“Dad’s Advice”
A few days ago…
“May problema ka ba
hijo?” tanong ng
daddy niyang si West ng abutan siya nitong umiinom sa veranda.
“Wala naman
dad…nagpapaantok lang”
“May mabigat ka bang
kasong kinakaharap ngayon anak?”
“Wala naman dad”
“Sigurado ka?” tanong ni daddy at tinitigan ako sa
mata matapos kumuha ng alak at tumayo sa tabi ko sa veranda.
Hindi ako nakasagot. Tinungga ko lang ang alak na hawak ko.
“Eh yang kaso ng puso
mo nasolusyunan mo na ba?”
Maang na napatingin ako kay daddy. Para
kasing may laman ang sinabi niya.
“Napagdaanan ko na din
yan kaya alam ko ang nararamdaman mo. Hindi man ako nangingialam tulad ng mommy
mo eh anak pa rin kita.”
“Dad…paano mo ba
nalamang mahal mo na si mommy?”
“Hindi mo naman maipapaliwanag
iyan eh…kusa mong mararamdaman.”
“Eh paano mo naman
nasabing si mommy na ang gusto mong makasama habang buhay?”
“Sinabi ko bang gusto
kong makasama habang buhay ang mommy mo? Naku nagsisisi nga ako eh”
Gulat na napatingin ako kay daddy.
“Biro lang iyon…baka
makarating sa mommy mo yan at maoutside the kulambo pa ako…pero sa totoo lang
ilang beses man ako mabuhay ditto sa mundo ang mommy mo pa rin ang pipiliin
kong makasama.”
“Eh paano mo nga
nasabi dad na si mommy ang gusto mo?”
“Well…inimagine ko ang
sarili ko nun ten years or twenty years in the future na hindi ang mommy mo ang
kasama ko…ewan ko ba nakaramdam ako ng takot na di maipaliwanag. Saka parang
ang lungkot.”
Ang hirap talagang mainlove. Madaming hirap.
“Alam mo anak…kung
talagang mahal mo ang isang tao sabihin mo sa kanya. Ipagtapat mo”
“Eh paano kung
bastedin niya ako? Paano kung di niya ako gusto?”
“Anak naman…isipin mo
nga ito..mas malulupit na kaso na ang nahawakan mo…nalagpasan mo…ano nalang ba yung
bastedin ka…hindi ka naman mamamatay nun eh.”
“Pero dad----“
“Hay naku anak kaya mo
yan…lalaki ka diba? Eh ano kung masaktan ka? Parte iyon ng pagmamahal..walang
nagmamahal ng hindi nasasaktan…ang mahalaga sumubok ka at wag sumuko…kung no
choice ka na talaga daanin mo sa santong paspasan kung di madaan sa santong
dasalan…magaling ka namang abugado diba? Kaya mo ng ibail-out ang sarili mo” natatawang sabi ni daddy.
Maging ako ay natawa na din sa sinabi ni dad. Sinong
mag-aakalang ang napakaseryoso kong ama ay may kakayahan din palang magpatawa?
“Thanks dad”
Back to the present…
“Pwede ba tayong
mag-usap?” tanong ko
kay Ruijin.
Wala akong pakialam kung may kasama man siya. Eh ano naman?
It’s now or never!!!!
“Wala naman tayong
dapat pag-usapan ah?”
“Meron” hinawakan ko siya sa kamay at hinila
patayo.
“Pare wala namang bastusan
oh..nakita mong magksama kami eh” awat nung kasama niya at hinawakan ang kamay ni Ruijin na
hawak ko.
“Wag ka makialam dito
ah…hindi ikaw ang kinakausap ko.” Asik ko sa kanya.
“Eh sira-ulo ka naman
pala eh” pag-aangas
naman nito.
As if naman uubra siya sakin kung angas rin lang ang
pag-uusapan marami ako nun.
“Rodjun don’t… I know
him” pigil ni
Ruijin dito at sumama na sakin palabas.
Akma namang hahabol pa sana
si Rodjun sa mga ito subalit hinarang na ito ng mga barkada ni Ran.
“Hanggang dyan ka lang
pare!!”
“Paraanin niyo ako.”
“Sorry hindi pwede”
“Pwede ko kayong
kasuhan sa ginagawa niyo” pananakot nito.
“Sorry ka nalang pare
dahil iisang abogado lang ang kinikilala namin. At kung sakaling kasuhan mo man
kami okay lang dahil magaling ang abogado naming walang iba kundi si Ran.”
“Oo nga..kaya kung ako
sayo steady ka lang dyan”
“Don’t worry walang
mangyayaring masama kay Ruijin lalo na at si Ran ang kasama niya.”
Wala ng nagawa si Rodjun kundi ang bumalik nalang sa
kinauupuan. Palibhasa ay nakabantay ang tatlong kaibigan ni Ran dito.
+ + + + +
“Ano ba ang dapat
nating pag-usapan ha at kailangang kaladkarin mo pa ako palabas ng CaPerona?!” asar na sabi ni Ruijin kay Ran.
“Tungkol satin” simpleng sagot ni Ran.
“Anong tungkol
satin??? Wala namang tungkol satin ah”
“Kaya nga iyon ang
pag-uusapan natin eh…sumakay ka na” anito at binuksan ang pinto ng sasakyan.
“At bakit naman ako
sasakay dyan? For your information Mister Montreal may kasama ako sa loob kaya
hindi ako pwedeng magtagal sa pakikipag-usap sayo”
“Sinong pinagmamalaki
mo? Yung mistisong bangus na kasama mo?”
“Eh ano naman ngayon
sayo??? Don’t tell me nagseselos ka?” nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya.
“Eh kung sabihin kong
Oo sasakay ka na ba sa kotse ha?!”
Natahimik naman ako bigla at walang imik na sumakay nalang
sa kotse. Lumigid naman si Ran sa
driver seat. Ganun nalang ang gulat ko ng simulan niyang paandarin ang
sasakyan.
“Hey!!! Stop it Ran.!
Saan tayo pupunta??!!” sigaw ko sa binata.
“Itatanan ka na”
paano ba dapat kiligin??? yung hindi ako pagagalitan dito saamin! hindi ko mapigilan tumili eh!!! nakonyatan tuloy ako ng wala sa oras! para daw akong baliw!!! hwaaaaaaaaaaah! hanggang chapter 10 lang ito diba??? i can feel the ending pero grabe pa rin ako sa kilig! ako na feeling ko ako talaga si ruijin na yan at nanjan lang si ran sa tabi! hwahahahahah!!!
ReplyDeletebwahahaha...salamat naman at nabigyang buhay ko ang character na iyan..haha
Deleteworth it ang hirap sa pag-iisip haha
diz is it! diz is really is it! ngkaselosan n at aminan n lng tlga ang kulang!!! naeexcited much n aq!!!
ReplyDelete