Friday, May 25, 2012

Anime Love Affair : Chapter 3

(A/N:  Dahil anime, diba dapat Japanese/Nihongo ang salita nila? Ow well, isipin niyo na lang naka English-Tagalog Sub na po ito. Hahaha! That’s all, tenkyu!)


3: Major Nosebleed
(Yuki Jezryl POV)



Totoo nga. Ako na nga si Sunako! And I can feel it in my bloodstreams! Ang OA ko noh? Pero totoo talaga! It’s like I’m no longer Yuki Jezryl Sabino! Parang ako na talaga si Sunako Nakahara! “Uwaaaaaaaaaaaaaaahhh~”



“Hoy kung makangawa naman ‘to! Ano na namang iniiyak-iyak mo jan?”


“Hindi lang ako makapaniwala!!! *sniff sniff* Dati rati, binabasa, pinapanood at hinahangaan ko lang ang kwentong ito! Ngayon nandito na talaga ako!!! Uwaaaaaaah~”



Natawa naman siya bigla. “Sabi ko na nga ba. Hindi nga ako nagkamali sa pagpili sayo at dalhin ka rito.” Syempre naman! Sino bang pure-blooded otaku ang tatangi? For sure maraming nagco-comment jan na sila na lang ang maging Anime Jumper noh! Hwahahaha! “So payag ka na ba sa ino-offer ko?”



“OO naman! Kailangan pa bang itanong yan? Basta ba makakapunta ako sa Magic Knight Rayearth or Tsubasa Chronicles or sa…”



“Don’t worry, magagawa mong pumunta sa kahit saang anime. Yan ang kagandahan sa Anime Jumping!”



“Talaga? Ano  pang hinihintay natin! Dali, mamasyal pa tayo kung saan-saan!” Hindi ko alam kung anong kabutihan ang ginawa ko sa past life ko at nagkaroon  ako ng ganitong chance! Kung ano man yun, siguro isa akong santo noon kaya ang nangyayari ito ngayon.



“Hindi pa pwede. Kailangan makahuli ka muna ng sampung Black Jokers bago ka makapagAnime Jumping ng mag-isa. Kumbaga sa ngayon, Master mo ako at apprentice pa lang kita… hoy nakikinig ka ba?” Actually, hindi!



Habang dumadaldal kasi si Enzo, mukha naman akong tanga na inoobserbahan ang buong paligid. Nakaka-elibs lang talaga at sobrang nakanganga lang ako dahil hindi ko alam kung paano i-describe itong lugar! Basta ang perfect lang talaga!



“Hoy, makinig ka nga!” Ayoko nga! Tinatamad ako makinig sa kanya dahil naa-amaze pa ako. “Hoy, ano ba!”



Tapos bigla niya akong hinawakan sa braso para naman harapin ko na siya. Kaya nga dahil doon… “Waaaaaaaaaahhh~ Enzo ano bang pagmumukha yan!!! Nakakasilaw ka naman eh!”



“Malamang si Kyohei nga ako diba? Ang pinakamagandang nilalang sa kwento!” Feel na feel? “At habang nandito tayo, tandaan mo na wag mo akong tatawagin sa pangalan ko. Ako si Kyohei at ikaw naman si Sunako. Maliwanag ba, Sunako?”



“Bakit naman?”



“Kasi para hindi magulo lalo na kapag dumating na yung iba.”



“Yung iba? Sinong iba?”



“Matalino ka ba talaga? Nasaan na utak mo? Yung iba…”



Hindi pa man natatapos ni Enzo… I mean si Kyohei ang sinasabi niya, may mga boses na kaming narinig at papalapit na sila.



“Kyohei~!!!”



“Act normal, Sunako.” Normal? Ano ba tingin niya saakin, abnormal? “Ah hindi ka pala normal na babae noh.” Ano namang ibig sabihin nun? Gusto yata ng bangas nito eh! “Basta umarte ka na katulad ni Sunako ha.”



“Sino ba kasi yung mga yun? Mga anime jumpers din ba na katulad mo?”



“Hindi… sila na yung mga totoong anime.”



When you say na sila na yung mga totoong anime, ibig bang sabihin yung papalapit na yun ay sina…



“Oh! Kyohei, Sunako! Nandito na pala kayo!” Isang poging nilalang na kulay pula ang buhok ang lumapit! Maygally!!! Ang gwapo!!!



“Kayo ha, bakit magkasama na naman kayo dito?” Yan pa, isa pang nilalang na saksakan ng gwapo! Mukha pang matalino at may hawak na libro!



“Ano ba kayo! Ginagawa lang ni Kyohei ang trabaho natin na gawing isang tunay na babae si Sunako! Diba Kyohei?” At isa pang nilalang na ubod ng cute, at hindi ko sigurado kung babae ba siya o lalaki!



O___O <--- Wala na bang ilalaki pa jan ang mga mata ko?



“Ranmaru… Takenaga…” At ang kapangalan kong si… “Yu… Yuki…?”



At sabay-sabay silang nagsalita, “Yes Sunako?” With matching roses sa paligid ng mga pagmumukha nila at twinkling stars pa! Teka, saan galing yun?



*major nosebleed!!!*



Alam niyo yung tuloy-tuloy na pag-agos ng dugo mula sa ilong ko na parang fountain, ganun yun! Potek!!! Ikamamatay ko yata ‘to eh!



“Hoy Sunako! Tumigil ka nga sa pagkakalat ng dugo mo dito! Nakakadiri ka!” Walang hiyang lalaki ‘to! Hindi man lang naawa sa kalagayan ko! Maa-anemic na nga yata ako, wala pa ring pake!? Anyway, ang galing niya umarte ha! Pam best actor!



“Kasalan niyo ‘to eh…!” Ubod kasi sila ng ga-gwapo! Sinong hindi duduguin!



Tapos hindi ko alam kung anong ginawa ko pero tinignan ko lang naman sila ng parang ganito ---> (╭╮)



At sabay-sabay na lang silang napaatras at mga itsura nila ganito ---> (..)



“Anong problema nyo?”



“Waaaaaaaaaaaaaahhhh!!! Nakakatakot ka talaga Sunako!!!” ---> (╥_╥) Sabay-sabay pa sila!!! Ano bang ginawa ko?



Ahhh! Nagtaka pa ako! Itsura at aura ko pala ang problema noh! Yun nga pala ang talent ni Sunako, ang manakot ng walang kaeffort-effort! Isama mo pa na PANGIT daw siya… I mean AKO kasi ako na nga si Sunako diba?



= = = = =



“Ah… heto. Nakahanda na ang pagkain niyo.”



“Wow~!!!” Mas nakaka-wow ang mga mukha niyo!



Pero ang mga walang-hiya! Kega-gwapo nga, kebo-bobo naman magsi-luto! Ako pa tuloy nagluto at nag mukhang chimay nila samantalang mansion nga pala ‘to ng Auntie ko, diba? Naku, kung hindi lang ito kasama sa kwento, hindi ko naman gagawin ‘to eh!



“Wow kainan na!!! Itadakimasu~!” At ito namang si Enzo, walang pang tatlong segundo, nakatatlong plato na! Para nga siyang si Kyohei in-real life! Subo, lunok, walang nguya sa pagkain!



“Hoy Kyohei, magdahan-dahan ka naman! Baka pati plato, kainin mo!”



“Wag mo na lang siyang pansinin, Takenaga. Kumain na rin tayo bago pa tayo maubusan ng matakaw na yan.”



“Sunako!” Hala tinawag ako ni Yukinojo! “Tara, sumabay ka saamin sa pagkain.” And smile!



“Ugh~” Bakit ba nakakapanghina talaga yang kagwapuhan nila! “Ahh… hindi na. Sa kwarto ko na lang ako kakain.” Good thing mahaba talaga itong bangs ko at natatakpan ang mga mata ko! At least, hindi ako masyadong nasisilaw sa kanila.



“Teka, teka! Kumuha ka muna ng kanin! Malapit ko nang maubos eh.”



“Kutos gusto mo? Ikaw na kumuha.”



“Anong sabi mo Sunako?” At anak ng petchay naman Enzo! Bakit nakikigaya siya ng pagpapa-cute na yan!



*nosebleed again…*



“Oo na… sabi ko nga ikukuha na kita ng kanin mo eh…”



“Ayusin mo lang ha! Baka matuluan mo ng dugo yan!”



Mabuti nang tuluan ko ito ng dugo kesa lason ang ilagay ko diba? Hay naku! Apektado much na rin ako sa pagiging Sunako ko! Nagiging brutal na ang mga naiisip ko ha! Hindi naman ako dating ganito!



= = = = =



Nasa loob na ako ng kwarto ko. Habang kumakain, nanonood ako ng Jason X na movie. Hindi ko akalaing enjoy pala manood ng ganito! Nakakagana lalo kumain, pramis! All that blood and gore, hindi naman pala ganun kasama!



Ahh! Katabi ko rin pala ang mga anatomical figure friends ko na sina Hiroshi at Akira, kasama ang skeleton na si Josephine. Somehow, I feel so attached to them! Actually, mas masaya pa nga silang kasama kahit hindi sila nagsasalita. Ayus din ‘tong tropa ko!



Kapag kasi yung creatures of light ang kausap ko, non-stop ang pagno-nosebleed ko! Nakakaagaw-buhay ang mga pagmumukha nila! Now, sobrang naiintindihan ko na ang feeling kung bakit ganito si Sunako Nakahara!



Hindi na lang ako lumabas ng kwarto ko at nag-movie marathon na lang! Nakaka-hook manood ng mga bayolenteng palabas eh! Mga rated SPG as in patayan, saksakan at katayan!!! Try niyong mag-marathon din ng ganito, sobrang nakakainspire!



Nasa kalagitnaan na nga ako ng hinahabol na ng itak ng serial killer yung kawawang babae. It’s either puputulan siya ng paa o kamay niya. Kaso, biglang may narinig ako ng malakas na yabag ng paa at bigla na lang binuksan ang pinto ng kwarto ko…



“Hoy Sunako!!!”



*Insert angelic background music here…*



Nahawi tuloy yung bangs ko at tumambad saakin si Enzo, este si Kyohei pala!!! Okay naman sana ang lahat kung hindi lang…



“Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhh~!!!”



Pagkasigaw ko, agad siyang tumakbo para takpan ang malaki kong bibig! “Uy ano ka ba!!! Ako lang ‘to!!!”



Y U SO HAWT KYOHEI??? Naka-topless pa ang mokong at may towel lang sa balikat!!! “Anong ginagawa mo dito!!! Uwaaaaaaaaaaah~!!!” Nakaka-trauma ang dating niya!!! Syete!!!



“Tumigil ka nga! Bakit hindi ka na bumalik dun sa baba?”



“Eh ang gagwapo niyo eh!!! Nakaka-anemic! Nauubos ang dugo ko!”



“Talaga?” Feel na feel naman nito! Nagba-blush pa kunwari!



“Powtek naman! Ano ba kasing mali sa mata ko ngayon! Hindi ko talaga carry ang mga pagmumukha niyo eh.”



“Hay naku, para matigil ka na nga, gawin na lang natin ang ipinunta natin talaga dito.”



“Ano yun?” Pero bago yun… “At lumayo ka nga muna saakin!!! Nararamdaman ko na namang umaakyat ang dugo sa ilong ko eh!”



“Kailangang mahanap na natin ang Black Joker.”



“Paano???”



“Basta if you find something strange or weird…” Eh ako lang naman ang strange at weird dito ha! “Yung something na hindi naman dapat nangyayari o kasama sa kwentong ito, yun na yung Black Joker. Dapat maunahan nating ito bago pa man tuluyan niyang magawa ang kahit na anong masamang plano niya.”



“Paano natin siya pipigilan?”



“Malalaman mo kapag kaharap na natin siya.”



Ano yun? On the spot? Gusto yata ng suicide nitong si Enzo eh!!! “Okay sige sige! Pero bago yun…”



*nosebleed muna…*



“Tissue! Pengeng tissue!!!” Tarakalis naman! Hindi ko na napigilan eh! Ilang segundo rin akong nakatingin sa kanya!




End of Chapter 3


7 comments:

  1. WHEEEW! I'm First!!! Waahh.. Namiss ko ang Yamato nadeshiko.. Lalo na si Yuki..wahahaha. Ang cute noon..

    Go Jezryl!! Patayin mo ang lahat ng Black Joker,, Whew!! Mahilig ka palang mag marathon ng Rated SPG ha..hahahaha! Like kita.. Tama ka nakakainspired ng Rated SPG...

    ReplyDelete
  2. bukas ko 'to babasahin^^...hehe

    ReplyDelete
  3. hala!!!!!!!! kgbi pla ito naipost! major laftrip din aq d2 miz aegyo!
    ang kult ni sunako ehh!!! ung hbng kumakain sya, gnado tlga dhil s katayan eh! hahhhahah! kkinspire b tlga yun? hahhhahahhhahahhh!

    sna may pix n din nina takenaga, yuki, randamaru at xempre ang my luvs q n c kyohei! exctd n aq s nxt chaptr!

    ReplyDelete
  4. nhuli n aq! ang dmi n nkauna sken!! ang kulit mu tlga jezryl! tlgang gndao p hbng kumakain ng ptayan movie! kun aq nian susuka aq ng susuka! hahhhaahhaha! nainspire p daw tlga siya!

    iniisip q tlou kun cno ung balck joker n kklbanin nla jan.. hmmmmm~

    ReplyDelete
  5. naku! kung sina kyohei nga naman! sino hindi mano-nosebleed! idagdag mo pa na si donghae si kyohei jan! hahaha!

    ReplyDelete
  6. grabe! ang ganda nito! otaku here <3<3
    hope you update this soon!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^