Tuesday, May 22, 2012

Monster Couple : Chapter 6

“The Most Handsome Devil in the World”


Inabala nalang ni Ruijin ang sarili sa pagsususulat. Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas mula nung pumunta sya sa engagement party ni Ayesha.


Mahigit isang buwan na rin ng magkausap sila ni Ran.


Mula ng mangyari ang pag-uusap sa pagitan nila ay hindi na niya nakita ang binata.


Iniiwasan na rin niya kasing magtagpo ang landas nila. Nagbakasyon siya para na rin malibang ang utak niya at makapabalik na siya sa pagsusulat.


“Kumusta na ang paborito kong writer?” bati sa kanya ni Perona. Ang may-ari ng CaPerona. Ito na rin ang may bitbit ng order niya.


Kapag ganun eh gusto nitong makipagkwentuhan sa kanya.


“Okay naman…maganda pa rin”


“Nice naman..eh may Papa ka ba namang nabingwit sa pagbabakasyon mo?”


“Sus.! Wala nga eh..puro mga baka at isda ang nakita ko”


“It’s good to see you back in writing Ruijin…pero parang may kulang eh”


“Ano naman ang kulang?”


“Hindi ko na yata kayo nakikitang nagbabangayan ni Ran…wala na tuloy ang favorite loveteam namin dito sa CaPerona” anito at sinabayan ng tawa.


Favorite loveteaM??? Oh come on..isang malaking kalokohan iyon.


“Hay naku Perona…tigilan mo ang pag-iilusyon na may loveteam samin ni Ran okay? That guy is not worth of my attention”


“Asus…aminin mo namimiss mo din siya”


“Have a life Perona”


“Mas exciting ang life mo eh”


“Ewan ko sayo”


“Well…well..well… speaking of the devil…here comes the most handsome devil in the world” nakangiting sabi ni Perona habang nakatingin sa papasok na si Ran.


Hindi ko naman maiwasang titigan ang binata. Ewan ko kung imahinasyon ko lang ba o talagang nakatitig din siya sakin na parang ako lang ang taong nag-eeexist sa lugar na iyon.


Titig na titig siya sakin. Sa mahigit isang buwan na hindi ko siya nakita ay parang ang laki na agad ng pinagbago niya. Mas lalo siyang nagmukhang matured dahil may mangilan-ngilang balbas at bigote na tumutubo na sa mukha niya.


Pero kahit ganun ay hindi parin ito nakabawas sa kagwapuhang taglay ni Ran. In fact mas lalo nga yatang lumakas ang appeal nito.


Hoy Ruijin.! Ano na naman iyang pinagsasabi mo. Nababaliw ka na naman!!


Oh shuddap!!!


“Hello Ran..kumusta ka na? ilang tao ba ang pinakulong mo ngayong araw?” biro ni Perona dito.


“Gusto mo bang dumagdag sa listahan?” tanong naman ni Ran.


“No thanks..mahal ko pa ang beauty ko at may balak pa akong mag-asawa.”


Hindi naman ako kumikibo. Kunwari ay di ko siya napapansin.


“Hi, Ruijin”


Umangat ang tingin ko kay Ran.


“Hi back”


“Kumusta ka na?”


“Okay lang”


Dumaan ang katahimikan sa aming dalawa. Pareho lang kaming nakatingin sa isat isa. Si Perona naman ay ngingiti ngiti lang habang nakatingin samin.


“You know what..maiwan ko na kayong dalawa dyan. Aasikasuhin ko lang yung ibang customers.” Paalam ni Perona.


Pero para kaming may sariling mundo ni Ran dahil ni hindi man lang namin siya binigyang pansin.


“Hay naku…may sarili na silang mundo. Oy Ran ikaw na bahala dyan kay Ruijin ah..miss na miss ka na niyan.” Nang-aasar na sabi ni Perona bago pumunta sa counter area.


Naiwan naman akong namumula ang mukha sa sinabing iyon ni Perona.


Luka-lukang babaeng iyon.


Naupo si Ran sa mismong tabi ko sa may couch.


Syete naman oh..bakit kailangang sa tabi ko pa talaga siya maupo???


“Ahhh Ran..excuse lang ah pwede bang lumipat ka ng upuan?”


“Bakit naman?? Mas gusto ko dito eh”


“Dun ka nalang sa kabila. Dun sa lagi mong inuupuan”


“Ayoko nga. Mas gusto ko dito”


“Then kung ayaw mo pwede bang umusog ka naman kasi kanina mo pa ako sinisiksik eh”


“Ayoko din”


Aba??? Ano bang problema nitong lalaking ito???


“Ran ano ba?!” asar na sita ko at hinarap ang binata.


Wrong move dahil halos isang inches nalang ang pagitan ng mukha naming dalawa.


Hindi ako nakakibo. Parang may pumipigil sa hininga ko habang nakatitig sa mukha ni Ran at may naghahabulang daga sa puso ko.


“Namiss kita” sabi ni Ran.


Para tuloy mas lalong bumilis ang paghahabulan ng mga daga sa puso ko. Daig pa ang hinahabol ng pusa.


Inilapit ni Ran ang mukha niya sa mukha ko lalo. Halos magdikit na ang mga noo namin.


“R-Ran…lu-lumayo k-ka s-sakin”


“Don’t you know how lovely you are especially when you’re blushing like that?”


“I’m not blushing!!”  tanggi ko kahit ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.


“Yes you are Ruijin…yes you are…and do you also know how much I wanted to kiss you?”


“Ran ano bang pinagsasabi mo?”


Teka nga..lasing ba itong lalaking ito??? Pero hindi naman siya amoy alak. Ang bango-bango pa nga ng hininga niya eh.


“I said…I want to kiss you”


3 comments:

  1. waaaaaaaaaah!
    tanong mo kung sno nagwawala dito?
    AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!
    maygawd! kiss daw! oh heto ran, tsup!!!

    kyaaah! ang sobrang kilig ko talaga!!!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...pati ako kinikilig sayo eh..haha

      Delete
  2. bket nmn may kiss na! ayiiiie! naimagine q nga ang kilig ni ate aegyo d2 oh!!!! bket npkasweet n ni ran! i love it!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^