(A/N: Dahil anime, diba dapat Japanese/Nihongo ang
salita nila? Ow well, isipin niyo na lang naka English-Tagalog Sub na po ito.
Hahaha! That’s all, tenkyu!)
3: Major Nosebleed
3: Major Nosebleed
(Yuki
Jezryl POV)
Totoo nga. Ako na nga si
Sunako! And I can feel it in my bloodstreams! Ang OA ko noh? Pero totoo talaga!
It’s like I’m no longer Yuki Jezryl Sabino! Parang ako na talaga si Sunako
Nakahara! “Uwaaaaaaaaaaaaaaahhh~”
“Hoy kung makangawa naman ‘to! Ano na namang iniiyak-iyak mo
jan?”
“Hindi lang ako makapaniwala!!!
*sniff sniff* Dati rati, binabasa,
pinapanood at hinahangaan ko lang ang kwentong ito! Ngayon nandito na talaga
ako!!! Uwaaaaaaah~”
Natawa naman siya bigla. “Sabi ko na nga
ba. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sayo at dalhin ka rito.” Syempre
naman! Sino bang pure-blooded otaku ang tatangi? For sure maraming
nagco-comment jan na sila na lang ang maging Anime Jumper noh! Hwahahaha! “So payag ka na
ba sa ino-offer ko?”
“OO naman! Kailangan pa bang itanong yan? Basta ba makakapunta
ako sa Magic Knight Rayearth or Tsubasa Chronicles or sa…”
“Don’t worry, magagawa mong pumunta sa kahit saang anime. Yan
ang kagandahan sa Anime Jumping!”
“Talaga? Ano pang
hinihintay natin! Dali, mamasyal pa tayo kung saan-saan!”
Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko sa past life ko at nagkaroon ako ng ganitong chance! Kung ano man yun,
siguro isa akong santo noon kaya ang nangyayari ito ngayon.
“Hindi pa pwede. Kailangan makahuli ka muna ng sampung Black Jokers
bago ka makapagAnime Jumping ng mag-isa. Kumbaga sa ngayon, Master mo ako at
apprentice pa lang kita… hoy nakikinig ka ba?” Actually,
hindi!
Habang dumadaldal kasi si
Enzo, mukha naman akong tanga na inoobserbahan ang buong paligid. Nakaka-elibs
lang talaga at sobrang nakanganga lang ako dahil hindi ko alam kung paano
i-describe itong lugar! Basta ang perfect lang talaga!
“Hoy, makinig ka nga!” Ayoko nga! Tinatamad ako makinig
sa kanya dahil naa-amaze pa ako. “Hoy, ano ba!”
Tapos bigla niya akong hinawakan
sa braso para naman harapin ko na siya. Kaya nga dahil doon… “Waaaaaaaaaahhh~
Enzo ano bang pagmumukha yan!!! Nakakasilaw ka naman eh!”
“Malamang si Kyohei nga ako diba? Ang pinakamagandang nilalang
sa kwento!” Feel na feel? “At habang nandito tayo, tandaan mo na wag
mo akong tatawagin sa pangalan ko. Ako si Kyohei at ikaw naman si Sunako.
Maliwanag ba, Sunako?”
“Bakit naman?”
“Kasi para hindi magulo lalo na kapag dumating na yung iba.”
“Yung iba? Sinong iba?”
“Matalino ka ba talaga? Nasaan na utak mo? Yung iba…”
Hindi pa man natatapos ni
Enzo… I mean si Kyohei ang sinasabi niya, may mga boses na kaming narinig at
papalapit na sila.
“Kyohei~!!!”
“Act normal, Sunako.” Normal? Ano ba tingin niya
saakin, abnormal? “Ah hindi ka pala normal na babae noh.” Ano
namang ibig sabihin nun? Gusto yata ng bangas nito eh! “Basta umarte ka na katulad ni Sunako ha.”
“Sino ba kasi yung mga yun? Mga anime jumpers din ba na katulad
mo?”
“Hindi… sila na yung mga totoong anime.”
When you say na sila na yung
mga totoong anime, ibig bang sabihin yung papalapit na yun ay sina…
“Oh! Kyohei, Sunako! Nandito na pala kayo!” Isang poging nilalang na
kulay pula ang buhok ang lumapit! Maygally!!! Ang gwapo!!!
“Kayo ha, bakit magkasama na naman kayo dito?” Yan
pa, isa pang nilalang na saksakan ng gwapo! Mukha pang matalino at may hawak na
libro!
“Ano ba kayo! Ginagawa lang ni Kyohei ang trabaho natin na gawing
isang tunay na babae si Sunako! Diba Kyohei?” At isa pang nilalang
na ubod ng cute, at hindi ko sigurado kung babae ba siya o lalaki!
O___O
<--- Wala na bang ilalaki pa jan ang mga mata ko?
“Ranmaru… Takenaga…” At ang kapangalan kong si… “Yu… Yuki…?”
At sabay-sabay silang nagsalita,
“Yes Sunako?” With matching roses sa paligid ng mga
pagmumukha nila at twinkling stars pa! Teka, saan galing yun?
*major
nosebleed!!!*
Alam niyo yung tuloy-tuloy
na pag-agos ng dugo mula sa ilong ko na parang fountain, ganun yun! Potek!!! Ikamamatay
ko yata ‘to eh!
“Hoy Sunako! Tumigil ka nga sa pagkakalat ng dugo mo dito!
Nakakadiri ka!” Walang hiyang lalaki ‘to! Hindi man lang
naawa sa kalagayan ko! Maa-anemic na nga yata ako, wala pa ring pake!? Anyway,
ang galing niya umarte ha! Pam best actor!
“Kasalan niyo ‘to eh…!” Ubod kasi sila ng ga-gwapo!
Sinong hindi duduguin!
Tapos hindi ko alam kung
anong ginawa ko pero tinignan ko lang naman sila ng parang ganito ---> (ಠ╭╮ಠ)
At sabay-sabay na lang silang
napaatras at mga itsura nila ganito --->
(≧..≦)
“Anong problema nyo?”
“Waaaaaaaaaaaaaahhhh!!! Nakakatakot ka talaga Sunako!!!” --->
(╥_╥) Sabay-sabay pa sila!!! Ano bang ginawa ko?
Ahhh! Nagtaka pa ako! Itsura
at aura ko pala ang problema noh! Yun nga pala ang talent ni Sunako, ang
manakot ng walang kaeffort-effort! Isama mo pa na PANGIT daw siya… I mean AKO
kasi ako na nga si Sunako diba?
=
= = = =
“Ah… heto. Nakahanda na ang pagkain niyo.”
“Wow~!!!” Mas
nakaka-wow ang mga mukha niyo!
Pero ang mga walang-hiya! Kega-gwapo
nga, kebo-bobo naman magsi-luto! Ako pa tuloy nagluto at nag mukhang chimay
nila samantalang mansion nga pala ‘to ng Auntie ko, diba? Naku, kung hindi lang
ito kasama sa kwento, hindi ko naman gagawin ‘to eh!
“Wow kainan na!!! Itadakimasu~!” At
ito namang si Enzo, walang pang tatlong segundo, nakatatlong plato na! Para nga
siyang si Kyohei in-real life! Subo, lunok, walang nguya sa pagkain!
“Hoy Kyohei,
magdahan-dahan ka naman! Baka pati plato, kainin mo!”
“Wag mo na lang siyang pansinin, Takenaga. Kumain na rin tayo
bago pa tayo maubusan ng matakaw na yan.”
“Sunako!” Hala tinawag ako ni Yukinojo! “Tara, sumabay
ka saamin sa pagkain.” And smile!
“Ugh~” Bakit ba nakakapanghina talaga yang
kagwapuhan nila! “Ahh… hindi na. Sa kwarto ko na lang ako kakain.” Good
thing mahaba talaga itong bangs ko at natatakpan ang mga mata ko! At least,
hindi ako masyadong nasisilaw sa kanila.
“Teka, teka! Kumuha ka muna ng kanin! Malapit ko nang maubos eh.”
“Kutos gusto mo? Ikaw na kumuha.”
“Anong sabi mo Sunako?” At anak ng petchay naman
Enzo! Bakit nakikigaya siya ng pagpapa-cute na yan!
*nosebleed
again…*
“Oo na… sabi ko nga ikukuha na kita ng kanin mo eh…”
“Ayusin mo lang ha! Baka matuluan mo ng dugo yan!”
Mabuti nang tuluan ko ito ng
dugo kesa lason ang ilagay ko diba? Hay naku! Apektado much na rin ako sa
pagiging Sunako ko! Nagiging brutal na ang mga naiisip ko ha! Hindi naman ako
dating ganito!
=
= = = =
Nasa loob na ako ng kwarto
ko. Habang kumakain, nanonood ako ng Jason X na movie. Hindi ko akalaing enjoy
pala manood ng ganito! Nakakagana lalo kumain, pramis! All that blood and gore,
hindi naman pala ganun kasama!
Ahh! Katabi ko rin pala ang
mga anatomical figure friends ko na sina Hiroshi at Akira, kasama ang skeleton
na si Josephine. Somehow, I feel so attached to them! Actually, mas masaya pa
nga silang kasama kahit hindi sila nagsasalita. Ayus din ‘tong tropa ko!
Kapag kasi yung creatures of
light ang kausap ko, non-stop ang pagno-nosebleed ko! Nakakaagaw-buhay ang mga
pagmumukha nila! Now, sobrang naiintindihan ko na ang feeling kung bakit ganito
si Sunako Nakahara!
Hindi na lang ako lumabas ng
kwarto ko at nag-movie marathon na lang! Nakaka-hook manood ng mga bayolenteng
palabas eh! Mga rated SPG as in patayan, saksakan at katayan!!! Try niyong
mag-marathon din ng ganito, sobrang nakakainspire!
Nasa kalagitnaan na nga ako
ng hinahabol na ng itak ng serial killer yung kawawang babae. It’s either
puputulan siya ng paa o kamay niya. Kaso, biglang may narinig ako ng malakas na
yabag ng paa at bigla na lang binuksan ang pinto ng kwarto ko…
“Hoy Sunako!!!”
*Insert
angelic background music here…*
Nahawi tuloy yung bangs ko
at tumambad saakin si Enzo, este si Kyohei pala!!! Okay naman sana ang lahat
kung hindi lang…
“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh~!!!”
Pagkasigaw ko, agad siyang
tumakbo para takpan ang malaki kong bibig! “Uy ano ka ba!!! Ako lang ‘to!!!”
Y U SO HAWT KYOHEI??? Naka-topless
pa ang mokong at may towel lang sa balikat!!! “Anong ginagawa mo dito!!! Uwaaaaaaaaaaah~!!!”
Nakaka-trauma ang dating niya!!! Syete!!!
“Tumigil ka nga! Bakit hindi ka na bumalik dun sa baba?”
“Eh ang gagwapo niyo eh!!! Nakaka-anemic! Nauubos ang dugo ko!”
“Talaga?” Feel na feel naman nito! Nagba-blush pa
kunwari!
“Powtek naman! Ano ba kasing mali sa mata ko ngayon! Hindi ko
talaga carry ang mga pagmumukha niyo eh.”
“Hay naku, para matigil ka na nga, gawin na lang natin ang
ipinunta natin talaga dito.”
“Ano yun?” Pero bago yun… “At lumayo ka nga muna saakin!!! Nararamdaman
ko na namang umaakyat ang dugo sa ilong ko eh!”
“Kailangang mahanap na natin ang Black Joker.”
“Paano???”
“Basta if you find something strange or weird…” Eh
ako lang naman ang strange at weird dito ha! “Yung something na hindi naman dapat nangyayari
o kasama sa kwentong ito, yun na yung Black Joker. Dapat maunahan nating ito
bago pa man tuluyan niyang magawa ang kahit na anong masamang plano niya.”
“Paano natin siya pipigilan?”
“Malalaman mo kapag kaharap na natin siya.”
Ano yun? On the spot? Gusto
yata ng suicide nitong si Enzo eh!!! “Okay sige sige! Pero bago yun…”
*nosebleed
muna…*
“Tissue! Pengeng tissue!!!” Tarakalis naman! Hindi
ko na napigilan eh! Ilang segundo rin akong nakatingin sa kanya!
End of Chapter 3
WHEEEW! I'm First!!! Waahh.. Namiss ko ang Yamato nadeshiko.. Lalo na si Yuki..wahahaha. Ang cute noon..
ReplyDeleteGo Jezryl!! Patayin mo ang lahat ng Black Joker,, Whew!! Mahilig ka palang mag marathon ng Rated SPG ha..hahahaha! Like kita.. Tama ka nakakainspired ng Rated SPG...
bukas ko 'to babasahin^^...hehe
ReplyDeletehala!!!!!!!! kgbi pla ito naipost! major laftrip din aq d2 miz aegyo!
ReplyDeleteang kult ni sunako ehh!!! ung hbng kumakain sya, gnado tlga dhil s katayan eh! hahhhahah! kkinspire b tlga yun? hahhhahahhhahahhh!
sna may pix n din nina takenaga, yuki, randamaru at xempre ang my luvs q n c kyohei! exctd n aq s nxt chaptr!
nhuli n aq! ang dmi n nkauna sken!! ang kulit mu tlga jezryl! tlgang gndao p hbng kumakain ng ptayan movie! kun aq nian susuka aq ng susuka! hahhhaahhaha! nainspire p daw tlga siya!
ReplyDeleteiniisip q tlou kun cno ung balck joker n kklbanin nla jan.. hmmmmm~
naku! kung sina kyohei nga naman! sino hindi mano-nosebleed! idagdag mo pa na si donghae si kyohei jan! hahaha!
ReplyDeletegrabe! ang ganda nito! otaku here <3<3
ReplyDeletehope you update this soon!
update na po..
ReplyDelete