Monday, April 1, 2013

My Last Rose : Chapter 2

Chapter 2

[ ELLAINE’s POV ]

“Uy!”


Napalingon ako kay Pearl ng sikuhin niya ko. “Bakit ba?”
 

“Makatitig ka wagas.”


Ibinalik ko ang tingin ko kay Jaylord. Naglalakad siya kasama ng mga tropa niya.


Alam mo, sis, kung ngingiti lang talaga ‘tong si Jaylord. Mas lalo pa siyang ga-gwapo. Sabagay, bagay naman sa kaniya kahit hindi siya nakangiti. Kaya lang nakakatakot naman kasi siyang lapitan. Ang suplado naman kasi. Ikaw lang ata ang naglalakas-loob na lapitan siya.”


Tumayo ako. “Dito ka lang, sis.”


“Go ahead. Alam ko naman kung sa’n ang punta mo.”


Humakbang na ko pasunod kay Jaylord. Habang sinusundan ko siya, nakikita kong umiiwas ang mga students na masasalubong niya. Binilisan ko ang lakad ko. Sa gymnasium ng campus ko na sila naabutan. Bigla siyang huminto. Sinenyasan niya ang mga kasama niya na umalis muna.


“Anong kailangan mo?”


Napakamot ako ng kilay. “Alam mo agad na sinusundan kita?”


“Ano ngang kailangan mo?” Saka lang siya humarap sakin. Lihim ko siyang pinagmasdan. His hair was a messed. He’s wearing a pants and black shirt with a printed on it na hindi ko maintindihan. And a pair of sneakers.


At ang mga mata niya. Parang laging galit pero hindi naman. Sadyang matalas lang. Bagay talaga ang pangalan niya sa kaniya. Jaylord. Sino siya? Kababata ko siya. At kinakapatid ko. Ninong niya ang papa kong nasa langit na.


“Titingnan mo lang ba ko?”


“Hah?” Tumingin ako sa likuran ko.


“I’m talking to you.” Sumandal siya sa poste at humalukipkip. “May kailangan pa kong puntahan, kaya bilisan mo.”


Napakamainipin talaga! Tumikhim ako. “Three weeks from now, debu ko na.”


No reaction from him.


“I want you to be my escort.”


“Why?”


“Because you promised me.”


“When?”


“Jaylord...”


“Bakit hindi si Emjhay ang kunin mong escort? I’m sure papayag siya.”


“Pero ikaw—”


“Because I promised you? Forget that damn promise I made. Maliit pa tayo no’n.”


Nakagat ko ang labi ko. “Bakit ba ganyan ka?”


“Matagal na kong ganito.” Umayos siya ng tayo. “Yun lang ba?”


“Kung ayaw mong maging escort ko, ikaw na lang ang 18th rose ko.”
 

“Ayoko. Ang baduy.”


“Jaylord naman...”


“Wala ka ng sasabihin?”


Hindi ako sumagot kaya agad niya kong talikuran.


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. “I hate you!” Nakakainis siya! Kung ayaw mong maging escort ko at kung ayaw mong maging 18th rose ko, fine! Hindi na kita pipilitin! Hindi na kita kukulitin! Hindi na din kita lalapitan!”


Inis na tinalikuran ko siya. Hindi ko namalayang tumulo na ang luha ko.


- F L A S H  B A C K -


I was six years old ng mamatay ang papa ko. Si Jaylord ang naging bantay ko. He was only eight years old pero para na siyang matanda kung kumilos. Bata pa lang siya, siga na siya. Mahilig siyang makipag-away sa mga kapwa niya bata. Kaya madalas siyang mapagalitan ng mama niya.


Pero kahit gano’n, masaya ako dahil walang nagtatangkang mang-away sakin dahil lagi siyang naka-bantay at handang manapak sa kung sino mang magpapaiyak sakin.


Hanggang sa mag-highschool kaming dalawa. Ni wala akong naging ka-close no’n except kay Pearl. Bantay sarado kasi si Jaylord. O mas tamang sabihing, walang nagtangkang lumapit sakin dahil alam nilang kaibigan ko si Jaylord.


Hanggang sa mag-prom ako, si Jaylord ang partner ko. Wala naman akong reklamo do’n, eh. It’s fine with me. Dahil maliit pa lang kami, nangako siyang magiging escort ko sa lahat ng occasions ng buhay ko.


Ang hindi lang fine sakin ay pangti-trip niya sakin. Gusto ninyo bang isa-isahin ko?


1. Lagi niyang nilalagyan ng laruang ahas ang bag ko kahit alam niyang halos himatayin ako sa takot kapag nakakakita no’n.


2. Kapag nakakatulog ako sa bench, binubulabog niya ko at ginigising kahit alam niyang ang sarap ng tulog ko.


3. Tinatago niya ang wallet ko tuwing uuwi na ko. Aabutin tuloy ng siyam-siyam bago ako makauwi sa paghihintay sa kaniya.


4. Itinago niya ang isang sandal ko nung prom. Buong gabi tuloy na halos nakaupo lang ako. Hindi naman niya sinabing siya ang nagtago, pero sa ngisi niya. Alam kong siya ‘yon.


5. Gusto kong nakalugay ang buhok ko, pero pag nakikita niya, lagi niyang tinatali ng goma. Hindi niya ko titigilan hangga’t hindi niya natatali ang buhok ko. Ang nakakainis pa, laging nasa tuktok ang pagkakatali niya. Mukha tuloy akong ewan.


6. Sinumbong niya ko sa mama ko na ninang niya nang minsang male-late kami ng uwi ng mga classmate ko. Sinabi niyang mag-iinom lang kami. Na totoo naman. Pero bakit kailangan pa niyang ipaalam ‘yon kay mama? At lagi niyang ginagawa ‘yon! Hayyy!


At madami pang iba. Hindi ko maintindihan ang trip niya kahit matagal ko ng siyang kilala. Parang natutuwa pa siyang napeperwisyo niya ko. Ewan ko ba do’n.


Nang tanungin ko naman siya, ang sabi niya, ilista ko daw ang mga tanong ko sa papel at sasagutin niya pag 18 years old na ko. Ang tagal pa kayo no’n. Fourth year highschool pa lang ako. Second year college pa ko magdedebu. Hmm... malapit na pala. Humanda siya sa mga tanong ko. Paduduguin ko ang utak niya! Wahehe!


Pero kahit anong pangti-trip ang ginagawa niya sakin, hindi pa rin siya nawawala sa tabi ko kapag kailangan ko siya.


- -


NANG minsang makakita kami ng ahas habang pauwi kami, ang takot ko no’n. ewan ko ba, lapitin ako ng ahas, eh ayaw ko nga sa ahas. Ang higpit ng yakap ko kay Jaylord sa takot.


“Nasasakal ako, Elle.”


“Y-yung a-ahas.”


“I know.”


“A-anong gagawin n-natin?”


“Pag-iisipan ko.”


“Jaylord!”


“Huwag ka ngang sumigaw!”


“Eh kasi naman... natatakot na ko.”


“Akong bahala sa’yo. Dito ka lang.”


“H-hah? Iiwan mo k-ko?”


“Do you trust me?”


“Y-yes.”


“Then stay here. Patay sakin ‘yang ahas na ‘yan.”


Lumayo siya sakin. Habang ako, nakapikit pa rin. Hanggang sa marinig kong parang may pinapalo na kung ano. Ayoko pa ring dumilat.


“Mission accomplished. You can open your eyes now.”


Saka lang ako dumilat. “Anong ginawa mo?”


“I killed that snake.”


“W-what?! Bakit mo pinatay?” Hindi ko gustong patayin ang ahas. Mas gusto ko ngang tumakbo na lang.


“Anong gusto mong gawin ko? Hayaan kang manginig sa takot?”


Hindi ko siya maintindihan, eh. Bakit lagi niyang pinantatakot sakin ang ahas na laruan kung ayaw niya kong matakot?


“Anti-animal violence ako, eh.”


“Whatever.”


Tapos nang sumunod na makakita kami ng ahas, akala ko hahambalusin na naman niya ng dospordos. Pero hindi, hinila lang niya ang kamay ko at tumakbo.


“Bakit tayo tumakbo?”


“Wala kong dospordos. Mamaya ko na siya babalikan.”


“What?”


“Anti-animal violence ka diba? Kaya babalikan ko na lang siya kapag wala ka na.”


Hayyy... Ewan ko sa talaga kaniya.


- -


NANG minsang abutan ako ng ulan at wala akong dalang payong. Alam ninyo ang ginawa niya? Nang-agaw siya ng payong ng isang classmate kong lalaki at binigay sakin.


“Ano ka ba! Bakit mo inagaw sa kaniya? Ayoko—”


“Ang dami mong arte. Tara na nga.” Hinila na niya ko pasugod sa ulan. Ang kawawa kong classmate. Naulanan tuloy.


- -


Lagi akong nawawalan ng wallet tuwing lunch time. Hindi ko alam kung sa’n ko laging naiiwan. Si Jaylord ang nakakapagpabalik sakin no’n. Ewan ko kung sa’n niya nakikita. Ayaw naman niyang sabihin. Lagi pa niya kong sinasabihang, “Sa susunod na iwala mo uli ‘to, hindi ko na sa’yo ‘to ibabalik.” Pero lagi naman niyang binabalik sakin tuwing naiwawala ko.


- -


Kahit fourth year na ko at second year college na si Jaylord. Para pa rin siyang anino ko na sunod-sunod ng sakin. Talagang tinupad niya ang pangako niya kay papa na lagi niya kong babantayan.


Hanggang sa dumating ang araw na nagpabago ng lahat.


2011, May

Summer vacation.


Ilang linggo na lang, first year college na ko. At excited na ko. Dumaan ako sa bahay ni Jaylord para lang magulat sa eksenang madadatnan ko.


“Lumayas ka dito! Hindi ka namin kailangan!”


“Anak...” Isang lalaki ang nasa harap ni Jaylord. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya kilala.


“Hindi kita ama! Iniwan mo kami tapos ngayon, babalik ka lang bigla! Matagal ka ng patay para sakin!”


Napahawak ako sa bibig ko. Buhay pa pala ang papa ni Jaylord. Akala ko patay na dahil ‘yon ang sabi niya.


“Jaylord, sumama ka na sa kaniya. Hindi na din magtatagal ang buhay ko...”


“Hindi mama! Hindi ako sasama sa kaniya! Ayoko!”


Nakita kong napahawak ang mama ni Jaylord sa dibdib niya. Nanlaki ang mata ko ng tuluyan na siyang himatayin.


“Mama!”


“Tita!” Napatakbo ako palapit sa kanila.


After one week...

Hinanap ko si Jaylord. Katatapos lang ng libing ng mama niya. Oo. May sakit si Tita. Sakit sa puso. Hindi na niya nakayanan ang huling atake niya.


Sa isang bakanteng lote ko nakita si Jaylord. Sa gitna no’n ay may malaking puno ng mangga. Tumingala ako at nakita ko siya sa isang malaking sanga at nakaupo.


“Jaylord.” Hindi siya sumagot. Sumandal ako sa puno. “Hinahanap ka ng papa mo.”


“Wala akong ama!”


Napatingala ko sa kaniya. “Jaylord...”


“Iwan mo muna ko, Elle.”


“Ayoko.” Nang mamatay ang papa ko no’n, hindi niya ko iniwan. Bakit ko siya iiwan ngayon?


Saka lang siya napalingon sakin. Nagulat ako ng bigla siyang tumalon mula sa pagkakaupo niya sa taas ng puno.


“Ano ka ba! Nagpapakamatay ka ba?”


“Mabuti pa ngang mamatay na ko.”  Kumunot ang noo ko. Nakainom ba siya?


“Jaylord naman!”


“Totoo naman diba? Wala namang kwenta ang buhay ko! Wala na si mama! Iniwan na niya ko!” Alam ko kung ga’no niya kamahal ang mama niya kahit lagi siyang pasaway.


“Nandyan pa ang papa mo.”


“I don’t have a father eversince I was born!”


“Jaylord.”


Tinalikuran niya ko. “Iwan mo na ko, Elle.”


“Dito lang ako.”


“Iwan mo na ko!”


“Bakit mo ba ko pinagtatabuyan?”


Humarap siya sakin. “Ayaw mo no’n? Wala ng sangganong aaligid-aligid sa’yo? Yun naman ang gusto mo diba?”


“Wala kong sinabi—”


“Pero yun ang nararamdaman mo! Siguro naiinis ka na sa pagsunod-sunod ko sa’yo?”


“Hindi—”


“Iwan mo na sabi ako! Ba’t ba ang kulit mo?”


Napakislot ako sa lakas ng boses niya. “Bakit ka ba ganyan? Bakit pati ako pinagtatabuyan mo?” Naramdaman kong tutulo na ang luha ko kaya pinigilan mo ko. “Akala mo ba matutuwa si Tita sa ginagawa mo ngayon? You still have a father. You still have me, Jaylord.”


“I don’t have anyone.”


“Jaylord.” Tumulo na ang luha ko.


Tinalikuran niya ko. “Leave or I’m the one who will leave.”


“Siguro ikaw ang nagsasawang maging bantay ko? Kaya ‘yan ang way mo para palayuin ako sa’yo!”


“Tama ka. Kaya umalis ka na.”


“Fine! And I’m glad na wala nang aaligid-aligid sakin! Magagawa ko na ang mga gusto kong gawin! Magkakaro’n na ko ng iba pang kaibigan! Wala ng bubuntot sakin! Wala nang mangti-trip sakin! I hate you!” Iyon lang at nagtatakbo na ako palayo habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha ko.


Lumipas ang araw. Lumipas ang linggo. Pasukan na. First year college na ko. Still, hindi pa rin kami nagpapansinan ni Jaylord. Gustong-gusto ko na siyang lapitan. Gusto kong mag-sorry. Alam kong hindi madali ang nangyari sa kaniya. Namatay ang mama niya plus nagpakita na lang bigla ang inakalang patay na niyang papa. Sana man lang inintindi ko siya. Pero sa tuwing sinusubukan kong lumapit sa kaniya, lumalayo agad siya.


Hanggang sa makilala ko si Emjhay. Bagong lipat lang siya sa lugar namin. We became close.


At si Jaylord, we became strangers. Nagkikita kami sa campus minsan dahil pumapasok pa rin siya. Yun nga lang, puro barkada niya ang kasama niya. Nakatira pa rin siya sa bahay nila. Ayaw pa rin niyang sumama sa papa niya na madalas siyang puntahan sa bahay nila. Mayaman ang papa ni Jaylord. Pero para kay Jaylord, walang lahat ng ‘yon.


2011, November

Katatapos lang ng meeting naming nga member ng Drama Club. Nasa isang room kami sa ground floor ng building. Medyo ginabi na kami.


“Ellaine, hindi pa ba uuwi?”


“Mauna na kayo. Tatapusin ko lang ‘to.”


“Sure?”


“Oo. Pakiharangan na lang yung pinto.”


Umalis na ang mga kasama ko. Inilagay ko ang headset sa tenga ko at nag-soundtrip. Ilang saglit lang nang bigla kong matabig ang bag ko na nasa ibabaw ng mesa. Lumuhod ako sa sahig at kinuha ang mga gamit kong lumabas sa bag ko. Napahinto ako ng makita ko ang isang picture na nahulog sa notebook ko. Kinuha ko ‘yon at tiningnan. Ako at si Jaylord ang nasa picture. Kuha namin nung JS Prom ko. Tuluyan na kong umupo sa sahig at tinitigan ang picture naming dalawa.


“Jaylord...” Namimiss ko na siya. Kahit nakikita ko naman siya mula sa malayo, iba pa rin kapag kasama ko siya. Hanggang kailan niya ba ko iiwasan? Inis na pinahid ko ang luha ko ng tumulo ‘yon. Namimiss ko na talaga siya.


Ilang saglit pa ang pinalipas ko bago ako tumayo ako. “Makauwi na nga. Nagsesenti lang naman ako dito.” Kinuha ko ang bag ko ng marinig kong magsara ang pinto. “Shit!” Patakbo akong lumapit sa pintuan. At ang nakakabwisit, hindi ko ‘yon mabuksan. Sira kasi ang lock no’n kaya hinaharangan namin ng upuan tuwing nandito kami. May upuan na harang nga, pero mukhang hindi nailagay ng maayos ‘yon kanina.  

“Bwisit!”


“Saklolo!” Pero wala namang magagawa ang sigaw ko dahil walang makakarinig sakin. “Pa’no ‘yan?” Kinuha ko ang phone ko at idi-nial ang number ni Emjhay na agad naman niyang sinagot.


“Emjhay!”


“Bakit parang—”


“Nasa’n ka? Pwede bang puntahan mo ko dito sa school? Na-trapped ako dito—“ Biglang namatay ang phone ko. OMG! Paano ‘to?

= = =

3 comments:

  1. ((Ang ganda ng new blog niyo))

    ((Bonus pa dahil may bagong finished story))

    ReplyDelete
  2. taWa aq ng tAwa s mgA pinAggagwA noOn ni jLoRd,,, yAn nMan po aNg nickName q skNya,,, pEro ang sWeeT kyA nuNg tinAtaLiaN nia ng goMa aNg buHok ni eLL n nAgmuMukhA diNg ewAn,,, hwAheHe,,,


    pEro prAng mAs beT q c em prA kEi eLL kSi buKod s niCe xAh, prAng mAs pOgi LnG tLga aNg mAkukuLit s imGinatiOns q,,, hwaHehE,,,


    neXt chpTEr n aq,,,

    ReplyDelete
  3. pag ganito kakulit ang bestfriend kong guy sakin.. naku,mahahambalusan ko siya ng oras-oras! hahaha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^