4: Black Crazy Joker
(Yuki
Jezryl POV)
Pwede bang si Kyohei na lang
muna ang patayin ko? Letchugas na lalaki, wala na lang ginawa kundi paduguin
ang ilong ko! At magti-three days na kami dito sa kwentong Yamato Nadeshiko
Shichi Henge pero wala pa ring nangyayari sa paghahanap namin ng Black Joker.
Hindi naman sa nagrereklamo
ako dahil enjoy naman dito sa Anime World… and hindi ko lang maatim ay ang…
“EEEKK~ ANG LIWANAG!!! RAAAAAAAAWR!!!”
“Para kang tanga, alam mo yun?” Eh
siya nga mukha pang-hentai sa ayos niya! Naka-towel lang tas ang ikli pa!!!
Siguro hipanin ko lang yun, makikita ko na yung alaga niya eh!!! Eek!!! So
nakakaderder!!!
Nagtatakbo na lang ako dun
sa may rose garden ng mansion. “Jusmio! Hindi ko ma-control ang bloody and brutal
thoughts ko of killing that creature of light! Iba na talaga ang nagagawa ng
pagiging Sunako ko! Ayokong maging murderer!!!”
Mabuti pang ako na lang ang
umiwas at nang hindi na ulit sumagi sa isip ko na katayin ang lalaking yun at
iaalay ang katawan niya kina Hiroshi.
Anyway, sa gitna ng
pagninilay-nilay ko sa magandang hardin ng mansion, napansin kong namamatay na
yung mga rosas sa paligid ko. Mga adik na halaman ‘to!!! Bilang isang otaku, nakakaloloka pa rin pala kung ikaw mismo ang makaka-experience ng mga ganitong
pangyayari!
“Sunako chan~” Sino na namang lintek yun!
Nababalot na naman siya ng spotlight! Mabubulag na yata ako sa sobrang liwanag
eh! “Nanjan
ka lang pala.”
“No… Noi?” Kilala niyo ba siya? Si Kasahara Noi!
Yung mala-dyosang babae na ang sarap nakawin ng mukha sa sobrang ganda! Si Noi
Kasahara na may gusto kay Takenaga! “Anong ginagawa mo dito?” Naku malamang,
dadalawin niya lang ang crush niya!
“Si Takenaga?” Oh diba ang galing ko? Syempre, alam ko
kwento nito eh!
“Wala siya dito Noi. Baka nakatambay na naman sa favorite place
niya, ang library. Alam mo naman yun, mamamatay yata kapag hindi nakapagbasa ng
libro.”
“Ganun ba?” Nagpa-tweetums pa itchura niya!
Nakaka-nosebleed ha! Napatakip tuloy ako ng ilong ko. “Eh si Kyohei?”
“Si Kyohei? Nasa loob ng mansion.”
Hindi pwede ang lalaking yun dito sa labas dahil baka talunin pa niya ang
liwanag ng araw. At kapag nangyari yun, baka tuluyan ko siyang ibaon sa lupa at
gawing pataba dito sa garden. “Bakit mo nga pala siya hinahanap?”
“Wala lang! Sige, papasok na ako dun ha!” Ayus
‘tong si Noi! Tamang tanong lang tapos aalis agad? Diba dapat close friends
kami nito? Yun ang alam ko sa kwento eh.
At tsaka teka lang…
nakakapagtaka na hindi man lang siya nabalot ng gloomy aura pagkasabi kong wala
ngayon dito si Takenaga.
At tsaka teka lang ulit… ano
nga bang kailangan niya kay Kyohei? Dapat ako lang weird dito, pero bakit
ngayon nawi-weirduhan din ako kay Noi?
Ah hindi. Baka imagination
ko lang. Nai-insecure lang siguro ako sa taglay na kagandahan niya o kaya
naman… o kaya naman… “Hindi kaya si Noi… Tsk! Imposible yung iniisip ko.
Mabait na tao, este mabait na character si Noi.”
Pero wala naman sigurong
masama kung ichi-check ko diba? Kung sakali ngang tama nga ang kutob ko sa ka-weirduhan
nitong si Noi ngayon, aba’y ipagtatanggol ko ang kwentong ito!!!
Pagpasok ko sa loob, wala
naman si Noi dun sa sala. Tinignan ko dun sa dining area, wala din. Hindi ko
rin siya nakita dun sa kusina. Kaya naman wala nang ibang lugar na pwede nilang
pagtambayan kundi sa taas!!! Dun sa may kwarto ni Kyohei!!!
Dahan-dahan na akong
naglakad papuntang kwarto ni Kyohei. May hawak nga akong kitchen knife eh. Wala
lang, kung sakali lang bulagin nila akong dalawa ni Noi dahil magkasama sila,
at least ready akong matapyasan sila ng buhay.
*tok
tok tok*
Ay walang sumasagot?
Pakinggan ko nga kung anong nangyayari dun sa loob…
…………………. ಠ﹏ಠ???
“Wala naman sila…” Nasaang lupalop ng Anime
World ang mga yun? Ni-try ko nang pasukin yung kwarto ni Kyohei pero wala nga
sila doon. “Nasaan
na sila? Nakikipagtaguan ba yung mga yun?”
Nakakapagtaka lang talaga…
pero bakit nga ba ako namomroblema dito. Bahala nga sila. Kung nasaan man sila
ngayon, dun na lang sila. Wag na silang magpakita saakin para naman hindi na ako
muling masilaw pa…
“Hiroshi kun~~~~~ hihihihi~~~”
Oh!!! Pangalan ni bestfriend
ko yun ha!!! At tsaka boses ni Noi yun! Bakit may ‘Hiroshi kun~ hihihi~’siyang
sinasabi? At nanggagaling yun sa loob ng kwarto ko!!!
Dahan-dahan kong in-open yung
pinto ng kwarto ko para silipin kung anong kaganapan ang nagaganap. At BOOM!!!
Nakita ko na nga si Noi sa loob ng kwarto ko at… at…
At…
*hwaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!*
Anong ginagawa ng babaeng
yan kay Hiroshi!!! Bakit niya nilalapastangan ang kaibigan ko!!! Hindi pa siya
nakuntento, pinagtatanggal pa niya yung internal organs ng kaibigan ko at
hinihimas-himas pa yun!!! Sinasamantala niya ang pagiging anatomical figure lang ni Hiroshi!!!
Ayoko man mambasag ng trip, pero
bakit niya ginagaya ang trip ko!!! Ako lang dapat ang gumagawa ng ka-weirduhan
na katulad ng ganyan, bakit kumacopy-cat siya? This is really strange!!!
Malamang si Noi na nga ang Black Joker!!!
I must save Hiroshi my
friend!!! Hwaaaaaaaaaaaah!!!
*grab*
“Hmmmm… hmmm?” Sino ba ‘tong feeling
kidnapper at tinakpan pa ang bibig ko!!!
“Sheeesh… wag kang maingay…”
Si…
si… si Kyohei… si Enzo… si Kyohei? Ah basta alam niyo na ibig kong sabihin!
Thank goodness naman at nasaktuhan ng magaling kong bangs ang pagharang sa mga
mata ko. Effective na pansalag sa liwanag na taglay niya kahit ang lapit ng
mukha namin sa isa’t isa. “Tara dito…”
Hinila ako ni Kyohei sa
isang banda para magtago… “Bakit mo ako hinihila!!! Alam ko na kung sino ang Black
Joker!!! Si Kasahara Noi! Nilalamutak na niya si Hiroshi, kailangan ko siyang
iligtas.”
“Pwede wag OA? Dalang-dala ka sa pagiging Sunako mo ha!”
Eh pakelam ba niya? Hindi naman siguro masamang mag-feeling kung minsan diba?! “Hindi ka
pwedeng magpadalos-dalos kahit pa gusto mong iligtas yang laruan mong
kaibigan.”
“Hindi laruan si Hiroshi! Anatomical figure! At siya ay kaibigan
ko!”
“Whatever!” Nag-rolleyes lang parang juding, pero
halatang hindi siya kampante sa sitwasyon namin ngayon.
“Ano nang gagawin natin? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko ha?
SI NOI ANG BLACK JOKER!”
“Narinig ko, hindi ako binge!” Kung pandilatan
naman niya ako ng mata! “At para sabihin ko sayo, parating pa lang ang babaeng
yun, alam ko nang siya ang Black Joker. Low rank siya kaya ang dali ko lang
na-sense ang aura niya.”
“Nase-sense mo agad? Bakit ako hindi?”
“Malamang ordinaryong tao ka lang! Sa angkan namin, usual na ang
ganitong special ability.” Hwaw!!! How cool is that talaga!!!
Naiinggit ako!!! “Anyway, I’ll tell you more kapag natapos na ang lahat. Sa ngayon,
tapusin muna natin ang misyon nating patayin ang Black Joker.”
“Patayin ang Black Joker? Si Noi ang Black Joker, papatayin
natin siya?”
“We won’t kill the character. We will just perform Animexcorcism.”
Woah!!! What a term!!! ANIMEXORCISM!!!
“Ano yun?”
“Pinagsamang Anime at Exorcism! Duh!”
Duh-duhin ko mukha nito eh! Kung ipaliwanag na lang niya agad kung anong ibig
sabihin nun noh? “The real Noi is possessed by the Black Joker. I’ll perform a ritual
to command the joker to depart the character’s body.”
“Then…?”
“Then we shall kill the Black Joker using this…” He opened his palm at nagkaroon ng sparkly
formation sa kamay niya and poof!!! May hawak na siyang dagger!!! “This is a
Tiere Athame. A sacred tool that is made to kill jokers.”
“Oh wow!!!” May constellation of stars na rin sa
mga mata ko nung makita ko yung sobrang talas at astiging kutsilyo ni Enzo!!! Walang
panama yung kitchen knife na hawak ko kanina… teka nasaan na ba yun? Powtek,
na-misplace ko yata! “Ano nang plano? Dali ready na ako!!! Excited much na
me!!!” Ibang klaseng adventure talaga ‘to!
“Gagawin ko ang Animexorcism. Kapag nahiwalay na sa katawan ni
Noi ang Black Joker, ikaw mismo ang dapat na sumaksak dun sa joker.”
“Makakaya ko ba yun?”
“Eh diba ikaw nga si Sunako ngayon? Brutal ka, pangarap mong
maging serial killer!” Kung sa bagay, may point siya dun. “And if I know,
ilang araw mo na nga rin sigurong pinagpaplanuhan na i-salvage ako.” May
tama ulit siya doon! “It's your time to shine! Basta when you get the chance, KILL THE JOKER!”
Okay! I’m ready na talaga!!!
Ito na ang magiging katuparan ng pagiging Anime World superhero ko!!!
“Oh, and more thing. Make sure lang na you don’t get killed
first.”
Ano ba namang klaseng lalaki
‘to oh!!! Bini-build-up ako kanina para tumapang tapos biglang babantaan ako ng
ganun!!! Para niya akong isusugod sa isang gyera pero isang pulutong pala ang
kalaban ko!!!
= = = = =
Pareho na kaming nakasilip
sa may pinto. Tamang-tama din at nakatalikod si Noi habang busy sa
paglalapastangan niya kay Hiroshi. Nakuha naming itong chance para makapuslit
dun sa loob.
We are just a couple of
steps away from her, at wala nang sinayang pang pagkakataon si Enzo at
sinimulan na agad ang ritual na tinutukoy niya.
Gamit ang kanang kamay niya,
itinuro niya ang direksyon ni Noi with his index and middle fingers na para
bang tinututukan niya ito ng baril. Saka siya nagsalita, “Black Joker, Lock!”
The moment he said ‘LOCK’,
parang may kakaibang pwersang lumabas at ngayon ay alam na ni Noi na nandito
kami. “Sandali…
paanong… ahhhhhh!!!”
Susubukan pa sana niyang
tumakas pero hindi na niya yun nagawa dahil parang may invisible na tali na
pumulupot sa kanya. At si Enzo ang nagko-control nun para pigilan siya sa
kanyang pagkilos.
“Jezryl, sisimulan ko na ang mantra para sa Animexorcism.
Maghanda ka na din.”
Isang tango lang ang sinagot
ko. Para kasi akong nanonood ng live action! Ang cool-cool ni Enzo ngayon,
idagdag mo pa na siya si Kyohei Takano. Can you imagine huh? Ang pogi!!! Ang
hirap hindi pagnasaan!
“Hindi!!! Tumigil ka!!! Hindi ako aalis sa katawan na ‘to…” Ang
pagwawala ni Noi.
Pero hindi siya pinansin ni
Enzo. He closed his eyes and started a prayer. “Yeh jadu hona!” Biglang may
lumabas na puting liwanag at napalibutan nito si Noi. Kung titignang maigi, it
was a formation of a strange scripture.
“Aagya jo deh...” Pagkabanggit naman niya nito, yung nagpupumiglas na
si Noi, nag-freeze na talaga.
At sa huling salitang
binanggit ni Enzo, “Phaltah!!!” Parang time-bomb na sumabog si
Noi. HINDI LITERAL HA!!! Baka iniisip niyo lasug-lasog na katawan niya.
May lumabas kasing nakakasilaw
na liwanag mula sa kanyang katawan at binalot nito ang buong paligid ng panandalian. Pero kitang-kita
ko na may nahiwalay na kung anong nilalang mula sa katawan niya.
Yun na siguro ang Black
Joker. Babae siya na naka-jester clown costume lang. At syempre kulay itim,
kaya nga Black Joker eh!
Matapos mangyari yun, “Noi…!!!”
Napasigaw ako kasi hinimatay siya at natumba na lang bigla. Gusto ko sana siyang
tulungan dahil mukhang masakit yun eh. Kaso…
“Jezryl, pagkakataon mo na!!! Habang mahina pa ang joker!”
Itinuro ni Enzo yung direksyon nung Black Joker. At tamang hilaan daw ba ako at
itulak palapit sa kanya!!! “Talunin mo na siya!!!”
Nanghihina pa yung joker at
nakayuko lang akong nakatingin sa kanya. Mahigpit kong hawak yung Tiere Athame
na gagamitin kong pam-patay sa kanya. Kaso nung tignan ako ng Black Joker,
mukha namang harmless ang itchura niya eh.
“Wala na bang ibang paraan Enzo? Hindi ba pwedeng idaan na lang
natin ito sa mabuting usapan?”
“Ano? Naawa ka? Wag kang magpaloko sa kanya, nagkukuwari lang
yan!”
“Pe… pero…” Magkatitigan kami nung Black Joker. Kung
pure na si Sunako Nakahara talaga ako, siguro kanina ko pa pinagtatapyas ‘tong
nilalang na ‘to. Kaso ang isip ko, si Yuki Jezryl pa rin eh. “Naawa ako
Enzo, hindi ko yata kaya…”
Halata sa mukha ni Enzo yung
inis dahil sa sinabi ko. At dahil nakatuon na ang atensyon ko sa kanya, hindi ko
na napansin na may hawak na palang kutsilyo ang Black Joker at sibubukan niya
akong saksakin.
Mabuti na lang at mabilis
ang naging kilos ni Enzo at nahila niya ako bago pa ako mahagip sa ginawang
atake nung joker.
“HWAAAAAAAAH!!! Nasayo pala yung kitchen knife na hawak ko
kanina!!! Paano mo nakuha yan!!!”
“Wag kayong lumapit saakin kundi papatayin ko siya!!!” Ang
banta ng joker.
.
.
.
“Eh?” Hinostage
niya si Hiroshi kun? Seryoso ba siya?
.
.
.
Pero hala!!! Ano ba,
bestfriend ko si Hiroshi dito sa kwentong ito!!! Hindi maari!!! NOOOOOOO!!!
End of Chapter 4
well,totoo nman talagang maganda si Noi,ang sarap ilipat ng mukha nya to me.. hahah.. ang gwapo!!!he really looks like kyuhei!!.. na miss ko talaga to!!!!pramis!!! .. also enzo n jezryl.. nooo!putek kang black joker ka!!gawin kitang puti eh.. save hiroshi-kun!!
ReplyDeletebuti naman nagkaupdate na! grabe yung joker, tange lang? haha! si hiroshi talaga ang hinostage! yari ka ngayon kay sunako!
ReplyDeletehahhahahhahhahahhahahha!!
ReplyDeletekhit p antomical fgure lng c hiroshi, besfrend ni sunako yan noh!!!!!
ipagttnggol nia yan! mgging brutal n tlga c jezryl s knya! humnda k black joker!
~angel is luv~
ReplyDeletemababaliw na yata ako kakatawa!!
ang brutal mag-isip ni jezryl ee.
tapos ung joker pa adik lang!! si hiroshi pa ang hinostage!!
at tama ang hirap hindi pagnasaan ni enzo jan!!
________________________________█████_____█████
ReplyDelete______________________________███____██_██_____███
_____________________________██________██__________██
____________________________██__________█____________██
________██████____________██________________________██
_____███████████________██________________________██
____█████████████_______██_______________________██
___███████████████______██______________________██
___████████████████______██___________________██
___████████████████_______██_________________██
____███████████████_______███_______________██
_______███████████_______██__██_____________██
___________███████______████___██__________██
____██████__██████████████_____██_____██
__██████████████████████________██__██
_████████████████████_____________████
██_█████_████████████_______________█
█__█_██__████████████
_____█__████████████
_______█████████████
_______██████████████
_______███████████████
________███████████████
_______███████__████████
______███████_____███████
____█████████________██████
dafuq with the joker? seriously? hiroshi?
ReplyDeleteanyway, no wonder the title is black crazy joker!
this is hilarious!
Gústö po tlàgä nmïn ang story nâ to dahïl pø bukôd sá mgâ otąku din põ kami, crûsh dîn nmïn s enźò dońghaě.sńa pø mpabîliš niö pa ang upđatë níö pô.. Ü
ReplyDelete