Tuesday, May 22, 2012

Riot Love Game : Chapter 24



CHAPTER 24
(REGINE POV)



*ubo… ubo…*



Nahawa yata ako sa sakit ni Richelle. Kagabi kasi ako ang nag-nurse sa kanya dahil nilalagnat ang bruha. Bukod pa nun, depress mode din siya dahil mantakin mo ba namang break na din sila ni Rye!


 Daig pa namin ni Richelle ang kambal, kitam mo pati lovelife, pareho kami ng status! Ngayon sinabihan ko siyang wag na lang munang pumasok kasi baka mabinat.






*lakad… lakad…*






*buggggssssh!*






REGINE: ARAY...? (Sinong kulugo ba ‘tong bumunggo saakin?)






RAYCE: AH… SORRY.






Nakatingin lang ako habang nakatitig siya saakin. Tapos ako na lang unang umiwas at nilampasan siya sa paglakad.






RAYCE: REGINE, SANDALI! MAG-USAP NAMAN TAYO.






REGINE: (Ayoko nga! Bahala ka jan! Maglakad ka lang Regina!)






RAYCE: NARINIG KO RIN YUNG TUNGKOL KINA RYE AT RICHELLE. ABOUT THEIR BREAK-UP.






REGINE: (Oh so? Magsama kayo ng kambal mong polluted ang utak!)






RAYCE: HANGGANG KELAN MO BA AKO BIBIGYAN NG SILENT TREATMENT HA? MAG-USAP NGA TAYO!!!






REGINE: (Ayoko!)






RAYCE: REGINE NAMAN!!!






Nung marinig ko na parang papalapit na siya saakin, mas binilisan ko ang paglakad. Ayoko talaga siyang kausapin. Ayokong makita siya. Ayokong makasama siya kahit sandali dahil… mas masasaktan ako dahil mahal ko pa rin siya!






REGINE: BITAWAN MO AKO.






RAYCE: KAUSAPIN MO KASI AKO NG MATINO!






REGINE: EH SA AYAW NGA KITANG KAUSAPIN!






RAYCE: HINDI AKO TITIGIL HANGGA’T HINDI TAYO NAGKAKAAYOS!






REGINE: AYUSIN MO MUKHA MO AT MUKHA NG KAKAMBAL MO! PAREHO KAYONG WALANG KWENTA!






RAYCE: BAKIT BA PATI YUNG KAY RYE AT SA BESTFRIEND MO PARANG GUSTO MONG ISISI SAAKIN! YUNG SAATIN YUNG GUSTO KONG AYUSIN!






REGINE: AYOKO NGANG MAKIPAG-AYOS DIBA!!! BITAWAN MO NA NGA AKO!






Nagsisigawan na kami ngayon, but this time, may nakialam na.






PAUL: LET HER GO.






O______O…??? Hala nandito na si Paul!






RAYCE: IKAW TUKMOL KA? WAG KANG MAKIKISABAT DITO! NAG-UUSAP KAMI NG GIRLFRIEND KO!






PAUL: NAGING KAYO?






REGINE: AHH, EXCUSE LANG HA! BREAK NA TAYO RAYCE!






PAUL: BREAK NA PALA KAYO EH.






RAYCE: SINONG MAY SABI? HINDI PA AKO PUMAPAYAG NUN HA!






PAUL: BUT IT SEEMS NA AYAW KA NIYANG KAUSAP KAYA WAG MO NA LANG SIYANG GULUHIN.






RAYCE: IKAW ‘TONG DAGDAG GULO DITO EH. TARA REGINE, LET’S GO SOMEWHERE NA WALANG MGA EPAL.






REGINE: AYOKO NGA SABI!!!






Pinipilit akong hilain paalis ni Rayce habang nagpupumiglas ako. Tapos bigla na lang humawak sa kabila ko namang braso si Paul para hindi ako maisama ni Rayce.






Shoxx! Ang ganda ko lang eh noh! Alam niyo yung scene na pinag-aagawan ako! Literal! Pinag-aagawan nila ako!






PAUL: LET HER GO!






RAYCE: YOU LET HER GO!






PAUL: NO! YOU LET HER GO!!!






REGINE: NO!!! BOTH OF YOU, LET ME GO!!! (Aray ko!!! Ano ba ‘to? Hilaan ng lubid? Tapos ako yung lubid! Maygawd yung dalawang braso ko!!!)






Hulaan niyo kung sinong nanalo?






Si Rayce.






.






.






.






Joke lang! Si Paul po yung nakahila saakin!






At dahil sa impact, sa kanya ako natumba.






At dahil sa natumbahan ko siya, napahiga kami sa damuhan.






At dahil napahiga kami sa damuhan, BAD TRIP AKO!!!






REGINE: d**n IT!!! (Wa poise!!! Lintek na mga kumag ‘to!!!)






At imbes naman na tulungan ako, naiwas ang attention nila sa isang bagay.






May nagkalat kasi na pictures ko na galing sa suot na jacket ni Paul. As in sobrang daming pictures ko! Lahat puro mukha ko! So… ibig sabihin… si Paul… si Paul ang…






RAYCE: IKAW!!! (At kinuwelyuahn niya si Paul!) IKAW YUNG STALKER NI REGINE!!!






REGINE: IKAW PAUL?






PAUL: WHAT? NO…






RAYCE: THEN HOW ARE YOU GOING TO EXPLAIN THIS? BAKIT MAY COLLECTION KA NG PICTURES NIYA!!! YOU PERV!!!






*buuuuggggsssshhhhh*






Pinatikim lang naman ni Rayce si Paul ng isang malupet na uppercut.






Hindi ko naman pinigilan si Rayce. At hindi ko rin tinulungan si Paul nung natumba siya ulit dahil naiinis akong isipin na siya nga ang stalker na nangugulo saakin!






RAYCE: IKAW YUNG STALKER! UMAMIN KA NA!






PAUL: I DON’T KNOW WHAT YOU’RE TALKING ABOUT.






REGINE: MAY NANGI-STALK SAAMING DALAWA NI RICHELLE!






PAUL: ALRIGHT, I’M IN LOVE WITH YOU BUT NOT WITH RICHELLE!






REGINE: YOU’RE INLOVE WITH ME? (Nanlaki naman bigla ang mata ko!)






PAUL: YEAH. AND I’M SORRY IT TOOK ME SO LONG BEFORE I REALIZE WHAT I REALLY FEEL FOR YOU. (Owemji! Aamin ako, medyo kinikilig ako sa sudden confession na yun ha! Hihihihi!)






RAYCE: OY PWEDE BA WAG MONG INIIBA YUNG USAPAN! (Nakasimangot naman siya) AT IKAW REGINE…!!! (Pati ako sinimangutan dahil panandaliang nag-shift ang attention ko) DIBA SABI MO WALA KA NANG FEELINGS PARA SA KANYA? WHAT’S WITH THAT REACTION HA? SIYA YUNG STALKER NA NANGUGULO TAPOS…




PAUL: HINDI NGA AKO STALKER!






REGINE: PAANO MO NAKUHA YUNG PICTURES?






PAUL: SOMEONE MAILED IT TO ME KANINANG UMAGA. KAYA NGA RIN KITA HINAHANAP DAHIL INIISIP KO BAKA IKAW ANG NAGPADALA NITO.






REGINE: OY HA! WHY WOULD I SEND STUFF LIKE THAT TO YOU?






PAUL: ‘COZ I THOUGHT YOU STILL LIKE ME.






RAYCE: HINDI KA NA NGA NIYA MAHAL! AKO! AKO NA ANG MAHAL NIYA!






REGINE: SHUT UP RAYCE!






PAUL: HINDI MO NA BA TALAGA AKO MAHAL? (Sabay hawak siya sa mga kamay ko) REGINE, PLEASE GIVE ME ANOTHER CHANCE TO MAKE YOU HAPPY AGAIN.






RAYCE: (Kinarate-chop naman niya yung kamay ni Paul para magkabitaw kami) WAG MONG HAWAKAN ANG KAMAY NG PRINSESA KO!




REGINE: TEKA NGA! ANG GULO NIYO PAREHO EH! WALA BANG ENVELOP O KAHIT NA ANONG LAGAYAN YAN NUNG PINADALA SAYO?






PAUL: ITO YUNG ENVELOP. (Pinakita niya saakin yung envelop na pinaglagyan nung pictures ko at wala naman akong makitang pwedeng maging clue mula doon.)






RAYCE: PERO SIGURADO KA BANG HINDI KA NAGSISINUNGALING? BAKA MAMAYA NAGDADAHILAN KA LANG.



PAUL: MAMATAY MAN ALAGA KONG ASO, HINDI AKO NAGSISINUNGALING.






REGINE: HE’S TELLING THE TRUTH. (Mahal na mahal kasi ni Paul ang alagang aso niyang si Sissie) KAMUSTA NA NGA PALA SI SISSIE?






PAUL: AYUN NAMIMISS KA, DUMALAW KA NAMAN DAW SA BAHAY MINSAN.






RAYCE: HEP HEP!!! CHUMI-CHANGE TOPIC NA NAMAN KAYO EH! NAKAKABWISET NA HA! (Ang talas talaga makatitig itong si Rayce! Parang anytime, siya yung mangangagat!) NASAAN NA YUNG MGA PICTURES NI REGINE? AMIN NA!





PAUL: AT BAKIT?







RAYCE: ANONG BAKIT? PLANO MO BANG ITAGO YUN HA? AMIN NA!






PAUL: AT SINO MAGTATAGO? IKAW? AL-AL MO! SAAKIN PINADALA ‘TO NOH!






Speaking of pictures. Bakit nga kaya kay Paul pinadala yung pictures ko? At kung may compilation ako ng pictures, ibig sabihin pati si Richelle meron ding ganun.






RAYCE: HATI NA LANG TAYO.






PAUL: AYOKO NGA!






RAYCE: ANG DAMOT NAMAN NITO! ANG DAMI NAMAN NIYAN! LAMPAS FIFTY NAMAN, PENGE AKO!






PAUL: AYOKO SABI! IA-ALBUM KO ‘TO!






Oh sige pag-agawan niyo pictures ko! Haizz!!! Ang sakit nila sa ulo!!!






At ang mas masakit pa sa ulo, we are running out of suspects! Kung hindi sina Jiyeon & Shinaya, sina Dennis and his cousin, at hindi rin sina Paul, eh di sino??? Sino ba talaga ang mga stalkers???






*krrriiiiiiinnnnnnngggggg… krrrrrrrriiiiiiiiiiinnnnnnnnnnggggggggggg…*






Uy si Richelle!






RICHELLE: HELLO… ESPREN!!!






REGINE: UY BRU! GISING KA NA PALA? OKAY KA NA BA? KAMUSTA NA LAGAY MO JAN SA BAHAY? WAG KA MUNANG MAGKIKIKILOS AT NANG HINDI KA MABINAT.






RICHELLE: ESPREN… TU… TULUNGAN MO AKO…






Nakakatakot naman yung boses niya! Kinabahan tuloy ako!






REGINE: BAKIT???






RICHELLE: YUNG STALKER… YUNG STALKER NASA LABAS YATA NG CONDO NATIN!






REGINE: ANO???






Nag-iisa pa naman si Richelle sa condo unit namin ngayon! Paano kung makapasok yun sa loob ng bahay namin? Baka kung ano pa yung gawin niya sa bestfriend ko!






Naku naman!!! Hindi pa naman niya kayang ipagtanggol ang sarili niya ngayong may sakit siya!!!






REGINE: RAYCE!!! PAUL!!! SI… SI RICHELLE!!! BAKA NASA PANGANIB NA SIYA!!! YUNG STALKER DAW NASA LABAS NG CONDO UNIT NAMIN!






RAYCE: ANO???






REGINE: OWEMJI!!! I NEED A CAR RIGHT AWAY!!! (Tarantang ita na ako!)






RAYCE: HA??? HINDI KO PA NAMAN DINALA ANG SASAKYAN KO!






PAUL: WALA DIN YUNG SAAKIN.






RAYCE: SI RYE!!! SI RYE BAKA DALA NIYA YUNG SA KANYA!






REGINE: SI RYE… I DON’T THINK THAT’S A GOOD IDEA…





RAYCE: MALALAGAY NA SA PANGANIB ANG KAIBIGAN MO TAPOS IISIPIN MO PA YAN? I’M GOING TO CALL HIM.







Agad namang tinawagan ni Rayce ang kakambal niya at thank goodness dahil dala nga ni Rye ang sasakyan niya.






Nagmamadali nga ito kahit nasa kalagitnaan pala siya ng student leader’s meeting. Pagsakay namin sa sasakyan niya, nagpaharurot ito agad papunta sa condo namin.






RYE: TRY CALLING HER!






REGINE: WALA NANG SUMASAGOT SA PHONE!






RYE: d**n!!!





RAYCE: EASY! IKAW PA NAMAN ANG NAGDA-DRIVE RYE! AND REGINE, PUT YOUR SEATBELT ON.







Nasa harap kasi ako ngayon sa tabi ng driver’s seat. Si Rayce naman nasa likod at katabi niya si Paul. Sumama na rin siya saamin.






Dahil sa tulin ng takbo ng sasakyan, mabilis lang kaming nakarating sa condo.






Pero pagdating namin dun, itong si Rye nagmamadaling bumaba na lang agad ng sasakyan niya without turning off the machine. Eh ganun din ako, nagmadali nang bumaba kaya either kina Rayce at Paul na lang ang magpapatay ng makina nung sasakyan.






Pagdating na namin sa pinto ng condo unit namin…






RYE: IT’S LOCK!!! YUNG SUSI???






REGINE: HETO… (At nanginginig yung kamay ko habang binubuksan ko yung pintuan. Pagpasok namin sa loob.) RICHELLE!!!






RYE: RICHELLE!!! NASAAN KA!!!






Hinalughog namin yung buong unit until finally makita na namin si Richelle. Nakahiga siya sa kama sa loob ng kwarto… maputla pa rin ang itsura.






RYE: RICHELLE!!!






Agad namang niyakap ni Rye si Richelle. Nairita nga ako, nauna pa siya saakin!






RYE: ARE YOU OKAY?






RICHELLE: AH… ANONG GINAGAWA MO… DITO… (Umuubo pa siya kaya utal-utal.) BAKIT… MO SIYA SINAMA???






REGINE: ESPREN! (At tinulak ko palayo si Rye para ako naman ang yumakap kay Richelle) SIYA LANG KASI YUNG MAY SASAKYAN EH. NATAKOT NAMAN AKO NUNG SINABI MONG NASA LABAS YUNG STALKER.





RICHELLE: KANINA PA KASI… MAY UMAALIGID SA LABAS… MAY MAGDO-DOORBELL… TAPOS PAGSISILIPIN KO… WALA NAMAN.







REGINE: AISH! I SHOULDN’T HAVE LEFT YOU. KAWAWA KA NAMAN.






Nakatingin lang yung tatlong boys saamin. For sure naninibago din sila kay Richelle.






Alam niyo ba kasi kapag may sakit itong bruhang ito, para siyang nagbi-baby-talk! Ang cute noh! Mukha lang siyang kuting kapag nagpapaawa dahil sa nararamdaman niya.






RICHELLE: WAG KA NANG AALIS… (At humigpit pa ang yakap niya saakin) PERO PAALISIN MO YANG PANGIT SA HARAP KO.






REGINE: SINONG PANGIT? (Tumingin ako dun sa tatlo.)






PAUL: OY HINDI AKO PANGIT.






RAYCE: LALO NAMAN AKO! ANG GWAPO KO KAYA! MALAMANG SI RYE YUN! SILA NAMAN YUNG NAG-BREAK KAHAPON DIBA?






RICHELLE: PAALISIN MO NA BRU(Tush ang beybi damulag!)






REGINE: OO NA, OO NA! TUMAHAN KA NA JAN. (Mainit pa rin ang temperature niya eh) RYE, IKAW YUNG PANGIT. ALIS KA NA MUNA.






RYE: I WON’T GO ANYWHERE LALO PA AT NALAMAN KONG NASA PALIGID LANG PALA ANG STALKER NINYO.






RICHELLE: REGINA~ (Hala nagpapatulo na siya ng luha niya!)






REGINE: RYE SIGE NA PLEASE, ALIS KA NA MUNA! (Tapos tinignan ko sina Rayce at Paul. Help me with this.)






RAYCE: RYE, TARA NA MUNA.






RYE: BUT…






RAYCE: TARA NA…






Bago sila umalis, they mouthed words like ‘DOON LANG KAMI SA LIVING ROOM’, kaya tumango na lang ako. Nung maiwan na kami ni Richelle sa loob ng kwarto…






REGINE: I WAS REALLY WORRIED ABOUT YOU. MAY MASAKIT PA BA SAYO ESPREN?






RICHELLE: ITO… (Yung lalamunan daw niya.) AT SAKA ITO… (Yung puso naman niya yung tinuro niya.)






REGINE: MAHIGA KA NA NGA. (Pagkahiga niya, kinumutan ko na siya ulit.) TULOG KA NA ESPREN PARA GUMALING KA NA.






RICHELLE: IIWAN MO ULIT AKO EH…






REGINE: HINDI NA… HINDI NA AKO PAPASOK.






Gusto pa yata nitong babaeng ito na ipaghele ko siya. Kung hindi lang talaga siya cute when she acts like this, siguro matagal ko na siyang pinakidnap sa stalker niya.






RICHELLE: BAKIT… KASAMA DIN SI PAUL?






REGINE: HE JUST SAID HE LOVES ME.






RICHELLE: OW…





REGINE: BUT HE KNOWS IT’S TOO LATE NA.







RICHELLE: AHH… EH… SI RAYCE?





REGINE: MATULOG KA NA NGA LANG! SALITA KA PA NG SALITA, MASAKIT NA NGA LALAMUNAN MO DIBA?







Hinintay ko munang makatulog ng tuluyan si Richelle bago balikan sina Rayce dun sa may living room. Pagdating ko dun…






RYE: KAMUSTA NA SIYA?






REGINE: NATUTULOG NA.






PAUL: ARE YOU SURE HINDI NA KAILANGANG DALHIN SA OSPITAL ANG KAIBIGAN MO?






REGINE: HINDI NA. KONTING SINAT NA LANG NAMAN YUN. KELANGAN NA LANG TALAGA NIYA, TULOG AT PAHINGA. (At inobserbahan ko silang tatlo) I THINK PWEDE NA KAYONG UMALIS. OKAY NA KAMI DITO.



RAYCE: I’M NOT LEAVING. BABANTAYAN KO KAYO DITO.






RYE: SO AM I. NASA PALIGID LANG YUNG STALKER NIYO. BAKA MAMAYA PASUKIN NILA KAYO DITO.






RAYCE: YUNG TUKMOL NA LANG ANG PAALISIN MO.






PAUL: ARE YOU TALKING ABOUT ME?






RAYCE: SINO PA BA ANG TUKMOL DITO, DIBA IKAW LANG NAMAN?





PAUL: PSH! KUNG MAGSALITA KA PARANG KAYO PA NI REGINE HA. BREAK NA NGA KAYO DIBA?







REGINE: STOP! WAG NA KAYONG MAG-AWAY, PWEDE? (Ang haba lang talaga ng hair ko! Hwahahaha! Pinag-aagawan nila ako!) PAUL, ALAM KONG MAY PRACTICE KA PA NG BASKETBALL. MALAPIT NA YUNG LABAN NG TEAM NIYO DIBA?






PAUL: YEAH… (Tapos humawak siya sa kamay ko) BUT I HAVE TO TAKE CARE OF YOU.






RAYCE: TAKE CARE OF YOUR FACE! (Sinupalpal lang naman niya si Paul. Adik din ‘tong kumag na ‘to!) NARINIG MO SINABI NIYA DIBA? UMALIS KA NA DAW!




REGINE: AT TSAKA PAUL, AYAW NA KITANG IDAMAY SA GULO.





PAUL: EH NADAMAY NA NGA AKO DIBA? AKO YUNG SINENDAN NG PICTURES.







RYE: WHAT PICTURES?






Nagkatinginan kaming lahat. Oo nga, kelangan naming pag-usapan yung tungkol sa pictures na naman.






Buti na lang din napapayag kong umalis na si Paul at nang hindi na siya madamay pa sa gulo namin. Pag-alis niya, kinuwento ko na agad kay Rye yung pictures ko na pinadala kay Paul.





REGINE: I KNOW MERON DING GANUN SI RICHELLE. ANG TANONG LANG, KANINO IPAPADALA NUNG STALKER ANG PICTURES NIYA.







RYE: WE HAVE TO FIND THE CULPRIT! BAGO PA MAN NIYA MAIBIGAY YUNG PICTURES NI RICHELLE SA ISANG TAO, DAPAT MAHULI NA NATIN SIYA. GRABE NA ANG GULONG GINAGAWA NILA SA INYO.






Tama si Rye. Pero masyadong madulas kasi yung stalker! Ang hirap huliin!






Anyway, dahil pala sa nangyari ngayon, nagpasya yung kambal na mag-overnight daw sila dito a condo namin. Kahit medyo labag sa loob ko dahil kasama rin si Rayce. Galit pa rin ako sa kanya! Dun daw sila sa living room magbabantay.






Pero mabuti na rin ito, mas panatag ang loob ko na safe kami ng espren ko.






End of Chapter 24




No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^