Thursday, October 17, 2013

Anime Love Affair : Chapter 5

5: First Black Card
(Yuki Jezryl POV)



“Wag kayong lumapit saakin kundi papatayin ko siya!!!” Ang banta ng joker.



“Eh?” Hinostage niya si Hiroshi kun? Seryoso ba siya? Ang tindi ng saltik ng Black Joker na ‘to!!! Nakakasakit siya sa bangs ko, promise!



“See what you did Jezryl? Ang bagal mo kasi eh!!!”



“Ano ka ba naman Enzo. As if namang mapatay niya talaga si Hiroshi diba?”



“Kapag sinira niya si Hiroshi, katumbas na nun ang pagkamatay ng character niya!”



Medyo kinabahan na ako sa sinabi ni Enzo nun. At ayon nga sa kwentong ito, mahalaga si Hiroshi para kay Sunako Nakahara. Bestfriend ko si Hiroshi kahit pa anatomical figure lang yan.



“You’re no use!!! Sinayang mo ang pagkakataong maging Anime Jumper. When we go back to Earth, hahanap na ako ng mas deserving pa kesa sayo.” Ano ba naman ‘tong kulugong ‘to! Nagtampo naman agad? “Amin na nga yang Athame!!! Ako na ang tatalo sa Joker.”



“Teka teka teka… ang dali mo namang panghinaan ng loob eh. Nagwa-warm up pa lang ako, ito naman!!!” Hinawakan kong mabuti yung athame. “Kapag pinilit mong bawiin ito saakin, ikaw sasaksakin ko. Tatalunin ko ang Joker, chillax ka lang!”



“At paano mo gagawin yun?”



Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya!!! “Hoy Black Joker, makinig ka!!! Ito sinasabi ko sayo, kapag may isa lang talaga sa mga lamang-loob ni Hiroshi ang magasgasan mo kahit konti, papalunok ko sayo ‘tong Tiere Athame na hawak ko na gusto nang bawiin saakin ng kasama ko!!!”



Napalunok yung Joker at umatras nga ng konti eh. Syempre, na-shock naman si Enzo nang marinig niyang ganun yung banta ko sa kalaban namin.



“Hindi lang yun ang gagawin ko sayo! Diba syempre nalunok mo na ‘tong Athame? Dudukutin ko ulit siya sa bunganga mo, saka kita cha-chop-chopin!!!” Brutal much na ba? Ito ang kagandahan sa pagiging Sunako. Tinignan ko naman si Enzo. “Ano? Ang astig ko bang pakinggan?”



“Wag kang puro pagpapa-cute jan! Gawin mo nang dapat mong gawin!”



At napaka-gentleman talaga nitong si Enzo. Mantakin mong itulak ba naman ako ulit palapit sa kalaban!!! Kamuntikan na kaya akong masubsob! Padugin ko kissable lips nitong si Enzo eh.



Anyway, ibang nguso muna ang kailangan kong unahin na pasabugin! At yun ay ang nguso nung Joker.  Pero ayun, nakipag-patintero muna siya saakin habang nasa gitna namin si Hiroshi! Kainis, hindi ko siya maabot ng saksak!!!



“Hoy duwag ka ba?” Eh ang tapang ko eh! Ano pa nga bang aasahan mo? Nasa katauhan ako ngayon ni Sunako. Nakakalamang ako dahil always serial-killer mode ako. “Wag kang magtago sa likod ni Hiroshi!!! Lumaban ka!!! Hwaaaaah!!!”



Pagka-sigaw ko nun, mukhang natauhan na yung Black Joker at handa nang lumaban, kasi wala naman na siyang choice! Tinulak niya ng pagkalakas-lakas si Hiroshi pero hindi ko hahayaang bumagsak siya sa sahig at masira.



*slow-mo effect activate!*



“Hiiiiiii~ roooooooo~ shiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii~!!!”



*buuuuug~!*



And just in time, na-save ko ang puso, atay, intestines at iba pang mga internal organs ni Hiroshi! I saved Hiroshi-kun!!!



Pero may napansin ako. “Ay… made of plastic pala si Hiroshi.” Akala ko naman, mababasag na ang mga lamang-loob niya. Ang tungeks ko lang.



“Pakshet naman Jezryl!!! Dalian mo, tumatakas na yung Joker!!!”



Nagtatakbo na ako para habulin yung tumatakas na Black Joker. Pero ang bilis niya, tapos binabato pa niya kami ng mga bagay na nadadaanan niya kaya naman nahihirapan akong abutan siya.



Dahil naiinis na ako, kusa na lang gumawa ng paraan ang katawan ko.



Hindi na ako tumatakbo!!! GUMAGAPANG NA AKO!!! Pero hindi katulad ng iniisip niyo na gapang-higad or something. Wag kang shunga, paano ko siya maabutan kung mabagal ako.



Gumagapang ako ng parang katulad ni Sadako!!! Ang special talent na kaya ring gawin ni Sunako!!! At ang sagwa lang talaga itchura ko ngayon, but at least mas bumilis nga ang kilos ko!!!



At… *stab~!!!* Nasaksak ko na yung Black Joker… ay powtek, hindi pa pala!!! Damit lang niya yung nadali ko!



*Stab~!!!



*Chop~!!!



*Slice~!!!



Pusanggala, ang galing niyang umilag!!!



*Slash~!!!



*Cut~!!!



*Kill~!!!



Tentenen!!! Direct hit! “Owmaygawd…” Napayuko ako. AKO YUNG NASAKSAK EH!!! Nagsasaya pa ako? - ٩(x__x)۶



May pangself-defense nga kasing kitchen knife yung kalaban ko, diba? Eh nung umatake siya, sinalag ko. Ayan tuloy, tumagos yung kutsilyo sa may palad ko!!!



*blood splatters~!!!



Dugo. Ang daming dugo.



“Jezryl!!!” Alalang-alala naman yung itchura ni Enzo nung makita niyang duguan na ang kamay ko.



Tsk! Wala pa namang kaming pinag-usapang insurance ko kapag na-disgrasya ako dito sa mga pinaggagawa namin. Basta ang sabi niya lang saakin, wag lang na mauna akong mapatay ng Black Joker.



“Okay lang ako Enzo…” Tumayo na ako. “Maliit lang na sugat ‘to.” Maliit eh parang gripo na nga kung tumulo yung dugo sa kamay ko. “Seeing my own blood, mas ginanahan lang ako.”



Ito na talaga, seryoso na! Sinugod ko ulit yung Black Joker but this time, hindi ko na hinayaang madale pa ako ng mga atake niya.



And just a few more slicing and chopping and striking, nagawa ko rin sa wakas!!!



“Accckkkk!!!” Ginilitan ko sa leeg ang kalaban. Ang duga nga, wala man lang dugong umagos mula sa kanya!!! Mas madugo, mas maganda eh!!! Pero para siyang yari sa salamin dahil nagka-crack lang leeg niya.



“Stab her on her chest Jezryl!!! Targetin mo yung puso!!!”



Sinunod ko naman ang sinabi ni Enzo. Hinawakan ko nang mas mahigpit ang Tiere Athame and with my final blow, isinaksak dun sa puso ng kalaban.



Nagsisisigaw pa lalo ang Black Joker. Mula dun sa mga saksak na ibinigay ko sa kanya, lumabas ang itim na liwanag. Itim tapos maliwanag? Eh basta kulay itim yun pero parang nakakasilaw! At ilang sandali pa, tuluyan siyang sumabog. Like a shattered glass!!!



I defeated the Black Joker. “Nagawa ko na Enzo…”




= = = = =

(Shin Enzo POV)



Hindi ko akalaing magagawa nga ni Jezryl. Numi-nerdy style lang yun sa school namin pero hindi mo aakalaing makakapatay nga siya ng Black Joker. Well, low-rank lang naman yung nakalaban niya but still, she was amazing.



“Nagawa ko na Enzo…”



*buuuug~!!!*



PLAKDA!!! Nahimatay siya pagkatapos niyang manalo. Pero bago siya bumaldog sa sahig, nasalo ko naman siya. “You did great Jezryl.” Napangiti na lang ako.



At bago kami umalis sa kwentong ito, pinulot ko muna ang Black Card na nasa sahig. Tanda ito na natalo na ang isang Black Joker. At nakapangalan ang card kay Jezryl.



And now, our mission here is done!








Kanina pa kami nakabalik sa realidad. Kaso ang tagal namang gumising ni Jezryl, mag-iisang oras na siyang walang malay. Kaya habang naghihintay, tinignan ko na lang ang Anime Jumping history book ko. May picture na ako dun na gumanap ako bilang Kyohei Takano.



“Hmmm~”



“Gising ka na…”



“Anong nangyari?”



“Hinimatay ka matapos mong talunin ang Joker.”



“Teka…” Para lang siyang bangag! Kinusut-kusot pa muna ang mga mata niya. “Eh bakit hindi ka na nagliliwanag Kyohei?”



“Hindi na ako si Kyohei. Ako na ‘to, si Enzo. Nakabalik na tayo mula sa Anime World. Tignan mo nga, nandito tayo sa rooftop ng school natin.”



“Ha? Oo nga noh…” Napabangon na siya. At maya-maya, bigla na lang siyang nanghampas! “Pero walang hiya ka, bakit dito mo lang ako sa sahig pinahiga!!! Naalikabukan tuloy itong uniform ko… at teka… nasaan na yung sugat dito sa palad ko?”



“Gusto mo ibalik ko sugat mo? Namimiss mo yata eh.”



“Wag ka ngang pilosopo! Anong ginawa mo sa sugat ko?”



“Ayan nilipat ko sa mukha mo. Kapain mo pisngi mo.”



*buuuugsssssh!!!*



Anak ng!!! Kinotongan niya ako sa bunbunan!!! This girl reminds me of Lolo Kenzo. Pareho silang pikon at sadista.  “Ano ka ba naman!!! Eh di malamang pinagaling ko sugat mo! Mga tanong mo naman kasi eh.”



“Eh mga sagot mo din naman kasi!!!” Nalipat naman ang atensyon niya nang makita niyang hawak ko yung history book ng Anime Jumping ko. “Uy~ may picture ka na as Kyohei Takano jan ah!!!” Napatigil siya bigla at tinitigan ng mabuti yung picture. “Bakit ganun, yun pa rin naman pala yung mukha mo oh. Hindi ka naman kagwapuhan jan…”



“Kung makapag-salita ‘to!!! Eh nose-bleed ka nga ng nose-bleed kapag nakikita mo ako noon.”



“Well maybe because ako si Sunako Nakahara noon. Pero ngayon normal na normal na ulit ako, masasabi kong ordinary pa rin pala itchura mo. Mwahahaha!!!”



Sarap bangasan nitong babaeng ‘to! Siya pa lang ang unang babaeng bumastos sa kagwapuhan ko ha!!! Ang labo siguro ng mata niya!



“Anyway, eh ano naman yan?” Napansin na rin niya yung Black Card na nasa may gilid ko lang at agad niya ‘tong hinablot. “Oh… bakit may pangalan ko dito? Ano ‘to?”



“Black Card.”



“Bakit Black Card?”



“Malamang, kulay itim eh.” Tinignan niya ako agad ng masama. Baka kutusan na naman ako nito! “Lumalabas yan kapag nakakatalo ka ng Black Joker. At kung sino man ang nakatalo sa Black Joker, ang pangalan niya ang naka-imprint sa likod.”



“Ibig sabihin, saakin ‘to?”



“Malamang, sayo nakapangalan eh.”



“Ikaw namumuro ka na!!! Gusto mong doblehin ko bukol mo ha!” Tinawanan ko lang siya. Pikon talaga! “Eh teka, parang katulad ulit nung sa Cardcaptor Sakura!!! Yung Clow Cards!!! Ibig sabihin, mako-control ko na ang kapangyarihan nitong natalo kong Black Joker. Parang ganun ba ha? Wow!!! I’m so powerful~ oh yeah!!!” - ( ◠,◠)



“Asa ka. Anong control-control pinagsasabi mo jan? Black cards are nothing like Clow Cards. This is just a shallow honor for defeating a Black Joker. Pero saan mo man tignan, ordinaryong baraha na lang ito na nakapangalan sayo kaya wag kang masyadong mag-daydream jan ha.”



Napasimangot siya pero, “At least nailigtas ko pa rin ang Yamato Nadeshiko mula sa kalokohan ng isang Black Joker.” Proud na proud. “Dun pa lang, malaking award na saakin! Hindi ko hahayaang may mga saltik na Jokers ang sisira sa mga kwentong gusto ko noh!”



Well, napangiti naman ako sa sinabi niya. There’s no doubt, siya na nga ang taong hinahanap ko na pwedeng pumalit saakin.



“So Enzo, official Anime Jumper na ba ako? Wag ka nang maghanap ng iba, akong-ako lang ang bagay sa position na ‘to!”



“You still have to defeat a few more Black Jokers bago ka maging full-pledge Anime Jumper. Pero wag kang mag-alala, ikaw na talaga ang napili ko para ma-train pa kita.”



“Yes! Yes!! Yes!!!”



Tumayo na ako at, “But for the meantime, hihiramin ko muna itong Black Card. Kailangan ko lang muna itong ipakita sa isang matandang hukluban.”



“Ah… sige lang. Basta isoli mo saakin ha, souvenir ko yan! My first Black Card!” Ang babaw niya lang ha. “Hay anong oras na nga pala?”



“4:30 na…”



“4:30!!! Eh alas-kwatro yung klase natin.”



“Yep. Late na nga tayo eh. Tagal mo kasing gumising!”



“Waaaaaaaah!!! Eh bakit hindi mo ako ginising!!! Alam mo namang top student ako, hindi pwedeng masira ang reputasyon ko! Grrrr!!!” - (-●●)



At kumaripas na siya agad ng takbo.




= = = = =



Nakauwi na ako at nandito na sa bahay namin. “Yow Lolow~”



“Enzo… anong ginagawa mo dito?”



“Ginawa ko na yung pinagagawa niyo saakin.”



“Ano? Tinanggap mo na ang mamanahin mong katungkulan?”



“Hindi yun Lolo. Diba nga ayaw ko nang maging Anime Jumper.”



“Hay naku kang bata ka…” - ͼ(ݓ_ݓ)ͽ



“Pero diba nagkasundo tayo na maghahanap ako ng papalit saakin.” Nilabas ko yung Black Card at ipinakita ito kay Lolo Kenzo. “Si Yuki Jezryl… siya po ang papalit saakin. At hindi kayo magsisisi sa kanya…”

 photo ALA-BlackJokersCard.jpg


A/N: Ano kayang susunod na anime ang pupuntahan nila? Abangan!!! Bigyan ko kayo ng clue: “Love ito ni Pucca”.


End of Chapter 5




2 comments:

  1. tawa po ako ng tawa dito. daebak author.

    ReplyDelete
  2. Love ni Pucca? Si Garu lang naman eh. Hahahahah.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^