Naiwang tulala na lang si Ran ng makalayo si Ruijin. Nagulat
siya sa outburst na iyon ng dalaga. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito pero
marahil ay hindi sila nagkaintindihan. Gustuhin niya mang magpaliwanag ay
mukhang hindi handa ang dalaga na pakinggan siya.
Iilang tao
lang ang bisita sa engagement party na iyon ni Ayesha. Mga kamag-anak at piling
kaibigan lamang. Pero nakakaloka sa preparation at bonggasious ang mga suot
nilang damit. Formal kung Formal talaga.
“Grrrr….ano ba namang buhay ito…
hindi ako pwedeng mamental-block… marami akong dapat bayaran. May meralco,
nawasa, at renta ng bahay pa…kaya please lang makisama ka naman.” Inis na sabi ko sa sarili ko habang
nakatutok sa harap ng laptop ko.
I’m Ruijin Minah and I don’t believe in
Fairy tales…I don’t believe in happy endings... Mga kathang isip lamang iyon na
ginawa ng mga tao….this is reality… and in reality…there’s no such thing as
Prince Charming.