Tuesday, November 5, 2013

Anime Love Affair : Chapter 7

7: Twisted Naruto Shippuden
(Yuki Jezryl POV)



Magkasama na kami ni Naruto pabalik sa Konohagakure. Nabulol ba kayo nung binanggit niyo yun? Ulitin natin: Ko-no-ha-ga-ku-re. Wag mahiyang sumabay at paki-exaggerate ang buka ng bibig, KO-NO-HA-GA-KU-RE. Hidden Leaf Village sa English. Pero para mas madali, ‘Konoha’ na lang.



Lumulukso kami sa mga sanga ng puno at natatanaw ko na ang bayan ng Konoha. Medyo kinakabahan na ako dahil makikita ko na ang bias character ko sa kwentong ito, si Sir Kakashi!



Kaso, hindi ako pwedeng umakto bilang normal na Yuki Jezryl dahil may character akong ginagampanan ngayon. Bilang si Haruno Sakura, dapat si Sasuke ang kinababaliwan ko at hindi si Sir Kakashi.



Kaya kahit labag sa loob ko, hindi ko pwedeng pairailan ang pagiging fan ko dahil baka makaapekto ang kalandian ko sa magiging takbo nitong kwento. Kainis lang! Paano kaya mabibigyang hustisya ang lovelife ko? - (__)



Habang iniisip ito, hindi ko namalayan na tumigil pala si Naruto sa isang sanga at saktong dun din ako papunta. Bumangga tuloy ako sa kanya at nahulog sa lupa nang wala sa oras. “Ano ba Naruto! Bakit bigla ka na lang tumigil!”



“Sakura, parang may nakasunod saatin. Hindi mo ba naramdaman yun?”



Pinaningkitan ko siya ng mata. Ang sakit ng balakang ko eh. Mabuti na lang, magaling na medical ninja na ako ngayon. Kung may bali man sa katawan ko, mapapagaling ko.



Anyway, dapat in-character ako kaya pinakiramdaman ko na lang ang buong paligid. Wala naman akong nasagap na kahit na ano. “Wala namang nakasunod saatin. Guni-guni mo lang yun, Naruto.” Inirapan ko na lang siya at nagpatuloy na kami papunta sa bayan ng Konoha.



= = = = =



Natatanaw ko na si Sir Kakashi. As usual, mag-isa na naman siya at binabasa ang ikatlong ‘Icha Icha’ o ‘Make-out’ series. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit addicted siya sa librong yun. Best-selling novel yun na sinulat ni Master Jiraiya a.k.a. ‘Matandang Mahilig’ kaya malamang, adult at perverted story yun.



“Sir Kakashi, hindi niyo pa rin natatapos yang Make-out Tactics? Gusto niyong ikwento ko na sainyo ang mangyayari…”



“Manahimik ka, Naruto.” Kinarate-chop bigla ni Sir Kakashi si Naruto sa bunbunan. Hindi ko mapigilang matawa sa nakita ko! Minsan—este madalas pala sadista ang mga eksena dito. “Kamusta na nga pala ang misyon niyo?” Tanong ni Sir Kakashi at saakin siya nakatingin.



*dugdug dugdug dugdug~*



Ano ba Jezryl! Si Sakura ka ngayon. Kalimutan mong nai-starstruck ka na makita na sa personal si Sir Kakashi. “Ayos naman po, Sir Kakashi. May mga abirya lang sa umpisa dahil sa mga kalokohan nitong si Naruto pero nagawa naman namin ang misyon ng maayos.”



“Wala ka pang bilib saamin, Sir Kakashi! Bakit mo nga pala kami gustong makausap?”



“Ang totoo niyan, si Sakura lang ang gusto kong makausap, Naruto.” Nagtaka si Naruto. Patago namang nag-twinkle ang mga mata ko.



Bakit kaya gusto akong makausap si Sir Kakashi? Magpo-propose kaya siya saakin? Syempre parte lang ng ka-OA-yan ko yan! Hindi uso ang teacher-student relationship dito. Sayang!



“Sige, Naruto. Mauna ka nang mag-report kay Master Tsunade. Susunod na lang ako.” Dalian na sanang maglaho ni Naruto at nang ma-solo ko na si Sir Kakashi ko. “Ano po palang pag-uusapan natin?”



“Malalaman mo. Sumunod ka saakin.”



Ang sweet talaga ni Sir Kakashi my labs~! Talagang sa masukal na gubat pa ako dinala! Gaano kaya kahalaga ang dapat naming pag-usapan at dito pa talaga sa labas ng bayan kami napadpad.



Habang sumusunod ako sa kanya, bigla akong may naalala. Ang totoong dahilan kung bakit ako narito sa kwentong ito. May Black Joker nga pala na kailangang talunin!!! Walanjo! Halos mawala na sa utak ko ang tungkol dun!



Napatigil ako sa pagsunod kay Sir Kakashi. Serious mode on ako ngayon para magmukhang intense at dramatic ang eksena. “Sir Kakashi, bakit ang layo na nitong pinagdalhan mo saakin? Ano bang sasabihin mo saakin?”



Nakakapagtaka lang kasi. Parang wala naman akong naalalang eksena sa kwento na may ganito sa pagitan namin ni Sir Kakashi. Hindi kaya siya ang… oh noes!



Tumigil na rin si Sir Kakashi at hinarap niya ako. “Sakura.” At may kakaiba sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Promise, nangilabot ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa takot o kilig yun.



Bigla na lang inangat ni Sir Kakashi yung nakaharang sa mata niya at nakatitig na saakin ngayon ang mata niyang may Sharingan. Kinabahan na ako nun at napaatras. Nag-ipon ako ng chakra sa kamay ko para kung sakaling magkalintekan na, gagamitin ko ang lakas ko.



“Sakura, kanina pagdating nyo ni Naruto sa bayan ng Konoha, alam kong may kakaiba na sayo.”



“A—anong ibig mong sabihin, Sir Kakashi?”



“Yung mga tingin mo saakin… halatang-halata ko.”



Huwat? Ganun ba ka-obvious ang pagnanasa sa mga mata ko? Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya binigyan ko na lang siya ng ganitong tingin --> _



Nagulat ako nang biglang maglaho sa paningin ko si Sir Kakashi. Pero mas nagulat ako dahil napunta siya bigla sa harapan ko. May hawi effect pa nga yung buhok ko paglapit niya saakin. Yumuko na siya at magka-level na ngayon ang mga mukha namin.



Yung isang kamay niya, nakahawak sa maskarang laging nakatakip sa mukha niya. “Alam mo ba, Sakura…” Bigla na lang itong hinubad ni Sir Kakashi! At lilinawin ko lang, yung maskara po yung hinubad niya. Nakabalandra na ang pinakatatagong mukha ng tinaguriang Copy Ninja!



Dahil alam kong mali itong nagaganap, ipinikit ko ang mga mata ko. Kahit na gusto kong masilayan ang buong mukha ni Sir Kakashi, hindi ko hahayaang makagulo ito sa takbo ng kwento.



Siguro mga 30 seconds akong nakapikit. Kulang na lang, may special effect na lumilipad na uwak. Hinihintay kong may kakaibang mangyayari pero wala… ay meron pala!



“Pffft! Ako lang ‘to, Jezryl!”



Naging pamilyar bigla ang boses ni si Sir Kakashi. At tinawag pa niya akong Jezryl! Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at, “Punyemas ka, Enzo! Akala ko Black Joker na!” Kumuha ako ng sanga ng puno at pinaghahampas ko sa kanya.



Magaling namang nakakaiwas si Enzo—si Sir Kakashi… basta yun na yun! “Hwahahaha! Sabi ko na nga ba! Hindi mo ako nakilala.” Galak na galak siya.



Yung totoo, nakaka-bother na makita si Enzo sa katauhan ng pinakamamahal kong si Sir Kakashi. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.



“Teka nga, pwede ba yang ginagawa mo ha? Hindi mo dapat hinuhubad yang maskara mo.” At pinilit kong itakip ulit sa mukha niya ang maskara niya kaso pinigilan niya ako.



“Ayos lang ‘to dahil wala namang totoong character sa paligid. Kapag tayo lang, hindi ito nakakaapekto sa kwento.” Naupo sa sanga ng puno si Enzo. Kanina lang tawa siya ng tawa, ngayon salubong na kilay niya. “Bakit parang hindi mo yata ako hinanap? Akala ko kung saan ka na napadpad.”



“Eh paano, excited na akong makilala ng personal si Sir Kakashi kaya nakalimutan kita… tapos yun pala, iisa lang kayo. Tss!” Badtrip. Nabawasan ng ilang percent ang pagpapantasya ko kay Sir Kakashi dahil alam kong si Enzo siya. Badtrip ulit.




= = = = =



Ngayong nagkita na ulit kami ni Enzo, pinag-usapan agad namin ang plano niya kung sakaling magpakita na ang Black Joker. Anytime daw kasi maaring lumabas yun. At kailangan mag-ingat dahil di-hamak na mas malakas ito ngayon kesa sa una kong nakalaban.



Basta sundin ko lang daw ang plano at walang magiging problema. Wala nga ba? “May tanong lang ako, Enzo. Dapat bang humantong talaga sa pisikilan?”



“May iba ka pa bang naiisip na paraan?”



“Mabuting usapan.”



“Akala ko ba matalino ka?” Hwaw~ nagsalita ang henyo! “Hindi ka pa ba natututo sa nangyari sayo noong nasa Yamato Nadeshiko tayo? Hindi nadadaan sa mabuting usapan ang mga Black Jokers. Kapag nagpaloko ka sa kanila, mas madali na para sa kanila ang pagsira sa kwento.”



“Matalino ako kaya nga naisip ko ito, bakit nga ba nanggugulo ang mga Black Jokers? Imposibleng walang dahilan eh! Malay mo ginagawa nila ito dahil may nag-utos sa kanila. Yung panggugulo nila, posibleng may malalim na dahilan.”



“Si Haruno Sakura ka ba o si Detective Conan?”



Sinisimulan na naman niya ako ng pamimilosopo niya! “Ang gusto ko lang sabihin para mas maintindihan natin, baka dapat muna nating alamin kung ano ba talaga ang puno’t dulo ng panggugulo ng mga Black Jokers. Gusto mo saksakan agad eh. Idaan muna natin sa civilized way! Sa mabuting usapan!”



Habang nagi-speech ako ng mahaba, pansin kong hindi na nakatuon ang atensyon ni Enzo sa mga sinasabi ko. Bastusin talaga eh. “Hoy nakikinig ka ba?”



“Maghanda ka. May nagmamasid saatin.”



Akala ko tulad lang siya ni Naruto na paranoid. Pero nang pakiramdaman ko ang paligid at dahil nanalaytay saakin ngayon ang pagiging ninja, naramdaman kong tama nga si Enzo! May tao nga sa paligid!



Dumukot na ako agad ng kunai sa may bulsa. “Hoy Enzo, takpan mo na ang mukha mo. Baka makita ka ng ibang character.” Bulong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.



Sabay naming pinakiramdaman ang paligid. At nang may mapansin kaming kaluskos sa damuhan, agad namin itong tinira. Ang ikinagulat ko lang, may explosive tag yung kunai na tinira ni Enzo.



Halos nabinge tuloy ako sa pagsabog. Pero dahil naman sa ginawa niya, lumabas na yung estrangherong nagmamasid saamin.



“Akatsuki!!!” Naisigaw ko. At hindi lang basta simpleng myembro ng Akatsuki! Naka-orange mask pa siya… walang iba kundi si Tobi—Uchiha Madara!!!



Napatingin ako kay Enzo at saka ko siya binulungan. “Handa akong lumaban sa Black Joker pero hindi ako lalaban sa character nitong kwento. Ang cool kaya ni Uchiha Madara.”



“Wag kang mag-alala, Jezryl. Ang Black Joker na ang kaharap natin.” Seryoso na ang mukha ni Enzo. At naelibs ako sa kanya dahil naramdaman na niya agad na ang Black Joker na ang kaharap namin.



“Sinasabi ko na nga ba, isang Anime Jumper nga ang babaeng kasama ni Naruto.” Tukoy nito saakin. Ibig sabihin, siya pala ang nakasunod saamin ni Naruto kanina.



“Actually, nagti-train palang akong maging Anime Jumper.” Pero kinilig ako ng konti sa sinabi ng kalaban. Ang sarap pakinggan na tawagin akong Anime Jumper!



“Ipakita mo saamin ang tunay mong anyo.” Utos ni Enzo sa Black Joker.



Madali naman ding kausap ang kalaban. Hindi na pinahaba ang dialogue. Hinubad niya ang black and red coat na suot niya at panghuli ay ang maskarang suot niya.



Maa-amaze na nga sana ako na makita na rin ng personal si Uchiha Madara. Kaso imbes na stars, naging parang dalawang tuldok na lang ang mga mata ko nang makita ko ang anyo niya.



Meron siyang eye-patch sa kaliwang mata and I swear napakalayo ng itchura niya kay Uchiha Madara.




“Colonel Nick Fury!!! Agent of S.H.I.E.L.D. Si Samuel L. Jackson ng The Avengers the movie!!!” Gusto ko nang maglupasay sa kinatatayuan ko. Gusto kong maniwala na may malalim na dahilan ang Black Joker sa twist na ito? “Sa Marvel Comics ka!!! Bakit nag-crossover ka dito? Anime ito!!!”



End of Chapter 7

2 comments:

  1. ang gwapo ni donghae kpag nag-kakashi. ghad, busog po fangurl eyes ko dito..pero bkit naligaw si coronel fury? hahaha.. d best ka po..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^