Friday, May 18, 2012

Monster Couple : Chapter 4


“The Invitation”


“What was that all about ha?” tanong ko kay Ayesha ng nasa labas na kami ng CaPerona.


What?” kunwa’y inosenteng tanong nito.


“Don’t give that look Ate Ayesha…you know what I mean. Why did you kiss me in front of Ruijin?”

Sumakay muna si Ayesha sa kotse nito. Ako naman ay pumasok sa driver seat.


“Wala lang. Just want to confirm something” kibit-balikat nito.

“And what is it?” tanong ko habang nagmamaneho.


“That girl likes you”


“Oh come on!”


“Babae din ako Ranzell..kaya alam ko kung kelan may gusto ang isang babae sa isang lalaki no matter how much she denied it”


“Whatever Ate…You’re just trying to play Cupid like Jen”


“Wait…So you mean to say siya yung girl na sinasabi ni Jen na gusto mo?”


“Wala akong sinabing may gusto ako sa kanya.”


“Hay naku Ran..ganyang-ganyan ang kuya Rence mo…masyadong denial king.”


“Magkaiba kami ni Kuya Rence ate…hindi ako babaero”


“Yeah siguro nga..pero when it comes to the girl you love masyado kayong natotorpe kaya napupunta kayo sa denial stage.”


“Hay naku Ate…ikakasal ka lang masyado ka ng naging hopeless romantic”


Bigla namang natahimik si Ayesha. I triggered something na nagpalungkot sa kanya.


“Sorry Ate” hinging-paumanhin ko.


Ngumiti naman si Ate Ayesha pero halatang hindi abot sa mga mata niya.

“It’s okay Ran”


“Ate…pwede ka pang mag-back-out sa wedding niyo. Hanggat hindi pa naman kayo formally engaged.”


Ayesha is my cousin in father’s side. Magkakambal ang daddy ko at mommy niya. Engaged to be married na siya sa family friend nila but her heart belongs to someone else.


Kay kuya Rence.


Second cousin ko naman sa mother side.


Hindi pa kasi narerealized ni Kuya Rence na mahal niya si Ate Ayesha eh dahil magbestfriend silang dalawa.


I don’t want to see my favorite cousin sad pero wala naman kaming magawa. Even her parent’s ay hindi siya pinakialaman sa desisyon niya. It’s her choice.


“Hay tama na nga ang drama…ang mabuti pa samahan mo na akong magfood taste okay para sa engagement party”


“Eh bakit kasi hindi si Kuya Mikael ang kasama mo eh.”


“Kasi nga po nasa eroplano pa siya ngayon. Kaya pagtyatyagaan muna kita.”


“Ang sama mo Ate.”


“I know”


“So tell me about you and that Ruijin girl… in fairness ah…she’s one of my favorite writers” tanong ni Ayesha ng makarating kami sa restaurant kung saan kami magfo-food tasting.


“There’s nothing about us….in fact we’re each other’s enemies.”


“And why is that?”


“I don’t know… basta kapag nagkikita kami lagi kaming nagkakabangga.”


“Don’t you know that there’s only a thin line separating love and hate?”


“No…I don’t know.”


“Now you know” sabi ni Ayesha at biglang tumawa. “But seriously speaking Cuz…if you love her or feel something for her don’t hesitate to tell it to her before it’s too late.”


Pagkasabi nun ay iniwanan na ako nito upang makipag-usap sa manager.


+ + + + +


“Hi Ruijin…it’s good to see you here again” bati ni Ayesha sakin.


Okay na sana eh ang sarap na ng buhay ko. Bigla namang magpapakita itong babaeng ito sakin.


Ewan ko ba bigla nalang akong nainis sa kanya mula nung huli ko siyang makita.


 Weee??? Oh baka naman nung nakita mong hinalikan niya si Ran?


“Hi Ayesha…hinihintay mo si Ran?”

“Nope” sagot ni Ayesha at naupo ulit sa silyang katapat ko. “ I came here for you”


Nagulat naman ako sa sinabi niya. At bakit naman ako gugustuhing makita nitong babaeng ito?


“Ako?? Bakit? May utang ba ako sayo? Kung tungkol dun sa request mo sakin sorry kasi wala pa akong bagong story eh”


“ Okay lang makakapaghintay naman ako eh..pero hindi tungkol dun kung bakit gusto kita makausap”


“Kung hindi dun eh ano?” nakakunot-noong tanong ko.


Nakakaintriga itong babaeng ito.


“I just want to apologize of what I did to Ran.. I should have not done it in front of you”


“Sus…yun lang ba? Wala akong pakialam dun…you can kiss him for all you want…boyfriend mo naman yata siya eh”


Ngumiti lang si Ayesha.


“Actually isa pang reason ko eh I want to invite you to our engagement party.”


“Engagement party???”


“Yup.” Iniabot nito ang invitation card. Nanginginig ang kamay na binuksan ko ito.


Ganun nalang ang gulat ko sa nabasa.


“You are cordially invited to the engagement party of Ayesha Venice Madrigal and Mikael Jacob Suarez….” Napatingin ako kay Ayesha. Nagtatanong ang mga mata. “ Bakit Mikael Jacob Suarez ang nakalagay na lalaki dito? Hindi naman iyon ang pangalan ni Ran ah?”  naguguluhang tanong ko.


“Simply because it’s not Ran.”


“Eh diba si Ran ang boyfriend mo? Tapos engaged ka sa iba?”


Mukhang gusto yatang ma-high-blood ng dugo ko sa babaeng ito ah….


Imagine??? May boyfriend siya tapos iba ang pakakasalan niya??? Akala ko pa naman mabait siya.


Looks can be deceiving talaga.


“Ranzell Montreal is my first degree cousin”


“Cousin??? First degree??? Pero bakit kayo….???”


“Bakit ko siya hinalikan? Wala lang…just to piss him off and to prove something.” Hinawakan ni Ayesha ang kamay ko. “I hope you can come...”


“Kelan ba?”


Anakshuta ka kasi Ruijin. Bakit hindi mo tignan sa invitation di ba?


“It’s on Saturday night”


“Saturday??Sige pupunta ako. Wala naman akong gagawin nun eh”


“Sige…Thanks…That’s all..See you there”


Iyon lang at naiwan na ako ulit sa loob ng cafeteria.





8 comments:

  1. hala naman! bakit engaged si ayesha sa iba at hindi kay rence! ang bebe boy namin ni lancelot! what's happening here pressy??? powtek, bakit kasi ayaw mo pang i-update yung story nila! naiintriga tuloy ako! ang daming pasilip dito sa kwento nila ayesha and rence! hindi tuloy ako makapag-concentrate sa bebeloves ko na si ran!!! uwaaahhhh! >______________<

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahahahaha....ganun talaga..para exciting...hahaha...may idea na ako kaso di ko pa maconceptualize eh..haha

      Delete
  2. lahat pala sila, boto for the moster couple. yung dalawa lang talaga ang in denial! tsk! selosan ang kailangan jan para matauhan sila..

    ReplyDelete
    Replies
    1. next chapter mejo matatauhan na sila..haha

      Delete
  3. wala na palang next?! nasaan na ang 5th chapter!? ilabas na po!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha bukas ko pa ipopost iyon eh...everyday ang posting ko..haha

      Delete
  4. waaaaaaaaaaaah! ate nbsa q ung reply mu, hahihhahhihahhihahih! abngn q tlga un! mdli lng b itong monster couple mttpos???? kyahhhhhh~ super like q p nmn tlga ung story! ang bilis tlga ng ud!

    naeexcte n aq s cnsbi mong nxt chapie, mttauhan n cla!!!!! kyahhhhhhhhhhh ult~

    ReplyDelete
    Replies
    1. actually kaya araw-araw ang UD nito yun ay dahil tapos ko ng isulat ang kwentong ito..haha...hanggang 10 chapters lang kasi ang ginawa ko eh..para naman may matapos na din ako at marami pa akong pending na stories..haha

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^