Monday, November 4, 2013

Love Moves in Mysterious Ways : Chapter 10



< The Conclusion>


Kagagaling lang ni Sassy sa opisina nila upang magpasa ng nobela. Kahit wala siyang gana magsulat ay pinilit niya dahil hindi siya pwedeng maghirap dahil lang sa pag-iisip kay Kai. She really missed him. Hindi na ito nagparamdam ulit sa kanya matapos niyang iignore lahat ng tawag at text nito.

Dahil blangko at utak ay hindi niya napansin ang paghinto ng isang kotse sa harapan niya. Muntik pa nga siyang mabangga nito. Kung hindi lang ito bumusina ay hindi siya matatauhan.

Mula sa driver seat ay lumabas ang driver ng kotse. Nakahanda na sana ang pagtataray ni Sassy kung hindi niya lang nakilala ang sakay nito.


“Kai…”

“My God Sassy… magpapakamatay ka ba?” ganun nalang ang gulat niya ng bigla siyang niyakap nito. “Nasaktan ka ba? Anong masakit sayo? Dadalhin kita sa ospital”

“Kai….I’m okay” sagot niya.

“Are you sure?” inilayo siya nito sa katawan nito para tignan kung okay lang ba talaga siya. Para pa ngang gustong magprotesta ni Sassy dahil mas gusto niyang manatili sa mga bisig ng binata.

“Yeah. I’m okay. Nabigla lang ako”

“Thank God. Ang mabuti pa sumakay ka muna nakakaistorbo na tayo sa daan eh” anito at inalalayan siya papasok sa loob ng kotse nito.

Sumunod na din si Sassy. God knows how she missed this man. At ngayong may pagkakataon siyang makasama ito ay hindi niya na iyon sasayangin pa.

“Saan ka ba galing?” tanong ni Kai sa kanya.

“Sa office. Nagpasa ako ng nobela…ikaw? Anong ginagawa mo dito?”

“Sinusundan kita”

“Ha?”

“Yeah. Mula nang umalis ka sa bahay niyo sinundan na kita hanggang dito”

“Pero bakit?” nagtatakang tanong ni Sassy.

“Hindi ko rin alam… pumunta ako sa bahay niyo kasi gusto kitang makausap kaso nawalan naman ako ng lakas ng loob na magpakita sayo at magsalita. Kaya nung nakita kitang paalis eh sinundan nalang kita”

“Ha? Bakit mo naman ako gustong makausap? Kai itabi mo nga muna itong sasakyan” utos niya sa binata. Agad naman siyang sinunod nito. Inihinto ni Kai ang sasakyan sa tabi.

“Now what?” tanong ni Kai.

‘Wag mo akong ma-now what now what dyan. Bakit gusto mo akong makausap?”

“I don’t know. Basta ang gusto ko lang eh makita ka”

“What???” kanina pa sumasakit ang ulo niya kay Kai.

“Sassy… you know.. I’m not good at this… but I think I love you”

“You think??”

“No…. I love you…. There… hindi naman pala mahirap sabihin” anito.

Pakiramdam ni Sassy para siyang nakasakay sa roller coaster sa gulo ng utak niya.

“Teka nga… tama ba ako nang dinig? Did you just tell me you love me?”

“Yeah. I did”

“Sigurado ka? Alam mo Kai if this is just one of your stupid jokes… hindi nakakatuwa”

“Did you think na gagawin kong biro iyon? I never said that word to any woman..sayo lang…tapos sasabihin mo lang na joke yun?” halatang nasaktan ang binata.

“Then what do you want me to do? Magtatalon sa tuwa dahil sinabihan mo ako na mahal mo ako? Ikaw na mismo ang nagsabi sakin na hindi moa lam ang salitang love… paano mo sasabihing mahal mo nga ako?”

“Hindi ko alam. It just happened to me. Dumating nalang ako sa point na wala na akong ibang naiisip kundi ikaw. Ikaw na lang ang laging hinahanap ko. Para akong tanga na puro pangalan mo ang sinusulat ko. Then one time Nigel told me to ask my self…to know what I really feel for you… then that’s the time that I realized that all along.. I fell in love with you without me knowing it.”

Pakiramdam ni Sassy tutulo na ang luha niya. She didn’t expect that Kai loves her. Parang ayaw niyang maniwala.

“Paano ka naman nakakasiguro na mahal mo nga ako?”

“Because I never felt this feeling to anyone. Ngayon lang. sayo lang. that’s why I know that it’s you that I love.” Hinawakan ni Kai ang mukha niya upang mapaharap siya rito. “ Sassy… I know that this is so sudden. But please believe me…hindi ko sinasabi ito dahil gusto kong pagtripan ka or makascore sayo…sinasabi ko ito kasi iyon ang nararamdaman nito” anito at dinala ang kamay niya sa dibdib nito sa tapat ng puso.

Ramdam ni Sassy ang lakas ng tibok ng puso ni Kai. Pakiramdam niya ay ganun din kalakas ang pintig ng puso niya.

“I know that youre not ready to fall inlove…pero hayaan mo sana akong mahalin ka” pakikiusap ng binata. At hindi naman manhid si Sassy para hindi maapektuhan sa sinasabi nito.

“Eh sira ulo ka naman pala talaga eh… mahal din naman kita eh” naiiyak na sabi niya.

Ganun nalang ang gulat na rumehistro sa mukha ni Kai dahil sa sinabi niya.

“Mahal mo rin ako?”

Tango ang isinagot ni Sassy. Naghahalo na yata ang luha at sipon niya dahil sa pag-iyak.

“Mahal din kita. Kung kalian nangyare hindi ko alam.. basta isang araw nagising na lang din ako at narealized ko na mahal na pala kita. Ayoko lang tanggapin kasi alam kong masasaktan lang ako dahil akala ko hindi mo ako kayang mahalin”

“I will promise you that I will never ever hurt you Sassy” ani Kai at pinunasan ang mga luha niya bago siya ginawaran ng halik sa mga labi.

Iyon na yata ang pinakamasarap na halik na natikman ni Sassy sa buong buhay niya. At alam niya na hindi doon magtatapos ang lahat.

“Ano nga palang sasabihin ng parents mo kapag nalaman nilang nagpapanggap lang tayo?” tanong niiya matapos ang halik na ibinigay sa kanya ni Kai.

“Actually they already know na pala na nagpapanggap lang tayo. Mae told them. Pero hinayaan lang nila tayo na isipin na hindi nila alam because they love seeing us together” nakangiting sabi ni Kai.

“Really?”

“Yup. At sigurado mas matutuwa sila kapag nalaman nilang official na talaga tayo at hindi nagpapanggap lang”

“Kai… totoo ba talaga ito? Hindi ba ako nananaginip lang? baka paggising ko wala ka na sa tabi ko” nag-aalalang tanong ni Sassy.

Bilang sagot sa tanong niya ay isang marubdob na halik ang ibinigay sa kanya ni Kai. Halos kapwa sila habol ng hininga matapos ang halik nito.

“Siguro naman sapat ng ebidensya yan na totoo ang lahat ng ito. Kung kulang pa sabihin mo lang” nakangiting sabi nito. Back the old flirt Kai.

Ginantihan naman ito ng ngiti ni Sassy.

“Hmmm…parang kulang pa eh. Isa pa nga”

Agad naman itong sinunod ni Kai.

“Your wish is my command”

***

“There comes a time that I don’t believe in the existence of love simply because I don’t want to fall in love…masyado akong busy sa maraming bagay para pagtuunan ng pansin ang pag-ibig…until one person told me na kahit hindi ka maniwala at kahit ayaw mo pa…darating ang panahon na maiisahan ka ni Kupido…because Cupid knows many ways… sabi nga sa isang kanta… Love moves in mysterious ways… kahit na magtago ka pa… mahuhuli at mahuhuli ka niya… Mas mabuti na rin siguro na magpahuli ka na… kasi wala ka namang laban sa pana ni Kupido eh… saka kahit na matalo ka sa taguan niyong dalawa ni Kupido…ikaw pa rin naman ang masaya…I also want to take this opportunity to say thank you sa mga taong naging daan para makilala ko ang taong inilaan para sa akin ni Kupido…kung hindi dahil sa inyo hindi ko mararanasan ang maging masaya ng ganito…to my bestfriend...to my cousin…at sa cute na cute na JL’s Boutique where you can find the magic of love…Maybe you’re right…Love is the closest thing we have to magic…it’s all about believing that magic still exist”
-Sassy

Matapos maipost sa blog niya ay shinut-down na rin ni Sassy ang laptop computer niya. It’s been five months mula ng maging official ang relasyon nila ni Kai pero ngayon lang niya naisingit ang paggawa ng article sa blog niya. Masyado kasi siyang naging inspired magsulat ng nobela.

Totoo pala talaga na kapag inlove ka ay mas marami kang nagagawa at parang lahat ng bagay sa paligid mo ay masaya.

“Hi Babe… Nainip ka ba? Sorry ah ngayon lang kasi natapos yung meeting eh” tanong ni Kai matapos siyang halikan sa labi.

“Hindi naman. Nagsulat din kasi ako sa blog kaya hindi ko rin namalayan ang oras”

“Ahh really? Mabuti naman kung ganun. So saan mo gustong kumain?” tanong nito at inalalayan siya makasakay sa kotse.

“Hmmm parang gusto ko ng pizza”

“Okay. Pizza here we come” anito at binuhay ang makina ng sasakyan. Pero bago nito tuluyang paandarin ay humarap muna ito sa kanya.

“Happy Monthsary Babe” at mula sa backseat ng kotse ay isang bouquet ng bulaklak ang iniabot sa kanya.

“Ahhh… ang sweet naman. Thank you…” siya na ang kusang humalik sa binata. “happy monthsary din…sorry wala akong nabiling gift for you” apologized niya.

Ever since they been together nakita niya kung gaano kasweet at mapagmahal na boyfriend si Kai kaya naman hindi pinagsisihan ni Sassy na minahal niya ito.

“Okay lang yun. Coming into my life and being my girlfriend is enough gift for me.”

“Ahhh… kinikilig naman ako” nakangiting sabi ni Sassy.

“I love you”

“And I love you too”

Isa pang halik ang ibinigay sa kanya ni Kai bago nito tuluyang paandarin ang sasakyan.

1 comment:

  1. Ang ganda ng story ate!

    Actually, relate talaga ako kay sassy.. Kaya nagustuhan ko ang story.. Ako ba to?? Haha.. Chos lang..

    Keep it up! Btw, matagal na nung nabasa ko yung firstpart nito.. Now ko lang nakita na tapos na pala whch was a good thing, no bitinmoments.. Hihi

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^