Monday, April 1, 2013

The Casanova Sisters : Chapter 14

CHAPTER 14

~ Ondrea's POV ~



Lalala~  ang saya ng date namin ni Jayvee ^___^
Pagdating ko sa bahay, nakita ko si Brianna na karga si Mimi at paakyat na sana ng hagdan.
Tinignan nya ako -- as usual no emotions. Straight face lang.

"You're here." she said.

"Wala walaaa.. wala ako dito!" I said, laughing.
She rolled her eyes at umakyat na..

It's official. Papakainin ko sya ng isaw, addidas tsaka nung betamax next time. BWAHAHA siguradong mandidiri yun..  >:)


///

~ Thursday @SOUTH APEX HIGH


Kasama ko ngayon sina Mikee at Joan.. wala kasi si Brianna. Ewan ko kung nasaan na…

“Oh Drea, ano na nangyari sa date nyo ni papa Jayvee?? successful ba?” Si Mikee mukhang excited kasi alam nyang magku-kwento ako.

“Oo nga~ ano nangyari? Naku alam mo ba Drea…..asdfghkl--”
tinakpan ni Mikee agad yung bibig ni Joan.. hindi ko tuloy naintindihan sinabi niya ~__~

“Bakit mo tinakpan yung bibig ni Joan, Mikee? you’re so bad >o<” I told her.

“Eh?? wala wala!! so anu na nangyari sa date nyo ni papa Jayvee?” sabi nya..


At ayun kinuwento ko na nga sa kanila yung nangyari sa date namin ni Jayvee. Mula dun sa dinner date, pagbili namin ng couple suit.. then sa pagsakay namin ng rides sa amusement park.. tapos ung pagligtas nya sakin sa mga mukhang unggoy. pati ung pagkain namin ng street foods ^____^


“KYAAAAAAAAAAAHHHHH~ napaka-swerte mo naman Drea! Sana ako nalang yun..” -Mikee
 kilig na kilig sya. Hala teka ako din kinikilig mwahahah! :"">

“Wag kang mangarap Mikee.. hindi ka magugustuhan ni Jayvee” - Joan

“Pareho lang tayo! XD” - Mikee

“May sinabi ba ako? Basta ako kay Andrew lang~ *O*” - Joan

Edi sya na may gusto kay Andrew.. mwahaha mula nung nagkita sila sa Cevahir, wala na syang bukang-bibig kundi si Andrew.  I-reto ko kaya ito? Si Andrew kasi ang ka-close ko sa barkada ni Bryan eh :))


***

Habang naglalakad kami papunta sa room naminm nakita ko si Bryan. Ganun pa din sya.. gwapo pero parang may mali sa mukha nya.. ay rephrase! may mali sa facial expression nya >__< 

“Bryan, okay ka lang ba?” I asked him nung nilapitan ko sya.

“Okay lang naman Ondrea” He said coldy.

Bakit ganun na siya sakin? Dati pag nakikita nya ako, may babe pa sya.. bakit ngayon wala na?

 Nagbuntong hininga nalang ako. “Ah okay. Sige una na ako…”

“Drea , WAIT!” - Bryan

“why?”

“pwede magtanong?”

“Ano yun?”

I-aask nya ba ko kung gusto ko sya? Kyaaaah~ I'm so kinikilig X"D kaso hindi pwede kasi my dare kami ng evil sister ko. Kasi naman na dare to eh.. Kung hindi lang talaga gwapo, gentleman, mabait, second crush -- as in worth it si Jayvee, hindi ko toh gagawin -.- 

“Totoo ba?” he asked.

Alin ang totoo? Na-crush kita? OO Bryan crush kita.. yiieee :"> para na akong baliw na kinikilig mag-isa :)))
  

“Totoo ba na ano?”

“nag-date kayo ni Jayvee kagabi?” aaah paano niya nalaman? Nakakainis naman

“aah-eeehhh…” hindi ko alam sasabihin ko :|

“Ano Ondrea? Totoo ba?”  

waaaah nararamdaman ko na ung sobrang lamig. COOLLD nya~ >o<

“OO! HAPPY?” yan nalang nasabi ko sakanya kasi totoo naman.. ayoko magsinungaling sa kanya

“Haaay. sige una na ako” at biglang umalis si Bryan


Biglang lumapit sina Joan and Mikee at tinap ang shoulder ko.


“Girl, kawawa naman si papa Bryan.” sabi ni Joan

“Oo nga.. ang lungkot ng aura nya :(” - Mikee

“Paano nalaman ni Bryan na nag-date kami ni Jayvee kagabi? Sinabi niyo ba?”

“hindi ah.. bakit naman namin sasabhin? Hindi pa nga namin sya nakakausap eh!” - Mikee

“oo nga.” 

“Drea sikat ka.. yung dinate mo lang naman eh hearthrob dito sa campus. Malamang may nakakita sa inyong mga bubuyog.” Mikee rolled her eyes. Oh baka mawala mata mo nyan ah XD

“waaaaah ayoko na! Pwede bang umatras sa dare??  Panalo na si Bri?”
Kapag narinig ito ni Brianna siguradong sasabunutan nya ako ng todo.. eh kasi hindi naman DAW ako ganito eh.. lalo na pagdating sa mga boys. Coz they're just supposed to be our toys. GETS?

Waaah~ kung alam lang ni Bryan na dare lang lahat ng toh >O<

“No no no Drea honey dear… titignan natin kung sino makakakuha ng heart ni Casanova Jayvee” - Joan

“WHATEVER! OKAY FINE! TARA NA BAKA MAMAYA NANDOON NA SI MS. DRILON..”

“uyy relax girl.. are you in love with that Bryan Harris Smith? Kung maka-react ka naman kasi wagas!”
O__O nagulat ako dun sa tanong nya.

“O-Of course not.. diba ang motto namin ay..” hindi na nila ako pinatapos magsalita.

“Nothing Personal. Just for Fun” sabay nilang dalawa

“alam nyo naman pala eh.. tara na nga.”


Ayoko ng nararamdaman ko. This is hell :|


***

BRYAN’S POV

Habang naglalakad ako sa hallway ng school para sunduin si Annie sa club room nila, bigla akong may narinig na mga babae na nagchi-chismisan…

“hoy mga dre, narinig nyo na ba ang latest?” chismosa 1

“hindi pa.. anu yun?” c2

“Ay ang hihina naman ng sagap nyo. Taasan nyo nga yung subscriptions nyo sa magazines, wifi tska sa cable.” c1

“Aba'y sorry naman! Ano nga kasi yun? excited na ako..” c3

“Si Ondrea daw at Jayvee nag-date kagabi..” c1


O__O ano daw? Paki-ulit baka names-understand ko lang…


“totoo ba yan? Paano mo nalaman? Ang tinik talaga ni ondrea pati yun nakuha niya” c3

“oo totoo. Nakita daw sila ng friends ko na nagdate sa Sala Restaurant kagabi.” c1

"Lamang na ata si Ondrea kay Brianna.. Ano ba yan! Baka masayang ang 1thou ko."

"JAYBRI pa din ako."

"ONVEE FTW!"


Waaaaah tangina! May kaagaw na talaga ako sa Drea babes ko .Para akong pinag-bagsakan ng langit at lupa. :(

.

.
.
After ko marinig galing sakanya yung gusto kong malaman, umalis na ako para puntahan si Annie. Totoo pala na nagdate sila..  shit naman kasi. Oo playboy ako.. maraming babae pero shit lang sa kanya ako tinamaan ng ganito. napaka-torpe ko sa kanya…

Tinext ko ang PBEE BOYS.  Pangalan ng grupo namin,, short for playboys… mga playboy kasi kami. Actually ngayon, sila lang hindi ako kasali

To: PBEE Boys (Martin, Andrew, Paul)
 Meet me at debris bar after school. inom tayo..sagot ko…

-message sent-



***

@ Debris Bar after school

Sakto. Buti may parking space pa. Mahirap pa naman makakuha dito nun.
After kong i-park ang aking kotse, dumiretso na ako sa loob dahil nga broken-hearted ako kay Ondrea.
Lulunurin ko nalang sarili ko sa alak para makalimot. Tangna hindi pa nga ako nagsisimula pero nasasaktan na ako ng ganito. Ayan kasi Bryan.. tatamaan ka na nga lang eh sa isang casanova pa. 


Pagpasok ko sa loob, halos lahat ng nakikita ko ay magsyo-syota. Aish shit ang gay nila….

Hinanap ko na agad yung tatlong kumag.. at ayun mabilis ko naman sila nakita…


“Brad what happened? Bakit bigla bigla kang nagtetext na my meeting? Ano ba nangyari?” Tanong ni Martin.

“Brad busted na ako.”
totoo naman diba ? busted na ako sa puso ni Ondrea. :((


“Tol totoo? Bakit mo nasabi na basted ka na? kawawa ka naman.. try ko nga manligaw kay Ondrea haha!” sabi ni Andrew
abang lokong toh.. balak pang manligaw kay Ondrea ko. Sapakan nalang kami

“ULOL! Ako nga basted eh ikaw pa kaya Andrew?”
“pinuno hindi mo sinasagot tanong  ni Andrew. Bakit mo nasabi na basted ka na kay Ondrea? Bakit nanligaw ka na ba?”
kailangan pa ba yun? Sila na kasi kusang lumalapit sakin eh

“hindi.”

“HAHAHAHAHAHAHA” nagsitawanan sila =__= bakit anung mali?

“gago ka pala pinuno eh. Hindi ka pa pala nanliligaw tapos sasabhin mo basted ka na.” - Andrew

Nilagok ko agad yung isang boteng beer na nakahanda na sa lamesa.

“brader easy. Hindi ka pa basted kasi hindi ka pa nanliligaw.” - Martin

“Paanong hindi basted ha? Martin eh nakikipagdate na nga sa iba si Ondrea.” 

“tol hindi basta basta yung nagustuhan mo. Ikaw narin ang nagsabi na isa syang perpektong tao… maganda, mayaman, yun nga lang casanova tol.. ibig sabihin madaming lalaki sa tabi-tabi. Bakit sinabi nya bang kayo na ha?” Sabi naman ni Paul habang humingi pa ng isang beer.

“Hindi.” habang nilulunod ko sarili ko sa alak

“hindi naman pala pinuno eh. Try mo muna kaya syang ligawan para malaman mo kung basted ka o hindi.. tska natural lang yun sa isang casanova katulad natin diba? Natural lang makipagdate siya sa iba’t ibang lalaki. Cheer up man! XD” -Martin

“aaaaaahhhh mababaliw na ako! Hindi ko kaya na my kasama syang ibang lalaki.”

“sino ba yung kasama pinuno?” - Paul

“Yung lalaking humila sa kanya sa Debris dati at ngayon at bagong studyante sa school naten.. si Jayvee Dy daw.”

“oww mahirap nga yan pinuno.. isa ding casanova yun.” - Andrew

“aah shit casanova din? Paano pag saktan nya lang si Drea?!”

"Baka pinaglalaruan lang nila ang isa't isa." - Paul

"Langya ang sagwa pakinggan nun Paul! hahaha. Basta ako hindi ko paglalaruan si Annie ko." sabi ni Martin.

"Annie KO talaga?!" - Andrew

Binatukan ko si Martin at napangiwi sya. "Wag mong dinadamay si Annie sa mga kalokohan mo ah -__-"

"Hindi naman eh! Eh sa tinamaan ako paki nyo?!"

Sinamaan ko sya ng tingin. ~__~

"Oh tama na. Pinuno isayaw nalang natin yan.  Dun tayo maraming chicks. Ikaw Martin wag mo daw galawin yung best friend ni Pinuno.. ahaha!” Bigla nalang akong hinatak ni Andrew sa gitna ng dance floor


Ayun ang mga mokong enjoy na enjoy sa pakikipag sayaw sa mga babae sa bar


 ***

ANDREW’S POV

  

**Friday Evening

Hanep talaga si pinunong Bryan. Lakas ng tama nya kay Ondrea. Sino bang hindi tatamaan dun eh ang ganda naman talaga nya. Kaya ko nga siya naging crush eh.. wag kayong maingay kay Bryan ha? magagalit yun patay ako. Ayoko pa mapunta sa ospital.

Oo crush ko si Ondrea matagal na. Nung nakita ko sya sa beach nun.. naniniwala ba kayo sa love at first sight?


Ako?
.

Oo simula nung makita ko ang isang Ondrea Bliss Hermosa . na-love at first sight ako sakanya >:)


Akala ko hanggang crush lang toh pero simula nung nakikita ko sya sa campus hindi na crush ang tingin ko sa kanya. Mahal ko na ata siya… ako na ata ang martyr sa lahat ng  martyr sa mundo. Pwede na akong maging santo sa ginagawa ko. Ayoko masaktan si pinuno kaya patago ko nalang minamahal si Ondrea.. ano ba naman laban ko sa kanya na halos isang taon ng may gusto kay Ondrea? Haay. Baka sakaling mawala din tong nararamdaman ko para sakanya…



Nag online ako ngayon at nakita ko si Ondrea naka-online. 

Hindi ko napansin na nakatambay na ako sa wall nya.. nakita ko nag-status sya. Ano daw ba ang signs na nagseselos?


Aba si pinuno online din at nagreply naman sya. Natatawa ako sa dalawang toh.. naghihintayan lang silang dalawa. mga manhid kasi


*bzzt


From : Pinunong Bryan

   Hoy tara ulit sa debris.

-end of message-

Aba aba. na-adik na sya sa Debris ah. Pero sabagay binibigyan kasi kami ng discount dun nung may-ari na si Zed kasi naging kaibigan na nya si Bryan.

Nagulat ako nung may nag-PM sakin. Woah.. si Ondrea??
*kusot mata* aba  totoo nga


Ondrea Bliss Hermosa --- Andrew?

 Andrew Sandoval ---- Bakit?

Ondrea Bliss Hermosa --- Gusto mo pumunta sa bahay ko? I mean sa condo ko pagluluto kita.. :)


Shit totoo ba toh? Pupunta ako sa condo nya? naku paano si pinuno? Aish may next time pa naman si pinuno eh. pero eto mukhang wala na. Kunin ko na ang grasya.. ang bait talaga ni Lord sakin.


Andrew Sandoval --- Sige… sarapan mo luto mo ha… I’ll be there in 1 hour

 Ondrea Bliss Hermosa --- Yey! Sige sige eto address ko 576 (blah blah blah)


Hindi ko sasabihin address nya. puntahan nyo pa >:)


Haha makapag status nga


Andrew Sandoval
"yes makakapunta ako at makakatikim ako ng luto ni ondrea :-)"


Hala baka magselos si Pinuno nito. Bahala na kung anu ang gagawin nya sakin.. bawal tumanggi sa binibigay na grasya noh. >:P




To: Pinunong Bryan

Pinuno hindi ako makakasama sayo kasi pupunta ako sa bahay nina ondrea. next time ako babawi

-message sent-

***

BRYAN’S POV

Nasa bahay ako ngayon at paalis ng bahay para pumunta ng Debris. Alam ko naman basta inuman hindi tatanggi ang tropa eh. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Annie sa tapat ng bahay nila at may kausap na lalaki.. ah kapit-bahay namin yan.
Mula nung lumipat si Annie sa subdivision, halos lahat yata ng kapit-bahay namin eh naging kaibigan na nya.

Lumabas ako ng gate at nung nakita nya ako, nagpaalam na sya dun sa kausap nya.

"Boypreeen! San lakad mo??" ^___^ tanong nya habang nakangiti. 
  
"Oh Girlpren. Wala naman, sa Debris lang." :) Sagot ko.

"Ohhh ok sa Debris~ ^__^ hmm... SAAN YUN?!"

o__o Akala ko naman alam nya. HAHAHA XD

"Haha! Adik Girlpren.. Sikat na bar yun dito."
"aahh!.. ahahaha sorry naman bago lang ako dito eh XD" nakisabay na din sya sa pagtawa ko.
I smiled. "Sama ka?"
"*O* reallyy pwede??"
"Oo naman. :)" 
"Yiiee ok!! Wait lang paalam lang ako kay Mommy." 

tapos kumaripas na sya ng takbo papasok ng bahay nila.. Bata bata talaga :))

///

Nagda-drive na ako papunta ng Debris. Si Annie nakasakay sa passenger's seat at kanina pa salita ng salita.. nagkukwento sya ng kung anu-ano tapos tatawa. Haha parang baliw lang eh.
Then nag-vibrate ang cp ko.



From : PBEE Andrew

Pinuno hindi ako makakasama sayo kasi pupunta ako sa bahay nina ondrea next time ako babawi




O____O anu daw? saan sya pupunta ? sa bahay ni ondrea?? bakit ano gagawin nila? Ganun na ba sila ka-close na dalawa? Ah shit yari ka sakin Andrew >_<




"--YAN! BRYAN UY!" narinig ko nalang na tinatawag ako ni Annie. Ay .. nag-uusap nga pala kami. :|

"Okaaaay ka lang?" tanong nya at halatang concern sya.

Tumango nalang ako without even looking. Wala ako sa mood ngayon.

"Sigurado ka??? :((" 

"Oo nga. Tss."

"Ah. :| " Yun nalang ang sinabi nya at humarap na sya sa may bintana.

Ay shit.. nagalit pa ata sya. Langya naman kasi Bryan!  Ang pinaka-ayaw kasi ni Annie eh yung nagiging cold sa kanya ang kausap nya kasi she immediately feels bad. 

Buong byahe ang tahimik nya.. hindi ako sanay. Wala na yung maingay na dakdak ng dakdak kanina. Haay kasalanan ko. :(




1 comment:

  1. ╭╮╱╱╱╭╮╱╱╱╱╭╮
    ┃┃╱╱╱┃┃╱╱╱╱┃┃
    ┃┃╱╱╭┫┃╭┳━━┫┃
    ┃┃╱╭╋┫╰╯┫┃━╋╯
    ┃╰━╯┃┃╭╮┫┃━╋╮
    ╰━━━┻┻╯╰┻━━┻╯
    ╭━╮╱╭╮╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╭╮╱╱╭╮╱╱╱╭╮
    ┃┃╰╮┃┃╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃╱╭╯╰╮╱╱┃┃
    ┃╭╮╰╯┣┳━━┳━━╮╭╮╭┳━━┳━╯┣━┻╮╭╋━━┫┃
    ┃┃╰╮┃┣┫╭━┫┃━┫┃┃┃┃╭╮┃╭╮┃╭╮┃┃┃┃━╋╯
    ┃┃╱┃┃┃┃╰━┫┃━┫┃╰╯┃╰╯┃╰╯┃╭╮┃╰┫┃━╋╮
    ╰╯╱╰━┻┻━━┻━━╯╰━━┫╭━┻━━┻╯╰┻━┻━━┻╯
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱┃┃
    ╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╱╰╯

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^