Wednesday, May 23, 2012

Monster Couple : Chapter 8


“Rodjun”


Naiwang tulala na lang si Ran ng makalayo si Ruijin. Nagulat siya sa outburst na iyon ng dalaga. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito pero marahil ay hindi sila nagkaintindihan. Gustuhin niya mang magpaliwanag ay mukhang hindi handa ang dalaga na pakinggan siya.



“Hey Ran…anong ginagawa mo dyan? Nasaan na si Ruijin?” tanong ni Ian ng makalapit sa kanya. Kasama nito ang kapatid niyang si Jen.


“Umalis na…nasaan na yung dalawa? Bakit kayo na ang magkasama?”


“Naiwan dun sa loob ng CaPerona si Sanji…alam mo namang pinopormahan nun si Perona eh. Si Kenneth naman nakikipag-away kay Yuuki.”


“Ganun ba? Eh kayong dalawa saan ang punta niyo?”


“Manonood kami ng sine. Sama ka?” yaya sa kanya ni Jen.


“Gagawin niyo pa akong chaperone niyo.”


“Hindi naman..eh di isama mo si Ruijin” pang-aasar ni Ian sabay baling sa kasintahan. “Alam mo ba Angel may pang rated PG na eksena yang dalawa sa CaPerona”


“Really??? Nakuhanan mo ng video?”


“Hindi nga eh..baka kasuhan ako bigla ni Ran”


Napapailing nalang ako sa dalawang ito. Mabuti pang makalayas na nga sa mga ito at may malaking problema pa akong kinakaharap.


“Oh Ran saan ka pupunta?”


“Away from the two of you” sabi ko at tuluyan na silang nilayasan.


“Problema nun?” nagtatakang tanong ni Jen.


“Ewan ko… wag na nating pansinin iyon si Ran…magdate nalang tayo”


“Mabuti pa nga”


+ + + + +


Isang hindi inaasahang bisita ang nadatnan ni Ruijin sa bahay niya pag-uwi niya mula sa pagsusubmit niya ng nobela.


“Anong ginagawa mo dito?” walang emosyong tanong ni Ruijin sa bisita.


“Dinadalaw ka…kumusta ka na…..ate?” tanong ni Rodjun. Ang bunsong anak ng daddy niya sa unang pamilya nito.

“Wala akong natatandaang may kapatid ako.”


“Ate wag ka namang ganyan…Nagsorry na naman si daddy saka miss na miss ka na niya…pati si kuya Rex gusto ka ding makita.” Tukoy nito sa nakakatandang kapatid nito.


Noong graduation niya ng college ay nakilala niya ang dalawa niyang kapatid na lalaki. Parehong mas bata ito sa kanya. Noon din niya nalaman ang tunay na kwento ng mga magulang niya.


Magkasintahan pala talaga ang mommy at daddy niya subalit humadlang ang lola niya dahil mas gusto nito ang asawa ng daddy niya kaya napilitang maghiwalay ang mga magulang niya ng ipakasal ang daddy niya sa asawa nito ngayon. Subalit hindi agad biniyayaan ng anak ang mga ito. At kahit kasal na ang daddy niya sa asawa nito ay nanatili pa rin ang relasyon nito sa mommy niya hanggang sa mabuo nga siya. Balak na sanang hiwalayan ng daddy niya ang asawa nito subalit nagkataong buntis na din pala ito kaya hindi ito nahiwalayan ng daddy niya.


Infairness mabait naman ang napangasawa ng daddy niya na si Tita Samantha. Maging ang dalawang lalaki niyang kapatid ay mabait din naman sa kanya. Itinuturing siyang ate ng mga ito.


Ngunit dala marahil ng sakit at pride kaya hindi niya magawang makipaglapit sa mga ito.


“Ate patawarin mo na si daddy. Matanda na rin siya. At alam namin ni kuya Rex na mahal na mahal ka ni daddy”


Alam naman niya na mahal siya ng daddy niya. Nagtatampo lang talaga siya pero hindi na siya galit. Matagal na panahon na rin naman ang nakalipas. At kahit pagbali-baligtarin man ang mundo daddy niya pa rin ito.


“Hindi na rin naman ako galit kay daddy eh. Saka hindi rin ako galit sa inyo..wala naman kayong kinalaman dun”


Halata namang natuwa si Rodjun sa sinabi niya dahil agad siya nitong niyakap. Napangiti na rin naman si Ruijin. Iba pa rin talaga ang yakap ng kapatid.


Parang bata itong tuwang-tuwa kahit na mamang-mama na ang dating nito.


“Graduate ka na ba Rodjun?” naisipang itanong ni Ruijin sa kapatid.


“Opo. Pero hindi ako nagwork sa company ni daddy. Kaya na ni kuya iyon. Mas gusto kong maging modelo.”


“Talaga??? Model ka?” gulat na tanong ni Ruijin. Hindi niya talaga akalaing isang modelo ang kapatid niya. Infairness ang gwapo naman kasi nito at ang tangkad pa.


“Oo naman. Hindi ka ba makapaniwalang model ang napakagwapo mong kapatid? Wag mo nalang sabihin kay kuya Rex na gwapong gwapo ka sakin dahil maiinggit yun..hahaha”


“Ang lakas ng hangin mo ah…hindi ko naman alam na sikat ka pala….teka?? sikat ka nga ba?” nang-aasar na sabi ni Ruijin.


“Well…ayokong magsalita..basta alam ko gwapo ako.”


“Oo na..ikaw na.”


“Kumusta ka naman ate..bakit parang malungkot ka yata? Nag-away kayo ng boyfriend mo?”


“Tsismoso ka din Rodjun noh?”  natatawang sabi niya.


“Curious lang ako”


“Wala akong boyfriend noh? Walang nagkakamali eh”


“Mga bulag siguro tao dito…ate nagugutom na ako. Pakainin mo naman ako”


“Wala akong pagkain dito eh…pero may alam akong masarap na kainan dito”


“Halika…ilibre mo ako”


“Di ba dapat ako nga ang ililibre mo dahil sikat ka pala. Mas mayaman ka sakin.”


“Mas matanda ka naman sakin ate kaya dapat ako ang ililibre mo.” Naglalambing na sabi nito.


“Oh sige na nga…buti nalang nabayaran na yung nobelang ginawa ko.”


“Yehey!!! Tara” excited na sabi nito at nagpauna na palabas ng bahay.


Ayaw mang aminin ni Ruijin ay nakakaramdam din siya ng tuwa.


+ + + + +


Pagdating sa CaPerona ay agad silang nakatawag ng atensyon. Paano ba naman kasi ay napakatangkad at napakagwapo nitong si Rodjun kaya hindi nakakapagtakang pagtinginan man sila ng mga tao.


“Hindi ba si Rodjun iyon? Iyong model?” dinig ni Ruijin na sabi ng mga tao sa loob ng Cafeteria particular na ang mga kababaihan.


“Oo nga…bakit kaya kasama niya yung dragonesang babaeng iyan?” bulungan pa ng mga ito. Inignora nalang ni Ruijin ang mga naririnig. Sanay na naman siyang bansagang dragonesa ng mga tao dahil sa taglay niyang kasungitan.


“Ano ba ang masarap kainin dito?” tanong ni Rodjun at inakbayan siya.


Pansin ni Ruijin na napataas ang kilay ng mga kababaihan na nagsasabi sa kanya ng hindi maganda.


Hah!!! Mamatay kayo sa inggit…bwahahahaha!!!


Naglalambing na iniyakap ko ang mga braso ko sa bewang ni Rodjun at tinignan ang mga insekyorang babae sabay ngiti ng nakakaloka. Pang-asar lang.


“Lahat ng food dito masarap…the best kasi ang may-ari nito eh”


“Ganun ba??? Hmm..sige ikaw na umorder para sakin”


Matapos makaorder ay naghanap na sila ng mauupuang table.


“Hi Ruijin” nakangiting bati ni Perona ng lumapit sa kanila.


“Hi Perona…sya nga pala si Rodjun…Rodj…si Perona siya ang may-ari nito” pakilala niya.


“Hi..nice to meet you…”


“Same here…ang sarap ng food niyo dito mukhang mawiwili ako”


“Really?? Well that’s good..araw araw ka ng pumunta dito para naman lagi na kaming may makikitang gwapo”


Natawa naman ako sa sinabing iyon ni Perona. Maging si Rodjun ay napangiti din.


“Sure…basta ba papayag si Ruijin eh” anito at kinindatan siya.


What happened to Ate??? Ruijin nalang???


Kakastiguhin niya sana ito kaso biglang may sumingit sa pag-uusap nila.


“Para mo namang sinabing hindi kami gwapo Perona my loves” singit ni Sanji.


Kasama nito ang mga kaibigang sina Ian at Kenneth…


Teka…wala si Ran???


“Hay naku Sanji sawang-sawa na ako sa pagmumukha mo”


“Asus sabi mo lang yan...if I know miss na miss mo ako”


“Ewan ko sayo!”


“Ruijin..sino yang kasama mo?? Alam ba ni Ran yan ha?” biglang tanong ni Kenneth. Kahit kalian talaga mapang-asar itong lalaking ito. “Tanggap ko na basted ako sayo dahil si Ran ang gusto mo pero di ko matatanggap na ipagpalit mo ako sa lalaking iyan” madamdaming pahayag pa nito.


Napanganga naman si Rodjun at napatingin sakin. Maski ako ay gulat na gulat sa sinabi ni Kenneth. Parang gusto ko siyang batukan at ibalibag sa labas sa mga sinasabi niya.


Pero mukhang hindi ko na kailangang gawin iyon dahil may ibang tao ng gumawa nun.


“Puro ka kalokohan.!” Sita ni Ran at binatukan si Kenneth.


“Ran naman eh..pinagtatanggol na nga kita” kumakamot sa ulong sabi ni Kenneth.


“Sinong nagsabing kailangan kong ipagtanggol mo?”


“Wala…volunteer lang ako”


Hindi nalang ito pinansin ni Ran. Instead ay binalingan ako.


“Pwede ba tayong mag-usap?”





3 comments:

  1. kahit half brother ko yang si rodjun nakilig naman ako sa kanya dahil gwapo at model pa!!! hwahahahaha!!! at sige lang magselos ka pa! ahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha..ang cute ng name niyo eh.. Rodjun at Ruijin haha

      Delete
  2. waaaaah! nagseselos na si ran! to the rescue pa ang tropa niya! haha! buti na lang kapatid lang ni ruijin si rodjun! pwedeng saakin na lang siya? haha! ano kayan pag-uusapan nila? sana magtapat na sila sa isa't isa!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^