Wednesday, May 16, 2012

Monster Couple : Chapter 2


“Simsimi”


“Ang ganda ni Ruijin noh kuya?” sabi ni Jen at naupo sa tabi kong silya.


Mukhang ako naman yata ang balak inisin ng dalawang ito pagkatapos kay Ruijin ah.


“So?” kunwa’y bale-walang sabi ko ng hindi parin ang inaalis ang tingin sa harap ng laptop.


“Ligawan mo”


“Nababaliw ka na ba?” I smirk.


Ako? Liligawan ang dragonesang iyon?


No thanks. Mahal ko pa ang buhay ko.


“Hindi. Pero ikaw kuya nababaliw ka na!” ani Jen at biglang inagaw sakin ang laptop ko. “tama bang makipag-asaran ka kay Simsimi??? Adik ka ba kuya?”


Eh ano naman kung makipagtagisan ako ng talino kay Simsimi? Asar talo naman sakin yung sisiw na robot na yun eh.


“Ano ba yan wala namang kwenta ang pinag-uusapan niyo eh. Ako nalang ang magtatanong kay Simsimi.”


Sinimulan ni Jen ang magtype sa laptop. Nakatingin naman kami pareho ni Ian sa kanya.


“Anong masasabi mo kay Ranzell Montreal?” type ni Jen sa laptop.


Reklamador


“Bwahahahaha…reklamador ka pala pare eh” pang-aasar ni Ian.


“Shut up!”


“Ano namang masasabi mo kay Ruijin Minah?” type ulit ni Jen.


Adik


“Ayan ang totoo. Adik naman talaga yung babaeng iyon eh” tumatango-tangong sabi ko.


“Weee?” chorus ng dalawa.


“Magtatanong ulit ako….bagay ba sina Ran at Ruijin?”


Ay…pwedeng pwede,,bagay na bagay.


“Wow naman Pare!!!!” pang-aasar ni Ian at tinatapik tapik ako sa balikat.


“Kalokohan yan” sabi ko pero di ko rin naman maiwasang tignan ang pinag-uusapan nila Jen at Simsimi.


“May gusto ba si Ran kay Ruijin?” type ulit ni Jen.


Oo naman. kaya nga nagagalit sya sa mga may crush dun eh.


“Ano??? Sira-ulong sisiw yan ah..prituhin ko yan eh”


Katakot-takot na asar at panunukso tuloy ang inabot ko dito sa dalawa dahil sa sinabi ni Simsimi.


“Sige para fair… may gusto ba si Ruijin kay Ran?”


Ewan ko pero para akong naghihintay ng oras ng bitay habang naglo-loading pa ang isasagot ni Simsimi.


“Ang tagal naman” di ko tuloy maiwasang ikomento.


“Wooh…excited…gusto niyang malaman kung may gusto sa kanya si Ruijin” pang-aasar ni Ian.


“Kuya masyadong pa-obvious”


“Hay naku tumigil kayong dalawa”


“Ayan may sagot na”


Nakipag-agawan pa ako kay Jen sa pagtingin sa sagot ni Simsimi.


Oo..may tinatago pa ngang picture niya yun sa wallet niya eh.


Nakakalokong nagtinginan sina Ian at Jen sabay tumawa.


“Well…well…well..mukhang may mutual understanding na sila ah”


“Mutual understanding ka dyan. Kalokohan lang naman ang mga pinagsasabi ni Simsimi eh”


“Kung kalokohan bakit mo pinapatulan? Naturingan ka pa namang abogado kuya.”


“Killing time”


“Asus..mga dahilan mo”


“Well pare…even if you are a lawyer you can’t win against a woman” natatawang sabi ni Ian.


“Hindi rin….buti ikaw natahimik na ang maligalig mong mundo”


“Yeah…” sagot ni Ian sabay tingin kay Jen na busy sa paglalaro sa laptop ko. Para pa ding bata. “I fell in love”


That was nice. Napangiti nalang ako.


Naiintindihan ko ang dalawang iyan dahil maraming hirap na din silang napagdaanan eh. Atleast they are still together no matter what happens.


“Angel hindi pa ba tayo aalis?” tanong ni Ian kay Jen.


“Saan tayo pupunta?” kunot-noong tanong ni Jen.


“Diba sabi mo may bibilhin ka sa mall?”


“Ay..oo nga pala para sa engagement party ni Ate Yesha..ikaw kuya may gift ka na ba?” baling sakin ni Jen.


“Wala pa..ibili mo nalang din ako”


“Pambili?”


“Abonohan mo muna”


“Sige pero may 10% interes yun ah…plus VAT”


“Gusto mong kasuhan kita? Extortion yan”


“Extortion ka dyan…magagawa mo ba yun sa maganda, sexy at napakabait mong kapatid ha kuya?”


“Hay naku ewan ko sayo…nagkakalokohan na tayo dito eh. Umalis na nga kayong dalawa. Sinisira niyo yung lugar na ito..ang gulo niyo”


“Sige last na ito…Simsimi anong masasabi mo kina Ran at Ruijin?” type ni Jen sa laptop.


Dalawang taong may lihim na pagtingin sa isa’t isa kaso parehong ayaw magpakumbaba.


“Nice naman kuya…hindi sakin galing yan ah kay Simsimi na yan..Sige mauna na kami kuya..goodluck sa pakikipagtagisan mo ng galing kay Simsimi” paalam ni Jen matapos humalik sa pisngi ko.


“Sige Pare”


“Sige..ingat kayo…Ian ingatan mo yang kapatid ko at baka biglang damputin ng mga guard sa mall”


“Sige don’t worry itatali ko ito”


“Kayo kaya ang pagbuhulin kong dalawa…tara na nga Ian” at hinila na nito palabas ng CaPerona si Ian.


Iiling-iling nalang ako ng umalis ang dalawa.





8 comments:

  1. ay parang timang lang daw akong tumatawa mag-isa dito! langyang simsimi parang si cupid lang ha! at talagang tamang sagot siya!!! powtek! ang dami kong tawa sis! kakaiwas pagod! pero actually, napagod pa rin pala ako. yung panga ko nangawit na kakatawa! ayiiieeehh!!! kinikilig talaga ako kay ran! ako na!!! feel na feel ko na talaga! uwwwwwwwiiiieeeeehhh! >___<

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahahaha..nice naman at nagustuhan mo sis...bukas na ulit yung kasunod..haha..

      nagtanong talaga ako nyan kay simsimi nung sinusulat ko yan..haha..adik eh..

      Delete
    2. langyang simsimi! kung makatuluyan ko si ran, isa siya sa mga pasasalamatan ko! ahahahahaha!!! at ang landi nila jen at ian! sayang lang wala ka pang ma-update para dun... nag-eedit na rin pala ako ng pics. sa kpop ko din kunin yung pix para sa cover nito ha! ^^

      Delete
    3. sis sabihin mo sakin kung sinong artist yang nasa cover ah..thanks

      Delete
  2. uso tlga yng si simsimi peo nde q p siya nttry! peo binbsa q plng 2ng, n22wa n aq s kanya! tmang advice lng siya! bongga! prang alam nia n partner tlga si ruijin at ran! hahhhhhahahaha!!! nkktuwa tlga kinikilig aq pra s knila!

    ReplyDelete
    Replies
    1. bwahahaha...para akong adik nung nagtatanong ako kay simsimi..kasi ang dami ko ding tawa sa kanya nun haha

      Delete
  3. hahaha! tama bang kay simsim kumuha ng advice? ang kukulit!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^