6: Next Anime Trip
(Yuki
Jezryl POV)
“Jezryl,
paturo naman ako sa Math problem na ‘to.” Lumapit saakin ang
isa sa mga classmates ko.
“Sure. Saan ba?” Tinignan ko naman yung
problem na hindi niya masagutan. “Ah, mali kasi yung formula na ginamit mo. Dapat sa
equation na yan…”
“Ay
oo nga. Salamat Jezryl!”
“Kdot.” Hay makapagbasa na nga ulit. Nasa Book
2 ng Wizard’s Tale eh. Ang tagal kong hinintay ang release nito. Kaso may
kumalabit na naman saakin. Hindi lang isa, hindi dalawa, kundi tatlong daliri.
“Jezryl,
paturo rin ako.”
“Ako rin Jezryl.”
“Ako rin, ang hirap nitong lesson eh.”
Punyemas!!! Hindi ko matuloy
‘tong binabasa ko dahil sa mga classmates ko. Yung totoo, hindi ba sila
nakikinig kapag nagtuturo ang teacher namin? Eh kung ako na lang kaya ang
mag-teacher sa harap.
=
= = = =
Minabuti ko nang magtago sa
isang tahimik na lugar dahil kapag tumambay pa ako sa loob ng classroom namin
ngayon breaktime, hindi rin ako tatantanan ng mga classmates ko. Tinuloy ko ang
pagbabasa ko at…
*hik
hik hik hik*
Pagpasensyahan niyo na kung
ganyan ang klase ng paghagikhik ko. Ganyan na talaga yan lalo na kapag
kinikilig na ako sa binabasa ko. Hindi ko mapigilan eh.
*hik
hik hik hik*
*tok
tok tok tok*
Biglang may kumalampag sa
pintuan ng cubicle na kinaroroonan ko. “May tao!” Sigaw ko tapos sinadya kong umungol
na parang pumu-pupu ako para mandiri siya at tigilan ang panggugulo. Pero…
*tok
tok tok tok*
Hangkulet lang! Konti na
lang at magsu-Super Saiyan na ako sa inis dahil kanina pa talaga nila
iniistorbo ang pagbabasa ko. Gusto ko nang makakalahati sa binabasa kong
adventure nila Brylle at Yana. “Um, nai-LBM po
kasi ako. May ibang cubicle naman jan! Baka pwedeng jan ka na mag-CR.”
“Hoy Sunako wanabe! Anong LBM pinagsasabi mo jan? Alam kong
nagbabasa ka lang ng Wizard’s Tale.”
Nanlaki ang mga mata ko.
Boses ng lalaki yun! Boses ni Enzo! Anong ginagawa niya dito sa CR ng babae?
Pagbukas ng pinto, nandito nga siya sa loob at nakasandal lang sa pader.
“Hwaaaaaaah! Anong ginagawa mo dito!”
Dumirecho ako sa gripo at saka ko siya winisikan ng tubig. “Lumayas ka dito, CR ‘to ng babae!”
Pero sinalag niya lang yung tubig kaya humantong na kami sa santong kaladkaran.
Kinaladkad ko siya palabas
ng CR at wag na sana niyang hintayin na matikman niya ang dulo ng takong ng
sapatos ko.
Ano na lang iisipin ng iba
kapag may nakakita saamin? Baka isipin nila na gumagawa kami ng himala. Ownoes!
Ayokong masira ang reputasyon ko at baka mawala pa ang scholarship ko! Wala na
akong pambili para sa manga collection ko!
“Anong ginagawa mo sa loob ng CR namin!”
“Ikaw may-ari ng CR ng school?”
Pilosopo talaga 'tong lalaking 'to! Bwiset! “Eh ikaw, bakit sa CR ka nagbabasa? Siguro hindi
lang Wizard’s Tale dala mo, noh? May dala kang hentai? Pabasa nga.”
“Ang baboy mo!” Saka ko sinampal sa
pagmumukha niya ang mga librong dala ko. “Dito ako nagbabasa dahil maraming istorbo sa classroom
natin. At hindi ako nagbabasa ng hentai! Ano bang kailangan mo?”
“Ibabalik ko lang 'to.” Inabot saakin ni Enzo yung
black card na nakuha ko nung matalo ko ang Joker sa kwentong Yamato Nadeshiko.
Dahil jan kaya panandalian kong nalimutan ang inis ko sa kanya.
Excited na kasi akong mabawi
yun dahil balak kong ilagay yun sa sarili kong scrapbook na may kinalaman sa
mga anime. Pero sa ngayon, gagamitin ko muna siyang bookmark. “Ito lang ba?
Sige, babalik na ako sa CR…”
“Magkita rin tayo mamayang uwian. Alam mo na gagawin natin.”
“Hindi ko alam. Ano ba yun?”
“Magdi-date tayo.” Pagkasabi niya nun, nanlaki
lang ang mga mata ko. ‘Insert theme song here’ na sana kaso nginitian niya ako
na parang timang, “Uy umaasang aayain ko nga siya ng date! Hwahaha! Asa ka
naman!”
Ang ogag talaga niya kahit
kailan! Oo nga naman! As if namang makikipag-date talaga ako sa kanya kahit pa
ayain niya ako! Hindi si Enzo ang tipo kong lalaki. Ang laking EWW niya sa
paningin ko.
Pero sa totoo lang,
nagsisinungaling ako. Teka, ang parang naguluhan ako sa sinabi ko. Ulitin ko:
sa totoo lang, hindi totoo yung sinabi kong hindi ko type si Enzo.
Kahit kasi low-rank student
siya, sikat ang mokong dito sa school namin. Hindi maipagkakailang maraming
nagkakagusto sa kanya dahil may itchura siya… malakas ang dating… pogi siya.
Ka-bandmate pa niya sina
Rooke at Janus na kapwa niya mga low rank sa ibang section pero mga sikat din
yung mga yun. Para silang F4 minus 1 so F3. Saktong-sakto, ‘F’ stands for
FLOWER BOYS o pwede ring FAIL lalo na tuwing exams nila.
Ang dami ko nang kwento pero
ito lang ang conclusion, imposibleng ayain akong makipag-date ni Enzo!
“Kailangan ulit nating mag-Anime Jumping mamaya.”
Sabi ni Enzo.
Pagkasabi niya nun, lumabas
yung mga imaginary stars paligid at yung mata ko, kunwari naging kasing laki ng
mga mata ng isang chibi. Maga-anime jumping kami! Yihee~!
“May pagala-gala na naman kasing Black Joker. Medyo mataas daw
ang level nun kaya nahirapan yung mga naunang jumpers na ipinadala para talunin
sana yun. Dahil jan kaya kailangan tayo na ang dapat lumaban dun.”
Yung imaginary stars ko
kanina, biglang sumabog. May umi-epal na namang Black Jokers! At higher level
daw yun na kailangan naming talunin. Kayanin ko kaya? Pero kakayanin basta
makarating ulit ako sa Anime World at mailigtas ko ang kwentong yun.
“Saang anime ba tayo pupunta, Enzo?”
“Malalaman mo mamaya.”
=
= = = =
Uwian na pero imbes na sa
bahay ang uwi ko, naghintay ako sa rooftop ng school namin. Ito na yata ang
headquarters namin. Ang paalam ko sa mga magulang ko, maaring gabihin ako ng uwi
dahil sa school work.
Pero baka hindi naman din
kami abutan ng gabi. Ang isang araw kasi sa Anime World ay katumbas ng isang
oras din sa real world.
Nang dumating na si Enzo, nakatuon
ang atensyon niya sa isang libro. Yung ang history book niya ng paga-anime
jumping. “May
bumalik na namang Black Joker sa anime na yun. Paulit-ulit sila, ayaw tumigil.”
Nagmamaktol siya na para bang yamot na yamot.
“Napuntahan mo na yung anime na pupuntahan din natin ngayon?
Saan ba yun?”
Imbes na sagutin ang tanong
ko, inirapan lang ako ni Enzo. Minsan tamad din siyang magpaliwanag eh. Pero
bakit saakin niya binubuntong ang ka-badtripan niya sa mga Black Jokers?
Nakakabad-trip na rin siya!
Inilabas na lang niya ang
tinawag niyang Anime Compass na may mahabang kadena at may pendulum sa dulo.
Basta laging tandaan, Anime Compass ang tawag dun! Nag-ala Kurapika ng
HunterXHunter ulit siya nang kontrolin niya ang chain na suot niya.
Inabangan kong lumabas yung
magic circle at nang magsimula na itong umikot, sinundan ko ang direskyon na
tinuro nito. Doon ko lang napansin na kaya pala maliwanag ay dahil may wormhole
na nagbubukas papuntang Anime World at hinigop kaming dalawa papunta doon.
=
= = = =
Matagal lang akong
nakapikit. Ayokong masira ang mga mata ko. Yung nerd glasses kasi na suot ko
madalas sa school, wala naman talagang grado. Kumabaga, paporma ko lang yun.
So ayun nga, nakapikit pa
rin ako. Hanggang sa may narinig akong boses.
“Sakura!”
Sakura?
Teka… nasa anime na ba ako? Sinong Sakura? Cardcaptor Sakura?
“Hoy Sakura, anong
ginagawa mo jan? Hinahanap na tayo ni Sir Kakashi!”
Si
Sir Kakashi? Ang ultimate ninja crush ko! Na kung ako si Pucca, siya ang aking
si Garu. Si Sir Kakashi na paborito kong character sa…
“Naruto?”
Iminulat ko ang mga mata ko
at nakita ko ang isang taong may whiskers sa mukha, blonde ang buhok at
naka-orange na damit. Si Naruto nga! Nandito ako sa Naruto Shippuden!
Eh sino naman ako?
Napayuko ako at nakita ko
ang repleksyon ko sa tinatapakan ko. Hindi na ako naka-school uniform at kulay
pula na itong suot ko. May bag ng armas sa kanang hita ko. Maikli na rin ang
buhok ko at kulay pink pa ito.
Ako nga si Haruno Sakura! At
nararamdaman ko ang chakra sa buong katawan ko lalo na sa bandang paa ko dahil
nakatapak ako ngayon sa tubig!
Hebenly anime! Mari-rape—este
makikita ko na si Sir Kakashi sa personal! *insert
malaswang thoughts here*
End of Chapter 6
ang galing ng edit picture..ang galing din po ng chapter n ito. nakakatywa..
ReplyDelete