Monday, April 1, 2013

My Last Rose : Chapter 1


“ My Last Rose”
[A Short Story]
By : Aiesha Lee


A/N : I already posted this short story at wattpad last week. Hinintay ko lang matapos ang bagong blog bago ko ipost dito. :)) Here it is!

 I dedicated this short story to AKIRARA na nag-birthday this end of March. Belated happy 18th birthday sisteret! Muaaahh! :)

= = =
Chapter 1
[ ELLAINE’s POV ]

2013, March 18

“Sis, kumpleto na ba yung eighteen roses mo? Ang sabi mo yun na lang ang kulang mo sa mga eighteen mo. Basta ako, sa candle lang, ah. Wag mo kong ilalagay sa gift dahil hindi ko ireregalo sa’yo si Luhan, my love. Akin lang siya.”


Napaangat ang tingin ko mula sa binabasa kong libro. Nilingon ko ang kaibigan kong si Pearl habang busy siya sa pag-ubos ng ice cream niya. Wala na kaming klase. Bakasyon na. May inasikaso lang kami dito sa school ng kaibigan ko.


“Kailan pa naging sa’yo si Luhan? Sa pagkakaalam ko, ako ang girlfriend niya.” Luhan is an EXO member. Adik kaming dalawa ng bestfriend ko sa kaniya.


“Sis naman!”


“Sa’yo na kung sa’yo, basta ako ang mahal niya.”


“Ikaw nga ang mahal niya, pero ako ang pinakasalan niya! Ako ang—aray naman!” Pinalo ko sa noo niya ang librong hawak ko ng matahimik na siya. “Ang sakit ah! Bubukulan mo ba ko?” Mahina lang ang pagkakapalo ko, OA lang talaga siya.


“Ang ingay mo kasi, eh. Pinagtitinginan na kaya tayo.”


Napalingon siya sa mga estudyanteng malapit samin. “Oo nga noh. Shy naman ako.” Yumuko pa siya na parang nahiya talaga, eh, hindi naman halata sa mukha.


Ganito kami kapag si Luhan ang pinag-uusapan. Para kaming mga baliw na feeling pag-aari namin si Luhan.


“Shy your face!” Itinutok ko uli ang mga mata ko sa librong binabasa ko.


“Sis, sinong escort mo?”


“Hindi ko pa alam.” Pero may naisip na ko.


“What?! Two weeks na lang before your birthday, tapos wala ka pang escort?!”


She’s right. Two weeks from now, debu ko na. Yehey! Pwede na kong magpaligaw. Este, dalaga na pala ko. Wahehe.


“So?”


“Anong so ka dyan?” Napalingon ako sa kaniya ng sunod-sunod niya kong kalabitin sa balikat.


“What?”


“Handsome cutie guy alert. Sa right mo.”


Lumingon ako sa right ko. Palapit ang isang lalaki samin. And he’s smiling at me. Okay. Saming dalawa pala ni Pearl. Inaangkin ko lang. Wahehe.


“Hi Ellaine! Hi Pearl! Paupo, hah.”


“Alam mo Emjhay, kahit maghapon pa okay na okay samin ni Ellaine.” Si Pearl ang sumagot. Pasimple kong inapakan ang paa niya ng mapansin kong hindi maalis-alis ang pagkakatingin niya kay Emjhay. Ngumiti lang siya sakin. At kinuha ang librong hawak ko. “Parang gusto ko ‘tong binabasa mo, sis. Dagdag kaalaman.” Tumahimik na siya at tinutok ang atensyon sa libro.


“Ellaine.” Napatingin ako kay Emjhay. Sa halip na mukha niya ang nakita ko, may sumalubong na rose sa mukha ko, one long stem red rose to be exact.


Nakangiting kinuha ko ‘yon. “Thank you.”


“Five down. Thirteen roses to go.”


“Talagang  gagawin mo ‘yon?” Ang pagbibigay ng rose araw-araw ang tinutukoy ko hanggang maibigay niya ang 18th rose sa mismong araw ng birthday ko.


“Of course.” Kinindatan niya ko. “Kailan ba ko nagbiro?”


“Oo nga. Lagi kang seryoso.” Sa kabaligtaran.


“Syempre pagdating sa’yo, seryoso ko.”


Pinalo ko ang rose na hawak ko sa noo niya. “Magtigil ka dyan! Bumabanat ka na naman!”


“Aray naman! Aalis na nga lang ako, sasaktan mo pa ko.”


Tama siya. Tinapos lang niya ang second year niya at magma-migrate na sila ng parents niya sa States this Summer. Do’n na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya.


“Ang hina lang no’n, ah. Bagay kayo ni Pearl na magsama. Ang OA ninyong dalawa.”


“Talaga, sis?” singit ni Pearl. “Sayang, may Luhan na ko. Hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na kanino.” Itinutok uli niya ang atensyon sa binabasa niya.


“Naaaning ka na naman dyan.”


“Pareho lang tayo.” Sumagot pa talaga.


“Ang umepal, pangit.”


Hindi na siya sumagot. Napangiti na lang ako. Paglingon ko kay Emjhay. Naka-mister pogi pose siya. “Ano ‘yan?”


“Kasing gwapo na ba ko ni Luhan?”


“In your dreams, Emjhay.” natatawang sabi ko.


“Lamang lang siya ng ilang paligo sakin.”


“Gutom lang ‘yan.”


“Pero cute ako?” Nagpangalumbaba siya sa mesa.


Dinutdot ko ang ilong niya. “Hindi. Mas cute si Suho.”


“Mas cute nga siya. Pero cute din naman ako diba?” With matching twinkling his eyes pa.


“Wag kang pa-cute.”


“So, cute nga ko.”


Pinanggigilan ko ang pisngi niya. “Cute na kung cute!”


“Ang sweet naman. singit ni Pearl. “Nilalanggam na ko dito.”


“Ito naman kasing bestfriend mo, eh. Sana kasi...”


Pinanlakihan ko ng mata si Emjhay. “May sinasabi ka?”


“Wala. Pupunta na kako ko ng registrar.” Tumayo na siya. Pero bago ‘yon, ginulo muna niya ang buhok ko katulad ng nakasanayan niya.


“Emjhay!”


Natatawang lumayo siya ng mahalata niyang gagantihan ko siya. “Ingat ka, Ellaine!” Kumaway pa siya sakin habang paatras na naglalakad.


“Kung ako sa’yo, sinagot ko na siya.”


Napalingon ako kay Pearl. Nakangiti siya habang nagbabasa. Hindi ako sumagot at nilingon si Emjhay.


Two years ko na siyang kilala. First year college ako ng makilala ko siya. Halos kasisimula lang ng klase no’n.


- F L A S H  B A C K -


2011, June

Malapit na ko sa village namin nang may kumalabit sakin. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong yakapin mula sa likuran ko.


“Hey!” Pilit akong kumawala sa kaniya.


Tinakpan niya ang bibig ko. “Stay put. May ahas sa harap mo.”


Napahinto ako sa pagpalag. Nanlaki ang mga mata ko. Ahas! May ahas! “A-anong g-gagawin natin? T-takot ako sa... sa ahas...” Napapikit na lang ako at hindi na tiningnan ang ahas.


“Wag kang gagalaw, okay.” mahinang sabi ng lalaki.


Tumango ako habang nakapikit pa rin. Naramdaman kong aalis siya sa likuran ko kaya napaharap ako sa kaniya. At napahawak ng mahigpit sa braso niya.


“Sabi ko ng wag kang gagalaw.” madiing bulong ng lalaki.


“W-wag kang...aalis...” Nakapikit pa rin ako. Huminga ako ng malalim. “M-a...malayo ba yung ahas?”


“Mga six feet mula satin.”


“T-takbo na t-tayo...”


“What? Tatakbo tayo? Eh, kung habulin tayo niyan? Ayoko pang mamatay sa kagat ng ahas. Sayang naman ang lahing mai-ko-contribute ko sa mundo.”


Hindi ko alam kung babatukan ko ba ‘tong lalaking ‘to o tatakbo na lang mag-isa. Kaya lang hindi ko naman maihakbang ang mga tuhod ko. Nakita na ngang natatakot ako, may gana pang mag-biro. Isa lang ang nasa isip ko.


Sana nandito siya. Siguro ng mga oras na ‘to, dinodospordos na niya yung ahas.


“Umalis na yung ahas, miss.”


“T-talaga?”


“Oo. Dumilat ka ng makita mo. Gumapang na do’n sa damuhan.”


Saka ko lang idinilat ang mga mata ko. Sinalubong ako ng gwapong mukha.


“Hi, miss!” Ngumiti siya. At pati mata niya, ngumingiti din. Mero’n bang gano’n?  

“Natatakot ka pa rin ba?”


Saka ko lang napansin ang kamay kong mahigpit ang hawak sa braso niya. Bumitaw ako at lumayo sa kaniya. Nakahinga ako ng maluwag. “T-thank you.” Nilingon ko yung ahas. Wala na nga. Nilingon ko uli yung lalaki. Nakangiti pa rin siya. Kumunot ang noo ko ng may pumasok sa isip ko. “May ahas ba talaga?”


“What?” natatawang tanong niya. Mukha nabasa niya ang nasa isip ko. “Ow! Don’t tell me na iniisip mong niloko lang kita para makalapit ako sa’yo ngayon? You know what, miss. Tama ka.”


Nanlaki ang mga mata ko. “Aba’t! Walang hiya ka!” Pinalo ko siya ng bag ko at nagmartsa palayo. “Bwisit ‘yon, ah!”


“Miss!” Hinabol niya ko. “I’m just kidding. Totoong may ahas kanina. Hindi ko naman kailangang gamitin ang ahas na ‘yon para makalapit sa’yo. Saka nakita kong natakot ka talaga kanina. Edi sana, sinabi kong wala naman talagang ahas. Ikaw naman kasi.”


Huminto ako at nilingon siya. “At bakit ako?”


“Tama bang isipin mo na pinagtripan lang kita kanina? Ako na nga yung nagmagandang-loob, ako pa yung masama.”


Napalunok ako. Umiwas ako ng tingin. Tama siya. “Sorry. May tao lang kasing madalas akong pagtripan ng mga kalokohan niya kaya naisip kong pinagtripan mo lang ako kanina.” Pero hindi na ngayon. Mukhang hindi na mangyayari ‘yon.


“Sino siya?”


Napatingin ako sa lalaki. Nakangiti pa rin siya. “Wala.” Ang daldal ko naman. “Thank you nga pala. Sobrang takot talaga ako sa ahas.”


“You’re welcome, miss.”


“Sige, mauna na ko.”


Nakangiting tumango siya. “Ingat ka.”


“Miss!”


Lumingon ako. “Bakit?”


“I’m Emjhay. Bagong lipat lang ako dito sa village na ’yan. Dyan ka din ba nakatira?”


“Oo.”


“Anong name mo?”


“Ellaine.”


“Nice to meet you, Ellaine. Mag-ingat ka na susunod ng makita mo kung may ahas kang masasalubong. Ang sabi kasi ng neighbor namin, madalas daw talagang may makitang ahas sa gawing ‘to. Sabagay, puro damo kasi.”


“Alam ko. Thank you uli.” Lutang lang ang isip ko kanina habang naglalakad. May iniisip kasi ako. Iniisip ko ang kababata ko.


“Your welcome, Ellaine. Dadaan pa kasi ako sa grocery kaya hindi kita masasabayan.”


“Okay.” Okay lang naman na hindi siya sumabay sakin. Hindi namin kami close. Although I was thankful sa ginawa niya kanina.


Nakangiting kumaway siya bago ako tumalikod at umalis. “Ingat!” Pahabol pa ng lalaki.
Hindi pa ‘yon ang huli naming pagkikita.  Pauwi na ko. Hindi ko kasabay ang bestfriend kong si Pearl dahil maaga ang uwian nila. Ginabi na ko at nag-aantay ng jeep ng may kung ano akong maramdaman na natanggal sa leeg ko.


Napahawak ako sa leeg ko, “Oh My God! Yung necklace ko!” Paglingon ko sa kaliwa ko, nakita kong tumatakbo na yung lalaki. Paano no’n nakuha?! “Magnanakaw!” sigaw ko. “Bwisit!” Tumakbo na ko para habulin ang lalaki ng may pumigil sakin. Paglingon ko, nagulat ako ng makita kong si Emjhay ‘yon. Hindi na ko nag-abalang magtanong kung bakit siya nandito. “Bitiwan mo ko! Yung necklace ko!” Nilingon ko yung magnanakaw. Ang layo na niya!


“Hindi mo na siya maaabutan! Paano kung may dalang panaksak ‘yon?”


Nagpumiglas ako. “Bitiwan mo ko!” Naiiyak na ko. “Mahalaga sakin ang necklace na ‘yon!” Tuluyan na kong napaiyak.


“Okay. Dito ka lang.” Kasabay no’n ay mabilis niyang tinakbo ang lalaki.


“Wala na yung necklace ko...” Napaupo na lang ako habang umiiyak. “Wala na... wala na... anong gagawin ko? Papa...”


Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo ng maramdaman kong may tao sa harap ko. Hindi ko na kailangang tumingala dahil tumingkayad na siya sa harap ko. Hinihingal pa siya ng may iabot siya sakin. “I-ito na... yung necklace mo.” Nakangiting sabi niya ng iladlad niya sa harap ng mukha ko ang necklace ko.


“Paano...”


“May nag-abot na bata sakin. Nabitiwan daw ng magnanakaw.”


Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Ang mahalaga, nabalik ang necklace ko. Sa sobrang saya ko, nayakap ko tuloy siya. “T-thank you. Thank you talaga…”


“Your welcome, Ellaine.” Hinaplos niya ang ulo ko. “Sabay na tayong umuwi.” Itinayo niya ko. Pinunasan ko ang luha ko. “By the way, baka sabihin mo naman ngayon na sinusundan kita, inuunahan na kita, hah. Same university po tayo. Nakita kita kanina habang palabas ng gate kaya sinundan kita.” Sabay kamot ng ulo. “Lumalabas pala na sinundan nga kita. Pero buti na lang at sinundan kita, pag nagkataon, baka feeling action star ka pa habang hinahabol yung magnanakaw.”


Napangiti ako.


And that were all started. We became good friends. He was always there pag kailangan ko siya. Siya ang pumalit kay... Sa kababata ko.


- -


NANG minsang makatulog ako sa bench habang nagbabasa ng libro, naalimpungatan ako ng maramdaman kong may pumatong na jacket sa balikat ko. Hindi na ko dumilat. “Thanks, Emjhay.” Katabi ko siya kanina at may suot siyang jacket na hinubad niya bago siya nagpaalam saglit na may bibilhan lang. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtulog ko. Inaantok talaga ko. Nagising na lang ako ng may tumapik sa pisngi ko. Pagmulat ng mata ko, nakangiting si Emjhay ang nakita ko. Paubos na yung kinakain niyang burger.


“Ang tagal mong matulog. Naka-dalawang burger na ko. You like?” nakangiting alok niya.


- -


NANG minsang abutan ako ng ulan habang papalabas ng school. Papatilain ko muna sana ang ulan kaya lang mukhang magtatagal pa ‘yon. Wala pa naman akong dalang payong. Ang sama pa ng pakiramdam ko kaya gusto ko ng umuwi. Nag-ring ang phone ko. Si Emjhay ang tumatawag.


“Hello, Emjhay. Bakit?”


“Nakauwi ka na?”


“Hindi pa. Malakas ang ulan, eh.”


“Hintayin mo na lang ako. Wag kang sumugod sa ulan. Baka tuluyan kang lagnatin.”


“Malamang. Ayokong magkasakit noh.”


“Kaya nga hintayin mo ko.”


“May payong ka ba?”


“Wala.”


Napakamot ako ng kilay. “Ngek!”


“Ako ng bahala sa payong. Manghihiram na lang ako dito.”


“Heller! Papahiramin ka ba nila?”


“Ako pa! Malapit ka ba sa gate?”


“Oo.”


“Okay. Hintayin mo lang ako. Magnanakaw muna ko ng payong dito.”


“Sira!”


Ilang minuto pa kong naghintay ng dumating siya.


“Ang tagal mo.” reklamo ko.


“Naghanap pa ko ng payong, eh.”


“Sa’n mo kinuha ‘yan?”


“May nagbigay sakin.”


“Nag-bigay?”


“Oo. Ang cute ko daw, eh.” Hinubad niya ang jacket niya at binigay sakin. “Wear this. Para hindi ka masyadong mabasa.”


“Thank you.”


“Let’s go.”


Inakbayan niya ko habang hawak niya ang payong ng sugudin namin ang ulan. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang isang tao. Ang kababata ko.


“Okay ka lang, Ellaine?”


“Hindi masyado. Ang sama ng pakiramdam ko.”


- -


NANG minsang mawala ang wallet ko at mangiyak-ngiyak na ko ng hindi ko malaman kung sa’n ko ‘yon naiwan. Isa lang naman ang laging nakakakita no’n kapag lagi kong nawawala ‘yon. Ang kababata ko. Pero hindi naman niya sinasabi kung sa’n niya nakikita ang wallet ko.


May kumalabit sakin. Lumingon ako. “Jay—Emjhay.”


Iwinasiwas niya ang wallet ko sa harap ng mukha ko. “Are you looking for this?”


Kinuha ko ang wallet sa kaniya. “Sa’n mo ‘to nakita?”


“May nagbigay na lalaki sakin.”


“Sino?” Hindi kaya si...


Lumingon siya na tila may hinahanap. “Ayun, oh. Yung nerdy na ‘yon. Nakita daw niyang nahulog mo kanina. Sakin na lang niya pinaabot.”


Pero sa iba napatutok ang mga mata ko. Napatingin din ang taong ‘yon sakin. Walang emosyon ang mukha niya habang nakatingin sakin. Ni hindi man lang siya ngumiti. Sabagay, hindi naman siya palangiti. Maya-maya ay umalis na siya kasama ng mga barkada niya.


“Nagbago na talaga siya.”


“Sino?”


Napalingon ako kay Emjhay. “Wala.”


Nilingon niya ang tinitingnan ko kanina. “Diba si Jaylord ‘yon? Yung siga sa village natin o mas tamang sabihin kong sa buong baranggay.”


“At kababata ko.”


“Nasabi nga sakin ni Pearl. Pero bakit parang hindi naman kayo close?”


“Close kami dati.”


“Dati? Anong nangyari ngayon?”


“Mahabang kwento.”


“Gaano kahaba?”


“Tsismoso ka din noh?” Napatingin ako sa wallet na hawak ko. “Thank you dito.”


Nginitian niya ko. “Your welcome, Ellaine.”


- E N D  O F  F L A S H  B A C K -


“Aray!” May pumitik sa noo ko. Si Pearl ang may sala. “Bakit ba?”


“Nakatulala ka na, eh. Naglalakbay na naman ang isip mo. Nakarating ka ba sa Mars?”


“Sa Pluto.”


“Ba’t hindi mo ko sinama?”


“Ayoko nga.”


May kung sino siyang nakita sa bandang likuran ko. Kumislap ang mata niya. Alam ko na ang ibig sabihin no’n. “Handsome cutie guy alert number two. Thirty feet from here.”


“Nabilang mo ‘yon?”


“Ako pa! Basta fafa!”


Nilingon ko ang tinitingnan niya. “Jaylord.”
 
= = =








3 comments:

  1. hala, sobrang laki naman nung font nung My Last Rose. pwedeng paliitan? hehe~

    ReplyDelete
  2. ahaha, sorry sis! edit ko na lang :)

    ReplyDelete
  3. natuLaLa diN aq s fLashbAck,,, aNg kuLet pLa ng 1st meEting nLa eLL at eM,,, hWahEhe,,, binigYan q n cLa ng niCknAme oH,,, pRo naku-cuteAn tLgA aq kEi em,,, kUng aq kAy eLL, cnAgot q n yAn,,, ayiiEee,,, pEo buti n LNg ndE p nia cnsAgot pRa huMabA p aNg kwEnto,,, hwAheHe,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^