Monday, April 1, 2013

My Last Rose : Final Chapter

Final Chapter

[ ELLAINE’s POV ]

A/N : I was listening to this song while writing this chappy. Play it para mas feel ninyo. :)))
 

CREDIT: AnthemLights

Ang boses na ‘yon! Kasabay ng pag-tingala ko sa puno ng mangga, biglang nagliwanag ‘yon. Hindi ang puno, pero ang mga Christmas light na nakapalibot  do’n. Pero hindi siya yung Christmas lights na makulay. Color blue ang liwanag na nakikita ko. Puro blue. At ang ganda! Hindi lang ‘yon. May tatlong Chinese lantern na nakasabit din sa puno ang nagliwanag.





At dahil maliwanag na ang puno, I saw him! Prente siyang nakaupo sa sanga ng puno.


“Wazzup!”


“Jaylord? Anong...paanong...” Ginawa niya ba ‘to para sakin? Para naman akong maiiyak nito. Yung feeling na tinanggihan niya kong maging escort siya at maging last rose ko ngayong debu ko, tapos...tapos...eto ang makikita ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ginawa ba talaga niya ‘to?


“Hey! Natulala ka na dyan.”


“Kasi naman... hindi ko alam ang sasabihin ko...”


“Then why don’t you start to ask me.”


Kumunot ang noo ko. “Ask you what?”


“The paper you’re holding. ‘Yan yung mga tanong mo na gusto mong sagutin ko sa araw na ‘to diba?”


Nagulat ako. “You still remember that?” Hindi siya sumagot. Binuklat ko ang papel na hawak ko. Nanlaki ang mata ko. Eto nga yung papel kung sa’n nakasulat ang mga tanong ko para sa kaniya. Pero tinapon ko na ‘to, eh. Tinapon ko na ‘to the day na tanggihan niyang maging escort ko siya.


Napatingin ako sa kaniya. “Paano mong nalaman na ito ‘yon?”


“Someone told me. Don’t worry, hindi nila sakin pinabasa ‘yan.” Nila? It means, nila Pearl at Emjhay? Paano nila nakuha ‘to? “So why don’t you start to ask me now? Mukha marami ‘yan.” Tiningnan niya ang relo niya. “Before your birthday ends.”


Tiningnan ko ang papel na hawak ko. I cleared my throat. “Why did you always put a toy snake in my bag? Alam mo namang takot na takot ako do’n.”


“Because you’re scared, I have the reason to hugged you.”


Napatingin ako sa kaniya dahil sa sagot niya.


“Wag kang titingin. Tumingin ka pa, hindi ko na sasagutin ‘yan.”


Binalik ko agad ang tingin ko sa papel na hawak ko. I cleared my throat. “Bakit lagi mo kong ginigising no’n kapag nakakatulog ako sa bench?”


“First, Because I didn’t want others to see how you looked while you’re sleeping. Madamot ako, eh. Second, Gusto kong ako ang unang makita mo pagdilat ng mata mo.”


What? Tama ba ang narinig ko?


“Can you make it faster? Anong petsa na!”


Fine! Ang sungit pa rin!


“Bakit lagi mong tinatali ang buhok ko no’n?”


“Because I want to see your face clearly na walang nakaharang.”


“Bakit lagi mong tinatago ang wallet ko no’n? Hindi tuloy ako makauwi agad.”


“Dahil gusto kitang kasabay. Ayaw kong mapahamak ka habang umuuwi ka.”


“Bakit sinusumbong mo ko kay mama no’n kapag natunugan mong mag-iinom kami ng mga classmate ko?”


“Because I didn’t want you to get drunk. Hindi mo ako kasama. May mga lalaki kang kasama. Ayokong mapahamak ka.”


“Bakit mo tinago yung sandals ko nung prom? Hindi lang nung prom. Kapag trip mo, itatago mo no’n. Alam kong ikaw ‘yon kaya wag kang mag-deny.”


“Because I had the reason to carry you and be close to you.”


“Bakit lagi kang nakabantay sakin?”


“Aside from the promise I made. I really want to.”


“Bakit ayaw mo kong mapalapit sa ibang lalaki?”


“Gusto ko ako lang.”


Ano ba ‘tong mga sagot niya? Hindi ko na pinagpatuloy ang pagtatanong ng mga tanong na sinulat ko.


“What? Tapos na? Yun lang ‘yon?”


“No.” Tiningnan ko siya. Ayoko kong umasa sa mga sagot niya, pero kasi... bakit parang sinasabi niyang... “Kung ayaw mo kong mapalapit sa ibang lalaki? Bakit hinayaan mo kong mapalapit kay Emjhay?”


“Because I saw how can he make you smile. And I know that he can protect you. I saw it. I know that you’re not aware of it. Pero nagkalayo man tayo ng mga panahong dumating siya sa buhay mo, nakabantay pa rin ako sa’yo. Hindi ko lang talaga mapigilang mag-alala sa’yo. It’s just that myself was programmed to protect you.”


Binabantayan pa rin niya ko no’n? All I thought before, galit siya sakin no’n. Na wala na siyang pakialam sakin. Kinagat ko ang labi ko para mapigilang maiyak. Nakakainis naman kasi ‘tong background music na ‘to, eh. Sumasabay pa sa nararamdaman ko.  “Pero bakit mo ko iniiwasan kung gusto mo naman pala kong protektahan?”


“Because I wanted to protect you. Ayokong mapahamak ka once na mapalapit sakin. By that time, mainit ang grupo sa mga kaaway namin. To the point na nandadamay sila ng ibang malalapit samin. Remember what happened to us nang maging okay na tayo. Yun ang ayaw kong mangyari pero nangyari.”


“Kaya ba iniwasan mo na naman ako after that incident?”


“Yes. Pero ang kulit mo. Lapit ka pa rin ng lapit kahit anong pagsusungit ko sa’yo.”


Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuluyan na kong napaiyak.


“Elle...”


“Because I love you!” sigaw ko sa kaniya. “Ayoko ng maramdaman ang naramdaman ko ng mga panahong iniiwasan mo ko! Ayoko nang pakiramdam na ‘yon! Yung feeling na ang layo-layo mo sakin kahit abot-tanaw lang kita. Kaya kahit anong sungit mo, hindi ko pinapansin.” Nakita ko siyang bumaba ng puno at lumapit sakin. “Pero nang tanggihan mong maging escort kita, na maging last rose kita. It really hurts me! It’s not because you promise me, but because I really want you to be my escort. Alam mo namang napaka-espesyal ng araw na ‘to sakin diba? And you are special to me! Pero anong ginawa mo?!”


“You love me?” Nasa harap ko na siya.


“Yes. I realized that ng maging okay na tayo. Nang habulin kita. Kaya pala okay lang sakin na lagi kang nandyan, na lagi mo kong binabantayan. To the point na ikaw lang ang lagi kong kasama no’n. Because I—” Niyakap niya ko. “...i love you. Kaya hindi ko sinagot si Emjhay no’n because of you...” Mas lalong humigpit ang yakap niya sakin. “May itatanong pa ko...”


“Go on.”


“B-bakit ayaw mo kong maging bestfriend?”


Humiwalay siya sakin. He looked at me. “Because I want you to be my girlfriend, Elle.”


I smiled. While crying. “Nakakainis ka talaga!”


He smiled. “I know. And I love you, too.” Pinunasan niya ang luha ko.


“Susungitan mo pa rin ba ko?”


“A bit.”


“Naman, eh...”


“Pero hindi na kita iiwasan. May girlfriend bang iniiwasan?”


“You’re still not my boyfriend.”


“But you just said you love me.”


I pouted. “Hindi mo man lang ba ko liligawan?”


“Uso pa ba ‘yon?”


Tiningnan ko siya ng masama.


He smiled. “Of course, I will.”


Hinawakan ko ang gilid ng labi niya. “Namiss ko ang ngiti mo.”


“Then I will always smile for you. Just for you.” Nilingon niya ang paligid. “Nagustuhan mo ba? Pinaghirapan ko ‘to.”


“Super gustong-gusto. I’m so tounched! You know what, parang pamilyar sakin ang ginawa mo ngayon. Oo nga. Tama! Ito ‘yon! Naalala mo pa ‘yon?”


“Of course.”


“Kaya ba tinanggihan mo din na maging escort kita?”


Napakamot siya ng ulo. “A promise is a promise.” Hinaplos niya ang pisngi ko. “I’m sorry for being rude to you nang tanggihan kita. Dakila ka rin kasing makulit, eh. Alam kong hindi mo ko titigilan. Medyo napasobra nga lang.”


“Sumobra kamo. Forget that damn promise daw. Ang baduy daw. Nakakainis ka!”


“Sorry na nga, eh. You know I always keep my promise.” May kung anong inilabas siya sa likuran niya. It was a long stem red rose. “Your last rose.”


Nakangiting inabot ko ‘yon. “Yes, my last rose.”


= = =


Patakbong lumapit ang isang batang lalaki sa isang bakanteng lote. Dahan-dahan siyang lumapit sa gilid ng puno ng mangga. “Bulaga!”


Lumingon sa kaniya ang batang babaeng nakaupo at nakasandal sa puno. Umiiyak ang batang babae.


“Bakit ka na naman umiiyak? May umaway ba sa’yo? Ituro mo sakin at babanatan ko!”


Umiling ang batang babae. Umupo ng pa-indian seat sa harap niya ang batang lalaki. “Walang umaway sakin.”


“Eh, ano?”


“Birthday ni papa ngayon. Namimiss ko lang siya.” Nagsimula na namang umiyak ang batang babae.


Nakatingin lang ang batang lalaki sa kaniya. Maya-maya. “Tumahan ka na. Ayaw ng papa mong umiiyak ka diba? Alam mo bang nakikita ka niya ngayon?”


Unti-unting tumahan ang batang babae. “Nakikita ako ni papa?”


“Oo naman.” Itinuro ng batang lalaki ang langit. “Nakasilip siya sa langit.”


Tumingala ang batang babae sa langit. “Hindi ko siya makita.”


“Nakasilip siya kaya hindi mo siya makikita. At malulungkot siya kapag nakita ka niyang umiiyak. Gusto mo ba ‘yon?”


“Ayaw.”


“Kaya tumahan ka na.” Pinunasan ng batang lalaki ang mukha ng batang babae gamit ang damit niya.


“Ano ‘yan?” tanong ng batang babae sabay turo sa bibig ng batang lalaki. “Nakipag-away ka na naman?”


“Hindi naman masakit. Parang kagat lang ng langgam.”


Sinundot ng batang babae ang bibig ng batang lalaki.


“Aray!”


“Sabi mo hindi masakit?”


“Hindi naman talaga.”


“Bakit ka umaray?”


“Joke lang ‘yon. Naniwala ka naman.”


“Bakit ka ba kasi nakikipag-away?”


“Dahil inaaway nila ko.”


“Paano kung hindi ka nila aawayin?”


“Aawayin ko pa rin sila.”


“Hah? Bakit naman?”


“Dahil salbahe sila.”


“Salbahe?”


“Dahil inaaway ka nila.” Itinaas ng batang lalaki ng kanang kamay niya. “Simula ngayon, walang pwedeng umaway sa’yo. Ako ang bantay mo. Pangako ‘yan.”


“Talaga?”


“Oo. Ang umaway sa’yo, lagot sakin! Bugbog sila sakin!”


“Hindi mo naman kailangang manuntok, eh.”


“Ah, basta! Wag ka ng kumontra!”


Ngumiti ang batang babae.


“Diba birthday mo bukas?” tanong ng batang lalaki.


“Sinong nagsabi?”


“Si mama.”


“Oo. Birthday ko bukas. Magkasunod kami ni papa.”


“Maghahanda ka?”


“Oo. Punta ka, hah.”


“Oo naman. Ako ang escort mo no’n.”


“Escort? Ba’t kailangan ko ng escort sa birthday ko?”


“Gusto ko, eh. At sa susunod na mga birthday mo, ako ang escort mo dapat.”


“Hanggang ilang birthday ko?”


“Habang buhay.”


“Habang buhay? Ang tagal naman no’n.”


“Ayaw mo ata, eh.”


“Sige. Payag na ko. Escort kita habang buhay.”


“Kasabay mo palang may birthday yung kapitbahay namin. Ang sabi ni mama, debu daw. Nag-aayos nga sila, eh. May mga bulaklak pa. Ang baduy nga!”


“Debu? Talaga? Gusto ko din no’n paglaki ko.”


“Kailan ba ‘yon?”


“Ang sabi ng mama ko, pag eighteen na daw ako. Katulad din sa debu ng pinsan ko, yung may gown tapos may mga bisita. Tapos may mga eighteen.”


“Hmp! Ang tagal pa.”


“Basta gusto ko dito ganapin ang debu ko.”


“Dito sa tambayan natin?”


“Oo.” Tumayo ang batang babae. “Gusto ko maraming-maraming bulaklak dito. Yung rose. Tapos color white at red. Tapos etong punong ‘to, may mga Christmas lights, yung blue tapos may lantern na nakasabit. Napanood ko ‘yon sa tv, eh.” Nakikinig lang ang batang lalaki sa kaniya. “Ang ganda no’n. Tapos may fireworks!”


“Eh, paano yung mga bisita mo?”


“Hmm…”


“Hindi sila kasya dito.”


“Edi solo ko lang ‘to.”


“Ikaw lang? Ang pangit naman.”


“Edi kasama kita. Sabi mo ikaw ang escort ko.”


“Eh, paano kung katulad sa pinsan mo ang gawin ng mama mo sa debu mo?”


“Oo nga noh?” Umupo uli ang batang babae. “Anong gagawin ko?”


“Edi yung gusto ng mama mo.”


“Gusto ko dito, eh.”


Saglit na tumahimik ang batang lalaki bago nagsalita. “Ganito na lang. Sundin mo yung gusto ng mama mo, tapos akong bahala sa gusto mo.”


“Paano mo gagawin ‘yon?”


“Basta. Matagal pa ‘yon.”


“Talaga? Gusto ikaw din ang escort ko sa debu ko, ah.”


“Oo naman. Pero dito mo ko escort. Hindi sa gusto ng mama mo.”


“Promise ‘yan?”


“Promise.”


“Gusto ko ikaw din ang eighteen rose ko.”


“Eighteen rose? Nineteen ‘yon.”


“Kaya nga eighteen, eh kasi eighteen na ako no’n.”


“Hindi ba nineteen?”


“Eighteen ‘yon!”


“Ah, Basta! Ako ang huli.” Tumingala ang batang lalaki. “Ang sabi ni papa mo pwede ka na daw ligawan kapag eighteen ka na.”


“Kailan niya sinabi?”


“Hmm...hindi ko matandaan.” Inisip ng batang lalaki kung kailan. “Basta sinabi niya ‘yon. Kaya liligawan kita pag eighteen ka na. Nagpaalam na ko sa papa mo, pinayagan niya ko.” Hindi sumagot ang batang babae kaya nilingon siya ng batang lalaki. Wala na sa tabi niya ang batang babae.


“Uy! Elle! Hindi ka naman nakikinig, eh.”


“Shhh...nanghuhuli ako ng tutubi.”


= = =


“Kailan mo ko sisimulang ligawan?” tanong niya kay Jaylord habang nagsasayaw sila in slow dance sa gitna ng mga maraming petals na inaapakan nila.


“Ngayon na. Eighteen ka na, eh.” I smiled. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Lagi na kita mahahawakan ng ganito kalapit.”


“Hindi yung lalagyan mo pa ng laruan ahas yung bag ko.”


Napakamot siya ng ulo. “And speaking of malapit,” Sumeryoso ang mukha niya. “I need to teach you some self defense.”


Hindi na ko nagtanong kung para sa’n ‘yon. “Sure.”


“I promise that I will protect you pero na-realize ko ding hindi naman sa lahat ng oras mapo-protektahan kita. You have your own life. I have my own. Hindi sa lahat ng oras lagi kitang kasama. But I will assure you na darating ako kapag kailangan mo ko.”


“Promise?”


“You know I always keep my promise. Just like what I told you, I was programmed to protect you.”


Sabay pa kaming napatingin sa langit ng may marinig akong fireworks. Parang sa clubhouse nanggaling ‘yon.


“Ang ganda!”


“Happy birthday, Elle.”


Nakangiting nilingon ko si Jaylord. Nagulat pa ko na ang lapit na ng mukha niya sakin. Napalunok ako.


“Elle...” I closed my eyes. I thought he’s going to kiss me. Syempre sa lips ang tinutukoy ko. Pero hindi. Sa noo ko naglanding ang halik niya. “I...”


He kissed my eyes. “Love...”


He kissed my nose. “You...”


I opened my eyes. He touched my lips. “Saka na dito. Kapag sinagot mo na ko. Kaya kung ako sa’yo, sagutin mo na ko.” He grinned.


I matched his grin. “Okay lang. Pahihirapan muna kita bago kita sagutin. Gaganti ako sa mga kasungitan mo.”


Nawala ang ngisi niya. “Seryoso ka?”


Ang lakas ng tawa ko sa itsura niya.


“Elle naman!”


“Jaylord naman!” panggagaya ko sa kaniya.


He smiled. “Birthday mo ngayon kaya pagbibigyan kita.” He cupped my face with his two hands. “Happy birthday, Elle.” Tiningnan niya ang relo niya. “For the last one minute.”


I smiled. “Thank you for making my birthday so very special ‘till the last minute.”


He kissed my forehead and whispered. “And I promise to make every minute of your life more special.”

9 comments:

  1. ((I was busy reading from the first chapter))

    ((Ngayon na lang tuloy ako nagcomment))

    ((Sobrang ganda ng story))

    ((Wish it was longer though)))

    ((But still its two thumbs up))

    ReplyDelete
  2. Sana may story din si Emjhay :((

    ReplyDelete
    Replies
    1. uu ngA,,, gWa tAu pEtitiOn,,, sNa mEi stOry diN c em,,,

      Delete
    2. Si Em tsaka si Pearl :-)

      Delete
  3. hwAhuhU, tApos n,,, miXed eMotiOn aq ngAun,,,

    nKKiLig c jLoRd,,, he is sOmethiNg tLgA kyA cGe na pyAg n aqNg cLa n tLgA ni eLL,,,

    pRa sKen n Lng tLgA c eM,,,

    ReplyDelete
    Replies
    1. ako din, nainlove din yata ako sa character ni emjhay! pero mas happy ako dahil nagkatuluyan sina jaylord at ellaine! ayiiiieh~

      Delete
  4. oh my god,, anhg kilig kilig nito ms, author,

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihihi.. Kamsahabnida(thank you) minah! ♥♥♥

      Delete
  5. ngayon lang ako ngkatime kaya late na ko.. hehehe

    i thought talaga at first, eh si emjhay ung hero nya.. di pala.. hehehe.. parang si hiro si emjhay dito.. and i soo like him!! hahah.. bias ako lagi eh.. i dont know bah.. lagi ung hindi nakakatuluyan ng heroine ung nagugustuhan ko.. hahah..

    Jaylord.. the handsome pokerface and gangster!.. and he's super duper uber sweet nung ending!! gosh!! sana ako na lang yung girl!!! hahaha..

    i love this ate!! and ung my ever favorite song ko pa talaga ung background music.. parang naiiyak na ako.. hahaha.. ang drama ko talaga.. one-shot lang to pero feeling ko ilang time machine ung sinakyan ko.. hahaha.. parang lahat nandito na.. mei laman talaga yung story ate!! love love love this! ^______^

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^