ay nginitian ito na pag-katamis tamis bago gracefully ding tumalikod.


     "Matagal na akong hindi nakakatikim nun. Nakaka-miss din paminsan minsan. Pero ngayon kahit kailan ko man gustuhin pwede na akong makatikim."saad niya. "Nakakasabik ang amoy mo."muling lumapit si G.O sa babae inamoy ito. Damang dama niya ang pag-simhot dahil nakapikit pa siya. Halata sa mukha niya ang pleasure. "Ah~Gustong gusto ko ang amoy na iyan."lumabas ang pangil niya kasabay ng kay Thunder na ngayon ay nakahanda na para sunggaban ang babae. Kakagat na sana si G.O nang biglang dumating si LeeJoon mula sa bintana. Napapikit sa inis si G.O. Tumayo ito para tingnan si LeeJoon.


      "Sa tingin ko kailangan mo nang mag-ipon ng paborito mong flavor habang hindi pa tuluyang lumalakas ang aura ng bead."anunsyo ni LeeJoon mula sa nang-yari.


     Kahit hindi na diretsohin ni LeeJoon ang sasabihin ay nakuha na agad iyon ni G.O. Unti unting sumilay ang galit sa mukha niya. Dahil hindi naman iyon ang inaasahan niynag balita mula kay LeeJoon. Ang buong akala niya ay mamamatay na si Kikwang at tuluyan ng mawawalan ng bisa ang bead. Nang sa ganun ay makapag-hari na ulit sila sa mundo ng mga tao gaya noon. 


     "Ahhhhhh!!!"napasigaw siya sa galit. "Gunawa kayo ng paraan!"utos niya.


     "Ang burahin si kikwang sa kwento. Iyon ang magandang paraan."kalmante at napakasimpleng sagot ni LeeJoon.


     "Kung ganun! Burahin mo na siya!"dumadagundong ang sigaw ni G.O sa loob ng gothic mansion. Lalo namang natakot ang babaeng prey nila, nadagdagan pa ito ng lingunin siya ng nang-lilisik na pulang mata ni G.O with his fang. Nawala na sa sarili si G.O kaya naman ay walang ano ano ay hinatak niya ng malakas ang braso ng babae dahilan para maputol ito saka sinakmal ang kamay para saidin ang dugo. Hindi naman malaman ng babae ang nararamdamang sakit. Gugustuhin na niyang mamatay kaya iyon ang ginawa sa kaniya ni Thunder ng pugutan siya nito ng leeg sa pamamagitan lang din ng lakas nito. Ngayon ay tatlo na sila nila LeeJoon ang umuupak sa dugo ng kawawang magu AIDS na babae. Nang matapos si LeeJoon tumayo ito at pinunasan ang kaunting dugo na nag-kalat sa labi.


     "Mas masarap parin ang dugo ng taong may Hepa."he smile also crookedly then look at the girl lying dead on the floor. Sinipa pa niya ang nag-kalat na daliri nito sa lapag bago nilayasan ang dalawa.


    Ano na kaya ang mang-yayari kay KikWang? Magampanan niya kaya ang ob;igasyon niya? O mauunahan siya ni LeeJoon? Sino sino ang mga makakatulong kay KiKwang? At sino sino namang mga nilalang ang makakasama ng mga bampira para mapigilan sila? Saan kaya dadalhin si KiKwang nga tadhanang pinili niya?



~END OF FICTION AND FACT: BEAST~


CHARACTERS

HADES/KIKWANG
[BEAST]


THE DEATH GODS

DONGWOON D'ARESNBOUR
[BEAST]


YOSEOB D'ARENSBOURG
[BEAST]


LEE MINKI
[ACTOR]


HYUNBIN
[ACTOR]



AMBROSE
[KIM HYUNJOONG/SS501]



THE WOLVES

DOOJOON
[BEAST]


HYUNSEUNG
[BEAST]


YOONA
[SNSD]



KIKWANG's OLDER BROTHER

JUNHYUNG
[BEAST]



THE VAMPIRES

[FROM LEFT TO RIGHT]

MIR, THUNDER, G.O, SEUNGHO, LEEJOON
[MBLAQ]











           ~Salamat po ulit sa mga nag-buhos ng oras para sa kwento na to .. Kahit hindi man kagandahan sana nag-enjoy naman kayo .. Sa uulitin po ..

EunSeungRi~



3 comments:

  1. waaaaaaaaaaaaah!!!! nde aq mkpaniwlang tapos na!!!!!!!!!!!!

    peo ok lng dhil may aabngan p nmn pla aq!!!!!!!!


    ps. i'm drooling over the characters!!!! ang ggwapo tlga nla shetlungs!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  2. tapos na!!! aabangan ko ang book 2 nito!

    ReplyDelete
  3. ang ganda sobra!!!!!!!!!!!! abngan q next n2! mei book 2 p 2 cgurado!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^