“Ayesha”
“Grrrr….ano ba namang buhay ito…
hindi ako pwedeng mamental-block… marami akong dapat bayaran. May meralco,
nawasa, at renta ng bahay pa…kaya please lang makisama ka naman.” Inis na sabi ko sa sarili ko habang
nakatutok sa harap ng laptop ko.
As usual
dun na naman ako nakatambay sa CaPerona.
Malapit
lang kasi ito sa apartment na inuupahan ko sa exclusive village na iyon.
Magmula kasi ng nalaman kong hindi naman talaga kami ang tunay na pamilya ng
daddy ko ay mas pinili ko ng magsolo at maging independent. Hindi na rin ako
humihingi ng sustento sa kanila.
Kahit na
nagkukulang na ako sa pera ay hindi talaga ako lumalapit sa daddy ko.
Masakit
para sakin ang nangyari.
Akala ko
only child lang ako. Yun pala may dalawa pa akong kapatid na lalaki. Hindi ko
matanggap. For all my life I’ve been living in lie.
“Hi…pwedeng makishare ng table? Wala
na kasing available sa iba eh”
Sino naman
kaya itong pesteng ito na basta nalang makikishare sa favorite place ko? Handa
na sana akong
magtaray kung hindi lang pagtingin ko ay nakangiting mukha ng isang babae ang nakita
ko.
Naiwan
tuloy ang pagtataray sa bibig ko.
“S-Sure”
“Thanks…May hinihintay kasi ako eh”
Naupo siya
sa tapat kong silya. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan siya.
Napakaganda
niya. Ang haba ng buhok, matangkad, sexy at saksakan ng puti. Saka mukha siyang
anghel sa amo ng mukha niya pero mababakas din ang pagiging strong ng
personality niya..
“Ako nga pala si Ayesha” pakilala nito at inilahad ang kamay
sakin.
Medyo
nahiya naman akong tanggapin ang kamay niyang mukhang napakalambot. Pero mas
nakakahiya naman kung hindi ko tatanggapin ang pakikipagkamay niya diba?
“Ruijin” sabi ko.
“Ruijin? Nice name”
“Thanks”
Nagdaan ng
katahimikan saming dalawa. Sinubukan kong ipokus ang sarili ko sa pagsusulat
but sad to say wala pa rin talagang pumapasok na idea sa utak ko.
Nakakabadtrip
naman!!!
“Are you a writer?” tanong ni Ayesha.
“Yeah..pocketbook writer” sagot ko at inihanda na ang sarili
sa panlalait niya.
Ganun naman
kasi talaga kadalasan ang nakukuha kong reaksyon sa mga tao when I told them
kung anong trabaho ko. They all think na hindi siya stable job. Na kesyo hindi
daw ako yayaman dun at wala akong mapapala sa ginagawa ko.
Pero ito
ang gusto ko. Ito ang pangarap ko. Kaya wala akong pakialam sa sasabihin ng
iba.
Pero nagulat
nalang ako ng hindi ganun ang reaksyon na nakuha ko mula kay Ayesha.
“Really? You know what…fan ako ng
mga pocketbook writer eh. Isa nga yan sa frustration ko sa buhay kaso wala eh…hindi
ako para dun.”
Nakangiting sabi nito.
“Talaga? Gusto mong maging writer
din?”
“Oo pero ni isang kwento wala akong
magawa” sagot nito
at sinabayan ng tawa. “Ano nga palang
pen name mo? Baka nakabasa na ako ng gawa mo”
“Aegyodaydreamer..pero hindi pa ako
masyadong sikat”
Nanlaki
bigla ang mata nito nang sinabi ko.
“Aegyodaydreamer??? Ikaw yun??? OH
MY GOD!!! I cant believe this. Super fan mo ako.. I really love your stories
specially yung Nephew-in-Law…paautograph naman oh”
Nakakatuwa
naman itong si Ayesha.
Sinong mag-aakalang
isang tulad nitong anak-mayaman ay fan ko pala?
“Sure..saan ba ako pipirma?”
Naglabas ng
isang mini-notebook ito at ballpen mula sa bag.
“Here…dito nalang”
Matapos
pirmahan ay inabot ko na ito sa kanya.
“Thanks. May bago ka bang story?
Batiin mo naman ako sa susunod na story mo”
“Sure..kapag may nagawa na ako. As
of now kasi ay namemental block pa ako eh.” Pag-amin ko.
Ewan ko ba
pero sadyang magaan ang dugo ko sa kanya.
“Talaga?? Namemental block din pala
ang magaling na writer?”
“Tao lang naman ako noh”
“Siguro kulang ka lang sa
inspirasyon. Forgive my asking pero may boyfriend ka na ba? Or asawa?”
“Parehong wala”
“So maybe yun ang dahilan…you need
an inspiration. Why not try to meet guys di ba? Or have a vacation?”
Inspirasyon???
Iyon nga ba ang kulang sakin? Saka sino naman kaya ang pwede kong gawing
inspirasyon ah?
Napatingin
ako sa pinto ng may magring ang chime hudyat na may pumasok na customer.
“Anong ginagawa ng lalaking iyan dito
na naman??!” hindi
ko maiwasang sabihin.
“What?” gulat na tanong ni Ayesha.
Oh Great I
forgot may kasama nga pala ako.
“Nothing…See that guy??? That guy in
blue poloshirt? Siya ang dahilan kung bakit wala akong maisulat na kwento.” Turo ko kay Ran na palinga-linga sa
paligid.
Sa tangkad
na taglay nito ay talaga namang stand-out ito sa mga tao.
Tinignan
naman ni Ayesha ang tinuro ko.
“That tall and hunk guy? Why??? Is
he your boyfriend?”
tanong nito.
“I told you I don’t have a
boyfriend. Siya ang laging naninira ng araw ko. Wala na siyang ibang ginawa
kundi ang pestehin ako.”
“Do you like him?” tanong ni Ayesha sabay titig sakin.
“O-of…c-course..n-not..” tanggi ko.
Peste bakit
ba ako nauutal? Hindi ko naman talaga gusto iyong si Ran ah.
Nagulat
nalang ako ng nakatayo na sa tapat ng mesa namin si Ran.
“Kanina ka pa?” tanong nito.
“Eh anong pakialam mo?! Pwede ba
umalis ka na dito at sinisira mo na naman ang araw ko” singhal ko kay Ran.
Pero
tinitigan lang ako ng lalaking ito na parang isang bacteria sa paningin niya.
“I’m not talking to you”
Sh*t pahiya
naman ang lola mo.
“Eh sinong kinakausap mo diba? Yung
mesa? Yung plato at baso? Yung….” Napatigil ako sa pagsasalita ng mapatingin ako kay Ayesha
na ngingiti-ngiti lang samin. “Magkakilala
kayo??” tanong ko.
“Yup.” Sagot ni Ayesha at tumayo sa silya
at walang anu-anong hinalikan sa labi si Ran sa panggigilalas ko.
Halatang
nagulat din si Ran sa ginawa ni Ayesha.
Ako man ay
parang natuka ng ahas sa nasaksihan kong kissing scene.
“I’m waiting for him… thanks for
your time Ruijin. Nice to meet you” paalam ni Ayesha at inilapag ang isang calling card sa mesa. “Call me…that’s my card”
Anito at
lumabas na ng CaPerona habang nakahawak sa braso ni Ran.
Ang
hinayupak na lalaki ay hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Nakakabwisit!!!!
Napatingin
ako sa card na iniwan ni Ayesha sa mesa.
“Ayesha Venice Madrigal. Vice-President for Operation
Department. Madrigal Group of Companies.” Basa ko sa nakalagay sa card.
Big time
pala ang babaeng iyon eh. Girlfriend kaya siya ni Ran?
Hmfpt!!!
Ano nga bang pakialam ko kahit na asawa pa niya o katulong iyon.
“Well…I therefore conclude you don’t
like her na.” sabi
ng pasaway na isip ko.
“Oh shut up!!!”
You’re
really crazy Ruijin…Really…Really Crazy.
pagbukas ko pa lang ng blog, ito muna binasa ko bago ang mag-edit ng mga post!!! sis, grabe! as in, grabe~! alam mo yung tono ni angelica? ganun yung pagkaka-grabe~ ko!!! uwaaaaaaaaah! >___<
ReplyDeletesuper natouch, na-flatter, natuwa, kinilig dahil nasama rin ang pen name ko dito!!! maygawd!!! feeling ko talaga, totoong story na itong ginagawa mo! ano kaya kung palabasin ko ng true-to-life to? ahahahahahahaha!!! basta sis!!! naiiyak ako na masaya!!! mahal na mahal kita sis! kaya yan, nababaliw na ako!
feeling ko sisikat na talaga ako sa kwentong 'to eh! ahahahahahahaha! LELS!
bwahahahaha....kaadikan ko lang eh..kung anu-ano ang naiisip ko..hahaha...
Deletepasensya na sa kaguluhan ng isip ko ah..i try to relate it to your self kasi kaya kung ano yung medyo feel ko na maging character mo and some true story about you iyon ang ginagawa ko hahaha...
sana wag ka madissapoint sa kalalabasan nitong kwento mo..haha
ayiiiiiiii! nde lng name ni ate aegyo ang ngamit, xah pla tlga ung sikat n online writer n c aegyodaydreamer! naks! sumisipsip lng din aq!!!! hahhhahaha! ang gnda po tlga ng story n 2 ate shinaya. arw-arw ang post kya lgi q inaabngn! naiingit din aq kxe buti p cla nagbibida s story mu. hihhi! si ate aegyo at queen un. kelan kya aq magbibida? hahhhha! assuming lng. bka maawa k po. naiimagine q kxe ung luv story n pde mu mgwa 4 me. hahhha! o dba ang pilit q tlga!
ReplyDeletebwahahaha...this comment really made me smile...gusto mo ba ikaw din?? kapag natapos ko yung story ni queen ikaw naman ang gagawan ko...hintay lang po sistah haha...medyo windang pa kasi ang buhay ko ngayon..madaming problema..haha...pero if i find a right time and idea gagawan din kita..haha...thanks much for supporting this...
Deletesi ayesha? yung girl dun sa isa mo pang story yun diba?
ReplyDeleteyup..sya poh yun...sya din ang anak ni Aya sa After all..
Deletekaso sa kasawiang palad nablock ang utak ko sa kwento niya..
OHMYGOSH! nakakahiya un ah.
ReplyDelete