Saturday, August 25, 2012

Anime Love Affair : Chapter 4

A/N: Ako'y patawarin niyo kung inabot ng tatlong buwan ang pag-update ko dito. As in super slow update talaga, wag na kayong magtaka. But I'll try to update this story ng once every two weeks. Depende kung hindi na talaga ako busy sa iba ko pang stories. ^_____^


4: Black Crazy Joker
(Yuki Jezryl POV)



Pwede bang si Kyohei na lang muna ang patayin ko? Letchugas na lalaki, wala na lang ginawa kundi paduguin ang ilong ko! At magti-three days na kami dito sa kwentong Yamato Nadeshiko Shichi Henge pero wala pa ring nangyayari sa paghahanap namin ng Black Joker.




Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil enjoy naman dito sa Anime World… and hindi ko lang maatim ay ang…



“EEEKK~ ANG LIWANAG!!! RAAAAAAAAWR!!!”


“Para kang tanga, alam mo yun?” Eh siya nga mukha pang-hentai sa ayos niya! Naka-towel lang tas ang ikli pa!!! Siguro hipanin ko lang yun, makikita ko na yung alaga niya eh!!! Eek!!! So nakakaderder!!!



Nagtatakbo na lang ako dun sa may rose garden ng mansion. “Jusmio! Hindi ko ma-control ang bloody and brutal thoughts ko of killing that creature of light! Iba na talaga ang nagagawa ng pagiging Sunako ko! Ayokong maging murderer!!!”



Mabuti pang ako na lang ang umiwas at nang hindi na ulit sumagi sa isip ko na katayin ang lalaking yun at iaalay ang katawan niya kina Hiroshi.



Anyway, sa gitna ng pagninilay-nilay ko sa magandang hardin ng mansion, napansin kong namamatay na yung mga rosas sa paligid ko. Mga adik na halaman ‘to!!! Bilang isang otaku, nakakaloloka pa rin pala kung ikaw mismo ang makaka-experience ng mga ganitong pangyayari!



“Sunako chan~” Sino na namang lintek yun! Nababalot na naman siya ng spotlight! Mabubulag na yata ako sa sobrang liwanag eh! “Nanjan ka lang pala.”



“No… Noi?” Kilala niyo ba siya? Si Kasahara Noi! Yung mala-dyosang babae na ang sarap nakawin ng mukha sa sobrang ganda! Si Noi Kasahara na may gusto kay Takenaga! “Anong ginagawa mo dito?” Naku malamang, dadalawin niya lang ang crush niya!



“Si Takenaga?” Oh diba ang galing ko? Syempre, alam ko kwento nito eh!



“Wala siya dito Noi. Baka nakatambay na naman sa favorite place niya, ang library. Alam mo naman yun, mamamatay yata kapag hindi nakapagbasa ng libro.”



“Ganun ba?” Nagpa-tweetums pa itchura niya! Nakaka-nosebleed ha! Napatakip tuloy ako ng ilong ko. “Eh si Kyohei?”



“Si Kyohei? Nasa loob ng mansion.” Hindi pwede ang lalaking yun dito sa labas dahil baka talunin pa niya ang liwanag ng araw. At kapag nangyari yun, baka tuluyan ko siyang ibaon sa lupa at gawing pataba dito sa garden. “Bakit mo nga pala siya hinahanap?”



“Wala lang! Sige, papasok na ako dun ha!” Ayus ‘tong si Noi! Tamang tanong lang tapos aalis agad? Diba dapat close friends kami nito? Yun ang alam ko sa kwento eh.



At tsaka teka lang… nakakapagtaka na hindi man lang siya nabalot ng gloomy aura pagkasabi kong wala ngayon dito si Takenaga.



At tsaka teka lang ulit… ano nga bang kailangan niya kay Kyohei? Dapat ako lang weird dito, pero bakit ngayon nawi-weirduhan din ako kay Noi?



Ah hindi. Baka imagination ko lang. Nai-insecure lang siguro ako sa taglay na kagandahan niya o kaya naman… o kaya naman… “Hindi kaya si Noi… Tsk! Imposible yung iniisip ko. Mabait na tao, este mabait na character si Noi.”



Pero wala naman sigurong masama kung ichi-check ko diba? Kung sakali ngang tama nga ang kutob ko sa ka-weirduhan nitong si Noi ngayon, aba’y ipagtatanggol ko ang kwentong ito!!!



Pagpasok ko sa loob, wala naman si Noi dun sa sala. Tinignan ko dun sa dining area, wala din. Hindi ko rin siya nakita dun sa kusina. Kaya naman wala nang ibang lugar na pwede nilang pagtambayan kundi sa taas!!! Dun sa may kwarto ni Kyohei!!!



Dahan-dahan na akong naglakad papuntang kwarto ni Kyohei. May hawak nga akong kitchen knife eh. Wala lang, kung sakali lang bulagin nila akong dalawa ni Noi dahil magkasama sila, at least ready akong matapyasan sila ng buhay.



*tok tok tok*



Ay walang sumasagot? Pakinggan ko nga kung anong nangyayari dun sa loob…



…………………. ???



“Wala naman sila…” Nasaang lupalop ng Anime World ang mga yun? Ni-try ko nang pasukin yung kwarto ni Kyohei pero wala nga sila doon. “Nasaan na sila? Nakikipagtaguan ba yung mga yun?”



Nakakapagtaka lang talaga… pero bakit nga ba ako namomroblema dito. Bahala nga sila. Kung nasaan man sila ngayon, dun na lang sila. Wag na silang magpakita saakin para naman hindi na ako muling masilaw pa…



“Hiroshi kun~~~~~ hihihihi~~~”



Oh!!! Pangalan ni bestfriend ko yun ha!!! At tsaka boses ni Noi yun! Bakit may ‘Hiroshi kun~ hihihi~’siyang sinasabi? At nanggagaling yun sa loob ng kwarto ko!!!



Dahan-dahan kong in-open yung pinto ng kwarto ko para silipin kung anong kaganapan ang nagaganap. At BOOM!!! Nakita ko na nga si Noi sa loob ng kwarto ko at… at…



At…



*hwaaaaaaaaaaaaaaaahhh!!!*



Anong ginagawa ng babaeng yan kay Hiroshi!!! Bakit niya nilalapastangan ang kaibigan ko!!! Hindi pa siya nakuntento, pinagtatanggal pa niya yung internal organs ng kaibigan ko at hinihimas-himas pa yun!!! Sinasamantala niya ang pagiging anatomical figure lang ni Hiroshi!!!



Ayoko man mambasag ng trip, pero bakit niya ginagaya ang trip ko!!! Ako lang dapat ang gumagawa ng ka-weirduhan na katulad ng ganyan, bakit kumacopy-cat siya? This is really strange!!! Malamang si Noi na nga ang Black Joker!!!



I must save Hiroshi my friend!!! Hwaaaaaaaaaaaah!!!



*grab*



“Hmmmm… hmmm?” Sino ba ‘tong feeling kidnapper at tinakpan pa ang bibig ko!!!



“Sheeesh… wag kang maingay…” Si… si… si Kyohei… si Enzo… si Kyohei? Ah basta alam niyo na ibig kong sabihin! Thank goodness naman at nasaktuhan ng magaling kong bangs ang pagharang sa mga mata ko. Effective na pansalag sa liwanag na taglay niya kahit ang lapit ng mukha namin sa isa’t isa. “Tara dito…”



Hinila ako ni Kyohei sa isang banda para magtago… “Bakit mo ako hinihila!!! Alam ko na kung sino ang Black Joker!!! Si Kasahara Noi! Nilalamutak na niya si Hiroshi, kailangan ko siyang iligtas.”



“Pwede wag OA? Dalang-dala ka sa pagiging Sunako mo ha!” Eh pakelam ba niya? Hindi naman siguro masamang mag-feeling kung minsan diba?! “Hindi ka pwedeng magpadalos-dalos kahit pa gusto mong iligtas yang laruan mong kaibigan.”



“Hindi laruan si Hiroshi! Anatomical figure! At siya ay kaibigan ko!”



“Whatever!” Nag-rolleyes lang parang juding, pero halatang hindi siya kampante sa sitwasyon namin ngayon.



“Ano nang gagawin natin? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko ha? SI NOI ANG BLACK JOKER!”



“Narinig ko, hindi ako binge!” Kung pandilatan naman niya ako ng mata! “At para sabihin ko sayo, parating pa lang ang babaeng yun, alam ko nang siya ang Black Joker. Low rank siya kaya ang dali ko lang na-sense ang aura niya.”



“Nase-sense mo agad? Bakit ako hindi?”



“Malamang ordinaryong tao ka lang! Sa angkan namin, usual na ang ganitong special ability.” Hwaw!!! How cool is that talaga!!! Naiinggit ako!!! “Anyway, I’ll tell you more kapag natapos na ang lahat. Sa ngayon, tapusin muna natin ang misyon nating patayin ang Black Joker.”



“Patayin ang Black Joker? Si Noi ang Black Joker, papatayin natin siya?”



“We won’t kill the character.  We will just perform Animexcorcism.”



Woah!!! What a term!!! ANIMEXORCISM!!! “Ano yun?”



“Pinagsamang Anime at Exorcism! Duh!” Duh-duhin ko mukha nito eh! Kung ipaliwanag na lang niya agad kung anong ibig sabihin nun noh? “The real Noi is possessed by the Black Joker. I’ll perform a ritual to command the joker to depart the character’s body.”



“Then…?”



“Then we shall kill the Black Joker using this…” He opened his palm at nagkaroon ng sparkly formation sa kamay niya and poof!!! May hawak na siyang dagger!!! “This is a Tiere Athame. A sacred tool that is made to kill jokers.”



“Oh wow!!!” May constellation of stars na rin sa mga mata ko nung makita ko yung sobrang talas at astiging kutsilyo ni Enzo!!! Walang panama yung kitchen knife na hawak ko kanina… teka nasaan na ba yun? Powtek, na-misplace ko yata! “Ano nang plano? Dali ready na ako!!! Excited much na me!!!” Ibang klaseng adventure talaga ‘to!



“Gagawin ko ang Animexorcism. Kapag nahiwalay na sa katawan ni Noi ang Black Joker, ikaw mismo ang dapat na sumaksak dun sa joker.”



“Makakaya ko ba yun?”



“Eh diba ikaw nga si Sunako ngayon? Brutal ka, pangarap mong maging serial killer!” Kung sa bagay, may point siya dun. “And if I know, ilang araw mo na nga rin sigurong pinagpaplanuhan na i-salvage ako.” May tama ulit siya doon! “It's your time to shine! Basta when you get the chance, KILL THE JOKER!”



Okay! I’m ready na talaga!!! Ito na ang magiging katuparan ng pagiging Anime World superhero ko!!!



“Oh, and more thing. Make sure lang na you don’t get killed first.”



Ano ba namang klaseng lalaki ‘to oh!!! Bini-build-up ako kanina para tumapang tapos biglang babantaan ako ng ganun!!! Para niya akong isusugod sa isang gyera pero isang pulutong pala ang kalaban ko!!!



= = = = =



Pareho na kaming nakasilip sa may pinto. Tamang-tama din at nakatalikod si Noi habang busy sa paglalapastangan niya kay Hiroshi. Nakuha naming itong chance para makapuslit dun sa loob.



We are just a couple of steps away from her, at wala nang sinayang pang pagkakataon si Enzo at sinimulan na agad ang ritual na tinutukoy niya.



Gamit ang kanang kamay niya, itinuro niya ang direksyon ni Noi with his index and middle fingers na para bang tinututukan niya ito ng baril. Saka siya nagsalita, “Black Joker, Lock!”



The moment he said ‘LOCK’, parang may kakaibang pwersang lumabas at ngayon ay alam na ni Noi na nandito kami. “Sandali… paanong… ahhhhhh!!!”



Susubukan pa sana niyang tumakas pero hindi na niya yun nagawa dahil parang may invisible na tali na pumulupot sa kanya. At si Enzo ang nagko-control nun para pigilan siya sa kanyang pagkilos.



“Jezryl, sisimulan ko na ang mantra para sa Animexorcism. Maghanda ka na din.”



Isang tango lang ang sinagot ko. Para kasi akong nanonood ng live action! Ang cool-cool ni Enzo ngayon, idagdag mo pa na siya si Kyohei Takano. Can you imagine huh? Ang pogi!!! Ang hirap hindi pagnasaan!



“Hindi!!! Tumigil ka!!! Hindi ako aalis sa katawan na ‘to…” Ang pagwawala ni Noi.



Pero hindi siya pinansin ni Enzo. He closed his eyes and started a prayer. “Yeh jadu hona!” Biglang may lumabas na puting liwanag at napalibutan nito si Noi. Kung titignang maigi, it was a formation of a strange scripture.



“Aagya jo deh...”  Pagkabanggit naman niya nito, yung nagpupumiglas na si Noi, nag-freeze na talaga.



At sa huling salitang binanggit ni Enzo, “Phaltah!!!” Parang time-bomb na sumabog si Noi. HINDI LITERAL HA!!! Baka iniisip niyo lasug-lasog na katawan niya.



May lumabas kasing nakakasilaw na liwanag mula sa kanyang katawan at binalot nito ang buong paligid ng panandalian. Pero kitang-kita ko na may nahiwalay na kung anong nilalang mula sa katawan niya.



Yun na siguro ang Black Joker. Babae siya na naka-jester clown costume lang. At syempre kulay itim, kaya nga Black Joker eh!



Matapos mangyari yun, “Noi…!!!” Napasigaw ako kasi hinimatay siya at natumba na lang bigla. Gusto ko sana siyang tulungan dahil mukhang masakit yun eh. Kaso…



“Jezryl, pagkakataon mo na!!! Habang mahina pa ang joker!” Itinuro ni Enzo yung direksyon nung Black Joker. At tamang hilaan daw ba ako at itulak palapit sa kanya!!! “Talunin mo na siya!!!”



Nanghihina pa yung joker at nakayuko lang akong nakatingin sa kanya. Mahigpit kong hawak yung Tiere Athame na gagamitin kong pam-patay sa kanya. Kaso nung tignan ako ng Black Joker, mukha namang harmless ang itchura niya eh.



“Wala na bang ibang paraan Enzo? Hindi ba pwedeng idaan na lang natin ito sa mabuting usapan?”



“Ano? Naawa ka? Wag kang magpaloko sa kanya, nagkukuwari lang yan!”



“Pe… pero…” Magkatitigan kami nung Black Joker. Kung pure na si Sunako Nakahara talaga ako, siguro kanina ko pa pinagtatapyas ‘tong nilalang na ‘to. Kaso ang isip ko, si Yuki Jezryl pa rin eh. “Naawa ako Enzo, hindi ko yata kaya…”



Halata sa mukha ni Enzo yung inis dahil sa sinabi ko. At dahil nakatuon na ang atensyon ko sa kanya, hindi ko na napansin na may hawak na palang kutsilyo ang Black Joker at sibubukan niya akong saksakin.



Mabuti na lang at mabilis ang naging kilos ni Enzo at nahila niya ako bago pa ako mahagip sa ginawang atake nung joker.



“HWAAAAAAAAH!!! Nasayo pala yung kitchen knife na hawak ko kanina!!! Paano mo nakuha yan!!!”



“Wag kayong lumapit saakin kundi papatayin ko siya!!!” Ang banta ng joker.



.



.



.



“Eh?” Hinostage niya si Hiroshi kun? Seryoso ba siya?



.



.



.



Pero hala!!! Ano ba, bestfriend ko si Hiroshi dito sa kwentong ito!!! Hindi maari!!! NOOOOOOO!!!




 End of Chapter 4




7 comments:

  1. well,totoo nman talagang maganda si Noi,ang sarap ilipat ng mukha nya to me.. hahah.. ang gwapo!!!he really looks like kyuhei!!.. na miss ko talaga to!!!!pramis!!! .. also enzo n jezryl.. nooo!putek kang black joker ka!!gawin kitang puti eh.. save hiroshi-kun!!

    ReplyDelete
  2. buti naman nagkaupdate na! grabe yung joker, tange lang? haha! si hiroshi talaga ang hinostage! yari ka ngayon kay sunako!

    ReplyDelete
  3. hahhahahhahhahahhahahha!!
    khit p antomical fgure lng c hiroshi, besfrend ni sunako yan noh!!!!!
    ipagttnggol nia yan! mgging brutal n tlga c jezryl s knya! humnda k black joker!

    ReplyDelete
  4. ~angel is luv~

    mababaliw na yata ako kakatawa!!
    ang brutal mag-isip ni jezryl ee.
    tapos ung joker pa adik lang!! si hiroshi pa ang hinostage!!

    at tama ang hirap hindi pagnasaan ni enzo jan!!

    ReplyDelete
  5. ________________________________█████_____█████
    ______________________________███____██_██_____███
    _____________________________██________██__________██
    ____________________________██__________█____________██
    ________██████____________██________________________██
    _____███████████________██________________________██
    ____█████████████_______██_______________________██
    ___███████████████______██______________________██
    ___████████████████______██___________________██
    ___████████████████_______██_________________██
    ____███████████████_______███_______________██
    _______███████████_______██__██_____________██
    ___________███████______████___██__________██
    ____██████__██████████████_____██_____██
    __██████████████████████________██__██
    _████████████████████_____________████
    ██_█████_████████████_______________█
    █__█_██__████████████
    _____█__████████████
    _______█████████████
    _______██████████████
    _______███████████████
    ________███████████████
    _______███████__████████
    ______███████_____███████
    ____█████████________██████

    ReplyDelete
  6. dafuq with the joker? seriously? hiroshi?
    anyway, no wonder the title is black crazy joker!
    this is hilarious!

    ReplyDelete
  7. Gústö po tlàgä nmïn ang story nâ to dahïl pø bukôd sá mgâ otąku din põ kami, crûsh dîn nmïn s enźò dońghaě.sńa pø mpabîliš niö pa ang upđatë níö pô.. Ü

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^