Chapter 6
[ EMJHAY’s POV ]
Natatawa pa rin ako
habang nakasunod ang tingin ko sa papalayong si Jaylord. Nang maalala ko si Ellaine.
Bumalik ako sa bench na inupuan nila kanina ni Pearl. Pero wala siya. Hmm...
Nasa’n kaya ‘yon?
Kakaiba naman kasi
‘tong si Jaylord. Ubod ng ewan. Tsk…tsk... Pwede namang sabihing hindi siya pwede.
Kahit hindi ko narinig ang pag-uusap nila kanina, malamang may sinabi siyang
nakakainis kaya umiyak si Ellaine. Hayyy... kawawang Ellaine. Mapasaya nga.
Pero bago ‘yon,
hahanapin ko muna siya. Nasa’n kaya siya? Hindi kaya umuwi na? Hmm... Tinawagan
ko ang phone niya. Maya-maya ay sinagot na niya.
“Bakit?”
“Nasa’n ka?”
“Kumakain. Bakit?”
“Libre mo ko. Nagugutom ako.”
“Tara dito.”
“Sa’n?”
“Hulaan mo.” Iyon lang at pinatayan na niya ko
ng phone.
“Aba’t binabaan ako, ah. Humanda sakin ang laman ng wallet niya.
Uubusin ko ang laman no’n.” Napapailing na binulsa ko ang
phone ko at lumabas ng campus namin. Alam ko kung nasa’n siya ngayon. Yung
favorite niyang kainan sa tapat ng school. At do’n ko nga siya nakita. At busy
siya sa pagkain.
Nagpangalumbaba ako sa
mesang kinakainan niya. “Umiyak ka?”
“Hindi.”
“Ba’t namumula ang mata mo?”
“Napuwing ako kanina habang papunta dito.”
“Ows? Mas gwapo at mas ma-appeal ako kay Luhan mo pag
nagsinungaling ka.”
Tiningnan niya ko ng
masama. “Fine.”
Natawa ko. “Basta si Luhan,
napapaamin kita. Ano bang nangyari?”
“Si Jaylord kasi, eh.”
“Oh! Oh! Wag kang iiyak dito. Konti pa lang ang audience. Paramihim
muna natin.”
“Sira!” Ilang saglit siyang natahimik. “Emjhay.”
“Yes?”
“Can you be my escort on my birthday?”
I smiled. “Sure na sure.”
“Talaga?”
Tumango ako. “Kahit second
option lang ako.” bulong ko.
“Ano uli ‘yon?”
“May surprise kako ko sa birthday mo.”
“Ano ‘yon?”
“Surprise nga, eh.”
Ngumiti siya.
Napangiti na din ako.
= = = = = = = =
[ ELLAINE’s POV ]
2013, March 31
This is the day that
I’m waiting for. It’s my 18th birthday. Sa clubhouse ng village
namin gaganapin ang debu ko.
“Ready?” nakangiting tanong ni Emjhay
sakin ng marinig ko ang mc na pinakilala na ko. He looked handsome in his suit.
Nakangiting tumango
ako. Kumapit ako sa braso niya at sabay naming hinarap ang mga tao. Nakangiting
inilibot ko ang tingin ko sa paligid. It was all perfect. Puro blue ang
paligid. I so loved blue. Pati nga gown ko blue, eh. Kakaiba nga daw ‘tong debu
ko. Ang common motif kasi is pink. Gusto ko unique. Nagkataon pang blue ang
favorite color ko.
My relatives, friends
and classmates were here. Pero bakit parang may kulang?
“Hey.”
Napalingon ako kay
Emjhay.
“Smile.” bulong niya sakin. “It’s your
birthday. You should enjoy.”
I did.
Parang ang bilis nang
pangyayari. From eighteen candles, eighteen gifts, hanggang sa eighteen roses
na. From my first rose up to my seventeenth rose. And now it’s time for my last
rose.
“Ellaine’s
eighteenth rose, Mr. Emjhay Daza.”
Nakangiting lumapit si
Emjhay sakin. Pinalitan niya ang pinsan ko. Inabot niya sakin ang rose na hawak
niya. “Your
last rose.”
Yes, my last rose.
Nakangiting inabot ko ‘yon bago niya ko isayaw. “Thanks for keeping your promise.” Talagang
inaraw-araw niya ang pagbibigay sakin ng
rose hanggang makumpleto niya ang eighteen, at ‘yon ang rose na kabibigay lang
niya ngayon.
“Yun nga lang ang gift ko sa’yo, eh.”
Natawa ako. “Ang kuripot mo
talaga kahit kailan.”
“Eighteen roses din ‘yon, ah. Ang mahal kaya ng bili ko do’n.”
“Nagrereklamo ka na nang lagay na ‘yan?”
He smiled. “Hindi naman,
nagpapaliwanag lang.” Sumeryoso ang mukha niya. “You look dashing, Ellaine.”
Hindi ko mapigilang
matawa. “Dashing
ka dyan!”
“Oh! Mukha ka kasing lalaki ngayon, eh.”
I pouted. “Nakakainis
ka!”
Natawa siya. “Joke lang.
Ehem! Ehem! You looked beautiful tonight, Ellaine. Lalo na kapag ngumingiti at
tumatawa ka.”
I smiled. “Ehem! Ehem!
You looked cute tonight, Emjhay.”
“Yes! Tinawag mo na kong cute! Magandang pabaon ‘yan pagpunta ko
ng States.”
“Don’t forget to contact me, okay?”
“Sure. Everyday.” He winked.
“I will miss you, Emjhay. Thanks for everything that you had
done for me. Thanks for making me smile. Thanks for the corny jokes. And thank
you for the friendship.”
He smiled. “Basta ikaw,
Ellaine. Nanginginig pa.”
= = = = = = = =
“Hah? Sa’n tayo pupunta?” tanong ko ng akayin
ako nina Emjhay at Pearl paalis. Halos kakaalis lang din ng mga bisita ko.
“May surprise kami sa’yo, sis.”
“Hindi pa ako nakakapagbihis.”
Suot
ko pa kaya ang gown ko.
“Okay lang ‘yan.” sabi ni Emjhay.
“Hindi pa ko nagpapaalam kay mama.”
“Alam ng mama mo.” sabi ni Pearl.
“Hah? Sa’n ba kasi tayo pupunta?”
“Ang dami mong tanong, sis. Tara na sabi.”
Hinila na nila ko palabas ng clubhouse.
“Sa’n ba kasi tayo pupunta?” tanong ko na
naman habang naglalakad kami sa gitna ng kalsada sa village namin.
“Shhh...ang ingay mo, sis.”
“Mamaya ka na magtanong.” dugtong ni Emjhay.
“Para naman kasi tayong ewan sa itsura natin. Naglalakad tayo
habang naka-gown at suit sa hating gabi dito sa village.”
“Past eleven pa lang.” sabi ni Emjhay.
“Ang cute nga natin, eh.” sabi
ni Pearl.
“Malapit na pa lang matapos ang birthday ko.”
“Pero bago ‘yon, may kailangan ka munang puntahan.”
Huminto sila kaya napahinto din ako, May kinuhang panyo si Emjhay. Itinakip
niya ‘yon sa mata ko.
“Para sa’n naman ‘to?”
“Maglalaro tayo ng hide and seek.”
sagot ni Pearl.
“At ikaw ang taya.” dugtong ni Emjhay.
“Mga sira!”
Inalalayan nila kong
maglakad. Maya-maya ay huminto na kami. Kumunot ang noo ko ng may maamoy ako. “Ano ‘yong
mabangong naaamoy ko?”
“Ako lang ‘yon, sis.”
“Tse! Amoy bulaklak, eh.” Suminghot pa ko.
“Masinghot mo ko, Ellaine.”
“Isa ka pa, Emjhay. Bagay talaga kayo ni Pearl.”
“Kung naging kamukha lang niya si Luhan, bakit hindi?”
“Eh, paano ba ‘yan, Pearl? Mas gwapo ako sa kaniya.”
“Magugunaw ang mundo bago mangyari ‘yon. Don’t worry, cute ka pa
din naman.”
Napangiti na lang ako
sa pag-uusap nila. “Pwede ko na bang tanggalin ‘tong piring ko?”
“Goodluck, sis!”
“Enjoy your night. Ellaine.”
“Nakakainggit ka naman, sis. Sana ako din.”
“Tayo na lang, Pearl.”
“Magpa-plastic surgery ka muna.”
“Puro ka, Luhan. Tara na nga.”
“Hoy! Sa’n kayo pupunta?” May kung anong
inilagay ang isa sa kanila sa kamay ko. Kumunot ang noo ko ng makapa kong papel
‘yon. Akmang tatanggalin ko na ang
piring ko ng pumailanlang ang isang kanta.
Ano ba talagang
nangyayari? Extended ba ang party ko? Hindi na ko nakatiis. Tuluyan ko ng
tinanggal ang piring ko. Para lang mapanganga sa makikita ko. Kasabay ng
panlalaki ng mata ko.
“Oh...my...God...”
Nandito ako sa
bakanteng lote. Ang tambayan namin ni Jaylord. At dahil maliwanag ang buwan
kahit walang ilaw, kitang-kita ko ang paligid. Kaya pala may naaamoy akong
bulaklak kanina dahil punong-puno ng petals ang paligid ko kasama ng
tinatapakan ko. Pinagsamang white and red rose petals.
“Baka
gusto mong isara ang bibig mo.”
=
= =
NkKaiNLuv tLgA c eMjhAy,,, pWede bNg skEn n LNg xAh,,, uwAaah,,, aq mkkSaMa niA s stAtes,,, pbyAaN n ntiN c eLL kEi jLOrd,,,
ReplyDelete