Monday, April 1, 2013

My Last Rose : Chapter 4

Chapter 4

[ JAYLORD’s POV ]

Continuation of flashback...


2011, June

Two weeks na simula ng magsimula ang klase. Third year na ko. Kailangan kong pumasok dahil ‘yon ang pangako ko kay mama. Kalalabas ko lang ng village namin ng mula sa malayo ay makita ko si Ellaine. Babalik na sana ko gaya ng nakasanayan ko kapag nakikita ko siya, pero napahinto ako ng mula sa kung saan ay may yumakap sa balikat niya na lalaki. Kumunot ang noo ko. Nagsalubong ang mga kilay ko. On instinct ay gusto ko siyang lapitan, pero ewan ko ba. Mas pinili kong magtago sa isang puno. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila.


“Sino ang lalaking ‘yon?”


Nakita kong pinalo ng bag ni Ellaine ang lalaki at inis na nagmartsa palapit sa gawi niya. Shit! Anong ginawa niya kay Elle?


“Miss!” Hinabol siya ng lalaki. “I’m just kidding. Totoong may ahas kanina. Hindi ko naman kailangang gamitin ang ahas na ‘yon para makalapit sa’yo. Saka nakita kong natakot ka talaga kanina. Edi sana, sinabi kong wala naman talagang ahas. Ikaw naman kasi.”


May ahas na namang nasalubong si Elle?! Bakit ba lagi siyang nakakasalubong ng ahas?


Huminto si Elle at nilingon ang lalaki. At dahil malapit sila sa pwesto ko, naririnig ko na sila. “At bakit ako?”


“Tama bang isipin mo na pinagtripan lang kita kanina? Ako na nga yung nagmagandang-loob, ako pa yung masama.”


“Sorry. May tao lang kasing madalas akong pagtripan ng mga kalokohan niya kaya naisip kong pinagtripan mo lang ako kanina.”


Alam kong ako ang tinutukoy niya.


“Sino siya?”


“Wala. Thank you nga pala. Sobrang takot talaga ako sa ahas.”


Alam ko ‘yon. Alam na alam.


“You’re welcome, miss.”


“Sige, mauna na ko.”


“Ingat ka.” Pero maya-maya ay tinawag uli ng lalaki si Ellaine. “Miss!”


Mas lalong kumunot ang noo ko.


“Bakit?”


“I’m Emjhay. Bagong lipat lang ako dito sa village na ’yan. Dyan ka din ba nakatira?”


Samin din pala nakatira ang lalaking ‘to.


“Oo.”


“Anong name mo?”


Mukhang kursunada pa ng lalaking ‘to si Elle.


“Ellaine.”


At sinabi pa talaga niya ang pangalan niya. Kung kasama kaya niya ko ngayon, hindi siguro mangyayari ‘to. Kung sana lang...


“Nice to meet you, Ellaine. Mag-ingat ka na susunod ng makita mo kung may ahas kang masasalubong. Ang sabi kasi ng neighbor namin, madalas daw talagang may makitang ahas sa gawing ‘to. Sabagay, puro damo kasi.”


“Alam ko. Thank you uli.”


“Your welcome, Ellaine. Dadaan pa kasi ako sa grocery kaya hindi kita masasabayan.”


At may balak pa talagang sabayan si Ellaine.


“Okay.”


“Ingat!”


Nang umalis na si Elle at ang lalaki, saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Lumingon ako sa gawing pinuntahan ng lalaki.


“I will watch you from now on.”


Nilingon ko naman si Elle, likod na lang niya ang nakita ko bago siya lumiko at nawala sa paningin ko. Simula ng magkasagutan kami, hindi pa kami nag-uusap. She tried to talk to me. Pero ako ang umiiwas. Hindi pa ngayon. Ngayong magulo ang buhay ko.


Days passed...


Gaya nga ng sinabi ko, lagi kong babantayan ang bawat galaw ng lalaking ‘yon. Pauwi na siya ng mai-spotan ko siya. Gabi na no’n. Malapit ako sa school. Pero bago ‘yon, hindi lang siya ang nakita ko. I saw Elle. Nag-aantay siya ng jeep pauwi. Nang may mapansin akong lalaking lumapit sa likuran niya at may kung anong hinablot sa leeg niya.


“Magnanakaw!” sigaw ni Ellaine.


Hinabol ko agad ang magnanakaw. “Hoy!” Napalingon sakin ang magna habang tumatakbo. Hindi siya huminto. Binilisan ko ang takbo ko. Naabutan ko siya. Ako pa! Binigyan ko agad siya ng flying kick sa mukha. Syempre, magaling ako. Napatumba ko siya. Eh mukhang bagito yung magnanakaw. Natakot ata. Hinagis sakin yung bagay ng kinuha niya kay Elle at kumaripas ng takbo.


“Gago ka pala, eh! Magnanakaw ka tapos tatakbo ka!”


Kinuha ko sa kalsada ang bagay na hinagis niya. Necklace ‘yon ni Elle. Necklace na bigay ng papa niya. And I know how important that necklace is.


Kumunot ang noo ko ng matanaw kong paparating ang isang lalaki. Ang Emjhay na ‘yon. Nagtago ako sa isang poste. Lumagpas siya sa pwesto ko. Parang may hinahabol siya. Hindi kaya yung magnanakaw?


Napatingin ako sa necklace na hawak ko. May sinitsitan akong bata na malapit sakin. Lumapit siya. Kumuha ako ng ten pesos sa bulsa ng pantalon ko. “Etong ten pesos. Nakita mo ‘yong lalaking ‘yon na naka-puti?” Sabay turo kay Emjhay.


“Oo, kuya.”


“Tanungin mo kung hinahabol niya yung magnanakaw kanina. Pag sumagot ng oo. Ibigay mo ‘tong kwintas. Sabihin mong nahulog ng magnanakaw kanina. Iyon lang ang sasabihin mo at umalis ka na. Maliwanag ba?”


“Oo, kuya. Areglado!”


Tumakbo na ang bata palapit kay Emjhay. Nagtago naman ako sa pinagtaguan ko kanina hanggang sa makita kong tumakbo pabalik si Emjhay. Pasimple ko siyang sinundan. At nakita ko si Elle na nakaupo sa kalsada at umiiyak. Nilapitan siya ni Emjhay. Hanggang sa makita kong niyakap ni Elle ang lalaki. Hanggang do’n na lang ang nakita ko dahil umalis na agad ako. Ayokong makitang umiiyak si Elle. At ayokong makitang may lalaking iba, maliban sakin na nakakalapit sa kaniya ng gano’n.


Tumingala ako sa langit habang naglalakad. Mukhang nakahanap na si Elle ng bagong niyang tagapag-tanggol, ah.


Tama ‘yan. Hindi na siguro niya ko kailangan. Tama lang na umiwas ako sa kaniya. Wala naman akong ginawa para sa kaniya kundi ang pagtripan siya. Tama lang ‘to para saming dalawa.


Pero kahit sinabi kong iiwasan ko na siya, hindi ko naman mapigilan ang sarili kong bantayan siya. Ewan ko ba. Kahit saan ako tumingin, siya ang nakikita ko. Hindi lang siya, dahil lagi kasama niya si Emjhay. Ang Emjhay na ‘yon na wala ng ginawa kundi ang patawanin siya.


Kasama ko ang mga tropa ko sa frat ng makita ko siyang nakaupo sa bench at nakayukyok sa mesa. At natutulog. Nasa ilalim ‘yon ng punong mangga. Medyo mainit na sa pwesto niya. Napailing ako. Pinauna ko ang tropa ko. Nang malayo na sila, saka ako lumapit sa natutulog na si Elle.


Umupo ako sa mesa at pinagmasdan siya. Ilang segundo lang ng sawayin ko ang sarili ko. Napapailing na ko sa ginagawa ko. Para kong tanga. Tumayo ako at kinuha ang jacket na nasa tabi niya. Ipinatong ko ‘yon sa balikat niya na medyo naiinitan na.


“Thanks, Emjhay.”


Napahinto ako sa sinabi niya. Napagkamalan niya kong si Emjhay.


Ano bang sabi ko sa’yo, Jaylord? Hindi ka na niya kailangan. May pumalit na sa pwesto mo sa buhay niya. Wag mo na kasi siyang lapitan. Yan tuloy ang napala mo. [other self]


Lumipas ang araw.


Hindi ko na nga siya nilalapitan ng hindi niya alam, pero hindi ko naman maiwasang gawin ang mga bagay na nakasanayan kong gawin sa kaniya.


Nakatambay kami ng mga tropa ko sa corridor. Nang mapansin ko si Emjhay na padaan sa harap namin. May kausap siya sa phone.


“Hintayin mo na lang ako. Wag kang sumugod sa ulan. Baka tuluyan kang lagnatin.”


PAUSE.


“Kaya nga hintayin mo ko.”


PAUSE.


“Wala.”


PAUSE.


“Ako ng bahala sa payong. Manghihiram na lang ako dito.”


Hindi ko na kailangang malaman kung sino ang kausap niya. Si Elle ‘yon. Hindi pa rin talaga siya marunong magdala ng payong. At ang lakas ng ulan sa labas. May dumaang estudyante sa harap ko na may dalang payong.


“Tara nga dito.”


“B-bakit po?”


“Nakita mo ‘yong lalaking naka-blue na ‘yon na may kausap sa phone niya?”


“Opo.”


“Ibigay mo ‘yang payong mo sa kaniya.”


“Hah? W-wala akong—”


“Nagrereklamo ka ba? Etong fifty pesos. Bumili ka ng bagong payong mo.”


“O-okay.”


“Bilis na. At wag mong sasabihing ako ang nag-uto sa sa'yo na ibigay ang payong mo.”


Nagmamadaling hinabol ng lalaking inutusan niya si Emjhay.


“Ano na naman ‘yan, tol?” tanong ng mga kasama ko. “Siguro si El—”


“Shut up!”


They just grinned.


Hayyy... Jaylord. Iniiwasan mo nga siya. Hindi mo nga siya nilalapitan. Pero hindi mo pa rin mapigilan ang sarili mong mag-alala. [other self]


Hindi ko talaga mapigilan. Dahil nasundan pa ‘yon.


Kumakain ako ng mga tropa ko sa canteen ng school ng makita kong pumasok si Ellaine at may binili. Alam ko na ang susunod na mangyayari. Nakita kong nilapag niya ang wallet niya. Gawain na niya ‘yon kapag bumibili siya. Maya-maya ay umalis na siya. At ang kawawang wallet, naiwan. Tumayo ako at kinuha ang wallet niya bago bumalik sa mga tropa ko. Kinuha ko ang bag ko.


“Ano na naman ‘yan?”


“Uyyy...”


“Umiibig...”


“Mula sa malayo…”


“Ouch!”


Tiningnan ko sila ng masama. “Ang dami niyong alam! Tara na nga!” Lumabas na kami ng canteen at tumambay sa ilalim ng puno ng mangga. Nakita ko si Ellaine na naghahalungkat sa bag niya. Mukhang alam na niyang nawawala ang wallet niya. Natanaw ko na rin si Emjhay. May nerd na dumaan sa harap ko.


“Hey!” Parang ayaw pa nga niyang lumapit. “Wala akong gagawin sa’yo, okay. Pero baka mero’n na kung hindi ka pa lalapit sakin ngayon.” Saka lang siya lumapit. “Nakita mo ‘yong lalaking ‘yon? Yung naka-checkered na polo?” Tumango ang lalaki. “Ibigay mo ‘tong wallet sa kaniya. Ang sabihin mo, nakita mo ‘to sa canteen na naiwan ng babaeng lagi niyang kasama. Wag na wag mong sasabihing ako ang nagpabigay nito. Gets mo?”


“O-oo.”


“Kilos na.”


Nakita kong lumapit ang nerd na lalaki kay Emjhay at binigay ang wallet. Lumapit naman si Emjhay kay Elle at binigay ang wallet. Mukhang tinanong niya kung sa’n nakita ang wallet dahil tinuro ni Emjhay ang nerd na malapit samin. Lumingon si Elle. Sa gawi namin. Nagtama ang mga mata namin.


“Pare, ba’t kasi hindi mo pa siya lapitan? Puro tanaw ka na lang.”


Hindi ko pinansin ang barkada ko. “Tara na.” Umalis na kami.


“Bakit nga pare?”


“Oo nga. Bakit nga?”


I sighed. “Dahil ayokong mangyari sa kaniya ang nangyari sa girlfriend ni Paul.” Ang isang tropa namin ang tinutukoy ko. May mga kaaway kasi kaming frat na nandadamay ng iba. At nadamay ang girlfriend ni Paul sa away na nangyari two weeks ago.


Natahimik ang mga tropa ko.


“Kaya ngayong alam ninyo na, wag ninyo na kong kukulitin ng tungkol sa kaniya.”


It’s better to be safe than sorry.


2011, October


Nasa bahay ako. Inilibot ko ang tingin sa kwarto ni mama. Ngayon lang uli ako nakapasok dito simula ng mamatay siya. Umupo ako sa sahig at sumandal sa dingding. Naalala ko no’n. Kapag pinapagalitan niya ko, hindi ako nagso-sorry. Ang ginagawa ko, sinusulat ko sa papel ang salitang ‘I’m sorry, mama’ saka ko ilalagay sa ilalim ng unan niya kapag wala siya sa kwarto.


Gusto kong mag-sorry sa kaniya. Dahil bago siya nawala, gustong niyang tanggapin ko daw ang papa ko. Na hindi ko ginawa. Hindi gano’n kadali ‘yon para sakin. Kumuha ako ng papel at sinulat ang salitang ‘sorry’. Alam kong kabaliwan ‘tong ginagawa ko. Pero gusto kong gawin ‘yon ngayon. Lumapit ako sa kama at inilagay ang papel sa ilalim ng unan ng may makapa ako.


Kumunot ang noo ko ng makuha ko ‘yon. “Ano ‘to?” Binuklat ko ang papel at nalaman kong sulat ‘yon. Sulat ni mama sakin.


Jaylord, my unico hijo

Alam kong hindi na ko magtatagal. Sinabi na sakin ng doctor. And you have all the right to know the truth.  I’m sorry for lying about your father. The truth is, hindi niya tayo iniwan. I’m the one who leave him. Parang teleserye ang buhay naming dalawa. Hindi ako gusto ng parents niya. He chose me over his parents, over their wealth. Pinaglaban niya ko. Maimpluwensya ang pamilya niya kaya bawat kilos namin, alam nila. Hanggang sa hindi ko na kayang nakikita siyang nahihirapan ng dahil sakin. Hindi siya sanay sa hirap. Ipinanganak siyang nakukuha ang gusto niya. Pero tiniis niya ang lahat ng ‘yon para sakin. At kaya ko ring tiisin ang lahat para sa kaniya. Alam kong hindi rin kami mabubuhay ng tahimik. Iniwan ko siya. I left him a note. Sinabi kong hindi ko na kaya. Na sumusuko na ko. Na wag na niya kong hanapin. Hindi ko pa alam no’n na pinagbubuntis na kita. Pero hindi naging dahilan ‘yon para bumalik ako sa kaniya. Alam kong hahanapin niya ko kaya nagpakalayo-layo ako.

Naging mahirap sakin ang lahat. Pero tiniis ko. Para sa’yo. Nagsikap ako para mabuhay kita. Nang magsimula kang magtanong kung nasa’n ang papa mo, I lied to you. Sinabi kong patay na siya. Gusto ko ng kalimutan ang nakaraan ko at magsimula ng buhay kasama ka.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Alam mo naman ang sakit ko sa puso. Nang sabihin sakin ng doctor na hindi baka hindi ko na kayanin kapag inatake uli ako, ikaw ang unang naisip ko. Paano ka kapag nawala ako? Ayaw ko man, napilitan akong hanapin ang papa mo. I finally contacted him. Alam mo ba ang nalaman ko? Wala pa rin siyang pamilya. Nang umalis ako, hindi siya bumalik sa magulang niya. Nagsikap siya. Nagtagumpay siya by his own. Para kung sakaling mahanap niya na ko, hindi ko na daw maiisipang iwan uli siya. Yes, anak. Hindi pa rin siya tumitigil sa paghahanap sakin, satin.

Kung hindi ko kaya siya iniwan no’n, siguro masaya na tayo ngayong tatlo. It’s my fault, naging duwag kasi ako.

I’m so sorry, son. Will you forgive me pag nabasa mo ‘to? Kalabisan na ba kung hihilingin kong tanggapin mo ang papa mo? Iyon na lang ang huling hiling ko sa’yo. Mapagbibigyan mo ba ko?

I’m sorry, too, son, for leaving you soon. I love you so much kahit napakapasaway mo. Mag-aral kang mabuti. Okay lang na bumarkada ka, basta wag mong pababayaan ang pag-aaral mo. Okay?

At isa pa. Take care of Ellaine. Don’t leave her like what I did to your father. I love you, son.

Your number one Mama



Hindi ko namalayang pumapatak na ang luha ko. Alam ko na ngayon ang totoo. Alam ko na. Hindi kami iniwan ni papa.


“Promise, Ma. I will take care of Elle. I will not leave her. Kahit malayo ako sa kaniya, kahit hindi ko magawang lumapit sa kaniya. I will make sure na lagi akong nandyan para sa kaniya.”


Kinuha ko ang phone ko at idinial ang isang number na naka-save do’n.


“Hello.”


“It’s me, Papa.”


Matagal bago siya sumagot. “Son.”

= = =

2 comments:

  1. My gOodnEss,,, khApOn nbitiN aq s pAgbbSa dHiL pinA2Log n aq ni mAmA,,, ngAun nai2Loy q nA,,,

    ReplyDelete
  2. nkkGuLat aNg mgA gnWa ni jLOrd prA kEi eLL,,, sO ibiG sbHin LHaT nG pAmpOgi pOints ni eM, c jLOrd LNg diN pLa aNg 2muLoNg,,,

    aY nhihirApAn n aqNg mMiLi kUn cNo kAy na jLoRd at eM aNg mAs bgAy kEi eLL,,, pAno kYa uN,,,

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^