Monday, April 1, 2013

My Last Rose : Chapter 3


Chapter 3
[ ELLAINE’s POV ]

Continuation of flashback...

 “Ano ba ‘yan! Bakit ngayon ka pa na-lowbat? Bwisit kang phone ka!” Hindi ko pang nasasabi kay Emjhay kung nasa’n ako, eh! Inis na sinipa ko ang pintuan. I sighed. “Paano ako makakauwi nito?”


Sana naman na-gets ni Emjhay ang sinabi ko. Sana naman. Hindi ko kayang matulog dito sa kwartong ‘to. Inilibot ko ang tingin sa paligid ko. Nang marinig kong lumangitngit ang cabinet na nasa kaliwa ko. Nanlaki ang mata ko. “Ano ‘yon? Totoo atang may multo dito!” Sa takot ko, mabilis akong gumapang sa sahig at nagtago sa ilalim ng mesa.


Narinig kong bumukas ang cabinet. Kasabay no’n ay may yabag din akong narinig. Oh my God! Oh my God! Tinakpan ko ang tenga ko at namaluktot. Hanggang sa maramdaman kong nasa malapit ko lang ang yabag. Mas lalo akong sumiksik sa gilid ng mesa habang mariing nakapikit ang mga mata ko.


“Hey.”


“Wag po, please...wag ninyo po kong multuhin...” Nanginginig na ko sa takot. Naiiyak na rin ako. Naramdaman kong may yumugyog sa balikat ko. “Wag sabi...”


“Ano ba!”


Ang boses na ‘yon! Hindi ko makakalimutan ang boses na ‘yon! Inangat ko agad ang tingin ko. Isang lalaking walang kangiti-ngiti ang nakita kong nakayuko sa tabi ng mesa habang nakatingin sakin. “Jaylord... nandito ka...” Sa sobrang takot, kaba at tuwa na naramdaman ko pati ang ilang buwan na hindi ko siya nakasama, pati ang pagka-miss na naramdaman ko, napayakap ako sa kaniya. Tuluyan na kong napaiyak. “Akala ko may multo... natakot ako...”


Wala kong narinig na kahit ano mula sa kaniya. Ni hindi siya nagsalita. Pero hindi ko na ‘yon pinansin. Dahil parang gripo ang luha ko na ayaw magpa-ampat.


“Walang multo. It’s just me.” Hanggang sa maramdaman ko ang mga kamay niya sa beywang ko. Hinila niya ko paalis sa ilalim ng mesa habang para akong tukong nakayakap sa leeg niya habang ngumangawa.


Nakaupo pa rin kami sa sahig. Nang parang tatanggalin niya ang kamay ko sa leeg niya, mas lalo ko ‘yong hinigpitan. “Wag kang lalayo!” Baka iwan na naman niya ko, eh.


“Nabibingi ako sa’yo. Nasasakal ako sa’yo.”


“H-hindi na ko iiyak.” Paunti-unting tumahan ako hanggang sa pasigok-sigok na lang. Pero hindi pa rin ako lumayo sa kaniya. Nakayakap pa rin ako sa leeg niya. Baka kasi tumakas siya. Ito na ang pagkakataon kong makausap siya at makapag-sorry sa kaniya. Nang kami lang. Nang walang asungot na mga alipores niya. “I’m sorry, Jaylord.” Hindi siya sumagot. “I’m sorry sa sinabi ko sa’yo no’n. Nainis lang ako dahil pati ako pinagtatabuyan mo. Pero mas naiinis ako sa sarili ko. Dapat inintindi kita no’n. I’m so sorry.”


“Hindi mo ko kailangang intindihin.”


“Pero bestfriend ki—”


“Hindi kita bestfriend.”


Saglit akong napangiti. Tuwing sinasabi kong bestfriend ko siya, ‘yan ang sinasabi niya.  “Am I forgiven?”


“Why should I?”


Nakagat ko ang labi ko. “Talagang galit ka sakin?”


“Am I?”


“Ilang buwan mo kong hindi pinansin. Ilang buwan mo kong iniiwasan tuwing lalapit ako sa’yo.”


“I have to.”


“Why? Dahil nagalit ka sakin?”


“Hindi nga! Bakit ba ang kulit mo? Kailan ba ko nagalit sa’yo? At kung ano man ang dahilan ng pag-iwas ko sa’yo, akin na lang ‘yon.”


Napangiti ako. Humigpit ang yakap ko sa kaniya. “Namiss ko ang kasungitan mo.”


Naramdaman kong huminga siya ng malalim. “We have to get out of here.”


Napatingala ako sa kaniya. “Teka, ano nga palang ginagawa mo dito?”


“Nakatulog ako sa cabinet.”


“Hah?”


Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Hindi ko agad nahulaan ang gagawin niya dahil sinipa na lang niya bigla ang pintuan. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig. “Anong ginagawa mo?” Sa sunod-sunod na pagsipa niya, bumukas ang pintuan at natanggal sa pagkakakabit. Luma na kasi ang kwartong ‘to kaya luma na rin ang mga gamit.


“Aalis sa bulok na kwarto na ‘to.” Nilingon niya ko. “Tara na.”


“Pagagalitan ka sa ginawa mo. You just—”


“Kasalanan ng school na ‘to. Kung pinaayos nila ‘tong pintuan edi hindi ko ‘to sisirain. Sisihin mo sila.” Napasunod na lang ako sa kaniya ng lumabas siya ng kwarto.


Napalingon na lang ako sa kawawang pintuan habang nakasunod sa nauunang si Jaylord. For sure, magugulat ang sino mang makakakita no’n tomorrow. Baka isipin pang nanakawan ang kwarto. Medyo malayo na ang nalakad namin ng mapahinto ako. Hindi ko kasi dala ang bag ko. “Yung bag ko, naiwan ko.”


“Ako na.” Bumalik siya at naiwan ako. Napangiti ako.


“Ellaine!”


Napalingon ako sa tumawag sakin. Nakita ko si Emjhay na palapit sakin. Tumatakbo pa nga siya. Niyakap agad niya ko ng makalapit siya. “N-nakita din kita.”


“Emjhay.”


“Alam mo bang halos libutin ko ‘tong buong campus para mahanap ka?” Hinihingal siya. Ramdam ko din ang bilis ng tibok ng puso niya. “Akala ko kung sa’n ka na na-trapped. Lalo na ng hindi na kita ma-contact. I’m so worried na kung ano nang nangyari sa’yo.”


“Sorry. Nalowbat kasi ako kanina kaya hindi ko nasabi kung nasa’n ako. Pero okay na ko.”


Humiwalay siya sakin. He looked so worried. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Ganito nag-alala. Ganito kaseryoso. Hinaplos niya ang pisngi ko. “I’m glad you’re okay.” Niyakap uli niya ko.


“Thank you, Emjhay. I’m sorry kung pinag-alala kita.”


“Ano ba kasing nangyari sa’yo?”


Humiwalay ako sa kaniya. “Na-trapped ako sa kwarto.”


“How did you get out?”


Si Jaylord! Lumingon ako sa likuran ko. At nakita ko si Jaylord na nakatayo hawak ang bag ko. Kanina pa ba siya? Hindi ko alam pero the way he looked at me, at us, parang may ginawa akong kasalanan.


“Siya ba ang tumulong sa’yo?” tanong ni Emjhay sakin.


Hindi ko inalis ang tingin ko kay Jaylord. “Oo.” Hindi ko na nagawang magpaliwanag dahil lumapit na rin si Jaylord samin.


“Your bag.” Inabot ko ang bag ko.


“Thank you.” I cleared my throat. “By the way, this is Emjhay. Taga satin din siya.”


“I know.”


Kumunot ang noo ko. “Talaga?”


Hindi siya sumagot. Tinanguan lang niya sa Emjhay. “I have to go.”


“Sumabay ka na samin.”


“Kay Daddy na ko nakatira.”


Nagulat ako. “Talaga? Okay na kayo? Mabuti naman. Kaya pala hindi na kita nakikita satin. Kailan ka pa tumira sa kaniya?”


“You better go home.” Wala man lang siyang sinagot sa mga tanong ko. Oo nga pala. Siguro naiilang siyang magkwento dahil kasama namin si Emjhay.


Hinawakan ni Emjhay ang braso ko. “Let’s go, Ellaine. Baka hinahanap ka na ng mama mo. Thanks, pare.”


“No need to thank me. Wala kong ginawa. Gotta go.” Iyon lang at nauna na siya samin. Hinabol ko na lang siya ng tingin. Hindi ko alam, pero naramdaman kong parang ang layo-layo pa rin niya sakin. Nagkausap nga kami, pero parang may nagbago na. Parang gustong-gusto ko siyang sundan ngayon.


“Okay na kayo ng kababata mo?” tanong ni Emjhay.


“Oo.” Gusto ko siyang habulin ngayon. “Wait lang, ah. May sasabihin lang ako sa kaniya.” Hinabol ko si Jaylord. “Jaylord!” Huminto siya at nilingon ako.


“Bakit?”


Habang nakatitig ako sa kaniya, sa mukha niya. Sa mukha niyang walang kangiti-ngiti. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.


“Elle.”


Tinawag niya ko sa pangalang ‘Elle’, ang pet name niya sakin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya.


“Ano bang problema?”


“Wala. I just miss you. So much.”


Hindi siya sumagot. Hanggang sa maramdaman ko na lang na niyakap niya din ako. I smiled.


“Bati na tayo? Okay na tayo? Hindi mo na ko iiwasan?”


Hindi siya sumagot.


“Jaylord. Okay na tayo diba?” pangungulit ko.


Naramdaman kong huminga siya ng malalim bago sumagot. “Y-es.”


I smiled.


- E N D  O F  F L A S H  B A C K -


But that ‘yes’ was just a lie. Bati na nga kami. Okay na nga kami. Nakakausap ko siya, oo. Nalalapitan ko siya, oo. Pero ilang araw lang ang lumipas ng may mangyaring hindi inaasahan. Simula no’n, mas lalo siyang naging masungit. Para siyang tigreng handang manakmal sa mga taong mangungulit sa kaniya. Kulang na nga lang, ipagtabuyan niya ko. Pero ako ‘tong si makulit, paulit-ulit na lumalapit. Ayoko na kasing mangyari ang ilang buwan na ‘yon na hindi kami nagkausap, hindi nagkasama.


Pero ngayong tahasang tinanggihan niya na maging escort ko siya sa debu ko gaya ng pinangako niya nung maliit pa kami, maski ang maging 18th rose ko. It hurts. It really hurts.


= = = = = = = =


[ JAYLORD’s POV ]


“I hate you! Kung ayaw mong maging escort ko at kung ayaw mong maging 18th rose ko, fine! Hindi na kita pipilitin! Hindi na kita kukulitin! Hindi na din kita lalapitan!”


Napahinto ako napalingon kay Ellaine dahil sa sinabi niya. Nakita kong tumatakbo na siya. Napailing ako. “Ayan na naman siya sa ‘I hate you’ niya.”


Kailan niya ba ko huling sinabihan no’n? Ah!


- F L A S H  B A C K -


2011, May

Summer vacation.


May isang pangyayaring hindi ko inaasahan. Bigla na lang sumulpot sa bahay ang isang taong alam kong patay na. Dahil ‘yon ang sabi sakin ni mama. Siya daw ang papa ko. Ni hindi ko alam ang itsura ni papa dahil walang picture si mama. Nagtataka nga ako pero hindi ko na tinanong si mama.


At ngayong sumulpot siya sa buhay namin. Isa lang ang nasa isip ko. Kaya siguro napilitan si mama na sabihin na patay na siya dahil iniwan niya kami.


“Lumayas ka dito! Hindi ka namin kailangan!” Ayoko siyang makita. Lalo na ng malaman kong kukunin niya ko! Hell no!


“Anak...”


“Hindi kita ama! Iniwan mo kami tapos ngayon, babalik ka lang bigla! Matagal ka ng patay para sakin!”


“Jaylord, sumama ka na sa kaniya. Hindi na din magtatagal ang buhay ko...” Napalingon ako sa mama ko. Isipin pa lang na mawawala siya sakin, hindi ko kaya. I love her so much. Kahit pasaway akong anak. Hindi ko pa rin pinapabayaan ang pag-aaral ko. Because of her. Dahil gusto niyang magtapos ako. Yun ang pangako ko sa kaniya.


“Hindi mama! Hindi ako sasama sa kaniya! Ayoko!”


Nakita kong napahawak si mama sa dibdib niya. Nanlaki ang mata ko. “Mama!”


One week later…


Nakaupo ako sa mataas na sanga ng puno ng mangga sa bakanteng lote na tambayan namin ni Ellaine. Katatapos lang ng libing ni mama. May sakit siya sa puso. Aware naman ako do’n. Kaya nga simula ng mag-highschool ako, iniiwasan ko ng makipag-away. Minsan lang. Hindi ko na lang pinapa-alam kay mama.


Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang wala na siya. Pinilit kong maging matatag. Pero ngayon...


“Jaylord.” Hindi ko na kailangang lingunin kung sino ‘yon. I know it’s her. Si Ellaine. Ang kababata ko at ang... I sighed.  “Hinahanap ka ng papa mo.”


“Wala akong ama!” Siya ang may kasalanan nito! Kung hindi siya dumating ng araw na ‘yon, hindi mawawala sakin ang mama ko!


“Jaylord...”


Huminga ako ng malalim. “Iwan mo muna ko, Elle.”


“Ayoko.”


Napailing ako. Ang kulit talaga niya! Tumalon ako sa baba mula sa sanga na kinauupuan ko.


“Ano ka ba! Nagpapakamatay ka ba?”


“Mabuti pa ngang mamatay na ko.”


“Jaylord naman!”


“Totoo naman diba? Wala namang kwenta ang buhay ko! Wala na si mama! Iniwan na niya ko!”


“Nandyan pa ang papa mo.”


“I don’t have a father eversince I was born!”


“Jaylord.”


Tinalikuran ko siya. Unti-unti ng nag si-sink-in sakin ang sakit. At ayokong makita niya na nasasaktan ako. Hindi ako ‘to. “Iwan mo na ko, Elle.”


“Dito lang ako.”


“Iwan mo na ko!”


“Bakit mo ba ko pinagtatabuyan?”


Humarap ako sa kaniya. “Ayaw mo no’n? Wala ng sangganong aaligid-aligid sa’yo? Yun naman ang gusto mo diba?”


“Wala kong sinabi—”


“Pero yun ang nararamdaman mo! Siguro naiinis ka na sa pagsunod-sunod ko sa’yo?”


“Hindi—”


“Iwan mo na sabi ako! Ba’t ba ang kulit mo?”


“Bakit ka ba ganyan? Bakit pati ako pinagtatabuyan mo? Akala mo ba matutuwa si Tita sa ginagawa mo ngayon? You still have a father. You still have me, Jaylord. Kaibigan mo ko.”


“I don’t have anyone.” I lied. She’s right. I still have her. Only as friend. At yun ang masakit. Mas nakadagdag sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Knowing that she’s just my friend.


“Jaylord.” Nakita kong tumulo na ang luha niya.


Tinalikuran ko agad siya. Ayokong makita siyang umiiyak. “Leave or I’m the one who will leave.”


“Siguro ikaw ang nagsasawang maging bantay ko? Kaya ‘yan ang way mo para palayuin ako sa’yo!”


“Tama ka.” No. “Kaya umalis ka na.” Sa ngayon.


Ayokong makita niya kong ganito. Alam kong hindi siya sanay na makita akong ganito. I’m the one who should protect her, not the other way around. Just like the promised I made when we were still young. But how can I protect her kung ganito ako?


“Fine! And I’m glad na wala nang aaligid-aligid sakin! Magagawa ko na ang mga gusto kong gawin! Magkakaro’n na ko ng iba pang kaibigan! Wala ng bubuntot sakin! Wala nang mangti-trip sakin! I hate you!”


She hates me now.


Kahit kailan ka talaga, Jaylord! You still don’t know how to say the right words. Lagi kang palpak. Ayan tuloy, she hates you na daw! [other self]


Napalingon ako kay Ellaine. Wala na siya. And I feel empty.


Mabuti na nga siguro ang ganito. Ganitong magulo ang isip at buhay ko. Ngayong nawala na ang mama ko, parang kalahati ng pagkatao ko ang nawala. I need to find myself. Pero sa’n ako magsisimula?

= = =

1 comment:

  1. NaKu, dHiL s pOv ni jLOrd nafifEeL q nAnG bkA cLa ngA ni eLL,,, pAno n c eM,,, kaHit n aaLis n xAh ppuntAng stAtes guSto q cLa,,, obVious biAs n c eM eE,,,


    pRo kUng c jLoRd n tLgA,,, cgE aq n LnG ssALo kEi eM,,, hwAhehE,,, LaNdi modE LnG,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^