Monday, April 1, 2013

My Last Rose : Chapter 5

Chapter 5

[ JAYLORD’s POV ]


Continuation of flashback...


2011, November


Napadaan ako sa ground floor ng building ng school. Wala lang. Wala akong magawa ngayon dahil vacant ko. At ang mga tropa ko, nasa tambayan namin. Napahinto ako sa isang kwarto. Drama Club.


Pumasok ako sa loob. Umupo ako sa mesa at inilibot ang tingin sa loob. Napahikab ako. Nang mula sa labas ay may marinig akong ingay. Shit! May papasok ata. Naghanap ako ng mapagtataguan. May nakita kong cabinet. Do’n ako nagtago. Nang makapasok sa loob ay saka lang ako napaisip.


 Bakit ba ako nagtago? Ano naman kung makita nila—


“Sila Karen nasa’an na? Magsisimula na ang meeting natin, ah.”


Natigilan ako ng marinig ko ang boses na ‘yon. Si Elle. Tama lang pala na nagtago ako. Isinandal ko ang ulo ko. Dahil nga inaantok ako, hindi ko namalayang nakatulog na ko.


Nagising lang ako ng may marinig akong lagabog. Parang may sinipa na kung ano. Pinakiramdaman ko ang paligid. Mukhang wala ng tao. Dahan-dahan kong binuksan ang cabinet, at dahil luma na ‘yon, lumangingit pa ‘yon. Dapat dito sa cabinet na ‘to, sa bodega ipadala. May nasilip akong babae na gumapang sa sahig. Kinusot ko ang mata ko. Hindi ko siya namukhaan. Ano kaya ‘yon? Totoo bang may multo dito? Tuluyan na kong lumabas ng cabinet. Nangawit ako sa pagkakaupo sa loob kaya nag-inat ako habang hinahanap ang babaeng multong nakita ko. Hindi naman ako takot sa multo. Isa lang naman ang kilala kong takot do’n. Si Elle.


I sighed. Elle na naman.


Lumapit ako sa isang mesa at yumuko. May nakita akong babaeng nakayuko at mukhang takot na takot. Kumunot ang noo ko. Hindi ko makita ang mukha niya pero parang pamilyar siya sakin.


“Hey.”


“Wag po, please...wag ninyo po kong multuhin...” Confirm! Siya nga ‘to! Nanginginig siya. At naiiyak pa siya. Yinugyog ko ang balikat niya.  “Wag sabi...”


Mukhang napagkamalan niya kong mukto kanina. “Ano ba!”


Umangat ang tingin niya sakin. “Jaylord... nandito ka...” Kita ko sa mga mata niya ang takot. Bigla niya kong niyakap. Muntik pang mauntog ang ulo ko sa mesa. “Akala ko may multo... natakot ako...” Umiiyak siya.


Hindi agad ako nakapag-react sa ginawa niya. It’s been months simula ng makalapit ako sa kaniya ng ganito. Ang tagal na no’n. At ngayong yakap niya ko, isa lang nag na-realize ko. I miss her so much. So much na parang gusto ko ng huminto ang oras.


“Walang multo. It’s just me.” Niyakap ko ang beywang niya at hinila siya paalis sa ilalim ng mesa. Hindi ako makatayo dahil para siyang tukong nakayakap sa leeg ko. Nang akma kong tatanggalin ang kamay niya, mas lalo lang humigpit ‘yon.


“Wag kang lalayo!”


Lihim akong napabuntong-hininga. “Nabibingi ako sa’yo. Nasasakal ako sa’yo.”


“H-hindi na ko iiyak.” Paunti-unti siyang tumahan hanggang sa hindi na siya parang batang naagawan ng candy kung umiyak. “I’m sorry, Jaylord.” Hindi ako sumagot. “I’m sorry sa sinabi ko sa’yo no’n. Nainis lang ako dahil pati ako pinagtatabuyan mo. Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Dapat inintindi kita no’n. I’m so sorry.”


Alam ko namang hindi niya sinasadya ‘yon. “Hindi mo ko kailangang intindihin.”


“Pero bestfriend ki—”


“Hindi kita bestfriend.”


“Am I forgiven?”


“Why should I?”


“Talagang galit ka sakin?”


“Am I?”


“Ilang buwan mo kong hindi pinansin. Ilang buwan mo kong iniiwasan tuwing lalapit ako sa’yo.”


“I have to.”


“Why? Dahil nagalit ka sakin?”


“Hindi nga! Bakit ba ang kulit mo? Kailan ba ko nagalit sa’yo? At kung ano man ang dahilan ng pag-iwas ko sa’yo, akin na lang ‘yon.”


Humigpit ang yakap niya sakin. “Namiss ko ang kasungitan mo.”


I sighed. Elle. You just making it hard for me, alam mo ba ‘yon? “We have to get out of here.” Bago pa ako makalimot sa dapat kong gawin.


 “Teka, ano nga palang ginagawa mo dito?”


“Nakatulog ako sa cabinet.”


“Hah?”


Tumayo ako at lumapit sa pintuan. Ayaw no’n mabuksan. Sinipa ko na lang ‘yon ng malakas. “Anong ginagawa mo?” tanong ni Elle.


Sa ilang beses na pagsipa ko, natanggal ‘yon sa pagkakakabit at natumba sa labas ng kwarto. “Aalis sa bulok na kwarto na ‘to.” Nilingon ko siya. “Tara na.”


“Pagagalitan ka sa ginawa mo. You just—”


“Kasalanan ng school na ‘to. Kung pinaayos nila ‘tong pintuan edi hindi ko ‘to sisirain. Sisihin mo sila.” Lumabas na ko. Sumunod siya sakin. Hindi pa kami nakakalayo ng mapahinto siya.


“Yung bag ko, naiwan ko.”


“Ako na.” Binalikan ko ang bag niya. Nakita ko ‘yon sa ilalim ng mesa. Kinuha ko ‘yon at binalikan siya para lang magulat sa makikita ko. Yakap siya ni Emjhay! Kanina lang, yakap ko siya. Tapos ngayon yakap siya ng lalaking ‘yon!


Nakuyom ko ang kamao ko. Alam kong hindi dapat, pero hindi ko maiwasang mainis. Mainis sa sarili ko! Mainis sa mga nangyayari!


Napalingon sakin si Ellaine. Saka lang ako lumapit sa kanila. Inabot ko ang bag niya sa kaniya. “Your bag.”


“Thank you. By the way, this is Emjhay. Taga satin din siya.”


“I know.”


“Talaga?”


Hindi ako sumagot. Tinanguan ko lang si Emjhay na nakatingin sakin. I know he knows me. “I have to go.”


“Sumabay ka na samin.”


Napalingon ako kay Elle. “Kay Daddy na ko nakatira.”


Nagulat siya. “Talaga? Okay na kayo? Mabuti naman. Kaya pala hindi na kita nakikita satin. Kailan ka pa tumira sa kaniya?”


Two weeks na kong nakatira kay papa. “You better go home.” Sa halip ay sagot ko sa mga tanong niya.


Hinawakan ni Emjhay ang braso niya. Lihim akong napatingin do’n. “Let’s go, Ellaine. Baka hinahanap ka na ng mama mo. Thanks, pare.”


“No need to thank me. Wala kong ginawa. Gotta go.” Iniwan ko na sila. Tama na ang nakita ko kanina. Hindi ako masokista. Pero hindi pa ako masyadong nakakalayo ng...


“Jaylord!” I sighed. Huminto ako at nilingon siya.


“Bakit?”


Nakatingin lang siya sakin.


“Elle.” Parehas kaming natigilan. Kailan ko ba siya huling tinawag sa pet name ko sa kaniya? Sobrang tagal na.


Nagulat na naman ako ng sugudin niya ko ng yakap. “Ano bang problema?”


“Wala. I just miss you. So much.”


Hindi ako sumagot. I miss you, too, Elle. Pinagbigyan ko na lang ang sarili ko. I hugged her back. Baka huli na ‘to. Baka hindi na ko makalapit sa kaniya ng ganito.


“Bati na tayo? Okay na tayo? Hindi mo na ko iiwasan?”


Hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.


“Jaylord. Okay na tayo diba?” pangungulit niya.


I sighed. Deeply. “Y-yes.” Hindi ko alam kung bakit ‘yon ang sinagot ko.


Na dapat ko atang pagsisihan dahil simula ng araw na ‘yon, lagi na siyang lumalapit sakin. Nagtataka man ang mga tropa ko, hindi na sila nagtanong.


After five days...


Palabas na ko ng gate ng campus namin ng...


“Jaylord!”


Napahinto ako. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Elle na patakbong lumapit sakin.  

“Gabi na. Ba’t hindi ka pa umuuwi?”


“Katatapos lang ng meeting namin. Sabay na tayo.”


“Sa iba ang way ko.”


“Hanggang sakayan lang naman.” Humawak siya sa braso ko at hinila ako palabas.


“Ba’t hindi mo kasabay ang boyfriend mo?”


“Hindi ko siya boyfriend, okay. Ang kulit mo.”


“Fine. Ba’t hindi mo siya kasabay?”


“May sakit siya, eh.”


“Sakit?”


“Sakit ng katamaran. Joke lang. Magkasama sila ni Pearl, eh, may—Jaylord!” Humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. May humarang kasi na tatlong lalaki sa harapan namin. Madilim pa naman sa nilalakaran namin. At walang masyadong tao.


Hinawakan ko ang braso niya. “Stay behind my back.”


“Jaylord...”


“Dyan ka lang sa likod ko.” Ito na nga ba ng sinasabi ko kaya ayokong malapit sakin si Elle. Hinarap ko ang mga lalaki. “Sino naman kayo?”


“Hindi mo ba ko natatandaan?” tanong isang lalaki.


“Hindi ko natatandaan ang mga ganyang mukha.”


“Tarantado pala ‘to, eh.” Pumorma na sila para sugurin ako.


“Jaylord...”


Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Elle sa braso ko. “Stay here, Elle.” Humakbang ako paabante.


Sumugod na ang tatlong lalaki. Sunod-sunod na sipa. Sunod-sunod na suntok. Sunod-sunod na sapak.


I grinned. “Para namang mga kagat ng langgam ang mga suntok ninyo. Tingnan ninyo nga ‘yang mukha ninyo, baka hindi na kayo makilala ng magulang ninyo.”


“Kagat ng langgam pala, hah.”


*suntok*


*sipa*


*sapak*


May ilang tumama sakin. Pero dahil lumaki akong nakikipag-basag ulo, kayang-kaya ko ang tatlong lalaki. Kung hindi lang...


“Jaylord!” Paglingon ko kay Elle. Hawak na siya ng isang lalaki. At may kutsilyong naka-umang sa leeg niya.


Napahinto ako sa pakikipagsuntukan. Nanlaki ang mata ko. “Shit!”


Ngumisi ang lalaki. “O? Ba’t ka huminto? Laban pa.” Sinenyasan niya ang dalawa niyang kasamang sugudin ako. “Gumanti ka kung gusto mong dumanak dito ang dugo ng girlfriend mo!”


Sinuntok ako ng dalawang lalaki. At sinipa.


“Jaylord! Lumaban ka nga!” sigaw ni Elle. “Wag kang magpabugbog sa mga sira ulo na ‘yan!”


Parang gusto ko siyang sigawan! How can I fight back kung alam kong mapapahamak siya? Bwisit talaga! Bwisit!


“Ano ka ngayon? Babae lang pala ang kahinaan mo, eh!” Humalakhak pa ang lalaking may hawak kay Elle.


Gago ka! Humanda ka saki—


Nanlaki ang mata ko sa nakita kong ginawa ni Elle. Kinagat lang naman niya ang braso ng lalaki at nagtatakbo palayo. Nang akmang susundan siya ng lalaki ay saka ako kumilos. “Sa’n ka pupunta hah? Sino ngayon ang duwag sating dalawa? Nagtatago ka lang naman sa saya ng babae! Gago!”


Pumorma na uli ako ng sabay-sabay silang sumugod na tatlo. Napahinto lang kami ng...


Prrrrrttttttt!


Paglingon ko, may paparating na dalawang security guard. Kasunod nila si Elle.


“Sibat na tayo mga pre!” Nagsipagtakbuhan ang tatlong lalaki. Na hinabol ng dalawang security guard.


“Mga duwag!” sigaw ko sa kanila. Kinuha ko ang bag kong hinagis ko kanina nang makalapit si Elle.


“Okay ka lang ba?”


Tiningnan ko siya ng masama. “Are you out of your mind?! Bakit mo ginawa ‘yon?! Takot ka sa multo at ahas, pero sa kutsilyo, hindi ka takot! Hindi ka ba nag-iisip?!” Inis na hinagis ko ang bag ko sa tabi ko. “Bwisit! Bwisit! Bwisit!”


“Jaylord... I’m sorry... binubugbog ka na kasi nila, eh...”


Inis na sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa nangyari. Hindi dapat nangyari ‘to, eh. Hindi dapat!


“Jay...”


Pag-lingon ko sa kaniya, nakita kong umiiyak na siya. Marahas akong napabuntong-hininga. “Bwisit talaga!” Hinila ko siya palapit sakin sabay yakap sa kaniya. “Hindi mo dapat ginawa ‘yon. Paano kung may masamang nangyari sa’yo? Anong gagawin ko? Mag-isip ka nga muna, Elle.” madiing sabi ko.


“I’m sorry... wag ka ng magalit...”


Humiwalay ako sa kaniya. Pinunasan ko ang mga luha niya. “Ayoko ng maulit to, Ellaine.” Nakapag-decide na ko.


“Anong...”


“I need to stay away from you. Again. I’m sorry.”


Three days after...


Nakatambay kami ng mga tropa ko ng makita kong palapit si Emjhay samin.


“Pare, can I talk to you?”


Hindi ko na kailangang sabihan ang mga tropa ko. Nagsipag-sibatan na sila paalis.


“Tungkol saan?”


“About Ellaine.”


“What about her?”


“Nag-away na naman ba kayo?” Nilalapitan pa rin ako ni Elle. Dumoble ang kasungitan ko sa kaniya. I have to do that. Para umiwas siya sakin. Pero sadyang makulit siya. Sobrang kulit niya.


“It’s none of your business.”


“Okay. Then can I ask you something?”


Tumango ako.


“Can I court her?”


Napalingon ako sa kaniya. Tama ba ang narinig ko? “Bakit ka ba nagpapa-alam sakin? Hindi naman ako ang tatay niya.”


“Because you’re her bestfriend.”


“I’m not her bestfriend. Kung gusto mo siyang ligawan. Bahala ka.” Tumayo ako at tinalikuran ko siya.


“Jaylord.”


Huminto ako pero hindi siya nilingon. “What?”


“You love her?”


Kumunot ang noo ko. “I want to protect her.”


“Then why are you not courting her?”


“I made a promise. And I never break one. And you,” Nilingon ko siya. “,promise me not to make her cry or I’ll break every single bones of your body.”


Ngumiti siya. “I wouldn’t.”


- E N D  O F  F L A S H  B A C K -


“You’re too harsh on her.”


Naputol sa paglalakbay ang utak ko. Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Emjhay na palapit sakin.


“I just said no.”


“But still the way you said it—”


“You heard it?”


“No. I just saw her. Crying.” Umiling siya. “You’re too rude, Jaylord. I still remember the words you said ng sabihin ko sa ’yong liligawan ko siya. Not to make her cry or you’ll break my bones if I did. I didn’t make her cry. Siya pa nga ang nagpaiyak sakin, eh. Hindi ba, binasted niya ko no’n? Ouch kaya ‘yon. ang tagal ko pang naka-move on no’n.”


Totoo ang sinabi niya. Siya rin ang nagsabi sakin na binasted siya ni Elle. “Kailan ka ba pupunta ng States?” sa halip ay tanong ko.


He smiled. “Excited ka bang mawala ako? Para masolo—”


“Just hold that thought.”


“Okay. Okay.” Natatawang tinaas niya ang kamay niya. Iniwan ko siya ng may pahabol pa siyang hirit. “Liligawan ko uli siya!” Tiningnan ko siya ng masama. “I’m just kidding! But seriously, just say what you feel! Just be youself!


“Ang dami mong alam!” Tinalikuran ko na siya.

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^