Monday, November 4, 2013

Love Moves in Mysterious Ways : Chapter 8



<The Conflict>


Saktong alas singko ng umaga ng dumating si Kai sa bahay nila. Hindi maintindihan ni Sassy pero excited siya sa outing na iyon. Maybe because ngayon nalang ulit siya makakapag-outing. Masyado kasi siyang stressed out sa trabaho. Nakalimutan na niyang mag-enjoy para sa sarili niya.

Mas lalong hindi maintindihan ni Sassy kung bakit sa tuwing makikita niya si Kai ay parang mas lalo itong gumugwapo sa paningin niya. Kulang na nga talaga siguro siya sa exposure sa male species.


Sasakyan ni Kai ang ginamit nila papunta sa private resort ng pamilya ng mga ito. Nag convoy nalang sila sa sasakyang ginagamit ng mga magulang nito at kapatid. Ayon din kay Kai ay kasama nga si Stephi at ang bestfriend nitong Nigel ang pangalan. Nacurious tuloy si Sassy sa bestfriend nito. Kapareho kaya ito ni Kai na sira ulo at babaero?

Dahil maaga pa ng umalis sila ay nakatulog si Sassy sa byahe. Marahang tapik sa pisngi ang gumising sa kanya. Namulatan niya si Kai. Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya dahilan para mailang si Sassy at umayos ng upo.

“We’re here na” inporma nito.

“Sabi ko sayo kuya Kai dapat hinalikan mo nalang si Ate para magising eh” ani Shino. Nakatikim tuloy ito ng kurot sa ina niya.

“Baka sapakin ako bigla ng ate mo eh” tumatawang sabi ni Kai.

“Kadiri ka ate..tulo laway ka pa. nakakahiya kay Kuya Kai. Baka naturn-off na yan sayo”


Bigla namang nahiya si Sassy sa binata at naconcious na hinawakan ang pisngi. Tawa naman ng tawa sina Shino at Kai. Halatang pinagtitripan lang lang siya ng mga ito. Asar na hinampas naman niya sa braso si Kai bago lumabas ng sasakyan.

Maganda ang private resort na pag-aari ng pamilya Montano. Bulag lang siguro ang hindi mamamangha sa ganda ng lugar. Looks like sila ang huling dumating dahil mula sa loob ng malaking bahay ay lumabas ang bestfriend ni Sassy na si Mae.

“Best!!!!!” tili nito pagkakita sa kanya “Hi Tita…hi Shino” bati nito sa mga magulang niya. “Tara pasok na kayo sa loob….best roommates tayo ah” anito at umabrisyete sa kanya. “ayoko kasama sa room si Stephi eh” bulong pa nito sa kanya.

Napailing nalang si Sassy habang papasok ng bahay. Maganda din ang design nito. Halatang pang mayaman ang dating.

Binati ni Sassy ang mga magulang ng kaibigan at ipinakilala ang ina at kapatid. Magiliw naman ang naging pagtanggap ng mga ito sa kanila.

***

Matapos makapagligpit ng gamit ay nagyaya na ang kaibigan niya na lumabas sa beach. Nakapangswimming attire na din ito. Isang two piece suimsuit pero conservative ang dating ang isinuot ni Sassy. Pinatungan niya ito ng malong. Sa beach nalang niya ito tatanggalin kapag maliligo na.

Mukhang hindi lang pala silang magkaibigan ang excited na lumangoy dahil halos lahat ng kasama nila ay nakapagpalit na din ng damit pampaligo. Uncounciously ay hinanap ng mata ni Sassy si Kai pero hindi niya ito makita.

Nilapitan nila ang kanilang mga ina na busy sa pagpeprepare ng pagkain.

“Oh..nandito na pala kayo. Nauna na sa dagat sina Kai, Nigel at Stephi. Pati na din yung kapatid mo Sassy” inporma ni Mrs. Montano.

“ahh ganun po ba? Salamat po”

“Sunod na din kami Mommy” ani Mae at hinila siya papuntang dagat.

“Sayang wala tayong makikitang boys dito” ani Mae sa kanya habang naglalakad sila patungo sa beach.

“Daddy mo. Kuya mo. Bestfriend nito. Si Shino” sagot ni Sassy dahilan para kurutin siya ni Mae.

“Hindi sila counted” anito.

Hindi nalang pinansin ni Sassy ang kaibigan at inaliw ang sarili sa panonood sa paligid. Maya maya lang ay nakakita ng tuyong parte si Mae at inilapag doon ang twalyang dala nito. Mula sa puwesto nila ay tanaw nila ang iba nilang kasama na busy sa paglangoy. Napatanga nalang si Sassy ng Makita si Stephi. Mahihiya ang boldstar sa suot nito na two piece bikini string. Halos wala na itong itatago sa katawan. At pakiramdam ni Sassy ay nag-init ang mukha niya ng mapansin ang hinaharap ng babae.

Kasing laki yata ito ng pakwan.

Okay. That’s an overstatement. Pero sadyang malaki ang hinaharap nito.  Nakakainsecure. Naalala niya tuloy ang sinabi ni Kai sa kanya.

“Hindi ko type ang mga babaeng A cup”

Siraulo talaga yun. Siguro enjoy na enjoy ito sa nakikitang hinaharap ni Stephi. Kunwari pa ang loko na aayaw ayaw.

“Oy! Lapitan mo na yung jowa mong hilaw. Baka papakin na yun dun ni Stephi” sita sa kanya ni Mae.

“Sus! Mukha namang gusto niya din eh. Kita mo nga at panay ang tingin” nakairap na sabi ni Sassy. Ewan niya pero parang naaasar siya sa kaalamang mas malaki ang hinaharap ni Stephi kesa sa kanya.

“Nagseselos ka ganun???” pang-aasar ni Mae.

“Of course not! Ako?? Nagseselos. Nevah!” pagdedeny niya.

“Sige na nga. Sabi mo eh.”

Iniwas nalang ni Sassy ang paningin kina Kai at Stephi at iginala ang paningin sa paligid.

“Sino yung lalaking iyon?” pag-iiba ni Sassy sa usapan sabay turo dun sa isang lalaking nag seselfie-mode sa gilid.

“Ahhh… si Nigel bestfriend ni kuya since birth. Laging magkasama yan.”

“Ahhh…” tumatango-tangong sabi ni Sassy. “Gwapo ah. At ang ganda ng katawan. May abs” aniya.

Tinampal naman siya ni Mae sa noo.

“Hoy!!! Hindi ka pwedeng tumingin sa iba. May boyfriend ka na. Seloso yan si kuya”

“Hay naku Mae tigil tigilan mo nga ako. Asan ang boyfriend ko aber??? Ayun!!! Nakikipaglandian sa iba. Kahit ba sabihing nagpapanggap lang kami hindi na nahiya sakin. Kaimbyerna siya ah”

“Hay naku…I smell love in the air.” Pang-aasar ni Mae.

“Love mo mukha mo!” aniya at inis na hinubad ang suot na malong para lumusong sa tubig. Baka sakaling mawala ang init ng ulo niya.

Iniwan niyang tatawa tawa si Mae habang gumagawa ng kastilyong buhangin.

***

Paglapit palang nila Sassy ay natanaw na agad sila ni Kai. Kanina niya pa nga gustong puntahan ang dalaga para yayaing maligo. Pero kakatukin niya na sana ito sa silid nito ng bigla siyang harangin ni Stephi at yayain papunta sa beach. Sa pag-aakalang gusto muna ni Sassy na magpahinga ay hinayaan nalang muna ito ni Kai at sumama na kay Stephi. Ayaw naman niyang maging bastos sa dalaga.

Hindi maintindihan ni Kai pero gustong gusto niyang nakikita si Sassy. Kahit nga nasa opisina siya ay ang nakangiti at nang-aasar na mukha nito ang nakikita niya. Gustong gusto niyang makipagkulitan sa dalaga.

Tatawagin na sana niya ito ng mapansin niya kung saan nakatingin ang dalaga. Sinundan niya ang direksyong tinitignan ng mata nito at ganun nalang ang kabang naramdaman niya ng Makita itong nakatingin kay Nigel.

Naalala niya tuloy ang sinabi ng dalaga minsan.

“Feeling ka talagang lalaki ka. Hindi rin kita type. Ang type ko yung mga lalaking seryoso sa buhay if ever man…at mukhang hindi ikaw yun”

Si Nigel ay isang magandang halimbawa ng lalaking seryoso sa buhay. Nagkagusto na ba ang girlfriend niya sa bestfriend niya?

“Wow ah!!! Makagirlfriend ka parang tunay” sabi ng kontrabidang isip niya.

Nang makita niyang tumayo na ang dalaga at hinubad ang suot nito na malong ay napatanga nalang si Kai. Compared to Stephi ay conservative ang two-piece suimsuit ni Sassy. Pero iba ang dating nito para kay Kaizer.

Sassy is sexy enough to catch everyone’s attention. Specially HIS attention.

Nang mapansin ni Kai na lumusong ng dagat ang dalaga ay agad niyang iniwanan si Stephi para sundan ito. Mabilis siyang nakalangoy palapit kay Sassy at nakapwesto sa likuran nito.

Ganun nalang ang gulat ni Sassy ng bigla nalang may yumakap sa kanya mula sa likuran.

“Kai!!!” ani Sassy nang malingunan ito.

“Hi Babes…”

“Babes mo mukha mo!” asar na sabi nito at tinangkang kumawala sa pagkakayakap ni Kai pero sadyang mas malakas si Kai kaya hindi siya pinakawalan nito.

“Hey! What’s wrong? You’re still my girlfriend right?”

“Sana naisip mo yan bago ka nakikipaglandian sa ibang babae”

“Hey!!! Are you jealous?” ani Kai at mas lalong hingpitan ang pagkakayakap kay Sassy.

“Excuse me Mister Feelingero ah…hindi pa naiimbento ang salitang selos sa bokabularyo ko”

“Weee??? Sige na nga sabi mo eh. Wag ka na magselos kay Stephi. Mas sexy ka naman dun eh”

“Sexy ka dyan. Hindi ba yung mga ganung klase ng babae ang type mo? Yung hindi A cup na tulad ko”

“Okay lang sakin ang A-cup..basta ba ikaw yun eh”

Pakiramdam ni Sassy ang pula pula na ng buong mukha niya. Kai was obviously flirting at her. Pero imbes na mainis ay parang kinikilig pa siya.

Ang weird lang.

“Sassy…” tawag pansin sa kanya ni Kai. Hindi pa rin siya nito binibitiwan.

“Oh?” hindi na rin naman siya pumapalag.

“Type mo ba si Nigel?”

“Nigel who?”

“Yung bestfriend ko”

“Hindi ko type yun. Hindi ko nga kilala yun eh”

“Kapag ipinakilala kita kay Nigel magpromise ka muna sakin”

“Promise na ano?”

“Na hindi mo siya magugustuhan”

“Kai??? Okay ka lang??”

“Basta magpromise ka. Ayokong mag-away kami ng bestfriend ko eh”

“Bakit naman kayo mag-aaway dahil sakin?”

“Basta. Magpromise ka” parang batang pakiusap ni Kai sa kanya.

“Oo na. Promise na” sabi nalang ni Sassy para matigil na ang binata.

“Thank you Girlfriend” tuwang tuwang sabi ni Kai at hinalikan siya sa pa-smack sa labi bago siya tuluyang pinakawalan.

Naiwan namang tulala si Sassy habang hawak ang labing hinalikan ni Kai.

“Manyak talaga.”

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^