“Hurt”
“Hoy!!! Rated PG
yan!!!”
Ganun na lang ang asar ko sa kung sino mang Pontio Pilato
ang pumutol sa magandang moment namin na iyon ni Ran.
“Yoh!!! Kumusta na???
kayo ha?? May pang rated PG na kayong eksena. Akala ko ba warlalu kayo??”
Ang mga kaibigan ni Ran na sina Sanji, Ian at Kenneth ang
nakita kong lumapit samin. Asar!!! Sarap tiradurin sa mata nitong mga ito.
Hindi marunong tumiming.
“Mukhang nahuhuli na
yata tayo sa eksena ah”
“Oo
nga..nagkakamabutihan na itong dalawang mortal enemies eh”
“Pwede ba?! Lubayan
niyo ako ah???!! Wag niyo akong asarin.”
“Oo nga…magsilayas kayo
dito. Mga istorbo kayo”
Katakot-takot na asar ang inabot tuloy namin.
“Wooo….may istorbo
factor na silang nalalaman”
“Oo nga…may something
na talaga”
“Ruijin nililigawan ka
na ba ni Ran??? Kung hindi ako na lang ang manliligaw sayo. Lamang lang ng
isang paligo sakin si Ran pero mas mabait at malambing ako” nakangiting sabi ni Kenneth at
tinabihan ako.
“Kapag hindi pa kayo
tumigil ipapakulong ko na kayo. Obstruction of silence na ang ginagawa niyo.” Sita ni Ran sa mga ito bago itulak
palayo si Kenneth sa tabi ko.
“Obstruction of
silence?? Meron bang ganun?” kunot-noong tanong ni Kenneth.
Binatukan naman ito ni Ian.
“Ano ka ba?! Kapag
sinabi ni Ran na may ganung kaso..meron iyon”
“Oo nga…ikaw ba
makikipagtalo pa dyan kay Ran?” segunda naman ni Sanji.
“Hehe…sorry naman
Pareng Ran…ikaw naman hindi na mabiro eh..sige maiwan na namin kayo at ng
makarami kayo..” nang-aasar
na sabi nito bago lumipat ng table.
Napailing na tumayo naman si Ran. Aalis na ba sya??
Nakakalungkot naman.
Yumuko nalang ako ng lumakad na palayo si Ran. Hindi ko alam
kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong kalungkutan na aalis na siya.
Pero ganun nalang ang gulat ko ng biglang may humawak sa
kamay ko. Mukha ni Ran ang nakita ko.
“Anong--?” nagtatanong ang matang tingin ko sa
kanya pero wala naman akong nakuhang sagot.
Basta hinila na lang niya ang kamay ko at kinuha ang mga
gamit ko. Napakahirap naman talaga intindihin ang lalaking ito. Parang kanina
lang ay kinukulit niya pa ako tapos ngayon ay nakasimangot na naman siya.
Bipolar yata ang lalaking ito eh.
“Hoy Ran ano ba?!” sita ko sa binatang hawak pa rin ang
kamay ko palabas.
Dinig ko pang nagtatawanan ang mga tao sa CaPerona lalo na
dun sa table nila Ian.
Napatingin naman ako kay Perona ng tawagin niya ako at ituro
ang isang signage sa lugar na iyon.
“Don’t leave your valuable things unattended!”
Napangiti naman ako at napatingin sa kamay kong hawak pa rin
ni Ran hanggang sa makalabas kami ng CaPerona.
“Oh?? Anong nginingiti-ngiti
mo dyan?” kunot-noong
tanong ni Ran.
“Wala naman. Masama na
ba ngumiti?”
“Wag ka mag-isip ng
kung ano-ano ah…inilalayo lang kita kina Kenneth dahil mapang-asar yung mga
iyon.”
“Okay..sabi mo eh”
“Ruijin that’s true”
“Sinabi ko bang false
yun?”
“Whatever!”
Parang gusto ko ng matawa sa nakikita kong reaksyon nitong
si Ran. Parang matataeng ewan…haha.
“Ran…pwede mo ng
bitawan ang kamay ko. Malayo na tayo sa CaPerona”
Tinignan lang ako ni Ran. Pero hindi pa rin binibitawan ang
kamay ko.
“Baka biglang may
dumampot sayo dito..mahirap na”
Hinampas ko naman ang braso ni Ran dahil sa sinabi niya.
“Ang kapal mo ah..ano
namang tingin mo sakin ah?”
Isang makalaglag panty na ngiti lang ang ibinigay sakin ni
Ran.
“Mahirap hanapin kapag
nawala”
Ano daw??? Tama ba ang naririnig ko???
Hindi naman kaya nasapian na ng masamang ispirito itong si
Ran at kanina pa pabago-bago ng ugali.
“Ran okay ka lang
ba??” nag-aalalang tanong ko. “May sakit ka ba? Bipolar ka na ba? nabagok ba ang ulo mo?” at
hinawakan ko ang leeg niya upang damahin kung may sakit ba siya.
Pero hinawakan lang din ni Ran ang kamay kong nakahawak sa
leeg niya habang nakatitig sakin.
Oh Ehm Ji.!
Naku naman Ranzell ano ba itong ginagawa mo sakin at parang
may mga paru-paro sa tyan ko habang nakatitig ka sa mga mata ko. Huwag mo akong
tignan ng ganyan na parang ako ang pinakamagandang babae sa buong mundo at baka
hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Iniwas ko ang paningin sa kanya at inalis ang kamay kong
hawak niya. Kailangan ko ng pigilan ito bago pa lumala.
“Mukhang wala ka
namang sakit. Sige mauuna na ako” sabi ko at naglakad na palayo sa kanya.
“Ruijin wait” pigil sakin ni Ran.
“Don’t try to stop me
Ran…Please lang wag mo naman akong bigyan ng dahilan para umasa kasi ayokong
masaktan”
With all my might I tried to control my tears. Ayokong
umiyak sa harap ng lalaking ito. Halatang naguluhan naman si Ran sa mga sinabi
ko.
“What do you mean?
Bakit ka naman aasa at masasaktan?” kunot-noong tanong nito.
“When I told you if we
can be friends again alam mo ba kung gaano kasakit ng tanggihan mo yung inoofer
kong friendship? All those years Ran iniwasan ko makipaglapit sa mga lalaki
dahil ag alit na nararamdaman ko sa ginawa samin ng daddy ko…pero binuksan ko yung
puso ko para sayo. Para mapalapit sayo. Para maging kaibagan ka…Pero anong ginawa mo? Tinanggihan
mo!!! Alam mo ba kung gaano kasakit yun ha? Ang mag-offer ka ng friendship sa
isang tao pero tatanggihan ka lang!” hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Dire-diretso na ang pagdaloy ng mga luha.
Ramdam ko ang sakit habang sinasabi ko ang mga katagang
iyon.
“Ruijin…”
“Don’t try to explain
anymore Ran.. I don’t want to hear it” sabi ko at iniwanan
na siya.
Wala namang nagawa ang binata kundi ang sundan ng tingin ang
papalayong si Ruijin.
baket ke-landi talaga ni ran dito! maygally! nagpa-palpitate na ang heartness ko sa sobrang kilig! isama mo pa na kinakabag ako sa kakulitan ng mga kaibigan niya! ayiiieh!
ReplyDeletepero naman ruijin baket nagiinarte ka pa! obvious na obvious na si ran sa feelings niya oh! tangengot ka! (inaaway ang sraili eh noh!)
hahaha..tama yan sis...may mapapala ka pag inaway mo ang sarili mo..haha
Deleteobstruction of silence! hahhhhhhahahaha! bsta si ran, wla n lng palag! at ruijin, bket ngddlwang isip k nmn ngaun! aq aagw sknya! jowk lng!
ReplyDeletehahaha...hey Jiyeon i was planning to do another story which involves you...although nasa palnning stage palang naman siya..kung okay lang sayo.haha
Deletegondo! O///O!!!
ReplyDelete